로그인JACQUELINE POV Sa kotse kami dumirecho ni Russell. Pagkasakay pa lang namin, mabilis na siyang umarangkada paalis. Ramdam ko pa rin ang galit niya kaya naman kaagad ko siyang hinawakan sa kamay "Sorry." mahina kong wika. Naramdaman kong kaagad din naman niyang pinisil ang kamay ko "For what?" tanong niya "Sa--sa nangyari kanina. I mean, nakita mo tuloy kung gaano kapangit ng pakikitungo ni Daddy at ng madrasta ko sa akin." sagot ko din naman kaagad. "At sa simpleng bagay na iyun, nagsosorry ka sa akin? Jackie, wala kang kasalanan. Actually, ikaw nga ang dehado eh. But, don't worry, ako ang bahala. Ang nangyari kanina, hinding hindi ko mapapalampas." seryoso niyang sagot sa akin Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko na din kasi talaga alam kung ano ang sasabihin ko eh. Nahihiya ako dito kay Russell na natutuwa kasi, kahit na arranged marriage lang ang nangyari sa pagitan namin, ramdam ko pa rin ang pagpo-protekta niya sa akin *************** Ilang minuto na pagmamaneho, na
JACQUELINE POV "IHA, Magkapatid naman kayo at sa magkapatid dapat nagbibigayan. Maaatim mo ba na ma suspende ang kapatid mo?" nakangiting wika ni Daddy. Bigla talaga siyang kambiyo at biglang bait-baitan nang mapansin niyang kasama ko si Russell. At ngayun, nasa pangongonsensya mode na siya sa akin. Na para bang kulang nalang sabihin na ako na ang mag adjust dahil magkapatid naman kami Pero, ang totoo, aware naman talaga siya na hindi kapatid ang turing sa akin niyang si Aimee eh. Para sa babaeng iyan, isa lamang akong laruan na pwede niyang saktan kung kailan niya gusto. "O--oo nga naman, Jackie! Parang hindi mo naman kiilala ang ugali ni Aimee. Medyo maldita lang siya pero mabait naman iyan." sabat naman ni Tita Norma. Hindi ko naman mapigilan ang mapaismid. "Mabait..kailan pa naging mabait ang anak niyo? At kailan niyo pa nakitang iginalang ako niyan kahit na kaunti?" seryosong wika ko "Jackie-----" mataas ang tono na wika ni Daddy at akmang lalapit sa akin pero bi
JACQUELINE POV SA loob ng guidance counselors office, nakita ko kung gaano ka-balisa si Aimee. Kitang kita ko ang takot sa mga mata niya habang hindi siya makatingin ng direcho sa akin Ako naman, tahimik lang. Nakapatong sa basa kong kasuotan ang coat ni Russell na sinadya niya pang kunin sa kotse kanina "Are you okay?" masuyo niyang tanong sa akin habang hawak niya ang kamay ko Ang gusto niya sana kanina ay umuwi na kami para makapaligo at makapagpalit na ako ng tuyong damit kaya lang, hindi ako pumapayag. Gusto ko din kasing makita kung ano ang magiging reaction nila Daddy at nang madrasta ko sa ginawa ng magaling nilang anak na si Aimee "Okay lang ako...ang coat mo, malaking tulong para hindi ako lamigin." sagot ko din naman sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at ilang saglit lang, dumating na din ang iba pang mga magulang ng mga istudyante na kakampi ni Aimee. At nang makita nila si Russell, nakita ko ang matinding pag-aalangan sa mga mata nila. Kinausap na kaagad si
JACQUELINE POV “WALA----wala akong ginawa!” narinig kong sigaw ni Aimee habang mahigpit akong nakayakap kay Russell. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Nanginginig pa rin ang buo kong katawan mula sa takot at kahihiyan na naramdaman ko kanina. Basang-basa din ang uniporme ko, malamig ang tubig na dumikit sa balat ko, at mahapdi pa rin ang kaliwa kong pisngi dahil sa malakas na pagkakasampal ni Aimee kanina. Pero habang nasa bisig na ako ni Russell, pakiramdam ko ay biglang nawala ang lahat ng takot na bumabalot sa akin. Pakiramdam ko, ligtas ako dahil nasa tabi ko na siya. Mahigpit niya akong niyakap, tila ba ayaw niya akong pakawalan kahit isang segundo lang. Ramdam ko ang mabilis niyang paghinga at ang init ng katawan niya na unti-unting nagpapakalma sa akin. “Ssshh… tahan na,” marahan niyang bulong sa akin habang dahan-dahan niyang hinihimas ang likod ko. “Nandito na ako… hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa iyo.” Ngunit hindi sapat iyun para
JACQUELINE POV HINDI ko na nga napigilan si Russell sa mga nais niyang gawin. Pagkatapos namin bumlii ng bag sa isang boutique, lumapit naman kami sa isa pa. At mga shop na dinaanan namin, hindi talaga pwedeng lumabas kami na wala siyang dagdag na bitbit. Kahit na ano ang pigil ko k sa kanya na huwag niya nang bilhin, ayaw talagang makinig. Ang dami niyang katwiran. Ang dami niyang palusot at kung hindi ko pa sinabi sa kanya na kailangan ko nang bumalik ng School, ayaw pa talagang paawat sa kakabili ng kung anu-ano "Hihintayin na kita." kasalukuyan nang nakahinto ang sasakyan sa tapat ng building na university nang sabihin niya ang katagang iyun. Isang oras lang naman ang klase ko ngyaung hapon. Hindi naman magtatagal sa paghihintay sa akin itong si Russell kaya kaagad na din akong pumayag "Wala ka bang ibang lakad? Baka mamaya, ma-bored ka na niyan?" seryosong tanong ko "NO...don't worry, hawak ko ang oras ko. Isa pa, nagmessage nga pala si Mommy sa akin, sa bahay na daw
JACQUELINE POV NATAPOS kaming kumain na wala naman akong ibang nahahalata mula kay Russell. Maliban sa seryoso niyang mukha at walang tigil na pasulyap-sulyap sa kinauupuna nila Jillian at Ralph Alexander, wala naman siyang ibang mga bagay na ginawa. Pagkatapos namin kumain, hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami palabas ng restaurant. Hindi ko alam kung pang show lang ba iyun, pero ayaw ko nang isipin Lalo na at nagiging normal na lang sa aming dalawa nitong si Russell na hinawakan niya ang kamay ko sa tuwing nasa labas kami "Gusto mo bang magshopping na muna?" habang naglalakad kami, narinig ko ang malambing ng tono ng boses ni Russell. Napahinto ako sa paghakbang at nakangiting hinarap siya "Alas dos pa ang sunod kong klase. May time pa ako pero ano naman ang bibilihin natin?" nakangiting tanong ko sa kanya Saglit siyang nag-isip at hinila niya ako patungo sa kalapit na boutique. "Dito, pumili ka ng gusto mo at bibilhin ko." nakangiti niyang wika. Kaaga
JENNIFER POV ''JEN, ano ang ginagawa mo dito?" dahil sa matinding pagkagulat, hindi kaagad ako nakapagsalita! Pakiramdam ko biglang may kung anong matalim ng bagay ang biglang sumundot sa puso ko! Hindi ko kasi talaga ito inaasahan kaya naman tulala akong nagpapalipat-lipat ang tingin kina Elijah
JENNIFER POV "NAKU Mom, hindi ko po kailangan ang mga iyan!" nakangiti kong wika kay Mommy MIracle na sinabayan ko pa ng sunod-sunod na pag-iling! Nandito kami ngayun sa isang shop na puro mga luxury items ang tinitinda! Presyo pa lang ng mga paninda talagang nakakaramdam ako ng panghihilab ng ak
JENNIFER MADLANG AWA POV Hindi na pala kailangan pang mag-inarte para mapansin ni Elijah kung gaano kahirap magbuntis dahil nararamdaman ko na ito ngayun! Nagising ako kanina na sobrang sama ng pakiramdam ko! Of course...halos takbuhin ko ang banyo at nagduduwal pero hindi talaga kaya! Habang n
JENNIFER POV'"Ohh Jen, ang sarap!" hindi ko na mabilang pa kung ilang beses ko nang narinig ang katagang iyun mula sa bibig ni Elijah kaya naman lalo ko pang pinag-igihan ang aking gingagawa.Kailagan ko itong gawin para ma-inlove siya sa akin pero hindi ko naman akalain na mag-eenjoy din pala ako







