LOGINCASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA POV Kung gaano kasarap ang naranasan ko sa piling nitong si Neilson kagabi pero sa unang pagmulat ng aking mga mata kinaumagahan, nandoon na naman ang feeling na para bang hinahalukay na naman ang aking sikmura Direcho na naman ako ng banyo at walang ibang ginawa kundi ang sumuka nang sumuka habang si Neilson naman ay todo alalay sa akin. Nandoon na hihimasin ang likod ko, pupunasan ang pawis sa aking noo at kung anu-ano pa para daw kahit papaano, maibsan man lang ang paghihirap ko ng sandaling ito "Ahhh God, ano ba ito. Neilson, mamamatay na ba ako?" mahina kong sambit Pangalawang araw ng morning sickness at hindi ko alam kong kakayanin ko pa ba ang mga kasunod pang mga araw. Feeling ko kasi pati bituka ko gusto nang lumabas sa bibig ko eh "I am sorry, wifey pero kaya mo iyan. Palagi mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo palagi. Kakayanin nating dalawa ito." narinig ko namang bigkas ni Neilson. Patuloy ito sa paghagod sa likuran ko hab
NEILSON BRACKEN POV HINDI ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero talagang hinihila ang buong diwa ko dahil sa matinding antok WAla akong ibang gustong gawin ngayun kundi ang mahiga sa kama habang nakayakap si Cassandra sa akin. Oras ng pagkain ng dinner, niyaya pa ako nito pero hindi ko talaga kayang bumangon kaya no choice yata si Cassandra kundi ang kumain na mag-isa. "Neislon, are you sure na ayaw mong kumain? Gusto mo dalhan kita ng pagkain dito sa kwarto? Gusto mo subuan kita?" nakangiting wika pa ni Cassandra sa akin Wala sa sarilling napatitig ako dito. Mabuti na lang talaga at liban sa cravings nitong ihaw-ihaw kanina, hindi na ito naghanap ng iba pang pagkain. Tsaka, parang hindi naman ito apektado sa pagdadalang tao. Hindi na din nahihilo at hindi pa nga yata ito nakatulog simula noong dumating kami kanina eh "No, okay lang ako, wifey. Ikaw na lang muna ang kumain. Pasensya ka na ha...medyo masama kasi talaga ang templa ng katawan ko ngayun eh." pilit ang ngi
CASSANDRA VILLARAMA POV MAAYOS naman kaming nakarating ng mansion. Pagkadating namin ng mansion, parang namang biglang nagbiro ang tadhana. Kung kanina habang nasa biyahe kami, antok na antok ako, iba naman ngayun. Buhay na buhay ang dugo ko kaya naman imbes na matulog, nagpasya akong lumabas ng mansion at tumambay sa garden Si Neilson naman ay hinayaan kong matulog. Kanina kasi pagkadating namin, naglinis lang ito ng katawan at nahiga na sa kama. Naawa naman ako kaya naman hinayaan ko na. Habang nasa garden ako, nagpasya akong tawagan si Mommy para ibalita dito ang isang napakagandang balita tungkol sa pagdadalang tao ko. Siyempre nagpahayag ito ng matinding tuwa. Natupad na din daw ang matagal nitong ipinagdarasal na sana magkaanak na din kaming dalawa ni Neilson para mas lalong tumibay ang pagsasama namin. "Ingatan mo ang sarili mo ha? Siya nga pala, sa susunod na araw, bibisitahin namin kayo diyan ng Daddy mo sa Cebu. Pakibangit na lang kay Neilson." seryosong wika ni Momm
NEILSON BRACKEN POV START na ba ang tinatawag ng food cravings ng asawa ko? Start na nga yata dahil kahit na gaano pa kasarap ang mga pagkain na inorder nito kanina sa restaurant talagang naghanap pa ito ng street foods and now, tingnan mo nga naman, sarap na sarap ito sa mga kakaibang pagkain. Mga exotic na pagkain na sa tanang buhay ko, hindi ko pa natitikman at wala sana akong balak na tikman Sino ba naman kasi ang nag-aakala na ang anak ng isang kilalang tao sa larangan ng pagnenegosyo ay sarap na sarap ngayun sa kinakaing laman loob ng manok at ang matindi pa ay gusto pa akong idamay nito "Neilson, sige na, help na ubusin ito. Ikaw din, hindi tayo uuwi ngayun hangang hindi natin ito mauubos." muling wika nitong si Cassandra sa akin sabay abot na naman nito sa akin ng inihaw daw ng dugo ng manok Hindi ko pa nga nauubos ang isaw na ibinigay nito sa akin kanina tapos heto na naman. Binigyan na naman ako ng isa pa. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang tikman at iisipin ko
CASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA POV "Wow, hmmm, ang bango talaga! Ate, gusto gusto ko iyan, tsaka iyan at iyan pa. Opo, tag-isang dosena po!" hindi ako magkandaugaga sa kakaturo sa mga pagkaing gusto kong bilhin Mga ihaw-ihaw iyun at sa bawat paninda ng street vendor, tag isang dosena ang gusto kong bilhin "Isang dosena na inihaw na isaw ng manok, dugo ng manok, ulo ng manok, barbeque at kung anu-ano pa. Si Neilson, ayun, hindi makapalag. Tahimik lang habang nasa tabi ko. "Wifey, kaya mo bang ubusin iyan? Ang what is that? Bakit ka bumibili ng ganiyan?" nagtatakang tanong nito sa akin sabay turo ng dugo nag manok na nakasalang na sa ihawan. Dark color iyun at tinititigan ko pa lang, sobrang natatakam na ako "Vitamax!" maiksing sagot ko kay Neilson "Vitamax? What is that?" nagtatakang tanong naman nito sa akin "Dugo ng manok." tatawa-tawa kong sagot dito. Napansin ko naman na pasimple itong napakamot sa ulo kaya naman itinuro ko na din ang kulay orange na parang pancit canton
CASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA POV HINDI naman na din kami nagtagal sa hospital. Pagkatapos ng heart to heart talk naming dalawa ni Neilson, dumating ang doctor na sumusuri sa akin at chineck nito ang kalagayan ko. Noong ma kumpirma na okay na ang kalagayan ko, kaagad na din naman kaming pinayagan na umuwi na. Pero siyempre, may mga nireseta itong mga vitamins sa akin. Para daw sa mas healthy ko na pagbubuntis Imbes na bumalik sa bahay bakasyonan ni Uncle Rafael, nagpasya kaming dalawa ni Neilson na umuwi na lang muna ng mansion para mas makapagpahinga pa raw ako. Alam daw kasi nitong hindi pa ako masyadong okay at isa pa, maigi daw na nasa mansion kami. Mas naibibigay daw nito lahat ng mga pangangailangan ko. Habang nasa biyahe kami pauwi ng mansion, tinawagan ko na lang si Moira Kristina at sinabi ko dito na hindi na muna kami makakabalik ni Neilson sa bahay bakasyonan. Tinanong ni Moira Kristina kung ano daw ang nangyayari sa akin at kung bakit daw ako nahimatay at excited nam







