Tanikalang Langit (SPG)

Tanikalang Langit (SPG)

last updateLast Updated : 2026-09-15
By:  Diane RuizUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
5Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Dalawang kulay pulang guhit ang tumambad sa pregnancy test ni Trisha. Ngunit sa halip na saya, matinding takot ang bumalot sa kanya—dahil hindi ang bago niyang asawa ang ama ng batang nasa sinapupunan niya, kundi ang stepbrother nito! Akala ni Trisha ay nahanap na niya ang wagas na pag-ibig kay Alex. Nagtanan sila at nagsumpaan ng wagas na pag-ibig. Ngunit sa mismong ikalimang anibersaryo ng kanilang kasal, nadiskubre niyang tatlong taon na pala siyang niloloko nito. Dala ng labis na sakit at nasirang tiwala, walang pag-aalinlangang pinirmahan niya ang divorce papers na inilatag nito at lumayo. Upang makabangon at maipaghanti ang nawasak na puso, tinanggap niya ang kagustuhan ng kanyang mga magulang—ang ipakasal siya sa isang makapangyarihang business tycoon na si Tristan Hernandez. Isang linggo pagkatapos ng kanilang kasal, dalawang malaking bomba ang sumabog sa buhay ni Trisha: Buntis siya sa kanyang ex-husband, at ang bago niyang asawa ay stepbrother ng lalaking sumira sa kanya! Sa gitna ng galit, paghihiganti, at sikretong pwedeng sumira sa lahat… matatakpan ba ng panibagong kasalanan ang lumang pagtataksil? O ang sanggol sa kanyang tiyan ang magiging daan sa mas matinding pagkawasak?

View More

Chapter 1

Chapter 1

TRISHA

Bata pa lang ako ay tinuruan na ako ng aking mga magulang na maging mabuti. Magalang, mapagpakumbaba, mabait sa kapwa at lahat na ng kagandahang asal na maituturo nila. 

Everyone expects me to behave, act like a decent woman and be obedient. Be a good daughter, a good daughter-in-law, a good sister, a good wife and a good mother ngunit… hindi nila alam ang aking masalimuot na buhay na siyang nagpalamig ng puso ko. 

Doon ko na-realize na pagod na akong maging mabuti sa mga taong tumatapak sa akin. 

At ngayon? sisiguraduhin kong lalaban na ako. 

Dalawang kulay pulang guhit ang tumambad sa pregnancy test ko. 

Isang malinaw na senyales– buntis ako.

Ngunit… hindi ang asawa ko ang ama ng batang ipinagbubuntis ko… kundi ang stepbrother niya na ex-husband ko.

***

2 weeks earlier…

“Sign.” iyon lang ang sinabi ni Alex habang malamig na nakatingin sa akin. 

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa papel– divorce agreement. 

“Pirmahan mo na agad yan, wag ka nang magmatigas pa!” asik ni Leona na kabit ni Alex. Nasa kanlungan siya nito habang nakaupo sa swivel chair at nakaharap sa akin. Sa harap namin ang table kung saan nakalatag ang divorce agreement.

Mga walang hiya at mga walang pakundangan na pinangangalandakan ang kanilang pagtataksil! 

Kinuha ko ang ballpen at pinilit na i-steady ang kamay ko para makapirma ng maayos. 

Sobrang sama ng loob ko na animo’y gumuguho ang buong mundo sa paanan ko. 

Pagkatapos ay inilapag ko na ng maayos ang ballpen at umalis. 

Ang kasunduan na iyon ay may kabayarang 300 milyon pesos at isang malaking property na Villa na makukuha ko daw kapag pinirmahan ko ang kontrata. Bumalik ako sa bahay namin, dumiretso sa kwarto, kinuha ang isang maleta at sinimulang mag-impake. 

Habang nag-iimpake ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Isang notification mula sa online banking. Malinaw na nakalagay ang presyo na itinransfer sa akin ni Alex– 300 milyon pesos. 

Binato ko muna sa higaan ang cellphone ko at nag-impake. Mga damit ko lang at personal na gadgets ang inempake ko. Habang nasa walk-in closet napatingin at napabuntong-hininga ako sa mga jewelries, watch at ilan pang mga designer bags na niregalo sa akin ni Alex. Nakakahinayang naman kung iiwan ko dito, baka mapunta lang sa walang hiya niyang kabit kaya kinuha ko na rin. Ibebenta ko na lang ang mga iyon. Ang iba ay pwede kong ibigay kay mommy depende sa gusto niya. 

Tutal, itinapon na ni Alex ang limang taong kasal namin, wala na ring saysay kung itatago ko ang mga ito o gagamitin pa rin dahil baka kasi sabihin niya ay naaalala ko pa rin siya. No fucking way. I’m Trisha Rivera, and I won’t settle for less. Kung ayaw na sa akin ng asawa ko, madali naman akong kausap. Wag lang siyang magsisisi sa huli. 

Dahil sa dami ay dalawang maleta tuloy ang na-empake ko. 

“Ma’am, saan po kayo ihahatid?” tanong ng family driver namin na si James. 

“Sa Rivera Estate, uuwi na ako sa amin.” 

“Sige po.” mabilis na sumunod si James at nagsimulang magmaneho. 

Habang nagmamaneho siya ay tinitignan niya ako sa likod. Kumportable lang naman ako sa backseat. Alam niyang naghiwalay na kami ni Alex ngunit… ang mukha niya ay nagtataka, ni-hindi man lang ako umiiyak. Maayos na maayos ang pakiramdam ko na para bang sa wakas ay nakahinga ako ng maluwag.

Isang taon ko na kasing tiniis ang sakit, nagluksa ako sa namatay naming kasal simula nang malaman kong may babae si Alex kaya hindi na gaanong masakit para sa akin ang lahat ngayon. 

Napatingin ako sa bintana ng kotse. Ang magandang view ng araw na iyon ay talagang sumisilay. Napakaganda ng araw ngayon para maging malungkot. Inalala ko ang limang taon naming magkasama bilang mag-asawa. 

Sa totoo lang, hindi ko alam kung tatanggapin pa ako ng mga magulang ko matapos kong lumayas limang taon na ang nakakalipas. Gusto nila akong ipa-arrange marriage noon sa anak ng isang businessman na kasosyo ni daddy sa negosyo pero dahil mahal na mahal ko si Alex at hindi ko matanggap na gustong diktahan ng mga magulang ko ang buhay ko. 

Sumama ako kay Alex at nagtanan kami. Intern pa lang si Alex noon sa Guevarra Group of Companies, ipinaglaban niya ang pagmamahalan namin. Sinundo pa ako ng mga magulang ko noon ngunit hindi ako sumama. Pinatunayan niyang kaya niyang ibigay sa akin ang buhay na nakasanayan ko, kalaunan ay minana niya sa kanyang tatay ang Guevarra Group of Companies at tumayo bilang CEO. 

Walang pakialam ang tatay ni Alex sa kung anomang relasyon niya. Ang tanging concern nito ay kung magiging karapat-dapat ba ito bilang tagapagmana kaya pinatunayan ni Alex ang sarili niya dito at nakita naman ng tatay niya na napakagaling ko bilang partner niya kaya hindi na siya tumutol sa aming dalawa. Kalaunan ay ikinasal kami. Sinubukan kong imbitahin ang aking mga magulang ngunit… hindi sila pumunta.

Ang mga unang taon ng kasal namin ay puno ng saya at pagmamahal. Sa mga pagsisikap ni Alex ay sinamahan ko siya, inalalayan at sinuportahan ko siya. Walang palyang pagtatrabaho, araw at gabi. Hinawakan ko rin ang ilang mga papeles ng kumpanya para sa kanya. Tinulungan ko siya sa decision making at kung anong offer ang kukunin na makapagbe-benefit ng maganda ang Guevarra Group. Mas lalong umunlad ang kumpanya sa panunungkulan ni Alex bilang CEO. 

Lahat ay dugo at pawis naming mag-asawa at ako bilang maybahay niya ay naging isang mayamang housewife na lang. Hindi niya na ako pinagtrabaho. Nakakalabas ako kahit kailan ko gusto. Nakakapag shopping, nakakapag grocery. Mas maayos na ang buhay namin kumpara noong nagtanan kami. 

Nabibili ko lahat ng naisin ko. Inii-spoiled niya ako ng mga regalo, alahas at pera kahit pa ipinapaalala ko sa kanya na mas importante ang pagmamahalan naming dalawa… ngunit simula nang dumating si Leona– nagbago ang lahat. 

Ang dahilan pala kaya niya ako binibigyan ng mga regalo, alahas, at pera ay dahil… meron na pala siyang ibang minamahal at iyon ay walang iba kundi si Leona, na dati niyang sekretarya. Mahinhin ito, malumanay, inosente, palakaibigan at palaging nakangiti. Naalala kong ganoon na ganoon ako dati ngunit sa paglipas ng panahon… nawalan ako ng sigla. Kaya ba ipinagpalit niya ako sa iba? 

Habang papalapit ng papalapit ang kotse sa Rivera estate ay nagpapawis ang mga kamay ko. Kinakabahan ako. Matagal akong nawalan ng contact sa mga magulang ko at ngayon ay uuwi na ako. Sapilitan akong kinuha ni Alex sa kanila kaya masama ang loob nila ngunit kung uuwi ako ngayon… matatanggap pa kaya nila ako? 

Nang huminto ang kotse sa harap ng p***o ay nagmadali akong lumabas. Si James naman ay inayos ang maleta ko at inilapag sa tabi.

“Ms. Trisha, okay na po ba kayo dito?” tanong ni James.

“Oo, salamat sa serbisyo mo sa mga nagdaang taon.” sabi ko sa kanya dahil sa tingin ko, iyon na ang huli naming pagkikita. 

“Maraming salamat din po, Ma’am.” pagkasabi niya niyon ay bumalik na siya sa kotse at umalis. 

Napatingin ako sa bahay namin. Hindi pa rin nagbabago iyon. Talagang naingatan ng maayos ni daddy at taon-taong nire-renovate. Huminga ako ng malalim at pinihit ang seradura. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

VIENNA ROSE
VIENNA ROSE
Highly recommended!
2026-09-16 19:39:07
0
0
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status