HER REPLACEMENT: REGRETS

HER REPLACEMENT: REGRETS

last updateLast Updated : 2025-12-01
By:  JADE DELFINOUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
10 ratings. 10 reviews
47Chapters
1.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“Ang bata lang naman ang dahilan kung bakit nanatili pa rin ako. Pero ngayong wala na ang baby, maghiwalay na tayo.” — KARINA BERMUDEZ KARINA BERMUDEZ, a college working student, took responsibility for her younger siblings. Bilang isang panganay na ayaw mahiwalay sa mga kapatid niyang puro lalaki, pilit niya silang binubuhay nang walang hinihinging kahit ano sa kanilang mga magulang matapos maghiwalay ang mga ito. She despised her parents for ruining their almost perfect family. By night, she works at the VIP Hotel, where she met the man who would change everything about her—LUTHER MENDEZ, a man in his 30's who had no interest in relationships, but accidentally slept with her. What will Luther do if he finds out that he got her pregnant? Will he take responsibility? And will she be ready to be with someone she's not even familiar with?

View More

Chapter 1

KABANATA 001

THIRD PERSON POV

“Bakit niyo ba kami pinapapili kung sino sa inyo ang sasamahan namin?” sigaw ni Karina sa mga magulang.

“Bakit? Kayo ba, noong mas pinili ninyo ang babae at lalaki niyo, pinapapili niyo ba kami? Ha? May narinig ba kayo mula sa amin?” buwelta niya sa mga magulang, dahil hindi na niya kayang kimkimin ang sama ng loob.

Gulat naman ang mga magulang ng dalaga at hindi siya matingnan sa mata dahil sa kahihiyan. Hindi rin nila naisip na may mga anak silang nasasaktan at naiipit sa sitwasyon.

“Karina, how could you talk to your parents that way?” galit na saway ng Tita Kara niya, kapatid ng kanyang daddy Alfred.

“Bakit niyo ba kami pinapahirapan, Ma at Pa?” bulong niya habang impit na humihikbi, nakayuko at puno ng hinanakit. Hindi niya magawang tingnan ang mga magulang.

Si Karina ay ang nakatatandang kapatid sa apat na magkakapatid. Bilang panganay, siya ang laging nakaalalay sa tatlo niyang kapatid na lalaki. Dalawampu’t tatlong taong gulang na siya, ang ikalawa ay bente, ang ikatlo ay disiotso, at ang bunso ay sampung taong gulang.

Si Karina, Dos, Ariel, at James—lahat sila ay nag-aaral pa. Nasa kolehiyo na si Karina, 3rd year na, habang si Dos ay 1st year. May kanya-kanya silang kurso. Siya rin ang nag-iisang babae sa magkakapatid.

“Nak, pasensya na,” ani Karla, ina ni Karina. Lumapit ito at akma sanang hawakan ang kamay ng anak, ngunit mabilis iyong itinago ni Karina sa kanyang likuran.

“Anak, please… hayaan mo munang magpaliwanag si Mama,” pagmamakaawa ni Karla, ngunit hindi pa rin siya tiningnan ni Karina.

“Wala naman kayong kailangang ipaliwanag, Ma. Dahil pareho kayong may ginawang mali. Alam ko po… alam ko po ang lahat,” hikbi ni Karina.

Tahimik lang ang tatlo niyang kapatid sa likuran, ayaw din nilang kausapin ang mga magulang dahil galit sila sa mga ito.

“Wala kaming pipiliin sa inyo,” matapang na wika ni Karina sa mga magulang, dahilan para magulat ang mga ito.

“Nak, hindi pwede… sige na, sumama na lang kayo sa akin, please…” pagmamakaawa ni Karla sa mga anak.

“Sumama na lang kayo kay Papa. Mas maganda ang magiging buhay niyo sa akin, mga anak. Pagsisikapan ko lalo para sa inyo,” desperadong pahayag ni Alfred.

“Kaya ko silang buhayin, Alfred. Wag mong lasunin ang utak ng mga bata,” galit na tugon ni Karla.

“Bakit? Nasan ka ba noon, noong kailangan ka namin, ha? Kaya lang naman nahihirapan ang mga bata ay dahil sa’yo!” singhal ni Alfred sa kanyang dating asawa.

Muli na namang nagsimulang magbangayan ang dalawa—bagay na ayaw na ayaw marinig ni Karina.

“Pwede ba, tumahimik na lang kayo? Nakakarindi ang mga boses ninyo. Nagbabangayan pa kayo, nagbibilangan kung sino ang mas may ambag? Pareho naman kayong may ambag, dahil responsibilidad niyo kaming lahat. Walang mas lamang sa inyo dahil ginawa niyo naman lahat para sa amin. Nakakalungkot lang na ganyan kayo mag-isip.” Mahabang salita ni Karina.

“Nak, pasensya na… pero gusto ko lang kayong bigyan ng magandang buhay. Alam kong nagkamali ako, pero sana, intindihin mo rin si Mama,” desperadong pakiusap ni Karla, umaasang bababa ang galit ng kanyang mga anak.

“Ate at Kuya, hayaan niyo po munang mag-isip ang mga bata. Mas lalo niyo lang po silang iniipit,” sabi naman ni Tita Kara.

“Maganda naman ang buhay natin noon, Ma e. Kaya lang mas pinili niyo ang hindi magpakatotoo sa sarili. Mas pinili niyo ang magsinungaling at magpakasaya sa labas. Just like you, Pa. Sabi mo si Mama ang unang nagloko.” ani Karina.

“Pero… wala talagang saysay kung sino ang unang nagloko. Pareho kayong mali. Kaya walang sasama sa inyo. Ako ang tatayong ama at ina ng mga kapatid ko.” mahaba niyang pahayag, puno ng galit at determinasyon.

Pagkatapos ay lumingon siya sa mga kapatid:

“Dos, Ariel, at James—sa kwarto. At kayo namang dalawa, umalis na kayo. Hayaan niyo na kaming manatili dito sa bahay. Dumalaw na lang kayo kung gusto niyo.”

Tinalikuran na ni Karina ang kanyang mga magulang at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Wala nang nagawa ang dating mag-asawa kundi umalis, taglay ang bigat ng sama ng loob laban sa isa’t isa.

....

KINABUKASAN SA SCHOOL

As usual, late na naman si Karina. Mapapagalitan na naman siya ng professor niyang dragon. Kahit five minutes lang siyang late, galit na galit pa rin ang matandang guro na si Mrs. Siva.

Humahangos siyang binuksan ang pintuan ng classroom. Dahil kapag nakasarado na iyon, iisa lang ang ibig sabihin—nasa loob na ang professor niya. Sabay-sabay namang napatingin sa kanya ang lahat ng kaklase niya.

“Fifteen minutes late… Outside!” galit na sigaw ni Mrs. Siva, nanlilisik ang mga mata at halos lumabas na ang ugat sa leeg.

Karina had no choice but to follow. Bagsak ang balikat na lumabas siya ng classroom at tinungo ang palikuran upang pakalmahin ang sarili. Ayaw na niyang umiyak na naman, dahil namamaga na ang mga mata niya sa kakaiyak.

Habang nasa loob siya ng cubicle, bigla niyang narinig ang mga pamilyar na tinig ng ilang babaeng kakapasok pa lang ng CR. Napakunot ang noo niya—kilala niya ang mga iyon.

“Have you heard?” panimula ng isa. “Karina’s parents… separated?” Napasinghap pa sila, para bang napakalaking isyu. Para bang celebrity ang pamilya niya na dapat pag-usapan.

“For real?” tanong naman ng isang estudyante.

“Yes, Yuri. Poor thing,” tugon ng isa, halatang puno ng panunukso at insulto ang boses.

Karina stayed quiet inside the cubicle. She just waited for them to leave.

“Are you not gonna comfort your bestie?” tanong ng isa pa, si Camela, sabay tawa.

“No way! I am not gonna do that. I hate her,” sagot naman ni Kaori.

“Ang sama mo talaga, Kao. She’s nice and kind,” kontra ni Camela.

“Nice and kind? Nah. You’re mistaken. She’s the total opposite. Mukha lang siyang anghel, pero sa loob—nasa kanya ang kulo,” ani Kaori, tumatawa pa.

Karina held her breath and tried to control her emotions. Ayaw niyang gumawa ng eksena, ayaw niyang madungisan pa ang pangalan niya. Sira na nga siya sa professor niya dahil palagi siyang late, baka madagdagan pa.

“Kalma lang tayo, self,” bulong niya sa sarili.

“Are you done, guys? May date pa kami mamaya ni Carson,” ani Kaori bago sila tuluyang lumabas ng CR.

Nang marinig iyon, biglang kinabahan si Karina.

“Baka ibang Carson lang ’yon…” mahina niyang bulong.

Lumabas na siya ng cubicle, nag-ayos, at saka lumabas ng CR. Mag-isa siyang naglakad pabalik sa classroom. May isa pa siyang subject bago siya lilipat sa kabilang department. Determinado siyang hindi na ma-late, baka mapahiya na naman siya. Lalo pa’t mas terror ang professor niya ngayon kaysa kay Mrs. Siva.

Pagdating sa classroom, nakilala niya ang ilan niyang kaklase. At isa roon ay si Carson—ang boyfriend niyang itinago nila ng apat na buwan. Popular guy sa university si Carson, at kilalang playboy.

Pero si Carson lang ang tanging comforter niya.

“Okay, we will be having a surprise quiz today,” anunsyo ni Professor Frank.

Sabay-sabay na napaungol at napasinghap ang mga estudyante—isang malinaw na palatandaan na hindi talaga sila nag-aral.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

reviewsMore

Alas Gatacelo
Alas Gatacelo
maganda xa hopefully tuloy2 ang update
2025-11-20 21:12:32
1
0
ArtofPollyanna
ArtofPollyanna
Interesting yung pa cliffhanger. Highly recommended ...
2025-11-17 11:14:56
1
0
JADE DELFINO
JADE DELFINO
700+ views na.. thank youuuu po sa lahat .........
2025-11-15 09:00:18
0
0
Red Angel1221
Red Angel1221
nice story🫶
2025-11-08 18:16:07
1
0
Dwendina
Dwendina
nice story.. highly recommended ...
2025-10-31 14:38:00
1
0
47 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status