LOGINJILLIAN SANTILLAN POV KAHIT na late akong nakatulog kagabi, maaga pa rin akong nagising kinaumagahan. Imbes na mag-ayos sa sarili, ang una kong ginawa ay dumungaw sa bintana kung saan, isang hindi inaasahan na eksena ang unang bumungad sa paningin ko Si Ralph, kitang kita ko kung paano nito sinapak ng malakas si Russell sa mismong harap ng gate nila Mommy Arabella. Hindi ko mapigilan ang maluha. Lalo na nang mapansin ko kung gaano ka-miserable tingnan si Ralph. Alam ko kasing hinahanap ako nito eh. Kahit na malayo ako sa kanila, alam kong galit na galit si Ralph kay Russell. At hindi ko din talaga ito masisisi kung bakit. Kung hindi dahil kay Russell, posible na hindi magkagulo kahapon. HIndi pa man ako nakaka moved-on sa katotohanan na hindi pala ako anak ni Mommy Arabella, panibagong problema na naman ang dumating. Kaya tama lang siguro na lumayo na lang muna ako sa kanila. Ayaw ko din kasing ako ang magiging dahilan para magkagulo silang lahat eh. Napatitig ako kay M
RALPH ALEXANDER VILLARAMA "Jillian, sagutin mo ang tawag!" yamot kong wika. Kanina pa ako dito sa labas ng bahay ng tiyahin kong si Tita Arabella at kagabi ko pa tinatawagan si Jillian pero bigo ako. Hindi nito sinasagot ang tawag ko. Hangang sa hindi ko na ma contact ang number nito. Gustuhin ko mang kumakatok sa gate ng bahay ng tiyahin ko, pero hindi maaari. Alam kong itataboy lang din naman ako ng mga ito Wala sa sariling napaayos ako ng upo sa aking sasakyan nang mula sa loob ng gate nila Tita Arabella, biglang bumukas iyun. Lumabas ang hindi ko inaasahan na bisita. Si Russell, ang taong nagbunyag sa relasyon namin ni Jillian kahapon kaya nagkagulo Hindi ko mapiglan ang maikuyom ang kamao ko. Sa matinding galit ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko Mabilis akong bumaba ng kotse at walang sabi-sabing mabilis na naglakad palapit dito at nang makalapit ako, walang sabi-sabing malakas ko itong sinapak. Sa lakas noon, kaagad na bumulagta si Russell sa malamig na seme
SANTILLAN RESIDENCE “Nasaan si Jillian?! Ano ang ginagawa ng mga inutil na mga gwardiya?! Bakit hindi man lang nila napansin ang biglaang pag-alis niya?!” Halos maghisterikal na si Arabella sa gitna ng sala. Nanginginig ang boses niya, at kitang-kita ang takot sa kanyang mga mata, isang takot na hindi kayang itago. Kanina pa siya pabalik-balik sa paglalakad, hindi mapakali. Ang akala nila, nasa loob lang ng kwarto si Jillian, nagmumukmok, umiiyak, nagpapalipas ng sama ng loob dahil sa matinding kumprontasyon na naganap kahapon. Hindi naman nila inaasahan na muli itong maglalayas. Kung hindi pa nila ito kinatok para kumain ng lunch, hindi pa nila malalaman na wala pala ito sa sariling kwarto. Kung saan man ito nagpunta, hindi nila alam. Kahit ang dalawang gwardiya na nakabantay sa harap ng gate, wala ding idea kung nasaan si Jillian “Hindi po namin napansin, Ma’am…” nanginginig pa ngang sagot ng isa sa mga gwardiya, halatang kinakabahan. “Wala po kaming nakita na lumaba
JILLIAN SANTILLAN POV “Halika, kumain ka na muna.” Malumanay ang boses ni Maureen, hindi pilit, hindi matigas… kundi puno ng pag-aalaga ng isang tunay na Ina sa kanyang anak na matagal na nawalay sa kanya. Nandito na ako ngayon sa isa sa mga silid ng bahay nito. Tahimik na lumuluha habang ramdam ko pa rin ang bigat ng kalooban ko. Ewan ko ba, hindi pa rin matapos-tapos itong pag-iyak ko. Ang dami nang luha na nawala sa akin pero sige pa rin ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Nakaupo ako sa gilid ng kama, yakap ang sarili, habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko na parang walang katapusan. Hindi ko na nga namalayan kung gaano na ako katagal na nakatulala. Hanggang sa bumukas ang pinto. At pumasok ang walang iba kundi si Maureen. May bitbit itong pagkain na nakalagay sa isang food tray. “Jillian, kailangan mong kumain,” muli nitong wika habang dahan-dahang inilalapag ang tray sa maliit na mesa sa tabi ko. “Hindi pwedeng hindi… baka manghina ka niyan.” Ramdam k
JILLIAN SANTILLAN POV Dahil sa matinding pag-iyak, ni hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako. Pagmulat ko ng mga mata, mabigat pa rin ang pakiramdam ko, parang may nakadagan sa dibdib ko na hindi ko maalis. Sumulyap ako sa orasan. Halos alas-diyes na ng gabi. Napaupo ako sa kama, sapo ang ulo. Ramdam ko pa rin ang sakit ng mga nangyari, ang hapdi sa pisngi dulot ng malakas na pagkakasampal sa akin kanina ni Tita Veronica, ang galit at sakit na mga salitang binitawan, ang mga matang puno ng galit at pagkadismaya. Dahan-dahan kong inilibot ang paningin ko sa buong kwarto. Tahimik. Pero ang katahimikang iyon ay hindi nakakagaan. Bagkus, mas lalo lang nitong pinalala ang pakiramdam ko. “Ako ang dahilan ng kaguluhan sa pamilya namin…” mahina kong sambit, halos pabulong sa sarili ko. “Wala na akong mukhang maihaharap sa lahat. Hindi ko kayang mapahamak si Ralph ng dahil sa akin. Hindi na ako karapat-dapat sa pamilyang ito.” Napapikit ako kasabay ng pagdaloy ng lu
JILLIAN SANTILLAN POV “Anong klaseng kahihiyan ang dinala ninyo sa angkan natin?” muli na namang nagsalita si Tita Veronica, mas tumalim ang boses habang papalapit siya sa akin. Napaatras ako ng bahagya. “Alam mo ba ang ginagawa mo, Jillian? Hindi ka ba nahihiya? Sa amin? Sa sarili mo?” muli nitong wika. Ang bawat katagang binitiwan nito ay patuloy na dumudurog sa puso ko. Hindi ako makasagot. Hindi dahil natatakot ako kundi dahil guilty ako. Paano ko nagawang pumatol kay Ralph. Oo, hindi kami magkadugo pero inampon at pinalaki ako nila Mommy at Daddy na parang isang tunay na anak. Ibinigay ang lahat ng nais ko tapos ngayun, ako pa yata ang magadadala ng iskandalo sa angkan ng mga Villarama. “Sumagot ka! Paano mo nagawang pumatol sa pinsan mo?” halos pasigaw na wika ni Tita Veronica. Mariin kong naipikit ang aking mga mata, pero bago pa ako nakapagsalita, naramdaman ko ulit ang pagtama ng palad ni Tita Veronica sa pisngi ko. Sa lakas noon, napaling ang ulo ko kasabay
AMERY HEART POV Kaagad na din naman kaming nakapag check-in ni Elias. Ang hotel na kinaroroonan namin ay may kanugnog ng mall. Sa isang side hotel at sa kabila pang side ay isang shopping center. Maganda at malinis ang buong paligid since kakabukas lang pala nito. IIsang kwarto lang ang kinuha
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV "NAKIKIRAMAY ang buong angkan sa pagkawala ng isa sa mga miyembro ng pamilya natin, Elias." seryosong wika sa akin ni Charles. Isa sa mga pinsan ko na ka-triplets nila Charlotte at Christopher. Anak nila Tita Carmela at Uncle Christian. Gabi na at nandito kami sa isan
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV MABILIS akong nakarating ng bahay ni Mommy kung saan naabutan ko si Amery sa mismong harap ng bahay na may kasamang isang lalaki. Karga ng nasabing lalaki si Elizabeth habang nakaagapay ito sa paglalakad ni Amery habang tahimik naman na nakasunod sa kanila si Katrina.
ELIAS POV DUMIRECHO ako ng opisina habang hinihintay ko ang kuha ng CCTV na hiningi ko. HIndi lang mga actions ni Rebecca ang gusto kong makita kundi pati na din ang kanilang mga pinag-usapan ni Amery kanina. Baka may makuha akong impormasyon tungkol sa kidnapping na naganap three years ago. Kung







