JENNIFER POV
'"TATAKAS! Tatakas sana kung hindi mo kaagad ako nahuli!" mataas din ang boses na sagot ko sa kanya! Bakit siya lang ba ang may karapatan na sumigaw? Ako din dapat dahil hindi naman siya inaano nagagalit kaagad! "Don't dare na tumakas Miss Madlang-awa dahil kahit saan ka pa magpunta, masusundan at masusundan kita!" galit niya ding sagot sa akin! Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi! Tingnan mo ang taong ito? Ang lakas ng loob na magbanta gayung wala pa naman sana akong ginagawa! Hindi pa nga ako nakakalabas ng pintuan kung anu-ano na ang ibinibintang sa akin? Hindi siguro siya mahal ng Nanay niya? "Ano ba kasi ang kailangan mo? Bakit mo ako dinala sa bahay na ito? Tsaka anong lugar ito?" nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya! HIndi ako maniniwala na masamang tao siya dahil kahit na kaunting kurot wala pa naman akong natatangap mula sa kanya! Mas masamang tao pa nga yata ang sarili kong ama kumpara sa kanya eh! Kasi ang Tatay ko ang bilis na pagbuhatan ako ng kamay samantalang itong kaharap ko na mukhang masama ng ugali ay kahit na isang pitik hindi pa niya ginawa sa akin! "Pumasok ka sa loob ng kwato! Hindi ka pwedeng lumabas hangat hindi ko sinasabi!" imbes na sagutin niya ang katanungan ko, ibang kataga naman ang lumabas sa bibig niya! Ang hirap niya palang kausap! "Hindi ako papasok hangat hindi mo sinasagot ang tanong ko! Ano ba ang ginagawa ko sa pamamahay mong ito? Bakit ako nandito?" seryosong tanong ko! "Miss Madalang-awa! Sinabi kong pumasok ka sa loob ng kwartong iyan eh!" galit na naman niyang sigaw! Wala tuloy sa sariling napaatras ako at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto! Piste talaga! Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito? Bakit palaging galit? Kung makaasta akala mo naman pasan ang mundo eh! "Bakit hindi mo kinain ang mga pagkain na iyan? Gusto mo bang magpakamatay?" hindi ko na naman mapigilan ang mapaiktad sa gulat nang muli na naman siyang sumigaw! Ni hindi ko man lang naramdaman na pumasok din pala siya dito sa loob ng kwarto? "Ano ba? Hindi ako mamatay sa gutom pero papatayin mo yata ako sa gulat eh! Hindi ka ba marunong magsalita na maayos? Palaging nakasigaw eh hindi naman ako bingi!" naiinis ko ding sagot sa kanya! Sumusobra na talaga ang lalaking ito! Liban sa pagiging gwapo, wala na akong nakikitang magandang katangian sa kanya! Feeling ko hindi ko taaga sya kayang makasama ng matagal dahil baka mamatay ako sa hypertension! Hindi ako high blood pero maha-highblood yata ako sa palaging pagsigaw niya eh! Akala mo palaging may kaaway! "Kainin mo iyang mga pagkain na iyan at pagakatapos niyan mag-usap tayo!" muli niyang wika! SA pagkakataon na ito, hindi na siya nakasigaw pero ramdam ko sa boses niya ang inis! Mabilis na din siyang naglakad palabas ng kwarto kaya naman salubong ang kilay na nasundan ko na lang siya ng tingin! Feeling ko inuubos niya din ang pasensya ko! Pitikin ko kaya niya ang bayag niya para tumino ang kukute niya? Nakakainis ang lalaking iyun! Kahapon ko lang siya nakilala pero feeling ko ang dami niya nang ibinigay na stress sa akin! Dahil gutom na din ako naman ako, wala na akong choice kundi ang maupo na lang at umpisahan nang kumain! In-fairness, masasarap ang mga pagkain na nasa harapan ko! Gustong gusto ko ang lasa! Lasang mayaman eh! Ilang saglit lang, nag-enjoy din naman ako sa pagkain! Saktong kakatapos ko lang kumain, muling pumasok ang dalawang kasambahay para ligpitin ang mga pinagkainan ko! Sa pagkakataon na ito, napansin kong pareho na silang ilag sa akin na labis kong ipinagtataka! "Ahmmm, Manang! Nasaan ang banyo dito?" hindi ko na mapigilang tanong. Kanina pa ako naiihi kaya lang bawal nga daw akong lumabas sa silid na ito diba? Tsaka, saan kaya ang banyo? "Mam, may sarili po kayong cr dito sa loob ng silid niyo! Ayan po oh.. " kaagad namang sagot ni Manang Salve sabay turo sa akin sa isang nakasarang pintuan! Mabilis akong naglakad palapit doon at binuksan ang pintuan para lang magulat sa hindi ko inaasahan na masilayan! "Shit...kung gaano kaganda ng silid kung nasaan ako ngayun, super ganda din ng banyo! Kumikinang sa sobrang linis at amoy pa lang, parang nakakahiya yatang mag-poops! Napalingon pa nga ako sa dalawang kasambahay nang mapansin ko na sabay na silang lumabas ng silid! Nang mapag-isa na ako, mabilis na din akong pumasok sa loob ng banyo! Manghang mangha ako sa aking nakikita lalo na nang dumako ang paningin ko sa cetralized ac na nakakabit Saan ka ba makakakita ng banyo na may aircon? Kung ganoon, sobrang yaman din pala nitong si Mr. Valdez! Parang gusto ko na tuloy makalabas dito sa silid na ito at mag-ikot-ikot sa labas! Gaano kaya kaganda ang bahay na ito at bakit ganito karangya ang mga nakikita ko?"I am sorry, Are! Magta-trabaho lang po ako pero hindi ko naman po akalain na matatagalan akong makabalik eh. Pero, nandito na ako, Ate. Back to normal ang buhay ” Nakangiti niyang wika dito. “Talaga ba? Naku, ikaw talaga, ang dami mong dapat na ipaliwanag sa akin. Ang tagal mong nawala at alam mo bang hindi ako mapalagay sa kakaisip sa iyo. Nag-aalala ako sa kalagayan mo! Ilang beses din kaming nagrequest sa UNIPAK ng information tungkol sa kinaroroonan mo pero ayaw nilang magbigay. Confidential daw at iyun din daw ang bilin mo.” Seryoso nitong wika sa kanya. “Sorry na, Ate! Alam mo naman po na magulo ang isip ko noon kaya nakapgdesisyon ako ng ganoong bagay. Gusto ko din kasing makalimot kaya naman pinili ko na lang na lumayo muna.’” Nakangiting sagot niya dito “So, kumusta ka? Ayos ka na ba ngayun? Well, nakakangiti ka na kaya iisipin ko na naka-moved on ka sa kanya?” seryosong tanong nito sa kanya. Nakangiti naman siyang tumango “Dalawang taon na din ang lumipas, Ate. Oka
“She’s very beautiful.” Sambit ni Christopher habang nakatitig sa bahay ng pinsan niyang si Elias. Nasa loob si Katrina at kanina pa niya gustong bumaba ng kotse para sundan ito. Kaya lang wala siyang lakas ng loob para harapin ito. Natatakot siya sa mga salita na pwede niyang marinig mula kay Katrina. Sa isang iglap, bigla siyang naduwag. “Iyan lang ba ang masasabi mo? Halika na! Ano ka ba? Huwag mong sabihin na mag-aabang lang tayo dito? Naku, bro, wala sa lahi natin ang duwag ha? Nasa loob ng bahay ng pinsan nating si Elias si Katrina kaya puntahan na natin siya sa loob para makausap.” Wika ni Charles sa kapatid at nauna na itong bumaba ng kotse. Hindi pa rin matinag si Christopher sa pagkakaupo mula sa loob ng sasakyan kaya naman hindi na mapigilan ni Charles ang mapakamot ng ulo. Wala na. Mukhang inabutan na nga talaga ng pagkaduwag ang kapatid niya. Walang palantadaan na bababa ng kotse eh. Nakatitig lang ito sa gate ng bahay nila Elias kaya naman wala na siyang nagawa pa k
KATRINA (JULLIANNE) PAGKATAPOS makausap ng Ate niya si Philip, muli na itong bumalik ng opisina. Samantalang nagpaalam naman siya dito na may pupuntahan lang siya. Noong una ayaw nitong pumayag. Nag-aalala kasi ito na baka maulit na naman daw ang nangyari sa coffee shop eh. Pero noong sinabi niya na sa bahay ng Ate Amery siya pupunta, napapayag niya din ito. Sinabi nito na mag-ingat siya. Gusto pa nga nitong samahan siya kaya lang may meeting daw kasi ito mamayang alas dos ng hapon. Sinabi niya na lang na kaya niya ang sarili niya. Bukas na din kasi ang biyahe nila patungo sa beach resort kung saan gaganapin ang pictorial sa endorsement niya sa UNIPAK at pagkatapos noon, magiging busy na talaga siya dahil sa movie niyang gagawin. Mas mabuti na ang ganito. Uunahin niyang dalawin na muna ang Ate Amery niya dahil alam niyang nagtatampo na ito sa kanya eh. Baka itakwil na siya nito ng tuluyan. Mahal niya ang Ate Amery niya at kahit na ano ang mangyari, hinding hindi niya talaga i
KATRINA (JULLIANNE) NATAPOS ang lunch meeting na iyun pero gulong gulo ang isipan ni Katrina. Hindi siya makapagdesisyon ng mga dapat niyang gawin. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Sa totoo lang, nag-aalangan siya lalo na nang maisip niya ang possible niyang kitain sa naturang pelikula, nakakaramdam siya ng panghihinayang sa puso niya. Isa pa, swerte na ngang maituturing ang offer sa kanyang iyun. Lalo na at hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganito kagandang opportunity. May tatlo siyang mga anak na dapat niyang buhayin. Although, alam niya naman sa sarili niya kaya siyang tulungan ng mga kapatid niya sa financial na aspeto pero iba pa rin iyung may sarili siyang pera na kinikita. “Hey? Kanina ka pa tahimik ah? Ano ang iniisip mo?” bumalik lang siya sa huwesyo nang marinig niyang biglang nagsalita ang Ate Jasmine niya. Ilang saglit din siyang nag-isip bago siya nagsalita “Ate, ano sa palagay mo? Tatangapin ko ba ang offer nila?” seryosong tanong niya dito. Kaagad n
KATRINA (JULLIANNE) “Tsk, grabe! Hindi ko akalain na dudumugin ako ng mga tao kanina. Hype na hype ang mga fans ko daw.” Hindi niya pa rin makapaniwalang bigkas sa Ate Jasmine niya. Maayos nilang natakasan ang fans niya daw at nasa loob na sila ng kotse. Papunta sila sa isang hotel para sa isang lunch meeting. “Hindi ko din akalain na dadagsain ka ng mga tao. Haysst, siguro, kailangan mo na nang mga bodyguards na mababantayan ka sa lahat ng oras. For your safety na din lalo na at feeling ko, kahit saan ka magpunta, dadagsain ka talaga ng maraming tao.” Seryosong sagot naman ng Ate niya sa kanya Hindi naman siya nakaimik. Hindi siya pabor na magkaroon ng mga bodyguards na susunod sunod sa kanya. Mas gusto niya pa rin sana ng malaya at tahimik na buhay. Hindi siya sanay na pinagkakaguluhan ng mga tao. Kaya lang, sa nakita niya kanina, hindi din naman pwedeng hindi isaalang-alang ang kaligtasan niya. May triplets na naghihintay sa kanya pagbalik niya ng Japan kaya naman kailangan n
CHRISTOPHER “Excuse me! Excuse me!” seryoso at pilit na lumalapit si Christopher sa pintuan ng nasabing coffee shop. Pilit siyang sumisiksik sa maraming tao at wala na siyang pakialam pa kung may magagalit man sa kanya. Walang mas mahalaga sa kanya kundi ang makapasok sa loob ng coffee shop para muling makaharap si Katrina Dalawang taon! Dalawang taon siyang nagtiis na hindi ito makita at ngayung nandito na ito, hindi niya na hahayaan pa na mawalay ito sa kanya. GAgawin niya ang lahat para muling bumalik sa kanya si Katrina “Sir pogi, si Ms. Jullianne po ba ang sadya niyo?” wala sa sariling naptitig si Christopher sa isang may edad na babae nang bigla nalang itong nagsalita. Siguro isa ito sa mga fans ni Katrina “Yes? She’s inside, right?” seryosong tanong niya dito. “Opo, kanina nasa loob siya. Game pa nga niyang pinagbigyan ang ilan niyang mga fans na magpapicture. Pero noong dumami ang mga tao, pumasok na siya sa loob ng opisina ng manager. Pero dinig ko, nakaalis na daw