Hindi lang isa kundi dalawa ang naging dagok sa buhay ni Athy, iyon ay noong malaman niyang niloloko lang siya ng kanyang mahal na ex-boyfriend at pinsan niya na si Marga. Dahil sa sama ng loob ay nagpakalasing siya at may nakitang kamukha ni Matt sa bar na inakala niyang si Matt talaga kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na ipagkaloob ang sarili rito ngunit kinabukasan ay laking gulat niya nang makita ang mukha ng lalaking inakala niyang si Matt— mali pala siya at ito pala ang Tito ni Matt. Sa halo-halong emosyon ay nagmamadali siyang umalis at hindi na muling nagpakita pa rito, ngunit isang buwan ang makalipas ay nalaman niyang nagdadalang tao na pala siya. Kasunod pa nito ang pagkalugi ng kumpanya ng kanyang ama at pagkakaroon ng utang. Iniisip niya kung pagsubok pa ba iyon o parusa na hanggang sa bigla na lang lumitaw si Marcus— ang Tito ni Matt dala ang isang alok para sa kaniya. “Pakasalan mo ako at ako ng bahala sa mga utang ng pamilya mo. Kapalit nun ay ang pagdadala mo ng anak ko para sa mamanahin ko.” Higit pa doon ay ipinangako nito sa kaniya na tutulungan siya nitong makaganti sa ex niya at sa pinsan niya, dahilan para hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang offer nito ngunit saan kaya sila dadalhin ng tadhana sa kasunduan nila? ….
View MorePAKIRAMDAM ko ay para bang may isang napakabigat na bagay ang nakadagan sa aking tiyan pagkagising ko. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata ngunit napapikit din ako kaagad dahil parang umiikot ang paligid.
Napahilot ako sa aking sentido. Napakurap-kurap ako, inalala ang nangyari kagabi. Naglasing ako kagabi nang bigla ko na lang makita si Matt sa bar at nang hilahin niya ako patungo sa labas ay bigla ko siyang hinalikan at ang mga sumunod na nangyari ay halos hindi ko matandaan pa.
Naramdaman ko ang pananakit ng katawan ko, lalong-lalo na sa pagitan ng aking mga hita. Ilang sandali pa ay isang ngiti ang sumilay sa aking labi, siguro naman ay nakapag-isip isip na si Matt at hindi na niya ako iiwan pa diba pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa?
Nang makita ko ang ceiling ng silid ay napagtanto ko kaagad na hindi iyon pamilyar sa akin. Napalingin ako sa aking tabi, handa na sanang haplusin ang mukha ni Matt nang halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko ang lalaking himbing na himbing sa pagtulog sa tabi ko. Walang iba kundi si Marcus, ang tito ni Matt!
Nanlalaki ang mga mata kong napatitig dito. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata, sinisiguro kung tama ba ang aking nakikita o namamalikmata lang ako pero nang muli ko siyang tingnan ay hindi talaga si Matt ang nakikita ko kundi ang Tito niya!
Sunod-sunod ang naging pagmumura ko sa loob ko dahil dito. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya na nakapatong sa aking beywang. Napakaingat ng mga naging galaw ko sa takot na baka magising siya. Hindi ko alam kung anong ihaharap kong mukha sa kaniya kung sakaling magising siya.
Napakagat labi ako habang isa-isang pinupulot ang aking mga damit sa sahig. Pagkatapos nito ay maingat akong lumabas sa sala para doon na magbihis at nang matapos ako ay dali-dali akong lumabas para umalis na. Sa takot na baka magising siya at maabutan ako.
Habang tumatakbo ay hindi ako lumilingon sa aking likuran dahil baka mamaya ay hinahabol niya ako. Nang makasakay ako sa elevator ay doon pa lang ako nakahinga ng maluwag.
Napasandal ko ng wala sa oras sa elevator at napasapo sa aking mukha. “Anong ginawa ko?” inis na tanong ko sa aking sarili habang namumula ang mukha ko sa labis na kahihiyan.
Paanong nangyari na nagkamali ako ng tingin? Ganun na ba kalala ang pagkalasing ko kagabi? Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa ng mga oras na iyon dahil sa labis na kahihiyan. Shit, bakit? Bakit? Napasabunot ako ng aking buhok dahil sa labis na frustration.
…
“This is not real right?” napapailing na tanong ko kay Matt habang nakatingin sa kaniya. Ang aking mga mata ay unti-unti nang nahihilam ng luha. This was supposed to be our date but ended a nightmare. Para akong nabibingi sa kanyang sinasabi.
Tumingin siya sa aking mga mata ng walang pag-aalinlangan. “This is real Athy. I am breaking up with you.” walang emosyon na sagot niya sa akin na para bang wala lang ang tagal ng pinagsamahan naming dalawa.
Tuluyan nang tumulo ang luha sa aking mga mata. “No. paano? Anong dahilan? Bakit?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya habang humihikbi.
“May nagawa ba ako? Tell me Matt, handa akong baguhin iyon…” may himig pa ng pagmamakaawa ang aking tinig, hoping na baka maayos pa namin ito.
Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang siyang nakikipaghiwalay sa akin. Wala naman kaming pinag-awayan. Ang akala ko nga ay amgpo-propose na siya sa akin ngayon dahil bigla na lang siyang nag-aya na magkita kami pero hindi pala. Nakipagkita pala siya sa akin para lang makipaghiwalay.
“Kailangan pa ba ng dahilan Athy? Hindi mo ba maintindihan? I’m tired of you and I fell out of love.” walang prenong sabi niya sa akin.
Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay parang may kung ilang daang kutsilyo ang tumarak sa aking dibdib. He was my first love. Siya ang nagturo sa akin kung paano magmahal, siya ang naging sandalan ko sa tuwing nalulungkot ako kaya paano niya nagagawang saktan ako ng ganito?
Kahapon lang ay napakasaya pa naming dalawa pero bakit ngayon ay basta-basta na lang niya akong tinatalikuran ng ganito.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at pagkatapos ay lumapit sa kaniya. Wala akong pakialam sa kung anong sasabihin ng mga tao sa akin kung makita nila akong lumuhod sa harap ni Matt. wala akong pakialam dahil sa ngayon ay siya lang ang tanging mahalaga sa akin. Mahal na mahal ko siya at parang hindi ko siya kayang mawala.
“Please Matt, pag-usapan natin ito please…” nagmamakaawang sambit ko sa harap niya habang nakaluhod.
Agad na namilog ang kanyang mga mata sa aking ginawa na para bang hindi niya inaasahan na makakaya kong lumuhod sa harap niya at magmakaawa. Wala akong hindi kayang gawin para sa kaniya. Handa akong magmakaawa kung gusto niya basta huwag niya lang akong iwan dahil parang hindi ko kayang mabuhay ng wala siya sa buhay ko. Hindi ko kaya.
Hinawakan ko ang mga kamay niya. Ang mga katabi naming mesa ay napatingin na sa gawi namin at si Matt ay halos mamula na ang mukha dahil sa labis na kahihiyan. Mabilis siyang tumayo ngunit sa takot ko ay mabilis kong niyakap ang kanyang hita. Napakalakas ng pag-iyak ko ng mga oras na iyon.
“Athy ano ba! Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?” galit na galit na tanong niya sa akin habang pilit niyang tinatanggal ang mga kamay ko.
Umiling ako. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang mga hita. “No Matt! No. hindi ko ito bibitawan hanggang hindi mo kinakausap ng maayos…” umiiyak pa rin na sambit ko.
Napatingala ako sa kaniya. Ang galit niyang mga mata ang kaagad na sumalubong sa akin. Ngunit marahil dahil sa labis na kahihiyan niya ay malakas niyang tinanggal ang aking mga kamay na nakayakap sa mga hita niya at nagtatakbong lumabas ng restaurant.
Naiwan ako doong nakasalampak sa sahig habang patuloy sa pagtulo ang aking mga luha. Ilang sandali pa ay may concern citizen na lumapit sa akin at tinulungan akong tumayo. “Okay ka lang ba Miss?” tanong ng babaeng tumulong sa akin. Ang kanyang mga mata ay punong-puno ng awa habang nakatingin sa akin.
Mukha ba akong okay? Paano ako magiging okay kung yung taong mahal na mahal ko ay bigla na lang akong iniwan sa ere ng hindi ko alam ang dahilan? Sa tingin mo ba magiging okay ako?
Nagpunas ako ng aking mga pisngi. “Hindi ko alam kung bulag ka ba o ano, sa tingin mo, paano ako magiging okay?” tanong ko sa kaniya na punong-puno ng panunuya. Nagawa ko pang sungitan siya sa halip na magpasalamat dahil sa tinulungan niya ako pero masisisi mo ba ako? Sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Para akong hindi makahinga at higit sa lahat ay parang may butas sa dibdib ko. Paano, paano ako mabubuhay nito ngayon?
Sa halip naman na magalit ay mas naawa pa ito sa akin. “Maganda ka naman Miss, hindi mo kailangang sayangin ang buhay mo para sa lalaking iyon.” dagdag pa niyang sabi sa akin habang kinukuha ko ang aking bag.
Pahakbang na ako paalis ng mga oras na iyon nang marinig ko ang sinabi niya. Manhid ang katawan kong nilingon siya. “Sa tingin mo ba ganun lang kadali ang sinasabi mo? Naranasan mo na bang magmahal para sabihin mo yan?” puno ng sakit na tanong ko at muli na namang bumalong ang luha sa aking mga mata. “Hindi mo alam kung gaano kasakit dito.” itinuro ko ang dibdib ko at pagkatapos ay parang zombie na naglakad palabas.
Parang walang lakas ang aking katawan ng mga oras na iyon. Bakit Matt? Bakit?
Napatakip ako sa aking bibig at napahikbing muli. Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sa akin. Alam kong awang awa sila sa akin habang nakasunod sa akin ng tingin. Ang aking mga paa ay halos manginig na sa panghihina.
Paglabas ko ng restaurant ay sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Napapikit ako at pagkatapos ay bigla na lang napaupo sa sahig. Wala ng lakas ang aking mga paa at napasapo na lang ng aking mukha habang umiiyak.
…
NAGTAGIS ang mga bagang ko at nanlamig ang mga mata nang marinig ko ang sinabi niya. Bakit ba parang napakayabang ng tono niya? Tyaka ano pa bang gusto niya? Sinalubong ko ang kanyang mga mata. “Ano pa bang gusto mo?” asik ko sa kaniya. Pilit ko lang pinapatatag ang sarili ko pero halos gusto ko nang bumagsak.Isang buntong hininga ang pinakawalan niya at pagkatapos ay itinulak ang pinto. Pumasok siya sa loob ng condo ko nang hindi man lang ako nililingon. Napakuyom ang kamay ko. Nang sumilip ako sa labas ng pinto ay wala na ang Lance na unang nagpakilala kanina.Isinara ko ang pinto ngunit sa halip na humakbang pasulong ay nanatili lang ako doon at sumandal. Tiningnan ko siya na noong mga oras na iyon ay nililibot na ang aking sala. “Bakit ka nandito?” malamig na tanong ko at diniretsa na siya. Wala akong balak na patagalin pa ang pag-uusap naming dalawa.Ilang sandali pa ay nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. Ang kanyang mukha ay muling nagbalik sa pagiging pormal. “Nandito ako
PAGKAGISING ko kinabukasan ay nagulat ako nang wala na siya sa tabi ko. Sinubukan kong habulin at kausapin siya ngunit hindi ko na siya muling nahagilap pa. Dahil dito ay napilitan akong magpa-imbestiga at doon ko nalaman na hiwalay na pala silang dalawa ni Matt.Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko at pagkatapos ay napahilmos sa aking mukha. Wala akong balak na mag-asawa dahil wala na akong tiwala pa sa mga babae simula nang lokohin ako ng babaeng inakala kong napaka-perpekto at mapagkakatiwalaan pero ngayon na nabuntis ko siya ay wala akong ibang pagpipilian kundi ang pakasalan siya.Hindi man dahil sa may nararamdaman ako sa kaniya kundi para sa magiging future ng magiging anak ko. Idagdag pa na ito na rin naman ang huling taon na palugit sa akin ni Papa na mag-asawa dahil kung hindi ay baka hindi na niya ako pamanahan pa. Kahit papano ay may magandang naidulot naman iyon sa akin pero ang tanong ay kung papayag siya sa magiging offer ko sa kaniya.Tumayo ako sa aking k
ISANG MAHABANG buntong hininga ang pinakawalan ko at pagkatapos ay napahilot ako sa aking sentido. Paano ba ako humantong sa ganito?Noong gabing iyon ay wala naman talaga akong balak na patulan si Athy. Ang buong akala ko ay kayang-kaya kong kontrolin ang sarili ko, ang katawan ko pero mali pala ako. Noong sandaling dumampi ang labi niya sa akin ay natagpuan ko ang sarili kong natangay na sa halik niya.Ang simpleng pagdampi ng labi niya sa labi ko ay nagdulot ng isang emosyon na hindi ko pa naramdaman sa buong buhay ko. Para rin akong nawala sa sarili ko. Nakalimutan ko na siya pala ang girlfriend ng pamangkin kong si Matt.Ilang beses ko na siyang nakita sa family gatherings namin dahil palagi naman siyang nagpupunta pero hindi ko siya personal na kinakausap dahil palagi namang nakabantay si Matt sa kaniya. Hindi rin naman kami close ni Matt dahil na rin sa away namin ng kapatid ko at maging siya na pamangkin ko ay nakikisali.Higit pa doon ay hindi ko akalain na matutukso ako, na
ISANG buwan ang mabilis na lumipas sa buhay ko. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mabigat na kasalanan para parusahan ng ganito. Isang buwan na simula noong may mangyari sa amin ng Tito ni Matt at kaninang umaga lang ay nalaman ko na buntis na pala ako at sino pa ba sana an ama kundi ito hindi ba?Simula noong araw na iyon ay halos iwasan ko ang posibleng mga lugar kung saan ko siya pwedeng makita dahil nahihiya ko sa nangyari. Alam kong hindi niya ito gusto pero dahil makulit ako ay baka nadala na rin siya. Sino ba naman ang tatanggi sa babaeng desperada at handa nang ipagkaloob ang sarili sa lalaki hindi ba? Ganun naman talaga ang mga lalaki. Palay na ang lumalapit sa manok kaya natural ay hindi na siya tatanggi pa.Ngayong gabi naman ay narito ako sa harap ng aking mga magulang dahil ipinatawag nila ako para kausapin. “Wala na kaming ibang paraan pa para makabawi Athy. hindi ko man gusto na ipakasal ka sa anak ni Mr. Rodriguez ay wala akong magawa. Kailangan nating makabayad n
HINDI ko alam kung paano ko nagawang makaalis sa condo ni Matt. hinayaan ko ang mga paa ko na magturo sa akin kung saan ako dapat magpunta at sa isang club ako napadpad. Napaingay at napakatinding usok ang sumalubong sa akin ngunit wala akong pakialam.Agad akong dumiretso sa counter kung saan ay nag-order ako kaagad ng maiinom. Iilang beses pa lang akong pumasok sa bar dahil palagi akong pinagbabawalan ni Matt na pumasok doon. Isang malungkot na ngiti ang muling sumilay sa aking mga labi nang muli ko siyang maalala. Hindi ko lubos akalain na magagawa nila akong lokohin ni Marga.Bakit hindi ko man lang napansin na niloloko na pala nila ako? Bakit hindi ko man lang napansin na sa likod ko ay iba na pala ang galaw nilang dalawa? Dahil ba sa bulag ako? Dahil sa tanga ako?Anong dahilan? Bakit? Para na kaming magkapatid halos ni Marga, idagdag pa na alam niya ang tungkol sa relasyon namin ni Matt pero base sa pag-uusap nilang dalawa ay para bang mas matagal na silang dalawa kaysa sa amin
RAMDAM na ramdam ko ang pamumugto ng aking mga mata dahil sa pag-iyak ng walang tigil simula pa kagabi. Hindi ko alam kung paano ko nagawang umuwi sa condo ko. Parang biglang nagdilim ang mundo ko ng wala sa oras dahil sa nangyari.Pagmulat ng mga mata ko ay muli na namang nag-init ang sulok nito. Parang walang kapaguran ang aking mga mata sa pag-iyak, sobrang sakit. Sobrang hirap tanggapin na bigla na lang akong iniwan ni Matt. napakahirap tanggapin, siguro ay maiintindihan ko naman siya kung sasabihin niya sa akin ang dahilan pero ang mapagod siya? Sapat ba iyon na maging dahilan niya?Wala akong ibang ginawa kundi ang maging perpektong girlfriend sa kaniya. Isa lang naman ang hindi ko naibigay sa kaniya, iyon ay ang sarili ko. Pero kung iyon lang pala ang hinihingi niya ay handa ko itong ibigay sa kaniya bumalik lang ang pagmamahal niya sa akin.Handa na sana akong bumangon ngunit parang walang lakas ang katawan ko. Ni hindi ko maitaas ang aking mga kamay, marahil dahil na rin sa m
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments