Mag-log inJENNIFER MADALANG- AWA POV
HIndi ko alam kung ilang minuto na ako dito sa loob ng banyo na walang ibang ginawa kundi ang tumunganga lang! Naikot ko na yata lahat ng kasuluk-sulukan at mas lalo akong natuwa nang mapansin ko na kumpleto na sa gamit! Mula sa toiletries at mga towel pati nga bath robe ay meron na rin! Na-engganyo tuloy akong maligo! Lahat din kasi nang nakikita kong mga gamit sa katawan ay puro imported eh! Parang kay sarap gamitin! Pakialamera sa kung pakialmera ako ng gamit nng may gamit pero bahala na! Nandito na din lang, gusto ko ding ma-experience maligo sa banyo ng mga mayayaman! Pati tubig may heater din! May bathtub din akong nakikita at jacuzzi! Shit...ang sarap pala ng buhay ng Valdez na iyun? Ang ipinagtataka kong lang, paano kayang naatim ni Ethel na iwan si Mr. Valdez gayung kung totoosin pwede pala siyang magbuhay reyna sa lalaking ito Sa halos isang taon kong nakikita si Ethel sa resort, masasabi ko na nakadalawa na siyang kinakasama! Noong una, hiniwalayan daw nito dahil nananakit! Sinasaktan din ang batang si Ezekiel per iyung latest na lalaki niya ngayun wala ding ipinagkaiba sa una! Nananakit din at minsan nga, may black-eye pa si Ethel kung pumasok sa beach resort eh! Receptionist ito doon at tinatakpan na lang niya ang kanyang pasa at black eye sa pamamagitan ng make-up! Haysst, minsan hindi mo din maintinidhan kung anong tumatakbo sa isip ng isang tao! Nasa kama na lumipat pa sa banig! Bakit kaya naghiwalay silang dalawa ni Mr. Valdez gayung may anak naman sana sila? Kawawala naman pala si Ezekiel! Mayaman ang ama pero namatay na hindi niya ito nakasama ng matagal! Namatay ang bata na hindi masyadong naaalagaan! Hindi ko mapigilan ang mapailng! Kahit papano, masama din ang loob ko sa pagkamatay ng batang iyun! Palagi kong nakikita ang batang iyun at minsan inaabutan ko ng snacks dahil naaawa din ako! Sa buong oras ng duty ng Ina nito, wala itong ginawa kundi ang hintayin si Ethel! Sa edad na pitong tanong gulang, dapat nag-aaral na din ang batang iyun pero hindi nga nakakapasok ng School dahil hindi naman priority ni Ethel ang education! Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng babaeng iyun at kung bakit nakaya niyang tiisin si Ezekiel noong nabubuhay pa! Mayaman naman pala ang ama ng bata! Kung alam niya sa sarili niya na hindi niya naman pala kayang alagaan si Ezekiel dapat ibinigay niya na lang sa ama nito! Habang naliligo ako, hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng lungkot! Bigla din tuloy akong napaisip kung ano ba talaga ang kailangan ni Mr. Valdez at bakit niya ako dinala dito sa bahay niya? Alam kong galit ang lalaking iyun sa akin! Na sinisisisi din ako nito sa nangyari sa anak niya! Pero may kasalanan ba ako? Parang wala naman! Ginawa ko naman ang lahat para mailigtas si Ezekiel pero huli na! WAla na itong pulso noong na-rescue ko! Dapat nga ang kapalitan kong lifeguard ang sinisi ni Mr. Valdez! Hindi ako dahil pagkadating ko sa post ko, ilang minuto nang nalulunod ang bata! Kaya nga hindi ko na nailigtas dahil wala nang pulso noong naiahon ko sa tubig! Hangang sa natapos akong maligo, laman pa rin ng isipan ko ang nangyari kay Ezekiel! Kawawang bata! Namatay dahil sa iresponsableng ina! Kung naging kapatid ko lang siguro si Ethel, baka kinutusan ko na din eh! Kung hinayaan niya sanang pumasok ng school ang bata eh hindi sana ito tumatambay ng halos araw-araw sa buhay nito sa beach resort! Pagkatapos kong maligo, nagpasya akong gamitin ang isa sa mga bathrobe na nakita ko! Pagkatapos noon, pinunasan ko ang basa kong buhok nang malinis na tuwalya bago ako naglakad palabas ng banyo Iyun nga lang, pagkalabas ko hindi ko maiwasan na magulat nang maabutan ko sa silid si Mr. Valdez! Prenteng nakaupo sa kama at halatang inaabangan ang paglabas ko ng banyo "Ano ang ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong sa kanya! Napansin ko pang kaagad na naglakbay ang paningin iya sa kabuuan ko kaya naman wala sa sariling napayakap ako sa sarili ko! Kahit naman naka-bathrobe ako, nahihiya akong isipin na para bang hinuhubaran niya ako ngayun sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin! "Pamamahay ko ito at sino ka para tanungin ako ng ganiyan?" salubong ang kilay na tanong niya sa akin! Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi! "Oo nga, bahay mo ito at dinala mo ako dito sa hindi ko malamang dahilan! Pinagamit mo sa akin ang silid na ito at wala na ba akong karapatan na magatanong? Tsaka, paano ang privacy ko? Kung yaw mong lumabas-labas ako ng silid, igalang mo naman ako! Lalo na ang pagkababae ko!" makapal ang mukhang sagot ko sa kanya! Napansin ko pa nga ang pag-angat na kabilang sulok ng labi niya at naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin! "Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas na loob para sagot-sagutin mo ako ng ganiyan! Remember, may nagawa kang kasalanan sa akin at nandito ka ngayun sa harapan ko para mapagbayaran iyun!" seryoso niyang bigkas!RUSSELL POV “Wala na bang ibang bar?” seryoso kong tanong. Kaya naman pala pumayag ang mga magulang ko na lumabas ako ngayong gabi kahti kakagaling ko lang ng kulungan, dito rin pala ako babagsak. Sa bar na pag-aari namin. Negosyo ito ng ama kong si Drake Davis simula noong binata pa ito, at hanggang ngayon, buhay na buhay pa rin. Isa itong high-end bar, at ang mga parokyano ay pawang kilala sa lipunan. “Bro, mas hamak na mas maganda dito kaysa sa ibang bar. Tsaka, maraming magaganda at desenteng babae rito. Sa anim na buwan mo sa piitan, sigurado akong tigang na tigang ka na,” pabulong ngunit nakangising sabi ni Kent. “Tsk. Hindi ako interesado. At hindi ako kagaya mo na hayok sa babae, kaya tumigil ka na,” yamot kong sagot Wala akong gana pagdating sa babae! Lalo na at ang puso ko lang ay pag-aari ng ng isang babaeng kahit na kailan, alam kong malabo nang maging akin. Si JILLIAN Malakas siyang tumawa. “Well, let’s see. Noon pa man, kilala na kita mula ulo hanggang p
RUSSELL POV "Dad, i love Jillian. I really do! Pero, hindi naman ibig sabihin noon na sa paglabas kong ito, guguluhin ko na siya. Hindi! Hindi mangyayari iyun!" seryosong sagot ko sa ama kong si Drake Davis. "Maganda na iyung sigurado. Tsaka, sa edad mong iyan, dapat lang na mag-asawa ka na. Tumatanda ka na, Russell!" seryoso niyang sambit "PAANO kung hindi ako pumapayag? Dad, kailan pa kayo nagkaroon ng pakialam sa love life ko?" naiinis ko na ding sagot Mabilis din namang lumapit sa akin ang aking Ina. Si Daddy Drake naman, kapansin-pansin ang biglang pagdilim ng awra "Huwag na huwag mo kaming ipahiya. Tapos na ang usapin na ito at pumayag na kami sa nais ni Uncle Christian." seryosong bigkas ni Daddy at pagkatapos sabihin ang katagang iyun, mabilis na itong naglakad paalis Hindi ko na maiwasan na maikuyom ang kamao ko na isipin na hindi lang ito simpleng desisyon ng mga magulang ko. Kung gaano kasali din pala sa usapan na ito ang mga matatandang Villarama. "Anak, haya
RUSSELL DAVIS POV "MR RUSSELL DAVIS, laya ka na!'" Napatigil ako sa aking physical exercise nang bigla na lang dumating ang isa sa mga gwardiya ng piitan kung nasaan ako ngayun. Kay bilis ng panahon. Anim na buwan na pala akong nakakulong pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Ang mga kabulastugan at padalos-dalos na desisyon ko na labis na nagbigay ng sakit at pighati sa babaeng iniibig ko. Si Jillian na ngayun ay asawa na ng pinsan ng Mommy Jeann ko. "Sir, Congratulations." muling wika ng gwardiya. Wala sa sariling napatitig ako dito Kung totoosin, para lang naman akong hindi nakakulong. Pero ang feeling ng isang taong normal na nakakulong ay never kong naranasan. Nakakagamit pa rin naman ako ng cellphone, ang mga pagkain ko, walang nabago, ang mga gwardiya, sumusunod sa utos ko. Ang higaan ko, kahit na hindi ganoon kalaki, kumportable naman ako. Feeling ko nga, palabas lang ng angkan namin ang pagkakulong ko eh. I'm living in a luxury life dito sa kulungan
JILLIAN POV AYOS ka lang ba? Sigurado ka bang okay lang sa’yo ang napag-usapan kanina?” tanong sa akin ni Ralph. Pagkatapos naming makipag-usap kanina kasama ang mga tiyuhin at tiyahin, agad akong nagpaalam na magpapahinga muna. Alam kong may iba pa silang gagawin dito sa mansion, marahil ay mag-uusap pa tungkol sa ibang bagay, na sasabayan ng kaunting inuman. Si Mama Maureen naman ay nauna nang umalis. May taping pa raw siyang kailangang puntahan. “Kung ano man ang mga sinabi ko kanina, bukal iyon sa kalooban ko. Si Russell ay bahagi pa rin ng angkan natin. Kung hindi niya gagamitin sa tama ang ibinigay na second chance sa kanya, bahala na siya,” seryoso kong sambit. “Alright… well, ikaw pa rin naman ang masusunod,” tugon ni Ralph. “By the way, maaga pala tayong aalis bukas.” “Gagamitin ba talaga natin ang mga tickets na bigay ni Daddy Peanut?” nakangiti kong tanong. “Oo naman. Baka magtampo pa siya kung hindi natin gagamitin. Jillian, he’s your biological father-------
JILLIAN POV MASAKIT ang ginawa ni Russell pero kakayanin ba ng konsensya ko na makitang tuluyang masira ang kinabukasan niya? Kaya ko ba siyang makitang mabulok sa kulungan? Na magiging kagaya ni Mama Maureen ang kanyang buhay? Kaya ko bang makita sa araw-araw ang lungkot sa mga mata ni Ate Jeann at Kuya Drake? Hindi man sila nakikiusap sa amin ni Ralph na huwag nang ipakulong si Russell, pero alam kong sa kaloob-looban ng puso nila, umaasa sila na sana ay patawarin namin si Russell At ang kapatawaran na ibibigay namin sa kanya ay posibleng magpapabago ng buhay niya. "Unfair naman siguro sa anak ko kung patatawarin natin ang taong naging dahilan ng pagkawala ng inaasahan nilang unang anak. Look, alam kong mahalaga ang buhay ng bawat miyembro ng pamilya pero kung sakaling makalabas iyang Russell na iyan, gaano kayo nakakasiguro na hindi ulit niya guguluhin ang buhay ng anak ko?" sabat naman ni Mama Maureen. Lahat ay napatingin sa kanya. Ako naman, tahimik lang pero may isa
JILLIAN POV PAGKATAPOS ng madamdaming pag-uusap namin ni Daddy Peanut kasama ng buong pamilya niya, mas lalo kong naramdaman ang pagaan ng kalooban ko. Naramdaman ko na din ang feeling na okay na ako. Na sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan ko nitong nakaraang buwan, pwede ko nang masabi na ayos na ako Mas masarap sa pakiramdam na wala kang galit na nararamdaman sa puso mo. At ang kasal naming dalawa ni Ralph ay alam kong umpisa na ng isang maaliwalas na umaga na dapat naming harapin "Jillian----" wala sa sariling napalingon ako nang bigla na lang may tumawag sa pangalan ko. Walang iba kundi ang dalawa kong Mommy. Si Mommy Veronica na mother in law ko at si Mommy Arabella na adopted mother ko Grabe, ang dami ko na palang Ina. Nanidyan si Mama Maureen, si Mommy Arabella, Si Mommy Veronica at may dumagdag na isa pa. Si Mommy Charlotte. "Mom-----" nakangiting sambit ko. Nang tuluyan na silang nakalapit sa akin isa-isa ko silang niyakap ng mahigpit at umusal nang taos pusong
BARBARA POV‘CHARLES, malayo pa ba?” nagtataka kong tanong kay Charles. Feeling ko, tumalab na yata sa sistema ko ang ininom kong wine kanina. Paano ba naman kasi, bigla na lang akong nakaramdam ng matinding antok at pagkahiloFeeling ko, nalasing ako gayung kanina pa naman sana kami nakaalis na ba
BARBARA POV ABALA kaming lahat sa aming shopping galore nang mapatingin ako sa katabing shop. Mula sa aking kinatatayuan kitang kita ko ang isang familiar na mukha ng babae. Hindi ako maaaring magkamali, si Candy iyun ay may kasama itong isang lalaki na parang kilala ko din…. “Barbara, hey, Bar
BARBARA POV “Nanay, ayaw ko na pong pag-usapan ang tungkol sa mga iyun. Matagal nang nangyari iyun at kahit na katiting, wala akong gusto sa Isko na iyun noh.” Nakangiti kong muling wika kay Nanay. Haysst, paano ba nauwi sa usapan tungkol kay Isko ang lahat-lahat? Ayaw ko nang balikan pa ang u
BARBARA POV “Pero Charles, ayos na ako sa dati kong kwarto eh. Tsaka, mas magiging kumportable ako kung mag-isa lang ako sa silid.” Seryosong sagot ko dito. “Barbara, malaki na ang tiyan mo. Hindi ka ba natatakot na mag-isa lang sa silid? Paano kung may emergency na mangyari? Sino ang tutulong







