로그인JACQUELYN POV Nang muli kong ipikit ang aking mga mata para sana i-relax ang isipan ko, tila isang maaksiyong pelikula ang mga alaala na sunod-sunod na naglaro sa aking isipan. May isang babaeng desperadong tumatakbo sa madilim na daan habang may ilang taong humahabol sa kanya. Hindi ko man maaninag nang maayos ang kanilang mga mukha, ramdam ko ang matinding galit na nakaukit sa kanilang mga tinig at kilos. Paulit-ulit nilang tinatawag ang pangalan ko. At iyon ang mas lalong nagdulot ng matinding takot sa akin. " Jacqueline! Babae ka! Bumalik ka rito!" "Hindi ka makakatakas sa amin!" Iilan lamang iyon sa mga sigaw na narinig ko. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtanto kong parang ako ang babaeng kanilang hinahabol. Hindi ko maintindihan kung bakit, ngunit pakiramdam ko ay ako mismo ang nakakaranas ng takot na nararamdaman niya. Patuloy na umikot sa aking isipan ang eksena. Ang tunog ng nagmamadaling mga yabag. Ang mabibigat na paghinga at ang malakas a
JACQUELYN POV NAGISING ako na pakiramdam ko ay galing ako sa isang napakahabang panaginip. Mabigat ang mga talukap ng aking mata habang dahan-dahan kong iminulat ang mga ito. Unang sumalubong sa paningin ko ang malamlam na puting liwanag mula sa kisame ng silid na kinaroroonan ko. Sandaling lumabo ang aking paningin bago unti-unting luminaw. Tahimik ang paligid. Tanging ang mahinang ugong ng air conditioner at ang paminsan-minsang tunog ng mga kagamitang medikal ang naririnig ko. Akmang babangon sana ako nang bigla akong napangiwi. Matalim na kirot ang dumaloy sa aking ulo dahilan upang mapahawak ako rito. Kasabay niyon ay ang matinding pagkauhaw na tila ilang araw akong hindi nakainom ng tubig. "Jackie... wifey?" Napakunot-noo ako nang marinig ang pamilyar ngunit nag-aalalang boses na iyon. Agad kong ibinaling ang aking paningin sa pinanggalingan ng tinig. Isang lalaki ang nakatayo sa gilid ng kama. Magulo ang kanyang buhok. Halatang hindi siya nakatulog nang maay
RUSSELL POV "HINDI MO kami pwedeng ikulong. Labag ito sa batas. Wala kaming kasalanan. Siya----siya ang dapat niyong ikulong. Siya ang nakabundol sa malditing iyun!" sa labas pa lang ng presento, narinig ko na ang sigaw ni Norma habang itinuturo ang driver na nakasagasa kay Jackie. Kanina pa siya nagwawala. Ayun sa aking legal team, may dumating na abogado kanina pero kaagad ding umatras nang malaman kung sino ang makakalaban. At ngayun, walang abogado na magtatangol sa kanila at kanina pa siya nagwawala si Norma sa loob. Gusto na daw kasing umuwi. Si Mr. Torres naman, tahimik lang. Halatang wala pa rin sa hwesyo at sa kauna-unahang pagkakataon, kasalukuyan siyang binabagabag ng matinding konsensya dahil sa nangyari kay Jackie. Sila Aimee at Martin naman, tahimik lang sa isang tabi. Ngayun lang nila naramdaman ang bigat ng kasalanan na nagawa nila. Kanina pa gumagawa ng paraan ang mga magulang ni Martin na mailabas ang anak pero, walang epekto. Hindi pumapayag ang mg abogado
RUSSELL POV “Magiging maayos din ang lahat. Lalaban siya.” sabat naman ng pinsan kong si Kurt. "Mahal na mahal ko si Jacquelyn. Mahal na mahal ko siya!" nag-uumapaw ang matinding emosyon sa tono ng boses ko na bigkas ko. Dahil, iyun ang totoo at hindi ako mahihiya na ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal. Dahil sa unang pagkakataon sa buhay ko, natatakot akong mawalan ng isang tao. "Alam namin iyon. Nakikita namin kung gaano mo siya kamahal." Sagot din naman ni Moira Kristina sa akin. “Yes, ako din, nakita naming iyan. Hindi ka na nga nakakasama sa amin sa mga night out dahil kay Jackie eh. At dahil diyan, hindi bibitaw si Jackie. Alam niya kasing malulungkot ka kaya kahit na ano ang mangyari, lalaban siya.” sabat naman ni Penelope. "At sisiguraduhin namin na lahat ng sangkot sa aksidenteng ito ay mananagot." muling wika ni Moira Kristina. Unti-unting lumamig ang ekspresyon ko nang maalala ko kung bakit nandito kami sa sitwayong ito ngayun. Tama si Mo
RUSSELL POV PAGDATING sa ospital, kung sinu-sinong miyembro ng pamilya namin ang aking nadatnan. Nandito ang ilan sa mga tiyuhin at tiyahin, maging ang mga pinsan. Lahat sila ay may parehong ekspresyon sa mukha, pag-aalala, takot, at paghihintay. Pero wala sa kanila ang attention ko. Direcho ako sa emergency room. Pinapasok naman nila ako at halos manginig ang aking laman nang makita ko si Jackie. Kaawa-awa ang hitsura niya. Maputla ang hitsura niya, nakapikit habang nakakunot noo. Halatang may iniindang sakit. Hindi ko na mapigilan ang maluha kasabay ng pagkuyom ng kamao ko. Pakiramdam ko ay unti-unting nadudurog ang puso ko sa bawat segundong lumilipas. Wala nang sinayang na sandali ang Doctor. Kaagad niya akong kinausap at sinabi niya sa akin ang isang nakakagimbal ng balita. "Sir, we need urgent surgery. She's in critical condition. Ang gamot na ituturok namin sa kanya ay posibleng makaapekto sa baby na nasa kanyang sinapupunan." Para akong binuhusan ng malamig na
RUSSELL POV VILLARAMA MEDICAL CENTER ---Ang ospital na pag-aari ng angkan namin. Doon dinala si Jackie dahil iyon ang pinakamalapit na pagamutan mula sa pinangyarihan ng insidente. Pero imbes na nandoon ako ngayon, naghihintay sa labas ng emergency room at kumakapit sa bawat salitang sasabihin ng mga doktor, nandito pa rin ako sa gilid ng kalsada. Nakaupo sa bangketa. Tulalang nakatitig sa kawalan. At higit sa lahat, walang lakas ng loob na harapin ang katotohanan. Sa tabi ko ay tahimik na nakaupo si Mang Toni. Hindi niya ako iniwan kahit isang minuto. Para bang alam niyang sa oras na maiwan akong mag-isa ay tuluyan akong babagsak. Sa di kalayuan ay naroon pa rin ang mga pulis. Patuloy silang kumukuha ng mga pahayag mula sa mga saksi. Kasama roon si Mr. Torres na mukhang ilang taon ang itinanda sa loob lamang ng ilang oras. "Sir..." tawag ni Mang Toni sa akin. Hindi ako umimik. Ni hindi ko man lang siya nilingon. "Sir, gusto n'yo po bang puntahan na natin si Ma'am sa osp
KATRINA HINDI alam ni Katrina kung paano siya nakauwi ng bahay pero pagkapasok niya ng kwarto, una niyang ginawa ay dumirecho ng banyo at tumapat sa malamig na tubig na nagmumula sa shower. Patuloy pa rin siya sa kanyang pagluha. Sa totoo lang, hindi niya alam ang gagawin niya. Ramdam pa rin k
"Mom, I love her! I really love her!" seryosong wika ni Christopher sa Ina niyang si Mrs. Carmela Villarama. "I understand that you loved her pero for God sake Christopher, mahal ka ba niya? Gusto ka ba niya?" seryosong sagot naman ng ginang sa anak niya. Walang problema sa kanilang pamilya ka
'"Bakit, nagsisisi ka ba kung bakit hindi ka sumama sa kanya kanina?" seryosong tanong nito sa akin. Hindi naman ako nakaimik. Pilit kong pinapakiramdaman ang sarili ko kung nagsisisi ba ako pero parang hindi naman. Siguro, nalulungkot ako ngayun dahil matagal din kaming nagkasama ni Ate Amery sa
KATRINA POV Masaya akong pumasok ng kwarto pagkagaling namin sa labas ni Kuya Christopher. Kahit papaano, nakaramdam ako ng gaan ng kalooban sa isipin na umaayon sa akin ang tadhana. Na magagawa ko na palang mabuhay na hindi na kailangan pang umasa kay Ate Amery. Kanina, ayos na. Pumayag na si Ku







