LOGINNagulo ang tahimik na trabaho ng 22-year-old CEO secretary na si Avajell Marasigan nang pinalit ng Boss niya bilang CEO ang 36-year-old na panganay nitong anak na si Tristan Hayes Wilson. Daig pa ni Tristan ang babaeng laging dinadatnan ng monthly period sa pagsusungit nito kay Ava. Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari na naisuko ni Ava ang vir gi*nity sa amo dahilan para mauwi sila sa kasalang pinilit ng Daddy ni Tristan. Hindi naman maitanggi ni Avajell na nahuhulog ang puso niya kay Tristan sa kabila ng malaking agwat nila sa edad at estado. Akala niya ay magiging masaya siya sa piling ng asawa, lalo na at naging sweet ang treatment nito sa kanya. Pero hindi man lang tumagal ang pagsasama nila bilang mag-asawa dahil sa isang pangyayari. Paano kung sa paglipas ng taon ay maging Boss muli ni Avajell si Tristan sa bagong trabahong pinasukan niya? Pipiliin ba ni Ava na umalis sa trabahong kinakailangan niya. O magtiis sa ex-husband niya na walang gustong gawin kundi ang pahirapan siya?
View More“Maawa ka na sa akin! Papasukin mo na ko! Gusto ko lang makita ang asawa ko. Please! Kahit sandali lang!” Frustrated na sigaw ko. Ayoko man na lakasan ang boses ko pero hindi ko mapigil ang emosyon ko.
Nagbabadya na ang luha sa mata ko habang nasa tapat ng bakal na gate nang ayaw akong papasukin ni Pinky na isa sa kasambahay dito sa mansion ng asawa kong Tristan.
“Senyorita Ava naman, este Ava. Hindi na kita tatawaging ‘ma’am at tutal ay pinalayas ka na naman ni Senyorito Tristan at makikipaghiwalay na siya sa’yo, huh?” Pinameywangan ako ni Pinky. “Ang kulit mo naman, eh. Sinabi nang wala dito si Senyorito. Pwede ba umalis ka na!? Dahil mahigpit na mahigpit na bilin sa aming lahat dito ay ‘wag na ‘wag kang papasukin. Ayokong pati ako ay mapalayas dito!”
Nabigla ako sa narinig mula sa babae. Napahigpit tuloy ang kapit ko sa rails ng gate. Doon ko binuhos ang hinanakit sa narinig mula kay Pinky. Hindi kayang tanggapin ng tainga ko ang salitang hiwalayan.
No! Walang hiwalayan na magaganap!
Hindi totoo ang sinasabi ni Pinky. Mahal na mahal ako ng asawa ko. Hindi nito kayang hiwalayan ako.
Kailangan lang namin na makapag-usap ng asawa ko. Malulutas pa namin ang gusot sa pagitan naming mag-asawa. Wala akong kasalanan. Na-set up lang ako! Hindi ako nagtaksil.
Umiling ako. “No, hindi makikipaghiwalay sa akin si Tristan.” Matigas kong sabi kay Pinky.
Natawa ng pagak ang babae sa akin. Tapos ay ito naman ang umiling at pumapalatak pa. Halatang nang-uuyam. Talagang hindi ako nito gusto kahit dati pa na nakatira ako dito. Hindi mo alam kung inggit o ano, dahil ang katulad kong hindi naman mayaman at hamak na secretary lamang ni Tristan ay naging asawa ng lalaki.
Langit at lupa ang agwat namin ni Tristan, dahil kabilang lang naman ito sa pinakamayaman na angkan dito sa Pilipinas samantalang ako ay hamak nitong empleyado dati. Isang secretary.
“Wala ka nang gamit dito dahil lahat ay pinasunog na ni Senyorito! Nasusuklam na siya sa'yo—”
Pero hindi na natapos ni Pinky ang sinasabi nito dahil sa malakas na busina ng sasakyan at doon na-focus sa may likod ko ang tingin ni Pinky. Napalingon tuloy ako at parang may kabayong naghabulan sa dibdib ko nang makita ang pamilyar na kotse.
“Mahal?” usal ko.
Isang malakas na busina pa ang narinig ko sa sasakyan. Tila matinding hampas ang ginawa ng driver ng nasa loob sa busina ng sasakyan dahil kulang na lang ay umabot sa highway ang ingay mula sa busina. Sigurado akong si Tristan ang nakaharap sa manibela.
“Tumabi ka d’yan, Ava! Bubuksan ko ang gate!” Sigaw ni Pinky.
Hindi ko pinansin ang kasambahay. Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa gate at humarap kung nasaan ang kotse ni Tristan.
Nanginginig ang tuhod ko dahil sa kaba. Para akong matutumba pero hindi ako nagpatalo sa panginingig. Inayos ko ang tayo at tumingin lang sa tinted na windshield doon sa alam kong kung saan nakaupo si Tristan.
Maraming busina pa ang narinig ko. Halatang gigil sa pagpindot si Tristan pero hindi ako nagpatinag. Narinig ko rin ang tunog ng pagbubukas ng gate. Pero wala akong pakialam kay Pinky kahit sigawan ako nito at nakaharang ako.
Hanggang sa ilang busina pa ng sasakyan ay lumabas sa sasakyan ang lalaking ine-expect ko.
Nakagat ko ang ibabang labi sandali. Kung anong klaseng tingin ang nakita ko sa mata ni Tristan nang huli kaming magkita ay gano’n pa rin ngayon ang tingin niya sa akin. Matalim na tingin na parang kutsilyong tumatarak sa akin. Ang sakit. Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito.
“What are you doing here!?” Galit na tanong agad ni Tristan matapos pabalibag na sinara ang pinto ng sasakyan niya at lumapit sa akin. Ilang hakbang ang layo niya sa akin. Halatang ayaw akong dikitan.
Hindi ako nakasalita. Napatingin ako sa gwapong mukha ng asawa ko. Halata ang panlalalim ng mata niya. Halatang puyat siya.
“Get out of my sight! Umalis kang babae ka ngayon din kung ayaw mong kaladkarin pa kita!”
Doon na kusang tumulo ang luha ko.
“M-mahal… just let me explain—”
“We’re done, Ava! Consider yourself dead to me! Ayoko nang makita ang pagmumukha o kahit ang anino mo kahit kailan! I swear, isang beses na makita ko pa ang mukha mo buong pamilya mo ang madadamay dahil sa pagtataksil mo! Don’t try me, Avajell. Just don’t try me!”
Ang bilis ng naging oras. Parang kanina lang ay nasa boutique pa kami ni Sir Tristan at pinipili niya ang dress na isusuot ko. At ngayon na paglipas ng ilang oras ay nandito na ako sa harap ng salamin at nakatayo na. Tapos na akong maligo at mag-blower ng buhok. Ang pastel blue na cocktail dress na pinili ni Sir Tristan ang suot ko ngayon. Hindi ito bastusin tingnan pero sapat para ipakita ang katawan kong lagi kong pilit tinatago sa mga formal wear. Wala akong anomang alahas na suot dahil hindi ko naman expect na may pary akong pupuntahan kaya hindi ako nakapagdala.Hindi ako marunong mag-ayos ng bongga kaya nag-make up ako ng para sa akin ay babagay na sa party. Sa tingin ko naman ay prensentable na ako.Nakakaramdam ako ng kaba at hindi ko mawari kung bakit ko nararamdaman ‘yon. Marami naman na akong party na kagaya nitong napuntahan. Pero si Sir Thomas ang kasama ko no’n. At sa mga party na ‘yon ay ilang beses ko nang nakita si Sir Tristan.Habang nakatingin ako sa repleksyon ko,
Avajell MarasiganTahimik na naman kami pagkatapos ng sinabi niya about sa hotel suite kung saan kami mag-stay. Pero hindi mapigilan ng utak ko na mag-imagine ng kung ano ano. Isang suite lang? Kahit may dalawang bedroom, paano kung magkasalubong kami sa loob? Paano kung…“Miss Marasigan, stop fidgeting!” biglang sabi ni Sir Tristan habang nakatutok pa rin sa kalsada nang nilingon ko.“Sir?”Tinapunan niya ako ng mabilis na tingin.“You’ve been tapping your fingers on your lap for the past five minutes. Nakaka-distract!” Masungit niyang sabi.Napahiya ako. Agad kong inipit ang dalawang kamay ko sa bag ko. Hindi na ako nagsalita at nanahimik na lang.Hindi pa kami nakakalabas ng city ay nag-stop over kami sa isang restaurant at nag-breakfast. Halos hindi ko naman manguya ang kinakain ko. Parang feeling ko na sa bawat subo ko ng kutsara ay nakatitig sa akin ang amo ko. Hindi ako nagfo-focus ng tingin sa kanya.Ilang sandali lang kaming nag-stay sa restaurant at nagpapababa ng konti ng k
Avajell MarasiganLumipas ang maghapon na iyon na puno na badtrip na ako dahil sa sinabi ni Sir Tristan sa akin tungkol sa connivance, office relationships at kung ano-ano pa.Idagdag pa na isasama pa ako sa isang out-of-town. Sana lang ay maging maayos naman ang lagay ko sa susunod na linggo.Pinilit ko pa rin na maging productive. Napansin ko rin ang panay tawag sa akin ni Sir Tristan. Parang nanadya na pagurin ako sa kakabalik balik sa office niya at nagpapakuha ng mga files na sa tingin ko naman ay hindi kailangan.Pagkauwi ko sa bahay ay halos sabog na ako sa pagod. Nagpahinga ako sa kwarto ko bago tawagin ni Mama para kumain na. Matapos kumain ay konting usapan muna kami ng family ko sa sala. Kagaya ng madalas naming ginagawa.Doon na rin ako nagpaalam kay Mama at Papa tungkol sa ilang araw na out-of-town ko kasama ng boss ko.Maaga pa para sa oras ng pagtulog ay nagpaalam na ako na aakyat ng kwarto. Ginawa ko na rin ang night routine ko nang mas maaga para hindi ako tamarin kung
Avajell Marasigan“Ah, Sir Tristan, dito na lang po kayo umupo.” Biglang sabi ni Maria matapos naming magulat. Tinuro niya ang bakanteng upuan sa tabi ni Rosemarie.Pero parang hangin lang si Rosemarie na hindi pinansin ni Sir Trista. Dumeretso siyang umupo sa tabi ko at nilapag ang tray na parang ‘yon talaga ang dapat mangyari.“I’ll sit here,” malamig niyang sabi na hindi man lang nagbigay ng tingin sa iba.Para akong natuyuan ng laway. Ang lapit niya at ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Tahimik lang ako at pilit na pinapakalma ang sarili.Sakto namang dumating si Jeric na dala ang tray ng mga order namin. Masigla pa siyang papalapit pero agad siyang natigilan nang makita si Sir Tristan sa tabi ko. Nakita ko ang disappointment sa mata niya. Todo hila pa naman siya ng silya kanina at gusto talaga akong makatabi.“Eto na, guys, mga order natin…” halos mahina ang boses ni Jeric na isa isang inilalapag ang pagkain. “Good afternoon, Sir,” dagdag pa niya na medyo nakayuko.Sir Tristan
Naging busy ang umaga ko. Nagkaroon ng meeting ang mga concerned department para sa bidding. Pinahapyawan na rin ang action plan kapag kami ang nanalo. Naging productive rin ako kahit maya-maya ay panay tawag sa akin ni Sir Tristan. Kahit simpleng instruction lang na pwede naman nitong sabihin over intercom ay gusto pa na pupunta ako sa office niya.Hanggang sa dumating ang tanghalian. Tinanong ko pa si Sir Tristan kung o-orderan ko siya ng lunch pero sinabi niya naman na lunch out siya.Sabay sabay naman kaming bumaba ng ilang officemate ko para mag-lunch sa jollibee malapit sa building.Agad kaming naghanap ng bakanteng mesa.“Dito ka na, Ava…” Biglang sabi naman sa akin ni Jeric na pinaghila pa ako ng upuan. As usual ay gusto nito na nasa tabi ko ito.Taga admin si Jeric at halos kasabayan ko lang din dito sa kumpanya. Nauna lang siya ng isang buwan sa akin na-hire. At hindi naman lingid sa akin na may gusto siya sa akin. Obvious naman kasi sa paraan ng pagtingin nito sa akin. Sa p
“Good morning, Ma’am Ganda!” Masayang bati sa akin ng guard na agad ko rin na binati pabalik.Kararating ko lang dito sa office at sakto lang ang dating ko. May 5 minutes akong allowance pa bago pumatak ang alas otso. Naabutan din kasi ako ng traffic. Ganito talaga kapag Monday at iba ang daloy ng traffic sa kalsada.Magaan ang pakiramdam ko ngayon at energetic na hindi katulad nang nakaraang linggo. Naging sagana ako sa tulog nitong nagdaang dalawang araw na day-off ko. Okay na naman ang Lolo ko na sinugod namin sa ospital. Nakabawi na at ngayon ay sa amin pa rin tumutuloy at ang alam ko nga ay susunduin ngayon ng kapatid ni Papa kaya hindi ko na rin ito madadatnan pauwi.Pagdating ko sa floor namin ay sinalubong agad ako ng pamilyar na tunog ng mga telepono at tipa ng mga keyboard. Maaga rin ang ibang staff. Abala na sa kani-kaniyang mesa. Busy na kasi ang lahat dahil nga sa darating na bidding sa susunod na buwan. At gustong gusto ng Board of directors na ang Wilson Holding Inc. an












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments