Mag-log inBARBARA POV “Ano ang ginagawa mo dito? Hindi mo ako kilala kaya umalis ka na! Hiwalay na tayo eh!” Sa kawalan ng masabi, iyun na lang talaga ang katagang lumabas sa bibig ko. Akmang isasara ko na sana ang pintuan ng unit pero naging maagap si Charles na hawakan iyun. Matamis ako nitong nginitian na para bang wala itong kasalanan sa akin kaya hindi ko na mapigilan ang mapasimangot. Pambihira, kung saan malapit na akong maka-moved-on tsaka naman ulit ito nagpakita sa akin. Ano na naman kaya ang kailangan nito sa akin? Tapos na kami eh! Ako na nga ang naunang sumuko tapos heto na naman siya. Ngingiti-ngiti sa harapan ko. "Umalis ka na! Ayaw na kitang makita!" nakasimangot ko pa ring sambit. Hindi ako madadala ng taong ito sa pangiti-ngiti nito. Pagkatapos kong masaktan dahil sa mga ginagawa nito, ganoon-ganoon na lang ba? Hindi yata pwede iyun noh! "Hindi ako aalis hangat hindi ka sasama sa akin pabalik ng Manila." sambit naman nito sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapasi
BARBARA POV Hindi ko akalain na mag-eenjoy ako sa baking training na sinalihan namin ni Mona. Malaking tulong kasi iyun sa akin para kahit papaano, maibsan ng kahit na kaunti ang lungkot na nararamdaman ko lalo na sa tuwing naaalala ko si Charles. Hindi ko akalain na sa pamamagitan ng training na ito, malilibang ako ng sobra at the same time, natuto pa ako Kasama ko si Mona sa training. Ewan ko ba kay Mona, dressmaking daw ang gusto nito pero sa baking nag enroll. Siyempre, todo support si Madam Carmela sa aming dalawa . Napag-alaman ko na ito ang naka-suporta sa aming dalawa ni Mona sa lahat ng bagay lalo na sa financial na aspeto kaya hindi ko na talaga alam kung paano ito pasalamatan. Basta, kulang ang salitang pasasalamat para ipaalam kay Madam Carmela kung gaano ako kasaya dahil sa malaking opurtunidad na binibigay nito sa amin. Simula noong nalaman ko ang pagdadalang tao ko, sinigurado ko na magiging maayos ang baby sa sinapupunan ko. Naging bonus na lang ang baking trai
BARBARA POV “Mona, ano ba iyan? Bakit?” nagtatakang tanong ko kay Mona. Paano ba naman kasi, kanina pa ito walang tigil sa pagkatok sa pintuan ng aking silid. Hindi na nga nakatiis at pumasok na nga dito sa silid ko dahil hindi ko naman iyun nila-lock at wala nang ibang ginagawa kundi ang yugyugin ako ng yugyugin para lang magising Paano ba naman kasi, umaga na ako nakatulog kanina. Nalibang na naman ako sa panonood ng baking session na iyan. Gusto ko kasi talagang matuto na mag bake eh at dahil wala naman akong ginagawa, seguro, magsariling sikap na lang ako para matuto. Mabuti na lang talaga at hindi na ulit ako nagsuka. Isang beses lang nangyari iyun at balik sa normal ang lahat. Sabi nga ni Mona maswerte daw ako eh. Hindi daw ako pinahirapan ng pagbubuntis ko kagaya ng iba diyan. “Barbra, ano ba iyan? Gising! Gumising ka na kasi.” Narinig kong muli nitong wika. “Ano ba kasi iyan. Maaga pa masyado. Wala naman tayong gagawin pero ang kulit mo.” Bigkas ko. Kakamot-kamot
BARBARA POV Pagkagising ko, wala pa rin akong lusot kay Mona. Nag-insist kasi talaga ito na kailangan ko daw magpatingin ng doctor kaya pinagbigyan ko na dahil alam kong hindi talaga ako nito titigilan eh. Sa isang private hospital naman ako nito dinala kaya naman mabilis akong naasikaso. Kaya lang, nawindang ako sa unang tanong ng doctor sa akin lalo na at tungkol sa buwanang dalaw ko ang kaagad na itinanong nito sa akin. “Miss Barbara Santos, kailan ang last menstrual period mo?” tanong nito sa akin. Hindi ko naman alam ang kung ano ang isasagot ko dahil hindi ko naman naintindihan ang tanong sa akin ni Doc. “Kailan ka daw huling niregla.” Bulong sa akin ni Mona. Gets marahil nito na hindi ko naintindihan ang tanong na iyun ni Doc sa akin kaya kusa na itong nagtranslate. “Huhhh? Ahmmm, mga tatlo or apat na buwan na yata.” Mahina kong sambit. Wala sa sariling napakagat ako ng labi. Oo nga pala, medyo matagal na akong hindi nireregla at bakit ko ba nakalimutan iyun? Sabaga
CHARLES Villarama POV TAHIMIK ako habang nasa biyahe kami patungo sa Carissa Villarama Beach Resort. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero kanina pa talaga ako hindi mapalagay. Kanina pa naglalaro sa isaipan ko ang mga katanungan kung nasaan na ba si Barbara? Hindi ko ito maalala pero sobrang namimiss ko na ang babaeng iyun. Gusto ko na ulit itong makita pero parang pinanindigan yata ng babaeng iyun ang paglalayas at wala na itong balak pang bumalik Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ni Mommy. Dali-dali naman nitong sinagot at ganoon na lang ang pagtataka ko nang bangitin nito ang pangalang Mona. “Mona, bakit, napatawag ka?” seryosong tanong ni Mommy. Wala sa sariling napatitig ako dito at feeling ko may pumitik na kung anong bagay sa puso ko. Kung si Mona ang kausap nitong si Mommy, tiyak akong alam nito kung nasaan si Barbara? Tama…. “Ano? Anong sabi nagsuka siya? Bakit, ano ba ang kinain niya kagabi at bakit siya nagsusuka?” seryos
BARBARA POV NAGISING AKO na sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero labis akong nakakaramdam ng panghihina. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga ng kama pero muli ding napahiga nang nakaramdam ako ng matinding pagkahilo “Ahhh, ano ang nangyari? Bakit ako nagkakaganito?” wala sa sarili kong sambit. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata sa pag-aakala na baka epekto lang ito ng labis kong panonood ng mga kung anu-ano tuwing gabi at late na din na matulog pero wala pa ring epekto eh. Nahihilo pa rin talaga ako Nakahawak ang isa kong kamay sa aking ulo nang marinig ko na may kumatok sa aking silid. Alam kong si Mona iyun kaya naman kaagad akong nagsalita. “Mona, bukas iyan. Pasok ka muna.” Malakas ang boses na bigkas ko. Dahan-dahan naman na bumukas ang pintuan ng silid at kaagad na bumungad sa akin si Mona na noon ay mabilis na naglakad palapit sa akin. “Barbra,a no ang nangyari? Teka lang, may dinaramdam ka ba? Bakit nakahi







