LOGIN"Gusto ko lang sanang sabihin na… medyo nawalan ako ng kontrol kagabi dahil sa alak. Kung may nagawa o nasabi man akong hindi maganda, sana huwag niyo nang pag-isipan ng masama, Mr. Torres."
Mahinahon ang boses ni Chloe, malumanay na parang simoy ng hangin, magalang pero may kaunting pag-iwas, at halatang may konting pag-aalala.
Hindi siya tiningnan ni Julian at malamig na nagtanong, "Ano naman ang hindi ko dapat isipin?"
"Ah, wala naman, nag-aalala lang ako…"
"Wala ka na bang ibang gustong sabihin sa akin?"
Nang makita niyang tila hindi naiintindihan ni Chloe ang tinutukoy niya, nilinaw ni Julian, "Ang buong akala ko pag nagkita tayong muli, tatanungin mo
Matagal na naghintay si Chloe, ngunit hindi pa rin dumarating si Julian.Tiningnan niya ang huling tawag sa kanyang cellphone.Dalawang oras at kalahati na ang nakalipas nang tumawag si Julian at sabihing may biglaang nangyari kaya’t mahuhuli siya.Lumapit ang waiter, halatang alanganin.“Miss, pasensya na po… magsasara na po kami.”Tumingala si Chloe, alas-onse y medya na.Patay na ang karamihan sa mga ilaw sa labas, at ang gabi ay tila walang katapusan.“Sige po, aalis na rin ako.” 
Kinabukasan ng gabi.Maingat na nagbihis si Chloe at dumating nang mas maaga sa pribadong restaurant na kanyang ni-reserba.Ngunit pagpasok niya at makita ang mga romantikong dekorasyon sa paligid, saka niya lamang napagtanto—Araw pala iyon ng ng mga puso! Ang Araw ng mga Magkasintahan.Naramdaman ni Chloe ang biglang pag-init ng kanyang dibdib.*Kung aayain ko si Julian sa araw ng mga puso, baka iba ang isipin niya…?*Nagpareserba siya ng pinakamarangyang pribadong silid sa pinakataas na palapag na may tatlong panig na salaming mula sahig hanggang kisame, tanaw ang buong makinang na tanawin ng lungsod sa gabi.Habang lumalalim ang gabi, lalong naging tahimik at payapa ang paligid.Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Chloe, isang tawag iyon mula kay James.Sinubukan niyang i-dismiss ang tawag, ngunit dahil sa sobrang bilis ng galaw ng kanyang daliri, aksidente niyang nasagot ito.“Chloe?”Agad niyang narinig ang boses ni James. Wala na siyang oras para ibaba pa ang tawag.Halatang h
Nang gabing iyon, pagdating pa lamang ni Chloe sa bahay, agad niyang tinawagan si Julian.Pinagmasdan niya ang regalong pinili niya, at hindi niya mapigilang makaramdam ng pananabik.“Ano’ng nangyari?” agad na tanong ni Julian nang masagot ang tawag.Normal ang kanyang tono, ngunit hindi niya alam kung guni-guni lang niya na parang mas banayad at mas malambing ang boses ng lalaki ngayong gabi.Napakalambot nito na parang natutunaw sa bibig.“Ahm… may itatanong lang sana ako, Julian. May oras ka ba bukas ng gabi para makapaghapunan tayo nang magkasama?”Bahagyang natigilan si Julian, na para bang may hinihintay siyang marinig.Tumingin siya kay Mark na nasa tabi niya, iniabot ang kamay at hiningi ang iskedyul. Mabilis niya itong sinulyapan at nakita niyang puno ang buong araw kinabukasan.Hindi maiwasang makaramdam ng awa si Mark para kay Julian.Buong taon itong abala sa trabaho. At ngayon na mayroon na siyang fianceé, halos wala pa rin silang oras na magkasama at mas magkakilala pa.
“Ah… Ma’am, napakamahal po nito. Hindi ko po ito matatanggap…”“Kunin mo na. Marami namang pera ang asawa ko. Palagi siyang nagbibigay ng regalo sa mga kaibigan niya ng ganito. Nakita mo naman kanina, hindi ba?”“Kung ganoon…sige po, tatanggapin ko po. Maraming salamat po!”Halos mangisay sa tuwa ang saleslady. Kanina pa niya pinapanood ang buong pangyayari at malinaw na naintindihan ang sitwasyon ng tatlo.Sabi nga ng lahat, mahirap maging asawa ng isang mayaman. Kahit na mayroon ka nang napakagandang asawa, bakit kailangan mo pang humanap ng ibang babae?Ngunit ang ginawa ni Chloe ay talagang
“Napansin ko lang Chloe, ang pinakamurang item sa store na ito ay nagkakahalaga ng isa hanggang isa’t kalahating milyong piso. Mukhang hindi rin basta basta yang relo na binili mo. Para ba kay James ‘yan?”Nakita ni Vanessa ang shopping bag ni Chloe at agad na tumawa nang malamig.“Hindi nanganganak ng pera si James, lalo na sa sitwasyon ngayon ng kumpanya. Kung gusto mo talaga siyang pasayahin, mas mabuti pang tulungan mo siya sa mga importanteng gawain sa kumpanya. Paano mo pa nagawang bumili ng ganyang kamahal na luho?”“Sa ugali mong ganyan, kahit gustuhin pa ni James na ibigay sa’yo ang shares ng ALC Corp, paano ako magkakaroon ng kapanatagan na hindi mababalewala ang mga pagsisikap niya?”Ang mga
Naka-park ang sasakyan ni James sa parking garage ng mall.Sa loob ng kotse, nakaupo si Vanessa, patuloy na pinupunasan ang luha ng hinanakit. Ngayon lang sila nagkita matapos palayasin si Vanessa sa kumpanya.Dalawang matinding dagok ang dinanas niya nitong nakaraang mga araw.Una, pinalayas siya ni Madam Aurelia mula sa kanilang bahay. Ikalawa, pinahiya siya ni Don Faustino sa kumpanya.Ilang araw nang hindi makaharap ni James si Vanessa, alam niyang nabigo niya ito.“Sige na, hon, huwag ka nang umiyak,” mahinang sabi ni James.“Sabi ko naman babawi ako. Piliin mo na lang kahit ano ang gusto mong bilhin ngayon







