Wife For 10 Million

Wife For 10 Million

last updateLast Updated : 2025-10-23
By:  VERZOLAKRAM02Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
11Chapters
37views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nang ma-scam ang pamilya ni Jade, tinanggap niya ang alok ng isang bilyonaryong lalaki na paupahan ang sinapupunan niya kapalit ng sampung milyong piso. Walang halong pag-ibig, pawang kasunduan lang… Ngunit bakit, sa huli, bigla na lang siya nitong ginawang asawa? At ngayong asawa na siya ng lalaking binayaran siya para magkaanak, ano na ang gagawin niya?

View More

Chapter 1

Kabanata 01

“YOU’RE turning 33 next month, may balak ka pa bang mag-asawa at magka-anak?”

Napaismid na lang si Oliver nang marinig iyon sa kaniyang daddy na prenteng nakaupo sa sofa at katabi nito ang mommy niya.

“Matapos ang ginawa ni Miel sa akin, umaasa pa rin kayo na mag-aasawa ako?” Ngumisi siya. “Mas gugustuhin kong tumandang binata kaysa mag-asawa. Ayoko nang magtiwala sa mga babae ngayon, dad. Sinasaktan lang nila ako sa huli.”

Pagod siya galing sa trabaho tapos ito ang bubungad sa kaniya? Mas maiging hindi na lang siya umuwi rito. Kung alam niyang mauulit ulit ang ganitong paksa, mas gugustuhin na lang niyang manatili sa condo niya.

“Anak, tatlong taon na ang nakalipas, hindi ka pa rin ba nakaka-move on?” wika ng mommy niya nang ibaba nito ang librong hawak.

Binasa ni Oliver ang mga labi gamit ang dila bago nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.

“Mom, iyong sakit na idinulot sa akin ni Miel, nandito pa.” Dinuro niya ang puso niya. “Limang taon kaming nagsama. I thought she’s the one, but I was wrong. Sa loob ng maraming taon naming pagsasama, makikita ko lang siya na nakapatong sa kaibigan ko. Hindi niyo po ba maramdaman ang sakit na nararamdaman ko? Please, don’t invalidate my feelings. Habang-buhay nakabaon ang sakit na iyon sa akin.”

“We’re not invalidating your feelings, Oliver,” saad ng daddy niya. “Ang amin lang, wala na sa kalendaryo ang edad mo, sa tingin namin, oras na para maghanap ka nang mapapangasawa mo para makabuo kayo ng pamilya.”

Sunod-sunod na umiling si Oliver at tinungo ang hagdan. “I’ll try,” walang buhay niyang tugon.

Nagpatuloy lang si Oliver sa paglalakad hanggang sa makapanhik na siya sa kaniyang kuwarto sa ikalawang palapag. Ipinatong niya sa kaniyang lamesa ang mga gamit niya at walang ano-ano’y ibinagsak ang sarili sa kama.

Wala namang problema kay Oliver kung tumanda siyang binata. Mas gusto niya nga iyon dahil na-trauma na siya sa ginawa ng ex niya sa kaniya. Natatakot na siyang magmahal. Natatakot na siya sa commitment kaya imbes na ituon ang atensyon diyan, mas pinag-igi na lang ni Oliver ang propesyon niya bilang isang Architect.

Pagod siya ngayon kaya kahit hindi nakakapagpalit ng kasuotan, hinayaan niya pa rin ang sarili na lamunin ng kadiliman. At nang magising siya, hating-gabi na.

Pumanaog si Oliver sa kusina at sandaling kumain bago bumalik sa kaniyang kuwarto upang ipagpatuloy ang design na ilang araw na niyang pinagkakaabalahang gawin.

AT DAHIL weekend naman kinabukasan, napagpasyahan ni Oliver na bisitahin si Dave, isa mga kaibigan niya.

“Kumusta ka naman, Oliver? Ilang buwan din tayong hindi nagkita. Pareho tayong busy kaya hindi na bago ito sa atin unlike noong college days natin na halos araw-araw tayong magkasama,” natatawang anas ni Dave nang umupo ito sa harap ni Oliver dala ang isang bote ng rum.

Kasalukuyan silang nasa swimming pool area ng sandaling iyon.

“Ayos naman ako. Ikaw, kumusta na ang buhay may asawa at may anak?” Si Oliver na ang nagsalin ng alak sa mga baso.

“Mahirap pagsabayin ang pamilya at trabaho. Pero sa totoo lang, mas prioritize ko ang pamilya ko. Naku, si Lean, buntis ulit.”

“What?” Napamulagat si Oliver sa tinuran ni Dave. “Buntis ulit si Lean?” hindi makapaniwalang tanong ni Oliver kapagkuwan.

“Oo, bro. Masusundan na ang panganay namin.”

“Magtatampo na si Daniel sa inyo,” nangingiting saad ni Oliver kapagkuwan ay sumimsim sa baso niya.

“Tito Oliver!” sigaw ng isang bata sa hindi kalayuan.

Si Daniel ito, ang panganay ni Dave. Nagtatakbo ito patungo sa kaniya at nang makalapit, agad itong nagpakalong kay Oliver.

“How are you, kiddo?” tanong ni Oliver kay Daniel.

“I’m good, Tito Oliver.”

“That’s good. How’s school, huh?”

“May nambu-bully po sa akin,” nakangusong sagot ni Daniel na nagpamulagat kina Oliver at Dave.

“Daniel, bakit hindi mo sinasabi sa akin ang tungkol diyan? Kung hindi pa dumating ang Tito Oliver mo, hindi ko pa malalaman!” may galit na bulalas ni Dave. “Sino ang nambu-bully sa iyo at para mapagsabihan ko?” anito pa.

“Si Tristan, daddy. He pushed me…”

“Lean!” sigaw ni Dave.

Makalipas ang ilang minuto, humahangos na dumating si Lean.

“Anong nangyayari rito, Dave?” nakunot-noong tanong ni Lean.

“B-inub-ully ang anak natin. Alam mo ba iyon?”

“No.” Iling ni Lean. “I’ll call her teacher.”

“Good. Isama mo na si Daniel, ayokong ma-expose siya bisyo ng kaniyang ama.”

Napairap na lang si Lean ng sandaling iyon at inaya na si Daniel papasok sa loob. Samantalang si Oliver naman ay sunod-sunod na napailing at tumungga sa baso niya.

“You have a precious family, bro,” anas ni Oliver.

Hindi niya mapigilang maiingit kay Dave ng sandaling iyon. Kaedaran niya lang ito pero may asawa at anak na ito. May paparating pa. Samantalang siya, ni girlfriend, wala. Siguro nga tama ang magulang niya. Wala na sa kalendaryo ang edad niya, at sa tingin niya ay oras na para maghanap ng mapapangasawa niya.

Pero sa totoo lang, ang gusto niya lang ay magkaroon ng anak. Ayaw niyang mag-asawa dahil nga galit siya sa mga babae. Mapanlinlang sila. Mamahalin ka sa una, pero sa huli, lolokohin ka lang pala. Katulad na lang ng ginawa ng ex niya sa kaniya. Nagtiwala siya, pero niloko pa rin siya nito.

Napabuga na lang ng hangin sa bibig si Oliver at ipinagpatuloy na ang pag-iinom.

“Bakit ba kasi hindi ka pa maghanap ng mapapangasawa mo?” mayamaya pa’y untag ni Dave. “Maraming babae sa mundo, bro. Gusto mo hanapan kita?”

“It’s not my priority, Dave. Ang gusto ko ay magkaroon ng anak.”

“Para magkaroon ka ng anak, dapat may asawa ka. Hindi ka magkaka-anak kung wala kang asawa unless willing kang mag-ampon.”

Napangisi si Oliver. “Bro, hindi ako mag-aampon. Ang gusto ko, sa akin mismo manggagaling ang anak ko.”

Natawa si Dave. “Kaya nga maghanap ka na ng mapapangasawa mo. Buntisin mo. E ‘di may anak ka na… dugo’t-laman mo pa…”

Hindi mapigilan ni Oliver ang matawa sa mga tinuran ni Dave. Hindi na niya pinansin ang kaibigan at inubos na lang ang laman ng baso niya. Nagpatuloy sila sa pag-iinuman hanggang sa pareho na silang malasing. At dahil hindi na kaya ni Oliver ang magmaneho, sa bahay na lang siya ng mag-asawa natulog. Nang magising siya kinabukasan, umalis din kaagad siya.

Subalit sa kasamaang palad, habang binabagtas ni Oliver ang daan patungo sa condo niya, bigla siyang nasiraan ng sasakyan. Nagmamadali pa naman siya dahil may kailangan niyang tapusin iyong design na ilang araw na niyang ginagawa dahil bukas ay kailangan na iyon makita ng kliyente niya.

Mabuti na lang at may malapit na repair shop kaya pinaayos na ni Oliver ang kaniyang sasakyan. At dahil matatagalan pa iyon, iniwan na niya muna ang sasakyan niya at para mapabilis ang pagbyahe, sumakay na lang siya sa MRT. Nakatayo siya habang mahigpit na nakahawak sa poste na nasa gilid niya at segu-segundong sinuri ang relong pambisig niya. Marami siyang kailangang gawin ngayon kahit Linggo.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Nexus White
Highly Recommended!
2025-10-23 11:45:44
0
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status