Share

#98

Penulis: Cathy
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-04 23:40:36

BARBARA POV

“Gusto naming hindi lang sa dugo maging legal ang apo namin kundi pati na din sa pangalan at status sa lipunin. Hindi kami papayag na sa pagsilang ng bata, wala tayong panghahawakan na dokumeto na legal ang pagsasama niyong dalawa ni Charles, iha. Isipin na lang siguro natin ang kapakanan ng mga bata. Tsaka, saan pa ba patutungo nag lahat kundi sa kasal diba?” nakangiting wika ni Madam Carmela. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig.

Kasal? Kailangan ba iyun? Hindi na okay ang relasyon naming dalawa ni Charles tapos gusto ni Madam Carmela na magpakasal kami ni Charles? Hala, paano ko matatangihan ang bagay na ito?

Wala sa sariling napatingin ako kay Charles na noon ay tahimik lang din. Blanko ang expression ng mukha nito habang nakatitig sa akin.

“Excited na akong makita ang apo ko at ayaw kong masabihan na illegitimate sila. Isa pa, ano pa ba ang pinag-aalala niyong dalawa. Binata si Charles, dalaga ka naman, Barbara kaya naman tama lang siguro na pumirma na kayo
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Jurma Gulam
hay naku barbara nagka ambesia nga yung tao kaya ka nakalimutsn pero ang puso nya ikw padin hinahanap kaya huwag kanang masyadong mag inarte
goodnovel comment avatar
Hannah Jean Ignacio
More update please ma'am
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #105

    BARBARA POV Hindi ko alam kung nagseselan lang ba ako pero noong naiserved ang steak na gustong gusto kong kainin kanina, para bang bigla akong nawalan ng gana. May ibang pagkain ang hinahanap ang sistema ko na hindi ko lang din masabi kay Charles dahil nahihiya na ako dito. Baka kasi isipin nito na nag-iinarte lang ako eh. Eh, ito pa naman ang nag slice ng steak ko sa maliliit na piraso. ‘Kain ka na. Teka lang, may iba ka pa bang gusto?” nakangiting tanong nito sa akin. kaagad naman akong tumango “Pineapple juice.” Sagot ko. Mabilis naman nitong tinawag ang waiter at umorder ng isang fresh pineapple juice at isang orange juice. “Thank you, Charles.” hindi ko na nga mapigilang wika. Feeling ko, nagdi-date kami ngayun. Perfect kasi ang nasabing resto dagdagan pa na napapansin ko na halos mga couples lang din ang iba pang mga costumers. “For what? Teka lang, hindi mo ba gusto ang pagkain? Bakit parang hindi mo naman yata ginagalaw?” seryosong tanong nito sa akin. Napatitig ako

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #104

    BARBARA POV Naging maayos ang lahat sa amin ni Charles sa paglipas ng mga araw. Kahit papaano, ipinapakita at ipinaparamdam naman nito sa akin ang pag-aalaga ng kagaya yata sa isang tunay na asawa. Palagi itong nasa tabi ko at palagi din nitong chini-check ang kalagayan ko. Kumbaga, hindi ito nagkulang sa akin kung ang pag-aalaga ang pag-uusapan na siyang labis ko namang ikinatuwa. Hangang sa dumating ang ika-walong buwan ng aking pagbubuntis. Mas lalo akong naging maingat sa aking sarili. Halos hindi na din humihiwalay si Charles sa tabi ko na siyang labis kong ipinagpasalamat. Akala ko talaga wala nang pag-asa ang relasyon naming dalawa ni Charles pero pinatunayan nito sa akin na dapat lang na muli akong magtiwala sa dito na siyang dahilan kaya naman unti-unti na namang nahuhulog ang loob ko dito. Yes, bigla ko na lang namalayan na para bang hindi ko na kayang mabuhay na wala siya sa tabi ko. Pero hindi pa naman talaga kami officially na kami na. Oo, magkasama kami sa iisan

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #103

    BARBARA POV Muli akong nagising, umaga na. Nang imulat ko ang aking mga mata, ganoon na lang ang matindi kong pagkagulat dahil nasa bisig na ako ni Charles. Yes, hindi ako maaring magkamali, yakap-yakap na ako ni Charles na noon ay mahimbing nang natutulog. Ang unan na inilagay ko sa pagitan naming dalawa ay nawalan yata ng saysay at hindi ko na alam kung nasaan na iyun. Gusto kong itulak si Charles. Gusto kong bumangon kaya lang nag-aalala naman akong baka magising ito. Halatang mahimbing pa itong natutulog kaya lang, naisip ko din na hindi naman pwedeng habambuhay ako nitong yakap-yakap diba? Mahina akong napabuntong hininga. Buong ingat kong tinatangal ang braso nito na nakapulupot sa aking baiwang kaya lang, masyadong mabigat iyun. Hangang sa narinig ko ang mahinang pag-ungol nito palatandaan na magigising na din yata. “Ahmm, Barbara..saglit lang naman. Maaga pa. Matulog pa tayo.” Paos ang boses na bigkas nito. Nang muli kong titigan ito, nakapikit pa rin ang dalawa nito

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #102

    BARBARA POV ILANG buwan din akong nawala dito sa bahay na ito at masasabi kong sobrang namiss ko itong lugar. Dati kasi, noong maayos pa ang pagsasama naming dalawa ni Charles, itinuring ko na din kasi talaga itong tahanan ko kaya lang, iba na ngayun. Hangat hindi pa kasi bumabalik ang alaala ni Charles, alam kong hindi parin ako lubusang maging masaya. Napatitig ako sa malawak na swimming pool. Maraming magagandang alaala kaming dalawa ni Charles doon. Well, kahit saan naman meron eh. Lahat yata ng sulok ng bahay may mga masasaya kaming alaala na alam kong hindi ko makakalimutan habambuhay. Parang gusto ko tuloy tumalon ngayun sa malawak na swimming pool at magbabad sa malamig na tubig. Kaya lang, hindi pala maaari. Sa lahat ng desisyon na dapat kong gawin, dapat palagi kong isaang-alang ang kapakanan ng mga babies na nasa sinapupunan ko. “Ano ang iniisip mo? Simula kanina, hindi ka na umiimik ah? May problema ba?” wala sa sariling napabaling ang aking paningin nang bigla na l

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #101

    BARBARA POV “Don’t worry , kaya ko namang magbagayad ng isang gardener, isang labandera, isang cook, tatlong tagalinis ng buong bahay at isang driver at anim na security guards.” Muling wika ni Charles. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Hala, grabe, ang dami naman noon. Kaya pala kapansin-pansin ang mga guards sa gate. Kung ganoon, nagbago na nga ang lahat at napapansin ko din na para bang bigla na lang din nag matured ang kaisipan nitong si Charles “Safety first mo at ng mga anak natin ang iniisip ko kaya hindi pwedeng tipirin ang mga kasama sa bahay. Barbara, kung may kailangan ka, huwag ka din mag-atubili na utusan sila. Kinuha ko sila para mas magiging magaan ang pagkilos mo dito sa loob ng bahay at kung ano pa man ang kulang, huwag kang mag-atubili na sabihin sa akin.” seryosong muling bigkas ni Charles. Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko na naman kasi alam ang sasabihin ko eh. Tsaka, parang gusto ko na yatang isipin ngayun na siguro, mahal naman na talaga ako ni

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #100

    BARBARA POV HINDI ko alam kung ilang oras na akong nakatulog pero naalimpungatan ako na para bang hindi na ako nag-iisa dito sa loob ng silid. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at hindi ko maiwasan na magulat nang sumalubong sa paningin ko ang walang iba kundi si Charles. Nakatunghay ito sa akin kaya naman hindi ko mapigilan ang makaramdam ng matinding pagkailang kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdbi ko “Ano ang ginagawa mo?” kunot noo kong tanong dito. Napansin kong saglit itong natigilan sabay iwas ng tingin at napaatras ng ilang hakbang palayo sa akin “Huhh? Ahmm, wala! Wala. Ganito kasi iyun, gigisingin sana kita dahil kakain na sana tayo ng dinner kaya lang, mukhang napahimbing ang tulog mo kaya--- ‘Tamang tama, gutom na ako.” Putol ko sa sasabihin ito. Ang dami pa kasing sinasabi eh. Pwede namang diretsahin ako na kakain na. Kapag ganitong buntis, kay bilis talagang magutom. Naging gentleman naman si Charles. Tinulungan ako nitong makabangon mula sa pag

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status