CHARLES “Kumain na ba kayo? Sumabay na kayo sa akin para mas masaya.” Nakangiti niyang muling wika. "Naku, tapos na po kami Sir. Tsaka, kailangan naming itong tapusin ngayun dahil gagawa pa kami ng dessert.” Nakangiting wika ni Yaya. Inilapag na nito sa harapan niya ang mga pagkain pati na din ang kubyertos na gagamitin niya “Ganoon ba? Well, sige lang, focus lang kayo sa ginagawa niyo. Huwag niyo akong alalahanin.” Nakangiting wika niya pero ang totoo, hinihintay niya din na magsalita sana si Barbara. Gusto niya kasing marinig ang boses nito eh. Shit, simula kanina, parang isang tood lang ang babaeng iyun ah? Tahimik lang na naghihiwa ng mga gulay? Na para bang isa lamang siyang invisible at hindi siya nito napapansin. “Siya nga pala Mona…kilala niyo si Sir Kiel diba? Iyun binata diyan sa katapat na bahay?” dumating na siya sa punto na gusto niya nalang i-focus ang buo niyang attention sa mga pagkain na nasa harapan niya nang biglang dumating ang isa pang kasambahay. Mukha
Kinabukasan, kagaya ng inaasahan, mas nagiging abala pa sila. Tumulong silang dalaw ni Mona sa kusina. May tagaluto naman pero kailangan ng full force sa pagagayat ng mga ingredients sa mga lulutuin. Ang ending, halos maghapon silang dalawa ni Mona sa kusina na walang ibang ginawa kundi ang maghiwa ng kung anu-anong mga gulay. Naging abala sila sa kusina nang bigla na lang pumasok sa loob si Sir Charles. Lahat sila ay binati ito. Medyo matagal niyang hindi nakita si Sir Charles dahil naging busy daw ito sa trabaho opisina. Isa pa, balita niya may sarili naman daw itong bahay at doon daw ito umuuwi paminsan-minsan Sabagay, hindi talaga magtatagpo ang landas nilang dalawa ni Sir Charles dahil sa laundy area lang naman umiikot ang mundo niya eh. “Sir, Good afternoon po!” panabay nilang bati dito. Nakibati na din siya pero isang sulyap lang ang ibinigay niya kay Sir Charles. Ewan niya ba..kapag nasa paligid lang kasi itong si Sir Charles, nakakaramdam kasi siya ng pagkailang eh. Sig
BARBARA Sa mga sumunod na mga araw at buwan, inabala niya ang sarili niya sa trabaho. Masasabi niyang kahit papaano nasanay na sya sa trabaho dito sa mansion. Gamay niya na din niya ang pagamit ng mga high tech na kagamitan at higit sa lahat, hindi na lang paglalaba ang kaya niyang gawin. Marunong na din siyang mamalantsa. Natuto na din siyang makihalubilo sa mga kasama niyang mga kasambahay dito sa mansion pati na din sa labas. Paano ba naman kasi, niyayaya siya palagi ni Mona lumabas kapag may free time sila. Masasabi niyang mababait nga lahat ng amo nila. Si Mam Cassy at Sir Charles hindi nila masyadong nakikita na. Si Madam Carmela lang ang palagi nilang nakakausap dahil ang asawa nitong si Sir Christian, tahimik lang naman ito kapag nasa mansion. Tanging si Madam Carmela lang yata ang kinakausap nito eh. Ang ibang mga anak nila Sir at Madam ay padalaw-dalaw lang ng mansion. Hindi naman talaga nagtatagal lalo na at ang meet-up yata ng angkan ay sa Villarama Mansion daw talaga.
“Hmmp, ano kaya ang problema ni Sir? Bakit kaya ang sungit niya? Baka may regla?” mahina niyang bulong sa kanyang sarili. Pagkatapos noon, napalingon siya sa gate nang marinig niyang bumukas iyun at hindi niya mapigilan ang mapangiti nang makita niya si Mona. Hindi ito magkandaugaga sa bitbit nito kaya naman mabilis niya itong sinalubong at tinulungan sa mga bitbit nito “Hyasst, grabe! Ang bigat! Barbara naman, bakit niyo ako iniwan?” hingal kabayo na tanong nito sa kanya. “Naku, sorry, Mona! Hindi ko nga alam kung bakit bigla ka na lang iniwan ni Sir kanina eh. Tsaka hindi ko din akalain na aarangkada kaagad siya paalis na hindi ka pa nga nakakasakay.” Hinging paumanhin niya dito. Kawawa naman itong kaibigan niya. Pawis na pawis tapos habol ang paghinga siguro sa pagod at sa bigat ng bitbit nito. “Alam mo,hindi ko din akalain na iiwan ako ni Sir eh. Pero ayos lang…..pagkaalis mo, lumabas na din si Sir Kiel. Ibinigay niya na ang pasalubong niya para sa atin.” Nakangiting wika ni
CHARLES POV “SI BARBARA? SI Barbara itong kasama ni Mona ngayun? Shit, bakit mas lalo naman yatang gumanda ang babaeng ito?” Nakakapanibago. Nakatali palagi ang buhok ng babaeng ito pero ngayun, ibang iba na siya. Bumagay dito ang ayos ng buhok nito at mas lalo itong gumanda. Tsaka, hindi ito naka-uniform ng pang kasambahay ngayun kaya nnaman nagmukhang ibang tao talaga ang dalaga ngayun sa harapan niya. “Sir, kahit po kayo, nagulat sa transformation ni Barbara noh?” nakangiting muling wika ni Mona. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at pilit niyang pinapakalma ang sarili niya. Shit, kailangan niyang i-relax ang sarili niya lalo na at ayaw niyang magmukhang tanga sa harapan ng dalawang babaeng ito “Ano ang ginagawa niyo dito? Bakit nandito kayo sa labas?” seryosong tanong niya. Pinilit niyang iniiwas ang tingin kay Barbra dahil baka hindi siya makapagpigil at gawin niya kaagad asawa ang babaeng ito eh. Mahirap na. “Sir, Sir Charles, ano po..day off namin
“Bakit ayaw mo? Teka lang, bakit ka namumula? Shit, ang cute mo talaga!” sagot naman nito kaya hindi niya mapigilan ang mapalunok ng sarili niyang laway. Ano ba itong mga sinasabi ni Sir Kiel? Nakakkahiya. “Huhh? Ahmmm, Akala ko ba uuwi na tayo?” sagot niya dito. Ayaw niya nang isipin ang sinabi nitong si Sir Kiel. Nahihiya siya at naaasiwa siya. “Ahh, yeah, sure!’ nakangiting sagot nito sa kanya sabay bukas nito ng pintuan ng kotse. Akmang alalayan pa nga sana siya nito papasok ng kotse pero sinabi niyang--- “Sir, kaya ko na po.” Pagkasakay niya ng kotse, buong pag-iingat na isinara ni Sir Kiel ang pintuan ng sasakyan. Umikot ito patungo sa kabilang side ng pintuan at bago ito nakasakay, nagsalita na naman si Mona. “Barbara, narinig ko iyun. Gusto kang ligawan ni Sir Kiel?” wika nito pero hindi niya na nasagot pa dahil sumakay na si Sir Kiel ng kotse. Pumwesto ito sa harap ng manibela sabay titig na naman sa kanya. “Well, kailangan na nating bumiyahe. For your safety, c