The Billionaire's Baby Maker

The Billionaire's Baby Maker

last updateHuling Na-update : 2026-09-22
By:  KimAthenaIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
9Mga Kabanata
23views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Sa edad na tatlumpu't apat, nasa kamay na ni Miguel Salvador ang lahat—kapangyarihan, kayamanan, at respeto ng buong business world. Wala siyang pakialam sa mana ng pamilya dahil mayroon siyang sariling imperyong lihim na mas malaki pa sa iniisip ng lahat. Ang isang bagay na hindi niya kailanman pinlano? Ang magkaroon ng asawa at anak. Pero nagbago ang lahat nang makatanggap siya ng isang medical report na nagsasabing mabilis na lumiliit ang tsansa niyang magkaroon ng sariling anak kapag lumampas siya sa edad na tatlumpu't lima. Samantala, si Astrid Asuncion, isang masayahin at madiskarteng working student, ay halos ubusin ang lakas sa iba't ibang trabaho para maipagamot ang bunsong kapatid na may leukemia. Nang umabot sa puntong wala na siyang ibang mapagkukunan ng pera, isang kakaibang online job post ang bumungad sa kanya. WANTED: BABY MAKER ₱100,000,000. Isang kontratang hindi niya dapat pinatulan. Isang lalaking hindi niya dapat nakilala. At isang kasunduang nagsimula bilang simpleng paraan para magkaroon ng tagapagmana. Hanggang sa unti-unting nabago ang lahat nang lumabas ang mga lihim, nagsimulang gumalaw ang mga taong gustong pabagsakin ang Salvador family, at natuklasan ni Astrid na ang lalaking akala niyang isang malamig na CEO... Ay may buhay na mas mapanganib kaysa sa kaya niyang isipin. Dahil minsan, ang pinakamahirap gawin ay hindi ang gumawa ng isang sanggol. kundi ang protektahan ang pamilyang nabuo dahil dito.

view more

Kabanata 1

Prologue :

Mainit ang kape.

Pero mas mainit ang titig ni Miguel A. Salvador sa makapal na brown envelope na nakapatong sa conference table.

Tahimik ang executive boardroom ng Salvador Empire. Mahigit dalawampung direktor ang naroon, ngunit walang sinuman ang naglakas-loob magsalita. Kahit ang mahinang tunog ng air conditioner ay tila mas malakas kaysa paghinga ng lahat.

Sa harap niya ay ang family doctor, ang abogado ng pamilya, at ang matandang lalaking hindi kailanman marunong tumanggap ng pagkatalo. Ang lolo niyang si Don Francisco Salvador.

"Dahil ba may mamamatay?" kalmadong tanong ni Miguel habang inaayos ang cuff ng itim niyang suit. "O sinayang lang ninyo ang oras ko?"

Napasinghap ang ilang board members. Iyon ang problema kay Miguel, hindi ito yung tipong sumisigaw, hindi din siya yung tipong nagwawala, pero kapag nagsalita, parang may yelong dumadampi sa balat. CEO sa umaga. Pero sa gabi, sa ibang mundo, kahit mga armadong lalaki ay yumuyuko sa kanya.

Iniabot ng doktor ang envelope.

"Mas mabuti pong kayo na ang magbukas, Sir."

Binuksan iyon ni Miguel, isa, dalawa, tatlong pahina. Hanggang sa huminto ang tingin niya sa huling bahagi ng report. Nanigas ang panga niya.

Patient may experience a significant decline in fertility after the age of thirty-five. Immediate family planning is highly recommended.

Tumingin siya sa doktor.

"Sigurado ka?"

"Opo."

"Impossible."

"Naulit na po ang laboratory tests, yan at yan pa din po resulta Mr. Salvador."

Isinara ni Miguel ang folder. Tumayo siya.

"Walang bisyo, regular ang check-up, healthy ang lifestyle ko, tapos sasabihin mong magkakaroon ako ng problema sa fertility?"

"Sir..."

"Hindi ko tinatanong ang opinyon mo. Gusto ko ng katotohanan."

Hindi agad nakasagot ang matanda. Sa wakas ay nagsalita si Don Francisco.

"Umupo ka muna."

Hindi siya kumilos.

"Uupo ako kapag gusto ko."

Napailing ang matanda. "Matigas pa rin ang ulo mo."

"Malamang, sa inyo ako nagmana."

May ilang executive ang napayuko para pigilan ang ngiti.

"Cancel the meeting."

Mabilis na tumayo ang corporate secretary. "Meeting adjourned."

Isa-isang lumabas ang lahat. Naiwan sa boardroom sina Miguel, Don Francisco, ang family lawyer, at ang doktor. Pero ngayon, mas mabigat.

Lumapit si Miguel sa bintanang salamin. Mula sa ikalimampung palapag, kita ang buong lungsod. Mga ilaw. Mga gusaling siya mismo ang nagpatayo. Sa ilalim ng mga gusaling iyon, may isa pa siyang imperyong hindi nakikita ng kahit sinong direktor sa kwartong ito.

"Wala akong panahon sa ganitong drama. May merger pa akong aasikasuhin. At may flight ako mamayang gabi. Pwede na ba akong umalis?"

"Hindi." Iyon lang ang isinagot ng matanda.

Lumingon si Miguel.

"Kailan mo balak mag-asawa?"

Napabuntong-hininga siya. "Eto na naman tayo."

"Seryoso ako."

"Ako rin, wala akong balak."

"Bakit?"

"Dahil ayoko."

"Ganun lang?"

"Ganun lang."

Tumawa si Don Francisco. "Tatlumpu't apat ka na, hindi labinwalo."

"At ano ngayon?"

"Hihintayin mo pang mag-senior citizen bago ka magkaroon ng anak?"

"Kung magkakaanak man ako, kusa, hindi dahil pinipilit ako."

Napatango ang matanda. May inilabas siyang isang makapal na dokumento.

"Basahin mo."

Will and Testament.

Unti-unting nagbago ang ekspresyon niya habang binabasa.

In the absence of a legitimate heir... all assets under the Salvador Family Trust shall be donated to charitable foundations. And the chairmanship shall be transferred to my adopted son, Jomarie Madrigal.

Natawa siya. Isang maikling tawa.

"Wala na ba talaga kayong ibang panakot? Inaakala n'yo bang hahabulin ko ang mana?"

Tumayo siya. "May sarili akong bilyones. Hindi ko kailangan ang Salvador Trust. Kung gusto n'yong ipamigay sa charity at ibigay kay Jomarie ang upuan. Go ahead."

Ibinaba niya ang dokumento, at akmang lalabas na sana. Ngunit ang sumunod na sinabi ng matanda ang nagpahinto sa kanya.

"Hindi kita tinatakot na mawalan ng pera, Miguel."

Tahimik na napalingon si Miguel.

"Tinatakot kitang maubos."

Nagkatinginan silang dalawa.

"Anong ibig n'yong sabihin?"

Lumapit si Don Francisco. Hindi na siya parang chairman. Isa na lang siyang matandang lolo.

"Nakatingin ka ba sa paligid mo? Sampung kumpanya. Daan-daang gusali. Libo-libong empleyado. At sa ilalim, yung isa mo pang imperyo na kahit ako ay hindi ko na kayang pigilan."

Bumaba ang boses ng matanda.

"Pero pag-uwi mo... sino ang naghihintay sa'yo? Wala."

"Kapag nagkasakit ka... sino ang mag-aabot ng tubig? Wala."

"Kapag tumanda ka, sino ang tatawag sa'yong Tatay?"

"At kapag dumating ang araw na mawala ako... ikaw na lang ang matitirang Salvador na mag-isa sa gitna ng gyera. Si Jomarie at si Sara naghihintay lang na madapa ka. Si Ice Beddingfield naghihintay lang na magkamali ka."

"Hindi kita pinipilit magpakasal. Ang hinihiling ko lang, bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong magkaroon ng pamilya bago ka tuluyang lamunin ng mundong ginawa mo."

Hindi alam ni Miguel kung bakit, pero sa unang pagkakataon, wala siyang maisagot.

______

Sa kabilang bahagi ng Maynila, isang 22-taong working student ang nakatitig sa screen ng luma niyang cellphone.

Hindi niya alam, na sa loob lamang ng ilang oras.

Isang simpleng pindot sa "Apply Now" ang tuluyang magbabago sa buhay nilang dalawa. At magiging dahilan kung bakit kahit ang pinakadelikadong mafia boss sa bansa ay matutong matakot... na mawala siya.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Walang Komento
9 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status