Share

167 (Unedited)

"Hindi ko na mapapalampas ang kalukuhan mong ito Samantha." Kinaladkad siya nito palabas ng library.

"Ma kaibigan ko lang si Andrew. Mali ang iniisip n'yo." Parang walang narinig na patuloy lang ito sa paghila sa kanya. Natigilan ang mga bisita ng dumaan sila sa harap ng mga ito. "Mama na kakahiya sa mga-"

"Dapat naisip mo 'yan bago ka gumawa ng kalukuhan. Dapat lang na mahiya ka."

"Mama what's going on?" Tanong ni Coreen pero hindi ito pinansin ni Karla. Nilampasan lang nila ito. "Ma!"

"Lumayas ka!" Pasalya siyang binitiwan ni Karla palabas ng bahay. "Ayoko ng makikita ang pagmumukha mo sa loob ng pamamahay ko."

"Mama naman. Pakinggan-"

"Ikinahihiya kita! Wala akong anak na ahas!" Lalapitan sana siya ni Andrew na sumunod pala sa kanila pero pinigilan ito ng fiancée nito na si Coreen. "Huwag na huwag kang magpapakita sa'kin at tutungtong sa pamamahay ko hanggat hindi ka tumitino. Naiintindihan mo?" Tumalikod na ito at taas noo na parang walang anumang naglakad pabalik sa loob ng bahay
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status