The Crazy Heiress

The Crazy Heiress

last updateآخر تحديث : 2026-11-03
بواسطة:  KimAthenaتم تحديثه الآن
لغة: Filipino
goodnovel16goodnovel
لا يكفي التصنيفات
6فصول
1وجهات النظر
قراءة
أضف إلى المكتبة

مشاركة:  

تقرير
ملخص
كتالوج
امسح الكود للقراءة على التطبيق

"The Devil in Dior." "The Crazy Heiress." "The Demon-in- disguise CEO." Ilan lang yan sa bansag sa kanya. Siya si Jillian Aragon. Twenty-six years old. CEO. Only heiress ng Aragon Corporation—isa sa pinakamalalaking business empire sa Pilipinas. She doesn't fire employees. She destroys careers. She's brilliant, ruthless, at walang pakialam kung CEO, abogado, o Harvard graduate pa ang kaharap niya. Kapag sinabi niyang NO, tapos ang usapan. Until someone decided... she needed to die. Matapos ang isang failed assassination attempt, sapilitang itinago si Jillian sa isang farm sa Iba, Zambales—malayo sa media, sa boardroom, at sa mga taong gustong ipalibing siya nang buhay. Pero mas malaking problema ang naghihintay sa kanya. A cocky, annoyingly calm, ridiculously handsome farmer na tila immune sa pagiging "The Crazy Heiress." Hindi niya alam na ang lalaking lagi niyang kinakaaway ay si Karl Jonathan Valdemor—ang anak ng matalik na kaibigan ng kanyang ama... at ang lalaking noon pa man ay nakatakda nang maging bahagi ng buhay niya. Habang unti-unting nababasag ang pader sa pagitan nila, bumabalik naman ang mga taong dapat nanatiling nasa nakaraan. An ex. A business war. A family promise. At isang kalabang hindi titigil hangga't hindi nawawala ang nag-iisang tagapagmana ng Aragon Corporation. Because falling in love is dangerous... But falling for the country's craziest heiress? That's a death wish.

عرض المزيد

الفصل الأول

Chapter 1 : The Devil CEO- in Dior

"Kung may award para sa pinakamalditang CEO sa Pilipinas, lifetime achievement award na agad kay Miss Aragon." wika ni Tessa empleyado ng Aragon Corporation.

"Shhh! Baka marinig ka!" Saway ni Lyn. Kasalukuyan silang nasa pantry area at katatapos maglunch.

"Ano'ng marinig? Hindi naman bumababa dito yun." Natatawang sabi Liza.

“Hindi tao ang boss natin!demonyo 'yon na naka-Christian Dior." Dagdag pa ni Tessa na lalong ikinatawa nila.

“Sabi ko sa'yo, hindi tao 'yon. Kapag ngumiti, may matatanggal. Kapag natahimik, mas delikado."

Naghagikgikan ang tatlo na parang natutuwa pag usapan ang ugali ng demonyita nilang boss.

Hanggang sa, unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ng isa. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa likod ng dalawang kasama.

"Ba-bakit Lyn...? para kang nakakita ng multo diyan?" sita ni Tessa

Hindi na ito sumagot at parang shock ang mukha, dahilan upang mapalingon ang dalawa sa kung sino man ang tinitignan nito.

Isang pares ng pulang stilettos ang unang bumungad, sunod ang plantsadong puting slacks. Isang mamahaling blazer.

At sa wakas, Si Ms. Jillian Aragon, CEO of Aragon Corporation. Twenty-six years old. The only daughter of Winston Chen- Aragon. Ang tinaguriang “The Devil-in-Disguise Heiress” or “The Crazy Heiress” ng mga nakakakilala sa kanya.

Walang emosyon ang mukha at aka-cross arms. Pero sapat na ang presensya niya para mawalan ng kulay ang tatlong empleyado.

"Tapos na ba kayo?" she raised her eyebrow and using her deadly tone.

Nagkatinginan ang tatlo..

"M-Ma'am..." Naluluhang sabi ni Tessa.

Hindi na niya hinintay ang paliwanag.

"Pack your things." Itinaas niya ang isang daliri.

"You.” turo kay Lyn

Lumipat ang daliri sa pangalawa. "You..."

At sa pangatlo, kay tessa. "...and you."

Huminto siya sandali bago tuluyang ibinaba ang kamay.

"You're fired." walang emosyong wika ssad niya

Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang mga mukha ng kanina lamang ay nagtatawanang grupo.

"M-Ma'am, joke lang po 'yon!" pumiyok na sabi ni Liza.

"First offense pa lang po mam!" pagdadahilan ni Lyn

Hindi man lang siya kumurap.

"The door is behind you." final na sabi niya. Tinalikuran niya ang tatlo na parang wala lang nangyari.

"Please tell the HR to process their termination. Hindi tinotolerae ng kompanyang ito ang mga tsismosa" utos nito sa nakabuntot na assitant

“Right away mam!” mabilis na sagot ni April Sanchez ang bukod tanging secretary natumagal ng tatlong taon kay Ms. Jillian.

Isang normal na scenario lang ito araw-araw sa Aragon Corp. Wala ng bago, mas nakapagtataka kapag walang napatalsik na empleyado sa isang araw.

Pagbukas ng p***o ng executive office, pumasok si Jillian na parang hangin na may sariling batas. Hindi lumingon, hindi bumati, walang emosyon. Diretso lang ito sa mesa. Inilapag ang tablet nang may diin, binuksan ang laptop, at nagsimulang mag-scroll na parang walang ibang tao sa loob.

Ilang segundo pa lang, may mahinang katok.

"Pasok."

Bumukas ang p***o at pumasok Si April Sanchez, yakap-yakap ang tablet at isang manipis na folder na parang panangga.

"Ma'am, reminder lang, bukas na yung annual departmental performance review. Lahat ng department heads confirmed na." she said nervously.

Hindi pa rin tumitingin si Jillian. Mga mata nasa screen, daliri tuloy-tuloy sa pag-scroll.

"Attendance?"

"Complete, Ma'am, lahat pupunta." kabado pa ding wika ni April

"May nag-confirm nang late?" Malamig na tanong nito.

"Wala po mam, on time lahat."

"Good."

Tumango lang si April, akala tapos na. Humakbang na siya paatras.

"April."

Natigilan siya, isang paa nasa ere pa.

"Yes, Ma'am?"

"Marketing."

Napalunok si April, alam na niya ang ibig sabihin ng isang salita lang na yan.

"Yes, Ma'am, Marketing..."

"Ilang percent ang sales growth nila last quarter?"

"Twenty-three percent po."

Hindi sumagot agad si Jillian. Sa wakas, iniangat niya ang tingin. Isang tingin lang na kayang magpatigil ng orasan.

"Twenty-two point six to be exact."

Napakagat si April ibabang labi, humigpit ang hawak sa folder.

"Yes, Ma'am. Twenty-two point six po. Sorry po"

"Ano ang difference?"

"Point four po."

"Point four na yan, April. Alam mo kung magkano katumbas niyan?" this time tinignan niya ng nakataas ang isnag kilay ang secretary/P.A niya.

Hindi nakasagot si April, nakayuko na.

"Eighty-seven million, nawala sa rounding mo."

Walang malakas na sigaw, walang malutong na mura. Pero yung boses ni Jillian, mas matalim pa kaysa sa kahit anong hasang patalim. Yung tipong bawat salita, may timbang.

"Huwag mo akong haharapan ng rounded numbers, kahit kailan, is that clear?."

"Yes, Ma'am. Hindi na po mauulit."

Tumalikod ulit si April para lumabas, pero hindi pa tapos si Jillian.

"Finance."

Napapikit si April, at bumalik sa harap ng mesa.

"Operating cost nila... lumagpas po sa projected budget ng..."

"Ng?"

"Three point one percent po."

"Three point zero eight."

Natigil si April, hindi na siya nagtangkang magdahilan dahil alam niyang wala ring silbi, dahil tama naman ito.

"Ilang beses ko nang sinabi sa inyo na kabisaduhin ang report bago pumasok dito?"

"Pasensya na po, Ma'am."

Hindi siya pinagalitan nang malakas, pero mas malala. Tinitigan lang siya ni Jillian na parang binabasa kung hanggang saan ang kaya niyang tagalan.

"Bukas." Isinara ni Jillian ang folder na hawak ni April kanina at itinulak pabalik sa kanya. "Sinumang papasok sa boardroom nang hindi alam ang sariling numero, lalabas na walang trabaho. Malinaw?"

"Yes, Ma'am! understood po."

"Inform all department heads. Gusto kong kabisado nila pati butal ng budget nila. Hindi ako mag-aaksaya ng oras sa mga taong tamad mag-review."

"Yes, Ma'am. I-inform ko po agad."

Isang tango lang ang sinagot ni Jillian at bumalik na ang mga mata sa laptop, senyales na tapos na ang pag-uusap.

Halos takbuhin ni April ang p***o palabas. Pagkasara, napasandal siya sa pader. Doon pa lang siya huminga nang malalim.

Sa labas, sabay-sabay na nagtinginan ang mga executive assistant.

"Ano sabi?"

"Annual review bukas. Pinapaalala niya na ayaw niya ng hindi handa."

"Patay, yung boss ko hindi pa nga nababasa yung buong report."

"Good luck na lang sa atin bukas." paramg binagbagsakan ng langit at lupa ang mga mukha nila.

May isa pang assistant na bumulong habang nakatingin sa p***o ni Jillian.

"Isang oras lang yun. Pero parang isang taon ka nang nasa impyerno paglabas mo."

Sa Aragon Corporation, sanay na ang lahat sa audit, sa BIR, sa kahit anong inspection. Pero walang kasing nakakapagpakaba sa kanila kundi ang isang oras na meeting na si Jillian Aragon ang kaharap.

Sa loob ng opisina, nanatiling nakaupo si Jillian. Mabilis nagta-type sa kanyang laptop, pero yung presensya niya, abot hanggang sa labas. Hindi kailangang sumigaw para katakutan. Sapat na yung alam ng lahat — kabisado niya ang bawat numero, bawat galaw, bawat pagkakamali ng buong kumpanya.

At bukas, siguradong may mananagot na naman.

توسيع
الفصل التالي
تحميل

أحدث فصل

فصول أخرى

للقراء

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


لا توجد تعليقات
6 فصول
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status