Sa loob ng hotel, magulo ang kwarto.
Nagising si Vaiana na ramdam ang matinding sakit sa buong katawan. Hinilamos niya ang kanyang mukha bago tuloyang bumangon, ngunit napansin ang matangkad na pigurang nakahiga sa tabi niya.
Isang napakagwapong mukha—matangos ang ilong, malalim ang mga mata, at matalim ang mga linya ng kanyang mukha. Mahimbing pa rin itong natutulog.
Ang lalaking nakahiga sa tabi niya ay walang ibang kundi ang kanyang amo—at asawa sa papel—si Kyro de Vera.
Umupo si Vaiana sa kama, at nang dumulas ang kumot, lumantad ang ilang marka sa kanyang maputing balikat. Tumayo siya, at kitang-kita ang bakas ng dugo sa sapin ng kama.
Pagtingin niya sa oras, malapit na siyang mahuli sa trabaho. Dinampot niya ang gusot na uniporme at agad itong sinuot. Napansin niyang punit na ang kanyang stockings—ginawa niya itong bola at itinapon sa basurahan bago sinuot ang kanyang takong.
Maya-maya, may kumatok sa pinto.
Nakapaghanda na si Vaiana at bumalik sa anyo ng isang maayos at propesyonal na sekretarya. Kinuha niya ang kanyang bag at at handa nang umalis ng silid.
Isang napakagandang babae ang pumasok—ang babaeng siya mismo ang tumawag.
“Humiga ka lang sa kama at hintayin mong magising si Mr. de Vera. Wala ka nang kailangang sabihin pa.” Walang emosyon na sinabi ni Vaiana.
Saglit siyang lumingon sa lalaking natutulog sa kama. May kurot sa kanyang puso, pero pinili niyang umalis.
Ayaw niyang malaman ni Kyro ang nangyari kagabi. May kasunduan silang tatapusin ang kasal nila pagkatapos ng tatlong taong lihim na pagsasama—at sa panahong iyon, hindi sila dapat lumampas sa limitasyon.
Pitong taon na siyang personal na sekretarya ni Kyro, at tatlong taon bilang kanyang asawa. Mula noong araw ng kanilang pagtatapos, nanatili na siyang kasama nito at hindi kailanman lumayo.
Ngunit sa parehong araw na iyon, sinabi na rin ni Kyro sa kanya na ang relasyon nila ay mananatili lamang bilang amo at tauhan. Hindi kailanman maaaring lumampas sa hangganang iyon.
***
Habang nakatayo si Vaiana sa tabi ng bintana sa pasilyo, naalala pa rin niya ang nangyari kagabi. Nang hawakan siya ni Kyro, habang mahina nitong binabanggit ang isang pangalan—Althea.
Muling kumirot ang puso niya. Si Althea ang unang minahal ni Kyro at hanggayon ay mahal niya pa rin ito. Ginamit lang siya bilang panakip-butas.
Alam niya iyon. Kilala niya si Kyro. Hindi nito gugustuhing may mangyari sa kanila.
Ang kasal na ito—siya lang ang nagseryoso. Dapat na itong matapos. At ang nangyari kagabi ay maaaring ituring bilang pagtatapos ng tatlong taon nilang pagsasama.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita ang isang headline sa balita: “Rising star singer, Miss Althea, bumalik ng bansa kasama ang kanyang fiancé!”
Napakapit siya sa kanyang telepono, at ang pait sa kanyang puso ay lalong lumalim. Maging ang dulo ng ilong niya ay uminit.
Ngayon niya naintindihan kung bakit ito nalasing kagabi, kung bakit ito umiiyak habang yakap siya.
Humihip ang malamig na hangin. Mapait siyang napangiti, inilagay ang cellphone sa kanyang bag, at kinuha ang isang kahang sigarilyo.
Sinindihan niya ito, idinikit sa kanyang manipis at mahahabang daliri, at hinayaang lumipad ang usok—unti-unting tinatabunan ang kanyang malamlam ngunit napakagandang mukha.
Sa sandaling iyon, dumating si Elyse na humihingal sa pagtakbo.
“Miss Vaiana, dumating na po ang suit ni Mr. de Vera. Ihahatid ko na.”
Naputol ang pag-iisip ni Vaiana at tumingin siya kay Elyse.
Sinulyapan niya ang dala nito at sinabi, “Sandale”
Nag-alinlangan si Elyse. “May problema po ba, Miss Vaiana?”
“Ayaw niya ng asul. Palitan mo ng itim. Itali ng may plaid stripes. Plantsahin uli, siguraduhin mong walang gusot. At huwag mong gamitin ang transparent na plastic bag—ayaw niyang makarinig ng tunog ng plastik. Isabit mo na lang nang maayos sa hanger bago mo dalhin.”
Si Vaiana ay parang isang personal na butler ni Kyro—alam ang bawat maliit niyang nakasanayan, at ni minsan ay hindi siya nagkamali.
Napamulagat si Elyse. Tatlong buwan pa lang siya sa trabaho, pero ilang beses na siyang ninerbyos dahil sa presensya ni Mr. de Vera. Halos magkamali na naman siya ngayon.
Agad siyang tumakbo para palitan ang damit. “Salamat po, Miss Vaiana.”
Ngunit biglang nagmula sa loob ng kwarto ang isang galit na sigaw—
“LUMABAS KA!”
Kasunod nito, narinig ang takot na sigaw ng babae.
Makalipas ang ilang sandali, bumukas ang pinto.
Lalabas na sana si Elyse, pero namumula ang kanyang mga mata at mukhang matamlay. Napagalitan siya. At sa pagkakataong ito, mukhang talagang iritable si Kyro.
Tumingin siya kay Vaiana na tila nagmamakaawa. “Miss Vaiana, pinapatawag ka ni Mr. de Vera.”
Tinitigan ni Vaiana ang bukas na pinto. Alam niyang hindi ito magiging madali. “Sige, bumaba ka na.”
Pinatay niya ang sigarilyo sa ashtray at pumasok sa suite.
Sa pintuan pa lang, nakita na niyang magulo ang buong kwarto. Kalat ang mga gamit ni Kyro—sira ang lampshade, at ang cellphone nito ay basag ang screen ngunit patuloy pa ring nagvi-vibrate.
Ang babaeng natagpuan niya ay takot na takot, walang saplot, hindi alam kung saan tatayo, at may bakas ng kawalan sa kanyang mga mata.
Samantala, nakaupo nang madilim sa kama si Kyro. Ang kanyang pangangatawan ay perpekto—matagal na siyang nag-eehersisyo kaya malinaw ang hubog ng kanyang muscles, malapad ang kanyang dibdib, at kitang-kita ang kanyang mga pandesal sa tiyan. Ang kanyang V-line ay bahagyang natatakpan ng kumot. Kahit mukhang kaakit-akit, ang ekspresyon sa kanyang gwapong mukha ay mabigat, madilim ang kanyang mga mata, at tila nasa gilid na ng galit.
Lumapit si Vaiana, pinulot ang natumbang lampshade, saka kumuha ng isang basong tubig at inilapag ito sa tabi ng kama. "Mr. de Vera, may meeting kayo ng alas-nwebe y medya. Kailangan n'yo nang gumising."
Malamig ang tingin ni Kyro sa babae, na parang hindi siya makapaniwala sa nangyari.
Napansin iyon ni Vaiana at sinabihan ang babae, "Pwede ka nang umalis."
Nag-aalalang pinulot ng babae ang kanyang damit at agad na lumabas, ayaw nang manatili pa kahit isang segundo.
Nanumbalik ang katahimikan. Dahan-dahang inilipat ni Kyro ang kanyang tingin kay Vaiana.
Sanay na si Vaiana sa ganitong sitwasyon kaya inabot niya sa kanya ang baso ng tubig at inilapag ang kanyang puting polo sa kama. "Mr. de Vera, magbihis na po kayo."
Pero hindi gumalaw si Kyro. Malinaw ang inis sa kanyang mukha, at malamig niyang sinabi, "Saan ka pumunta kagabi?"
Napatigil saglit si Vaiana. Pinapagalitan ba siya nito dahil hindi siya nanatili sa tabi niya? Dahil hinayaan niyang ibang babae ang humawak sa kanya? Dahil hindi siya ang babaeng tinawag niyang ‘My woman’?
Lumiit ang kanyang mga mata. "Mr. de Vera, lasing kayo kagabi. Kung ano man ang nangyari, wala na kayong dapat alalahanin. Matatanda na tayo, hindi kailangang bigyan ng kahulugan ang lahat."
Ipinapahiwatig niyang wala siyang balak guluhin ang buhay nito, at hindi niya hahayaang makialam ang babaeng kasama niya kanina.
Matalim ang tingin ni Kyro, saka bahagyang tumingala. "Tatanungin kitang muli, saan ka pumunta kagabi?"
Bahagyang kinabahan si Vaiana. "Dahil sa dami ng trabaho ko nitong mga nakaraang araw, nakatulog ako sa opisina."
Pagkasabi niya niyon, napangisi nang malamig si Kyro.
Nanatili ang matigas niyang ekspresyon, hindi nagsalita, at tumayo mula sa kama habang nakabalot lang ng tuwalya ang katawan.
Pinagmasdan ni Vaiana ang kanyang likuran, at naramdaman niya ang bigat sa kanyang dibdib.
Lagi siyang itinuring ni Kyro bilang isang estranghero—isang bagay na hindi kanais-nais.
Pero kagabi, nang yakapin siya nito at tawagin siyang ‘My woman’ hindi naman gano’n ang pakikitungo niya rito.
***
Nang bumalik siya sa kanyang ulirat, nakaligo na si Kyro at nakatayo sa harap ng salamin. Lumapit si Vaiana para tulungan siyang isara ang kanyang polo, tulad ng nakasanayan niya.
Napakataas ni Kyro—1.88 metro. Kahit 1.68 metro siya, hindi pa rin sapat ang tangkad niya para maabot nang maayos ang kanyang leeg.
Nakatayo ito nang tuwid, halatang inis sa sarili. Siguro ay galit ito dahil pakiramdam niya ay nadumihan siya kagabi—dahil nagkamali siya.
Dahil sa hindi ito yumuko, napilitan siyang tumingkayad at inabot ang kanyang leeg para ayusin ang necktie nito.
Habang abala siya sa pag-aayos, dumampi sa kanyang tainga ang mainit na hininga ni Kyro.
At sa isang paos na boses, sinabi nito, "Vaiana, ang babaeng kasama ko kagabi… ikaw ‘yon."
“Ano?” Biglang pumangit ang mukha ni Kyla. Namutla siya at nanginginig ang boses. “Imposible, Ma! Tama ang oras noon, may alaala pa ako… paano mo masasabing hindi si Mr. de Vera ‘yon? Nagkakamali ka!”Sa kabilang linya, mariing sumagot ang ina niya, halatang balisa. “Anak, talagang nagkataon lang lahat ‘yon! Noong nalaman kong may hinahanap sila, akala ko swerte ka na. Pero nagkamali tayo—mali ang room number. Ang lalaking kasama mo noong gabing ‘yon… hindi si Mr. de Vera. Isa siyang… lalaki na nasa kuwarenta o singkwenta na ang edad.”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Kyla. Napatingin siya sa kanyang tiyan at nagsimulang manginig ang kanyang katawan. “P-paano… paano akong nabuntis ng isang lalaking halos tatay ko na?!” Halos mapasigaw siya.Masyado ang agwat. Masakit. Nakakahiya.Sa loob-loob niya, napaniwala siya sa isang kasinungalingan. Akala niya’y tumama siya sa jackpot—akala niya'y si Kyro ang ama ng dinadala niya. Ilang araw siyang nabuhay sa ilusyon na nagtagumpay siya.
Tahimik lang si Mr. Manzano habang pinagmamasdan si Vaiana. Sa likod ng mga mata niyang pagod ay may bahid ng pag-aalala. Ramdam niyang may bumabagabag kay Vaiana—at may kinalaman ito kay Kyro.Hindi niya ito direktang sinabi, pero malinaw ang nais niyang iparating: "Bantayan mo nang maigi ang asawa mo. Huwag mong hayaang maagaw siya ng iba."Ayaw namang dagdagan pa ni Vaiana ang alalahanin ni Mr. Manzano, lalo pa’t may karamdaman ito. Ngumiti siya nang magaan at mahinahong sagot, “Alam ko po. Sinabi na rin sa akin ni Kyro. Mr. Manzano, gabi na po at malamig sa labas. Pumasok na po tayo sa loob.”Tumango si Mr. Manzano. “Oo, tama ka.”Alam niyang may hangganan ang dapat niyang sabihin. Hindi na siya nag-usisa pa. Tahimik na sumama pabalik sa ward habang dahan-dahang itinutulak ni Vaiana ang wheelchair nito.Pagkahatid niya, magalang siyang nagpaalam. Ngunit may agam-agam pa rin sa dibdib ni Vaiana. Tumigil siya sandali sa hallway, nag-aalangan kung pupunta ba siya sa OB-Gyne departmen
Mabilis na umalis ang sasakyan mula sa harap ng gusali.Nakatayo si Vaiana sa gilid ng driveway, tahimik na pinagmamasdan ang papalayong sasakyan. Hindi niya namalayang unti-unti nang sumisikip ang kanyang dibdib at mahigpit na pala ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay sa gilid ng kanyang palda. Ramdam niya ang paninikip ng damdamin habang pinipilit niyang itago ang sakit sa likod ng malamig niyang paningin.“Hindi pala nagsisinungaling ang babaeng 'yon,” bulong ng receptionist sa tabi niya, tila nag-aalanganin pa rin. “May koneksyon nga siya kay Mr. de Vera. Dinala siya, ibig sabihin may espesyal silang ugnayan. Naku, paano kung sisihin tayo ni Sir? Patay tayo n’yan.”Napalingon si Vaiana sa receptionist at saglit na napabuntong-hininga. Nasasaktan siya hindi dahil sa sinabi ng babae, kundi dahil sa katotohanang bumungad sa kanya. Ilang taon na siyang nasa tabi ni Kyro. Nasaksihan niya kung gaano ito kasungit, kung paanong kaya nitong baliwalain ang kahit sinong babae. Pero ngayon..
Ilang araw nang sunod-sunod na bumabalik si Kyla sa opisina, kaya’t napansin na rin siya ng receptionist. Kita sa kilos ng dalaga ang pagpupursigi. Kaya’t kahit pa medyo naiilang, magalang pa rin siyang sinagot ng receptionist, “Sige po, tatawagan ko muna, pakihintay na lang po sandali.”Sa narinig, bahagyang nagliwanag ang mukha ni Kyla. Kahit maliit na pag-asa lang, kumakapit pa rin siya. “Salamat po. I really appreciate it,” mahinahon niyang tugon.Makalipas ang ilang sandali, ibinaba ng receptionist ang telepono at muling hinarap si Kyla. “Miss, wala po si Mr. de Vera sa kompanya ngayon. Baka po puwede kayong bumalik na lang sa ibang araw.”Muling nanlumo si Kyla. Ilang beses na siyang tinanggihan. Paano namang palaging wala si Kyro? Hindi siya makapaniwala na ganoon lang kadalas ang "coincidence."Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na siya agad sumuko. Nilakasan niya ang loob at muling nakiusap, “Puwede n’yo po ba siyang tawagan? Sabihin n’yo na si Kyla may dalang mga niluto ko—sp
Halos sumabog na sa inis si Anna dahil kay Lara. Kanina lang, masaya ang araw niya dahil kitang-kita niyang maayos ang samahan nina Vaiana at Kyro. Sa kanya, sapat na ‘yon—basta masaya at nasa mabuting kalagayan ang anak niya, wala nang mahirap o imposibleng problema sa mundo.Gusto rin ni Anna na mapanatili ang magandang relasyon ng mag-asawa. Kaya mahinahon niyang sinabi, “Vaiana, si Kyro tumutulong kasi mahal ka niya. Dahil sa’yo, ginagawa niya lahat ng 'yan. Kaya dapat, mas lalo mo pa siyang alagaan at pahalagahan.”Napalingon si Vaiana kay Kyro. Tahimik lang siya pero iniisip: Kailan pa niya nakuha ang loob ni Mama? Kailan niya sinubukang magpa-impress sa kanya para ipagtanggol siya nang ganito?Napangiti naman si Kyro at nilapitan si Anna, “Ma, ikaw talaga ang pinaka-cool. You always say the nicest things about me.”Ngumiti si Anna, halatang natutuwa. “Siyempre! Hindi naman ako tanga para hindi makita kung gaano ka kabait sa anak ko.”Paglingon niya kay Vicente, nakita niyang ta
Narinig nilang lahat ang malalim na tinig na galing sa may pintuan, at paglingon nila ay tumambad si Kyro, nakatayo sa may bungad. Maamo ang mukha pero halatang hindi natuwa sa eksenang inabutan niya.Si Kyro ay hindi tipo ng taong mahilig sa gulo, lalo na sa harap ng kama ng kanyang biyenan. Tahimik siyang pumasok, at dahil sa kanyang presensya, biglang natahimik ang mag-ina. Pigil ang iyak nina Lara at Laraine habang unti-unting lumingon sa kanya.Napatingin si Vaiana sa asawa, bahagyang nagulat dahil hindi niya ito tinawagan. "Kyro? Anong ginagawa mo rito?" tanong niya, may halong pagtataka.Lumapit si Kyro at tumingin sa kanya. "Tumawag ang direktor ng ospital. Sinabing nasa ospital si Papa, kaya dali-dali akong dumiretso rito mula sa opisina."Paglingon niya sa paligid, agad siyang bumati, “Papa, Ma," at saka napansin ang benda sa kamay ni Vicente. "Ano'ng nangyari sa kamay ni Papa?"Sumagot si Vaiana, "Nabalian ang buto sa kamay. Kailangan muna niyang magpahinga nang ilang araw.