Mag-log inRUSSELL DAVIS POV "MR RUSSELL DAVIS, laya ka na!'" Napatigil ako sa aking physical exercise nang bigla na lang dumating ang isa sa mga gwardiya ng piitan kung nasaan ako ngayun. Kay bilis ng panahon. Anim na buwan na pala akong nakakulong pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Ang mga kabulastugan at padalos-dalos na desisyon ko na labis na nagbigay ng sakit at pighati sa babaeng iniibig ko. Si Jillian na ngayun ay asawa na ng pinsan ng Mommy Jeann ko. "Sir, Congratulations." muling wika ng gwardiya. Wala sa sariling napatitig ako dito Kung totoosin, para lang naman akong hindi nakakulong. Pero ang feeling ng isang taong normal na nakakulong ay never kong naranasan. Nakakagamit pa rin naman ako ng cellphone, ang mga pagkain ko, walang nabago, ang mga gwardiya, sumusunod sa utos ko. Ang higaan ko, kahit na hindi ganoon kalaki, kumportable naman ako. Feeling ko nga, palabas lang ng angkan namin ang pagkakulong ko eh. I'm living in a luxury life dito sa kulungan
JILLIAN POV AYOS ka lang ba? Sigurado ka bang okay lang sa’yo ang napag-usapan kanina?” tanong sa akin ni Ralph. Pagkatapos naming makipag-usap kanina kasama ang mga tiyuhin at tiyahin, agad akong nagpaalam na magpapahinga muna. Alam kong may iba pa silang gagawin dito sa mansion, marahil ay mag-uusap pa tungkol sa ibang bagay, na sasabayan ng kaunting inuman. Si Mama Maureen naman ay nauna nang umalis. May taping pa raw siyang kailangang puntahan. “Kung ano man ang mga sinabi ko kanina, bukal iyon sa kalooban ko. Si Russell ay bahagi pa rin ng angkan natin. Kung hindi niya gagamitin sa tama ang ibinigay na second chance sa kanya, bahala na siya,” seryoso kong sambit. “Alright… well, ikaw pa rin naman ang masusunod,” tugon ni Ralph. “By the way, maaga pala tayong aalis bukas.” “Gagamitin ba talaga natin ang mga tickets na bigay ni Daddy Peanut?” nakangiti kong tanong. “Oo naman. Baka magtampo pa siya kung hindi natin gagamitin. Jillian, he’s your biological father-------
JILLIAN POV MASAKIT ang ginawa ni Russell pero kakayanin ba ng konsensya ko na makitang tuluyang masira ang kinabukasan niya? Kaya ko ba siyang makitang mabulok sa kulungan? Na magiging kagaya ni Mama Maureen ang kanyang buhay? Kaya ko bang makita sa araw-araw ang lungkot sa mga mata ni Ate Jeann at Kuya Drake? Hindi man sila nakikiusap sa amin ni Ralph na huwag nang ipakulong si Russell, pero alam kong sa kaloob-looban ng puso nila, umaasa sila na sana ay patawarin namin si Russell At ang kapatawaran na ibibigay namin sa kanya ay posibleng magpapabago ng buhay niya. "Unfair naman siguro sa anak ko kung patatawarin natin ang taong naging dahilan ng pagkawala ng inaasahan nilang unang anak. Look, alam kong mahalaga ang buhay ng bawat miyembro ng pamilya pero kung sakaling makalabas iyang Russell na iyan, gaano kayo nakakasiguro na hindi ulit niya guguluhin ang buhay ng anak ko?" sabat naman ni Mama Maureen. Lahat ay napatingin sa kanya. Ako naman, tahimik lang pero may isa
JILLIAN POV PAGKATAPOS ng madamdaming pag-uusap namin ni Daddy Peanut kasama ng buong pamilya niya, mas lalo kong naramdaman ang pagaan ng kalooban ko. Naramdaman ko na din ang feeling na okay na ako. Na sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan ko nitong nakaraang buwan, pwede ko nang masabi na ayos na ako Mas masarap sa pakiramdam na wala kang galit na nararamdaman sa puso mo. At ang kasal naming dalawa ni Ralph ay alam kong umpisa na ng isang maaliwalas na umaga na dapat naming harapin "Jillian----" wala sa sariling napalingon ako nang bigla na lang may tumawag sa pangalan ko. Walang iba kundi ang dalawa kong Mommy. Si Mommy Veronica na mother in law ko at si Mommy Arabella na adopted mother ko Grabe, ang dami ko na palang Ina. Nanidyan si Mama Maureen, si Mommy Arabella, Si Mommy Veronica at may dumagdag na isa pa. Si Mommy Charlotte. "Mom-----" nakangiting sambit ko. Nang tuluyan na silang nakalapit sa akin isa-isa ko silang niyakap ng mahigpit at umusal nang taos pusong
JILLIAN POV "CONGRATULATIONS, SIS!" nandito na kami sa reception party at hindi ko akalain na bigla na lang akong lapitan nila Charmaine at Penelope para i-congratulate. At ngayun, hindi na Jillian ang tawag nila sa akin kundi 'Sis' na. "Thank you." nakangiting sambit ko. Kaagad din namang hinawakan ni Penelope ang kamay ko "SAbi ko kay Charamine, dapat Ate na din ang itawag niya sa iyo. Sa akin naman, Sis na lang tutal, hindi naman tayo nagkakalayo ng edad eh." nakangiting wika niya sa akin "Ha, naku, kayo talaga! Kahit ano, pwede niyong itawag sa akin. Kahit Jillian na nga lang, ayos lang eh." sambit ko "Hindi pwede iyan. Magkapatid tayo at dapat lang naman siguro na may tawagan tayo para malaman kung sino ang panganay at bunso." nakangiting sambit naman ni Charmaine. Hinawakan din ako nito sa isa ko pang kamay at muling nagsalita "Ate Jillian, congratulations. Alam mo, noon ko pa nahahalata na may gusto talaga iyang si Uncle Ralph sa iyo eh. Kaya lang, ayaw lang ami
JILLIAN POV Nag-umpisa nang tumugtog ang wedding march habang unti-unting bumukas ang malalaking pintuan ng simbahan. Napatigil ang lahat. Lahat ng mata ay nakatutok sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang hawak ko ang bouquet. Parang akong lumulutang sa alapaap, pero kasabay noon ay ang kabog ng puso kong hindi ko mapigilan, hindi sa takot… kundi sa labis na saya at pananabik. “Ang ganda mo, anak…” mahina ngunit malinaw kong narinig ang bulong ni Mama sa tabi ko Napangiti ako kahit nangingilid ang luha ko. Nag give way ang mga adopted parents ko at hinayaan nila na si Mama Maureen ang maghahatid sa akin sa altar. At hindi lang siya dahil sa kabilang side ko ay nakatayo ang walang iba kundi ang biological father ko na si Kuya Peanut. Hindi ko alam kung pinayagan ba ito ni Ate Charlotte pero bahala na sila. Basta ang importante, masaya ako ngayun habang nakatutok ang paningin ko sa aking groom. Si Ralph---- Sa dulo ng altar, nakita ko si Ralph.
AMERY HEART POV "WALA na akong pakialam pa kay Elias kaya hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin ang tungkol sa bagay na iyan." seryoso kong bigkas. "Siguraduhin mo lang! Noon, binigyan kita ng chance na makasama ang lalaking mahal ko pero ngayun, hindi na ako papayag pa na muli mo siyang m
AMERY HEART POV "I already talk to your Doctor. Sinabi niya sa akin na pwede ka na daw makalabas ng hospital." seryosong wika ni Christopher sa akin. Ito pala ang isa sa mga pakay niya sa pagdalaw niya sa akin ngayung araw. Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Baby Elizabeth nang bigla nalang
AMERY HEART POV '"Ano ang gusto niyo? Shopping muna or kain muna?" nakangiting tanong ni Oliver sa amin. Nandito na kami sa loob ng mall habang as usual nasa bisig niya na naman si Baby Elizabeth. Ang hilig magpakarga ng anak kong ito. Habang nagtatagal, napapansin ko na palambing nang palambin
ELIAS POV Bago kami nakarating ng bahay, medyo naging maayos naman ang kalagayan ko. Parang nagdahilan lang ako na biglang natangal ang pananakit ng ulo ko. Siguro nga, naghalo na ang lahat sa akin. Stress dahil sa kalagayan ng anak kong si Liam plus sa kondisyon ko na may amnesia ako. "Sigu







