Home / Romance / Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage / Kabanata 14 — Ang Sikretong Kumakabog sa Gitna ng Katahimikan

Share

Kabanata 14 — Ang Sikretong Kumakabog sa Gitna ng Katahimikan

Author: Alymié
last update Last Updated: 2025-11-11 15:30:19
Bago pa man n’ya tuluyang makita ang larawan, biglang may tumawag sa telepono.

Si Vanessa.

Pagkasagot ni James, agad niyang narinig ang iyak ni Vanessa sa kabilang linya.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?", pag aalala nito.

Biglang kumabog nang malakas ang dibdib niya, at naging sobrang tensyonado ang boses niya.

Pero kahit anong tanong ni James, umiiyak lang si Vanessa at ayaw magsalita.

Wala na siyang ibang magawa kaya nagtanong siya,

"Nasaan ka? Nasa bahay ka ba? Pwede ba kitang puntahan ngayon?"

Pero bago pa niya matapos ang sinasabi, bigla ring naputol ang tawag.

Sobrang nag-alala si James. Hindi na niya inintindi na hindi pa tapos ang pinuntahang okasyon. Nagbigay siya ng ilang bilin sa assistant niya, nagpaumanhin sa mga kliyente, at umalis agad.

Kinain siya ng kaba sa pag-aakalang may masamang nangyari kay Vanessa—tila hinila ang kaluluwa niya palabas sa kanyang katawan.

Mabuti na lamang at hindi siya masyadong uminom ng alak sa kanyang pinanggalingan, kaya habang nagma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 69 — Pagkalito at Pagkamuhi

    Kinabukasan ng gabi.Maingat na nagbihis si Chloe at dumating nang mas maaga sa pribadong restaurant na kanyang ni-reserba.Ngunit pagpasok niya at makita ang mga romantikong dekorasyon sa paligid, saka niya lamang napagtanto—Araw pala iyon ng ng mga puso! Ang Araw ng mga Magkasintahan.Naramdaman ni Chloe ang biglang pag-init ng kanyang dibdib.*Kung aayain ko si Julian sa araw ng mga puso, baka iba ang isipin niya…?*Nagpareserba siya ng pinakamarangyang pribadong silid sa pinakataas na palapag na may tatlong panig na salaming mula sahig hanggang kisame, tanaw ang buong makinang na tanawin ng lungsod sa gabi.Habang lumalalim ang gabi, lalong naging tahimik at payapa ang paligid.Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Chloe, isang tawag iyon mula kay James.Sinubukan niyang i-dismiss ang tawag, ngunit dahil sa sobrang bilis ng galaw ng kanyang daliri, aksidente niyang nasagot ito.“Chloe?”Agad niyang narinig ang boses ni James. Wala na siyang oras para ibaba pa ang tawag.Halatang h

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 68 — Valentine's Day

    Nang gabing iyon, pagdating pa lamang ni Chloe sa bahay, agad niyang tinawagan si Julian.Pinagmasdan niya ang regalong pinili niya, at hindi niya mapigilang makaramdam ng pananabik.“Ano’ng nangyari?” agad na tanong ni Julian nang masagot ang tawag.Normal ang kanyang tono, ngunit hindi niya alam kung guni-guni lang niya na parang mas banayad at mas malambing ang boses ng lalaki ngayong gabi.Napakalambot nito na parang natutunaw sa bibig.“Ahm… may itatanong lang sana ako, Julian. May oras ka ba bukas ng gabi para makapaghapunan tayo nang magkasama?”Bahagyang natigilan si Julian, na para bang may hinihintay siyang marinig.Tumingin siya kay Mark na nasa tabi niya, iniabot ang kamay at hiningi ang iskedyul. Mabilis niya itong sinulyapan at nakita niyang puno ang buong araw kinabukasan.Hindi maiwasang makaramdam ng awa si Mark para kay Julian.Buong taon itong abala sa trabaho. At ngayon na mayroon na siyang fianceé, halos wala pa rin silang oras na magkasama at mas magkakilala pa.

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 67 — Patuloy na Panlilinlang at Kasinungalingan

    “Ah… Ma’am, napakamahal po nito. Hindi ko po ito matatanggap…”“Kunin mo na. Marami namang pera ang asawa ko. Palagi siyang nagbibigay ng regalo sa mga kaibigan niya ng ganito. Nakita mo naman kanina, hindi ba?”“Kung ganoon…sige po, tatanggapin ko po. Maraming salamat po!”Halos mangisay sa tuwa ang saleslady. Kanina pa niya pinapanood ang buong pangyayari at malinaw na naintindihan ang sitwasyon ng tatlo.Sabi nga ng lahat, mahirap maging asawa ng isang mayaman. Kahit na mayroon ka nang napakagandang asawa, bakit kailangan mo pang humanap ng ibang babae?Ngunit ang ginawa ni Chloe ay talagang

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 66 — Harap-harapang Kataksilan at Kasinungalingan

    “Napansin ko lang Chloe, ang pinakamurang item sa store na ito ay nagkakahalaga ng isa hanggang isa’t kalahating milyong piso. Mukhang hindi rin basta basta yang relo na binili mo. Para ba kay James ‘yan?”Nakita ni Vanessa ang shopping bag ni Chloe at agad na tumawa nang malamig.“Hindi nanganganak ng pera si James, lalo na sa sitwasyon ngayon ng kumpanya. Kung gusto mo talaga siyang pasayahin, mas mabuti pang tulungan mo siya sa mga importanteng gawain sa kumpanya. Paano mo pa nagawang bumili ng ganyang kamahal na luho?”“Sa ugali mong ganyan, kahit gustuhin pa ni James na ibigay sa’yo ang shares ng ALC Corp, paano ako magkakaroon ng kapanatagan na hindi mababalewala ang mga pagsisikap niya?”Ang mga

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 65 — Mga Katotohanan sa Likod ng Lihim na Pagtataksil

    Naka-park ang sasakyan ni James sa parking garage ng mall.Sa loob ng kotse, nakaupo si Vanessa, patuloy na pinupunasan ang luha ng hinanakit. Ngayon lang sila nagkita matapos palayasin si Vanessa sa kumpanya.Dalawang matinding dagok ang dinanas niya nitong nakaraang mga araw.Una, pinalayas siya ni Madam Aurelia mula sa kanilang bahay. Ikalawa, pinahiya siya ni Don Faustino sa kumpanya.Ilang araw nang hindi makaharap ni James si Vanessa, alam niyang nabigo niya ito.“Sige na, hon, huwag ka nang umiyak,” mahinang sabi ni James.“Sabi ko naman babawi ako. Piliin mo na lang kahit ano ang gusto mong bilhin ngayon

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 64 — Ang Bagong Opisyal na Miyembro ng Valdez Group

    “Ako si Chloe Valdez. Ako ang tunay na anak ni Mr. Alexander Valdez at ang nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Valdez, gaya ng malinaw na nakasaad sa kanyang huling habilin.”Nagkaroon ng dalawang segundong katahimikan sa conference room, saka sumunod ang marahang bulungan.Bagama’t may mga usap-usapan na noon, ito ang unang pagkakataong hayagang inilahad ni Chloe ang kanyang pagkakakilanlan sa isang pulong ng mga pangunahing opisyal. Marami pa rin ang nananatiling nagmamasid at naghihintay.Itinaas ni Chloe ang kanyang kamay bilang senyas sa assistant.“Ipamigay ang mga inihandang dokumento.”Agad namang ipinamahagi ng assistant ang mga dokumento ayon sa a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status