Aliyah wants a new start in her life kaya nagpasya siyang umalis sa kanilang bahay at manirahan mag-isa. She thought it was easy, but being independent is very difficult, lalo na't ang kaniyang buhay ay umiikot na may katuwang sa buhay. Ngunit hindi niya inaasahan na doon niya rin matatagpuan ang pag-ibig... isang makasalanang pag-ibig na hindi niya matatakasan gaya ng kung paano niya tinakasan ang marangyang buhay na kinagisnan. They both knew it was a mistake to fall in love with each other ngunit pinili parin nila na makasama ang isa't isa. Ngunit hanggang saan nila kayang panindigan ang makasalanang pag-ibig na ito? Maipaglaban kaya ito ng isa sa kanila hanggang dulo o, hahantong sa pagpapalaya at pagsuko?
もっと見る"Ale," pagkuha ni Aliyah sa atensyon ng matanda. Tumigil naman ito sa pagwawalis at nilingon siya. "Magandang araw ho. Itatanong ko lang kung may alam kayo kung saan pwede mangupahan ng bahay?" maayos niyang tanong rito.
Kanina pa kinakabahan si Aliyah dahil hindi siya pamilyar sa lugar na binabaan niya. Basta na lang niya pinara ang bus na sinasakyan at sinabing dito siya bababa. Tatlong oras ang layo mula sa pinanggalingan niya. Sinundan niya ng tingin ang tinuro ng matanda. "Kumaliwa ka doon sa kanto. Sa pagkaka-alam ko may pinapaupahan na bahay doon. Itanong mo lang sa mga tao doon kung wala pang nakakuha," aniya at bumalik sa pagwawalis. "S-sige ho. S-salamat," aniya at mablis na humakbang. Bigla siyang natakot sa matanda sa hindi niya malaman na dahilan kahit mukha naman itong mabait. Magkadikit ang mga bahay ngunit iilan lang ang mga taong narito ang nakita niya. Kadalasan nakasarado ang kanilang bahay, naka lock ang gate, at walang mga ingay. Ang peaceful but a little scary to Aliyah. Siguro dahil magtatakip-silim na kaya ganito ang mga tao rito, may respito sa privacy ng bawat isa. Hinihingal siya nang makaliko sa kanto na tinuro ng matanda. Saglit siyang nagpahinga at pinagmasdan ang paligid. Unlike sa kabilang kanto may buhay ang lugar na pinuntahan niya. May mga batang naglalaro sa gilid ng daan. May nagtitinda ng ihaw-ihaw. Nagpapalakasan ng tugtog ang bawat bahay. Napangiwi si Aliyah nang marinig ang malakas na boses ng isang babae, mukhang galit ito habang pinapangaralan ang anak sa loob ng kanilang pamamahay. "Maingay. Ngunit natitiyak ko na masiyahan ako sa pagtira ko dito." Naglakad siyang muli para humanap ng mapagtanungan. Pagod na siya at gusto na niyang magpahinga. At sana may bakante pang bahay dahil hindi na niya kayang maglakad para maghanap pa. "Tisay, bago ka rito, 'no?" Alanganin siyang ngumiti at tumango sa dalaga na nagpapaypay ng tinitinda nitong inihaw na isda. "O-oo, naghahanap ako ng mauupahan na bahay kahit maliit--" "Tama ka ng pinuntahan!" palatak ng dalaga na ikinagulat ni Aliyah. "Buti hindi ka doon sa kabila," ang tinutukoy nito ay doon sa kabilang kanto "tiyak kahit isa wala kang maging kaibigan doon. Ako nga pala si Kisses, isang batang ina na iniwan ng walang bayag na lalaki at dito ang bahay namin," turo niya sa likuran nito. "Ah," walang masabi si ALiyah dahil nabigla siya sa pagiging prangka ni Kisses. "Saan banda dito ang for rent na bahay?" balik niya sa usapan. "Ika-apat na bahay mula dito. Pero walang tao doon, e. Minsan lang pumupunta si Sir Dylan diyan. Pero 'wag kang mag-alala," aniya at kinuha ang cellphone nito na nakasuksok sa loob kaniyang bra na siya namang ikinagulat ni Aliyah, " Tatawagan ko siya para sayo," nakangiti na dugtong nito. Nakahinga ng maulwag si ALiyah. Ilang segundo ang nakalipas kausap na ni Kisses sa kabilang linya ang may-ari ng bahay. Nakatingin lang siya sa babae na malaki ang ngiti sa labi at pigil na pgil sa-- "Bakit siya kinikilig?" mahinang usal ni Aliyah. "Crush niya siguro ang may-ari ng bahay na iyon." "Ayan! Kaya ka nabuntis ng maaga dahil sa kalandian mo!" singhal ng matanda na kararating lang at may karga itong bata na tantiya niya nasa dalawang taong gulang na ito. "Pati sa taong may asawa kinikilig ka! Oh, anak mo, hinahanap ka na!" Kaagad namang yumakap ng mahigpit sa leeg ni Kisses ang anak niya. Napangiwi nalang ang babae dahil nasakal siya. "Ganito siya kapag inaantok na, hinahanap ako," aniya habang hinahagod ang likod ng anak. "Ten minutes nandito na raw si sir. Hintayin mo na lang raw siya doon para makapag-usap kayo tungkol sa bahay niya." "Ha? E, pa'no ko malalaman kung siya ang may-ari ng bahay na iyon?" "Kapag may auto kulay pula na huminto at may pogi, makisig, mabango at kagalang-galang ang suot na bumaba doon," kinikilig niyang sambit. "Confirm, si Sir Dylan na iyon." Nakangiwi ang labi ni Aliyah habang nakikinig kay Kisses kung paano nito i-discribe si Dylan. Ganoon ba talaga iyon ka gwapo para kiligin ang isang babae kahit may asawa na iyong lalaki? Napatango, ngumingiti lang si Aliyah habang nakikinig sa mga sinasabi ng babae. At pakiramdam niya, ngayon lang nagkaroon ng kakuwentuhan si Kisses dahil ramdam niya ang excitement at kagustuhan nito na ilabas ang nais niyang mga sasabihin. "O, siya pumunta ka na do'n at doon na lang siya hintayin. Sa ika-apat na bahay mula rito, ha?" Aliyah smile genuinly. "Thank you, Kisses. I will visit you some other time." "Sige, thank you kahit hindi ko naintindihan yung english," aniya at humagikhik. Natatawa na lumakad si Aliyah. Natutuwa siya at hindi niya lubos akalain na may tao kaagad na kusa siyang tinulungan pagkarating niya sa lugar na wala siyang ka alam-alam. Magaan ang loob niya kay Kisses at gusto niya itong kaibiganin. Natutuwa siya dahil bukod sa madaldal si Kisses masarap rin itong kakuwentuhan. Gusto niya rin itong kilalanin dahil sabi nga nila "ang taong masayahin ito ang mga taong may malalim na pinagdaanan, mga taong may pinagdararaanan, they mask their true colors behind the laugther and beautiful smile." Napatingala siya sa tapat ng bahay na pinaghintuan. Umawang ang kaniyang labi at nanlaki ang mata nang mapagtanto na literal pala na bahay ang rerentahan niya. Hindi lang basta bahay na katulad ng mga nandito dahil ang bahay na ito ay two story house. "Tama ba itong bahay na tinuro ni Kisses?" hindi napigilan na usal ni Aliyah. Hindi niya kasi maaninag ng maayos dahil madilim na at kakarampot na liwang mula sa ilaw sa terasa ng bahay ang silbing liwanag sa buong paligid. "Baka may kalakihan ang renta nito," napakamot sa ulo na wika niya. "Bakit kasi bahay ang sinabi ko ayan tuloy literal na bahay nga ang ibinigay sa akin," maniyak-ngiyak na reklamo niya. Napalingon siya nang may pumarada na sasakyan. 'Red auto,' usal niya sa isipan. Bumukas ang bintana ng auto at tumambad kay Aliyah ang isang lalaki na naka sky blue long sleeve. 'Check, kagalang-galang ang kasuutan. Tuxido na lang ang kulang.' Napakislot si Aliyah nang magsalita ang lalaki mula sa loob ng sasakyan. Walang ilaw sa loob kaya hindi niya maaninag ng maayos ang mukha ng lalaki. "Miss, ikaw ba iyong naghahanap ng house for rent?" kaswal nitong tanong. Sunod-sunod na tumango si Aliyah. "Yea." "Oh? Are you a run away bride?" kaswal nitong tanong ngunit naniniguro. Nagsalubong ang kilay ni Aliyah sa tanong ng lalaki. Hindi parin ito bumababa sa kaniyang sasakyan na para bang may gusto pa itong kompirmahin bago bumaba at harapin ng maayos si Aliyah. "No. Why? Do I look like a run away bride?" balik tanong niya saka tiningnan ang sarili. Naka rubber shoes, denim pants at t-shirt siya, paano nito nasabing run away bride si Aliyah gayong wala namang kahina-hinala sa dalaga. "Ang laki kasi ng bagahe mo. Ganiyan kasi ang napapanood ko sa pelikula," ani ng lalaki at bumaba ng sasakyan. 'What the freck! Confirm! Pogi, makisig at mabango. Kaya pala kilig na kilig si Kisses sa married man na ito,' himutok niya sa sarili ng makita ang kabuoan ng lalaki. Piniling niya ang ulo at kaswal na hinarap ang lalaki. "Are you sure you want to rent a house?... alone?" naniniguro na tanong ni Dylan. "Yeah, of course. If I can afford the monthly rental of this house." "5k a month," ani Dylan at binuksan ang naka kandadong gate. " Take a look inside. Baka magbago ang isip mo kapag nakita mo ang kabuuan," dugtong niya at nagpatiunang pumasok. "Ikaw na ang magbabayad ng electric bills, tubig at wifi connection," nilingon niya ang dalaga. "Is it okay for you?' "No problem. Pero saan ako magbabayad? I am not familiar with this place." "Sa akin," he said and open the main door. Namangha si Aliyah dahil ang buong akala niya isa itong concret house ngunit hindi pala dahil ang loob ng bahay ay mga gawa sa kahoy. Pati ang second floor gawa rin sa kahoy at ang hagdan paakyat sa itaas, mga upuan, cabinet, center table para itong mga antigo na pinama pa ng mga ninuno nila. Biglang nakaramdam ng takot si Aliyah dahil isa siya sa mga taong hindi gusto ang mga antigo na bagay. "I desinged this house when I was single. But my wife didn't like it. Anyway, kompleto ang mga kagamitan dito. May isang kwarto dito sa ibaba, at dalawa naman doon sa taas at parehong may mga sariling cr," aniya habang iniikot ang ibabang bahagi ng bahay. Nakasunod naman si Aliyah kay Dylan habang nagtitingin sa paligid. Namamangha siya sa disenyo ng bahay. Paanong naging kahoy ang pader sa loob gayong gawang semento ito sa labas? Ibinalik ni Aliyah ang atensyon kay Dylan. Nagustuhan niya ang bahay. Wala namang problema sa monthly payment dahil kaya niya iyon bayaran. At ang mura ng 5k a month sa ganitong kalaki na bahay. "Hindi na kita sasamahan sa itaas para tingnan ang kwarto roon. Ikaw na lang ang bahala mamimili kung alin doon ang gusto mo," anito. Napatingala si Aliyah sa itaas nang uminto si Dylan sa tapat ng unang baitang ng hagdan. HIndi naman mukhang nakakatakot ngunit nagtataka lang si Aliyah kung bakit ayaw ni Dylan na umakyat silang dalawa doon. "Maraming tsismosa sa labas. Baka anong isipin nila kapag nakita nila tayong dalawa doon sa itaas. I have a wife, you know," paliwanang ni Dylan nang makita ang nagtatanong na mukha ni Aliyah. Napatango nalang si Aliyah. Bigla siyang nailang nang mapagtanto na silang dalawa lang pala ng lalaki ang nartio sa loob ng bahay. At tama si Dylan, hindi magandang tingnan sa makakita sa kanila na magkasama doon sa itaas dahil kwarto na iyon. "Sige, kukuhanin ko na," pinal na wika ni Aliyah. "Kailangan ba ng down payment? One month deposit or what?" Umiling si Dylan. "No need. Next month ka na mag start ng bayad," sumunod si Aliyah nang lumakad si Dylan sa sala. "Baka hindi ka abutin ng isang linggo dito masayang lang ang ibayad mo." "What do you mean?" kunot-noo na tanong ni Aliyah. Kanina pa siya nahihiwagaan sa mga salita ni Dylan na may bahid ng pagdududa. Inilagay ni Dylan ang kamay sa magkabilang bulsa na suot nitong fitted slacks at mapanuri na tumingin kay Aliyah. "Are you sure you are not a run away bride? Baka bukas o sa sunod na araw may pulis ng mag raid dito sa bahay ko," napasinghap si Dylan, salubong ang kilay at dahan-dahan na lumapit kay Aliyah. "If you are not a run away bride... wanted ka ba?" Nanlaki ang mata ni Aliyah. Uminit ang kaniyang buong mukha sa sinabi ni Dylan. "Sa mukha kong 'to?!" aniya at tinuro pa ang sarili. Matunog siyang suminghap. "Wanted?" Dylan shruged. He step back and didn't look away to Aliyah. "Looks can be deceiving." "What the fuck!?" "Watch your mouth lady," seryosong usal ni Dylan. Sa hindi malamang dahilan naging maamong tupa si Aliyah. "Anyway, sabi ko nga kanina, sa akin ka magbabayad ng electric bill at water bill mo. Tuwing petsa 30 ng buwan ang bayad kaya sa 29 palang kukuhanin ko na ang bayad. May itatanong ka ba? Disagree sa bills or anything?" "Wala namang problema sa akin tungkol sa bayarin. I can pay." "Mabuti naman kung ganun. So, close na ang deal? Ito ang susi ng bahay. May mga label na iyan para hindi ka malito," anito at inabot sa dalaga. "Safe naman dito sa subdivision pero kailangan mo parin manigurado ng safety mo. Make sure naka lock lahat ng pinto at bintana lalo na sa gabi. Mag-isa ka at babae pa." "I know. But, thanks for reminding me." "I'll go ahead. Welcome to your new home." "Wait," natigil sa paghakbang si Dylan at muling hinarap ang dalaga. "May itatanong pala ako," Dylan nooded kaya nagpatuloy sa pagsalita si Aliyah. "Saan pala dito ang market to buy a foods and anything?" "15 minutes ang biyahe papuntang bayan. Pero may convienience store dito. Nasa main road. Pwede mong lakarin, pwede ka rin sumakay ng tricycle." "Oh, okay. Mmm, yun lang naman ang tanong ko. Thank you." Hinatid ni Aliyah hanggang sa labas ng gate si Dylan para na rin isarado iyon. Tama nga si Dylan, may mga tsismosa nga dito dahil nagkandahaba ang leeg ng mga kapit-bahay nang lumabas silang dalawa ni Dylan. " Nakalimutan kong sabihin, hindi pala naka connect ang electric stove mo. Siguro babalik ako bukas para ikabit iyon. What do you think." "Sure, okay lang. Thank you, sir." Dylan chucled. "Sir is to formal-" "Manong then," supladang sambit ni Aliyah at mabilis na sinara ang gate at walang lingon na bumalik sa loob ng bahay. "Ganoon na ba ako ka tanda sa kaniya para tawagin niya akong manong?" natatawa na usal ni Dylan at napailing na tinungo ang kaniyang sasakyan."Napapadalas ka na dito," saad ni Aliyah habang inaayos ang bulaklak na bigay ni Dylan sa vase. Nilingon niya ang lalaki na prenting naka upo sa silya. "Hindi porket nililigawan mo ako nasa akin na ang lahat ng atensyon mo. Na maging dahilan ang panliligaw mo sa akin para mawalan ka ng oras at atensyon sa anak mo. Hindi ako sang-ayon sa ganiyan, Dylan, para alam mo."Napatikhim si Dylan at umayos ng upo nito. "Hindi naman sa ganon, Aliyah. Syempre hindi nagbago ang pagiging ama ko kay Cianne. Kaya lang," nagpakawala siya ng isang mababang paghinga," nagtatampo yata sa akin. Ayaw niyang makipagkita sa akin, ayaw niya akong kausapin."Biglang bumigat ang dibdib ni Aliyah. Iniisip niya kaagad na siya ang dahilan bakit biglang nagkaganon ang bata sa tatay niya. "Kung gusto mo talaga na makasama at makausap ang anak mo maraming paraan, Dylan," aniya at nagtungo sa kusina," Ikaw ang kusang gumawa ng paraan. Huwag mong hintayin na ang bata mismo ang makiusap sayo na gusto ka niyang makita a
Tuwing alas-sais ng umaga inaasahan na ni Aliyah na makikita niya si Dylan sa harap ng kanyang bahay na inuupahan. At sa tuwing nakikita niya ang lalaki hindi nagbabagoo ang klase ng tibok ng kanyang puso. Ang dahilan ng kaba, aligaga at tensyon. 'Shit! Hindi ko na maitatago sa sarili ko na gusto ko ang lalaking ito,' iritable niyang usal sa isipan. Nagpakwala siya ng isang malalim na paghinga upang makalma ang sarili bago tuluyang lumabas ng bakuran. Ang matamis na ngiti kaagad ni Dylan ang bumungad sa kanya. "Hi. Good morning," pagbati ni Dylan sabay abot dito ng isang tangkay ng red rose.Alanganin na ngiti ang kanyang isinukli sa lalaki. "G-good morning. Thank you."Gusto niyang sapukin ang sarili ng ayaw kumalma ng sistema niya. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at naramdaman niya rin ang pag init ng dalawnag pisngi.'Gosh! Am I blushing?'"Tutulungan na kita," ani Dylan at tinulungan si Aliyah na ilapag ang bitbit nito sa mesa. Saglit siyang natigilan. Natulala ng ku
Ang mga salitang iyon ang tuluyang nagpagising kay Nyxia--na siya ang may kasalanan bakit ito nangyari lahat--na hindi na niya kayang ibalik pa ang dati nilang relasyon ni Dylan.Napakasakit ito para sa kanya. Ngunit sa mga sinabi ni Aliyah, mas masakit na sampal ang katotohanang si Dylan ang mas nahirapan at nasaktan sa kanilang dalawa.Ngunit hindi niya parin kaya na bitawan ng tuluyan ang lalaki. Selfish man kung tawagin ngunit hindi niya kayang isuko ang pagiging kasal nilang dalawa ni Dylan.Hindi na niya maitago ang tunay niyang naramdaman nang harapin niya si Dylan. Ngunit ang atensyon ng lalaki ay nakatuon lang kay Aliyah. Na para bang wala siyang ibang nakikita kundi si Aliyah lang."Sige, magsama kayong dalawa," untag niya kaya nabaling ang tingin ng lalaki sa kanya. Kailangan na niyang tapusin ito dahil masyado ng masakit ang nangyari sa kanya. "Pero hindi ko parin pipirmahan ang annulment paper, Dylan." mariin niyang sabi sa nanginginig na boses. "Kahit iyon lang... Iyon l
"Cianne, anak." tawag ni Nyxia sabay katok sa pinto ng silid ng bata. "Can we talk?" aniya at marahan iyon binuksan.Abala ito sa pagbabasa ng librong pambata ngunit kaagad niya iyon itiniklop ng makalapit ang ina at umupo ng maayos. GInawaran niya ng magaan na ngiti ang anak at umupo sa gilid ng kama kung nasaan si Cianne."Galit ka ba kay mommy?" Nyxia asked softly. Umiling ang bata. "Nagtatampo?" Cianne shook her head again. "May gusto ka bang sabihin sa akin?" ngunit umiling lang ito. Napahugot ng isang paghinga si Nyxia sa tugon ng anak. "KUng ganun, bakit hindi mo ako kinakausap?""I am a big girl already, mommy. i can handle my self alone withot helping anyone. I am sorry if i am not talking to anyone especially to you is because i don't want to."Nanikip ang dibdib n Nyxia sa sagot ng anak. Ang bata pa ni Cianne pero kung sumagot parang nakikipag-usap si Nyxia sa isang matanda."Kahit sa daddy mo?"Napayuko ng ulo ang bata na para bang ayaw nitong pag-usapan ang tatay niya.
Hindi alam ni Aliyah kung iiwas ba siya, tatakbo palayo kay Dylan. Ngunit namanhid ang katawan niya. Hindi makagalaw ang mga paa. Tila nawala sa katinuan habang nakatingin sa lalaking papalapit sa kanya. "How are you?" Doon lang natauhan si Aliyah. Napatras siya ng mapansin na subrang lapit lang ni Dylan sa kanya. Nalilito siya kung ano ang isasagot sa lalaki. Alin ba sa lahat ang tinutukoy ni Dylan? "Bakit hindi ka nagsabi na aalis ka sa bahay?" sunod na tanong ni Dylan. Sinuri niya ang buong katawan ni Aliyah. Wala namang pinagbago bukod sa maliit na peklat sa ibabaw ng kanyang kilay. Umiwas ng tingin si Aliyah. Ibinalik niya ang atensyon sa pagliligpit ng mga pinaglagyan ng paninda niya. "Para saan pa? Hindi pa ba sapat ang sulat na iniwan ko?" patag niyang sabi sa kabila ng malakas na pintig ng kanyang puso. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin--" "Ayoko ng gulo, Dylan." kaswal niyang sabi. "Lumayo ako. Umalis ako para maging tahimik na ang buhay ko," salubong ang kilay na tinin
"Bilang kabayaran ng ginawa ko, tulungan mo ako," daad ni Aliyah kay Aldrich at pumasok sa loob ng bahay.Matapos ang aksidenteng nangyari sa kanya napagdesisyonan ni Aliyah na lisanin ang lugar na ito dahil wala siyang kapayapaan kung may koneksiyon pa siya kay Dylan. Si Dylan lang naman ang dahilan bakit magulo ang sitwasyon niya at napunta sa alanganin ang buhay niya.Ayaw na niya magsampa ng kaso. Bukod sa dumagdag iyon sa gulo gagastos pa siya sa abogado. Kapayapaan lang ang hinihingi niya pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa kanya. Iyon lang at lubos iyon na pasalamatan ni Aliyah.Lahat ng gamit niya dinala niya at wala siyang itinira. Muntik pa iyon hindi magkasya sa sasakyan ni Aldrich. Napangiwi at napakamot na lang sa ulo ang lalaki habang pawisan na pabalik-balik sa pagkuha ng gamit sa loob ng bahay papunta sa kanyang sasakyan."Magtayo ka ba ng bake shop? Bakit ang dami mong kagamitan sa pagluto?" hingal-aso na usal ni Aldrich ng maipasok ang isang puno na malaking karton
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
コメント