Share

Chapter 3

KINAUMAGAHAN

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog matapos kong makatulugan ang pag-iyak kagabi ngunit nasisigurado ko na hindi iyon sapat dahil hanggang ngayon ay wala sa wisyo para magproseso ng maayos ang utak ko.

Hanggang sa bigla ay bumukas na lamang ang pintuan ng k’warto ni Renz ay animong saka lamang ako tuluyang nagising mula sa pagkakatulala ko. Nang lingunin ko siya ay halata na sa kan’yang mukha ang lungkot, pagkakadismaya at animong may malaking problema na dinadala.

“What’s with your face, Doc?” Pinilit kong magmukhang malakas sa harapan niya. Nagawa kong ngumiti ngunit mukhang hindi iyon ganoon kapanipaniwala dahil wala man lang nagbago sa expression ng mukha niya. “Is there something wrong? May nangyari ba?” Hindi ko na naiwasan ang kabahan.

“I know how hard your situation is right now, Rina, and it’s frustrating the hell out na ako pa ang kailangan magbalita nito sa ‘yo.” Ramdam ko ang frustration sa bawat pagbuntonghininga niya.

Sumeryoso naman ako at saka tumayo bagaman nanghihina na ang mga tuhod ko. “Pull yourself together, James. Be a doctor and not my friend for now. It’s your job and I understand that. Now, tell me what’s going on, Dr. Reyes?”

Ilang segundo ang lumipas na nakatingin lamang siya sa akin bago tumikhim at sumeryoso. Sa pagkakataon na muling magtagpo ang aming mga mata ay muli kong naramdaman at nakitaang pamilyar na aura niya bilang isang doctor. “You need to pay Renz's hospital bills or we’re not going to have any choice but to pull o-out the machine.” Natulala ako dahil sa sinabi niya. “You only have the rest of the day now.”

“W-What?” Agad nangunot ang noo ko at saka kinuha sa kan’ya ang hawak-hawak niyang papel na nasisigurado kong naglalaman ng patungkol sa hospital bills ni Renz. “B-Bakit ganito pa rin kalaki ito? Nagbabayad naman ako, ah?” Hindi ko naiwasan ang magtaka dahil nasisigurado ko naman na nakakapagbayad ako pero parang mas lumalaki pa ang bayarin kaysa sa nababawasan iyon.

“I also don’t know, Rina. Nagtaka rin ako dahil mismong director pa ng hospital ang nag-utos niyan sa akin.” Napaangat ang tingin ko sa kan’ya at sa pagkakataon na iyon ay hindi ko na napigilan ang makaramdam ng galit. Alam kong may kinalaman siya rito ngunit hindi ako p’wedeng magpatalo sa kan’ya.

Umalis ako sa hospital na lutang ang isip hanggang sa makarating ako sa cafeteria ng elementary school na pinapasukan ko bilang isang helper at baker. Ito ang trabaho ko sa umaga at sa gabi naman ay iyong sa Vena. Madalas rumaraket pa ako sa pagtitinda ng cigarettes sa ibang mga club bago dumerecho sa Vena para pandagdag na rin ng pera.

“Ate Rina.” Nabalik ang isip ko sa kasalukuyan nang bigla ay may humigit sa tagiliran ng apron ko. Nang magbaba naman ako ng tingin ay nakita ko si Hunter na may hawak-hawak ng cupcake na isa sa mga ginawa ko para maintinda rito sa cafeteria.

“Bakit, Hunt?” tanong ko at saka bahagyang tumungo para maging magka-level ang mukha naming dalawa.

“You look so dumbfounded, Ate Rina. Is there something wrong?” tanong niya at saka muling kumagat sa cupcake na nasa kanang kamay niya habang iyong kaliwa ay may hawak pa rin na isa.

Ngumiti ako. “There’s nothing wrong, Hunt.”

Bigla ay ngumiwi ang bata dahilan para ma-expose pa lalo ang pagkataba ng kan’yang pisngi.

“You know, lying is bad, you’re a bad liar too, Ate Rina. I’ve been looking at you for a while and you look so sad. Is the prince charming isn’t waking up yet? Is he still asleep? Is that the reason why Princess Rina is sad?”

I sighed. “The prince charming was still asleep and you’re right, Hunt, that’s the reason why Princess Rina was sad.”

“I still can’t get it. Why would the prince charming be the one who should be saved from sleeping for so long in your story, Ate Rina. It’s always the princess so why is your story so different from the other fairytale stories?” He asked innocently and started eating the cupcake on his left hand.

Mapait akong napangiti dahil sa tanong niya na iyon. “Because Princess Rina and the sleeping prince’s story is not just a fairytale. It is an endless novel and up until now the writers till doesn’t know what ending would suit their story but Princess Rina was hoping and praying that it will be a happy ending.”

Ngumiti si Hunt at sa pagkakataon na iyon ay may icing na sa gilid ng labi niya kaya agad ko iyong pinunasan.

Nang ilibot ko ang aking paningin ay wala na mas’yadong nabili kaya naman napagdesisyonan ko na ihatid na lang muna si Hunt sa classroom niya.

“Tara na, Hunt, baka hinahanap ka na ni Teacher Grace,” saad ko at saka inakay na siya palabas ng cafeteria nang bigla ay mabunggo na lamang kaming dalawa sa isang animong matigas na bagay.

Nang mag-angat ako ng tingin ay agad kong naramdaman ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa taong nasa harapan namin ngayon.

“Hanggang dito ba naman ay susundan mo ako?” Hindi ko na naiwasan ang pangunahan siya ngunit wala man lang kahit ano’ng expression ang kan’yang mukha hanggang sa magbaba siya ng tingin dahilan para sundan ko ang kung anumang tinitingnan niya.

“Who are you to talk to him like that?! You don’t even have enough knowledge who’s the stakeholders of this school, I can’t believe you’ve been working here for so long. You should know who you should respect. You’re just a mere helper here and this young man in front of you is the most successful bachelor in this town.” Nangibabaw naman bigla ang boses na iyon ng principal.

Nang mag-angat ako ng tingin sa kan’ya ay ganoon na lamang ang panlilisik ng kan’yang mga mata sa akin at ang pamumula ng kan’yang mukha dahil sa inis. “And take that boy out of here. Look what he has done to our Mr. Ayala! It’s such a mess!” Akmang pupunasan na niya sana ang icing na napadikit sa slacks ng lalaki nang senyasan siya ni Sir Patrick na huwag kaya wala rin siyang nagawa kung hindi ang tingnan na lamang ako ng masama.

Muli kong naibaba ang aking tingin sa slacks na ngayon ay may icing na. Nang mag-angat ng tingin ang bata rito ay napakainosente nitong tiningnan lang ang lalaki habang ang huli naman ay blanko pa rin ang mukhang nakatingin lang rin sa bata. Ilang segundo lamang ang tinagal niyon ay napaatras si Hunt at saka takot na nagtago sa likod ko.

“You’re scaring him!” impit kong saad dahilan para mag-angat ulit siya sa akin ng tingin.

“You should learn from him,” bigla ay turan niya na kinakunot ng noo ko dahil sa pagtataka. “He knew who to fear,” dagdag niya at saka nilagpasan kami. Nang lingunin ko pa siya ay nakaupo na siya sa pinakamalapit na set ng table at pinupunasan na ang icing sa slacks niya.

Napairap na lamang ako sa kawalan at saka hinatid na si Hunt.

Nang muli akong makabalik sa cafeteria ay walang katao-tao roon ngunit nagpatuloy na lamang ako sa pagpasok hanggang sa bigla ay may humila na lamang sa beywang ko paharap sa taong may salarin niyon at saka niya ako sinandal sa pader. Nang magtama ang aming mga mata ay agad akong ginapangan ng inis, idagdag pa ang blankong expression pa rin sa kan’yang mukha.

“Aren’t you really going to accept my offer?” Napakalalim at garalgal ang boses ang paraan ng pagkakatanong niya niyon. “I heard that you only have the whole day to pay for his bills. Where are you going to get that? Do you really think that you can have that kind of money in just one day by depending on the jobs that you have right now?” Nanunudyo ang kan’yang tono. “Just accept my offer. Accept it and I can pay for your useless boyfriend’s hospital bills right away.”

Tinulak ko siya dahilan para matanggal ang pagkakakapit niya sa akin. “Wala kang karapatan para pagsalitaan siya ng gan’yan!”

Tinitigan niya ako ng ilang minuto hanggang sa maglabas siya ng isang contact card at inilagay iyon sa bulsa ng apron ko. “Remember, I’m just one call away,” saad niya at saka ngumisi bago ako tuluyang talikuran.

AT VENA CLUB

“Ano na ang plano mo niyan?” tanong sa akin ni Shane. Narito kami ngayon sa dressing room ng Vena at tapos nang mag-ayos at lahat pero hindi pa rin lumalabas dahil mas lalo lang ako nalulutang sa isipin na ilang oras na lang ay matatapos na ang isang araw na palugit sa akin ng hospital. “Kung may gan’yan lang sana akong kalaki na pera ay pinahiram na kita pero wala. Kahit rin naman makuha mo ang sahod mo sa lahat ng trabaho na meron ka ngayon ay hindi iyon sasapat para sa gan’yan kalaki na bayarin, Rina,” saad niya pa.

“Hindi ko na alam, Shane. Hindi ko na talaga alam. I can’t lose him but where can I get this kind of money in just one day?” Gusto kong maiyak pero mukhang wala nang mailabas na luha ang mga mata ko.

“Shane and Rina, ano pa ang ginagawa niyo riyan? Tara na at marami ng tao,” bigla ay tawag sa amin ng isa sa mga katrabaho namin kaya wala na rin kaming nagawa pa ni Sine kung hindi ang sumunod sa kan’ya.

Nag-umpisa kaming magtrabaho pero halos minuminuto ay chine-check ko ang oras na naging dahilan para makabasag pa ako sa mismong bar. “Pasens’ya na. Pasens’ya na po,” saad ko at saka mabilis wala sa wisyo na pinulot ang mga bubog na iyon dahilan para masugatan ako.

“Rina!” tawag sa akin ni Shane na nang makalapit ay may hawak ng walis at dustpan. “Ano ka ba naman? Pumaroon ka na sa kusina at hugasan iyang kamay mo. Ako na ang bahala rito,” utos niya na nakatulalang sinunod ko na lamang.

Nang makarating ako sa kusina ay agad kong hinugasan ang daliri ko na dumudugo hanggang sa bigla ay mag-ring ang cellphone ko. Tinapos ko ang paghuhugas at nang makita ko kung sino ang tumatawag ay agad akong nakaramdam ng kakaibang kaba.

“Rina, where are you?” bungad na tanong sa akin ni James na halatang nagmamadali sa kabilang linya dahil sa paraan ng paghinga at pagsasalita niya.

“I’m at Vena, I’m on duty. Why? M-May nangyari ba kay Renz? What’s g-going on there?”

Nagpabalik-balik ako sa harapan ng lababo hanggang sa makita ko ang pagdating ni Shane.

“I’m with the director and we’re on our way to Renz's room. They’re going to pull out the machine from him now, Rina.”

“W-What?!” Nasapo ko ang aking noo at nasabunutan ang buhok ko hanggang sa maramdaman ko ang panghihina ng aking mga tuhod at tuluyang mapaupo sa sahig.

“I will do everything to stop them. Pull yourself together, Rina, and come here now.” Matapos niyang sabihin ay agad na rin niyang pinatay ang tawag.

“Rina...” tawag sa akin ni Shane at saka lumapit at pinunasan ang mga luha kong hindi ko na namalayang kumawala na pala sa mga mata ko. “Stay here. Ipagpapaalam ko tayong dalawa kay Mameng. We will go to Renz so you can see him alive for the last time,” saad niya at saka agad na lumabas ng kusina.

Lumipas ang ilang segundo hanggang sa muli kong kuhanin ang cellphone ko at ang card na nasa bulsa ko. Umiiyak na ni-type ko ang numero niya roon at saka siya tinawagan.

Nakakaisang ring pa lamang ay agad na niyang sinagot iyon. “T-Tinatanggap ko na...” Pinilit kong huwag magboses na umiiyak ngunit bigo ako hanggang sa mapahikbi na ako ng tuluyan.

Hindi ko siya sumagot hanggang sa ang pagbuntonghininga na lamang niya ang narinig ko.

“Where are you?” tanong niya pero agad ko na iyong pinatay at saka nagmamadaling tumayo at lumabas ng kusina.

Nakarating na ako sa dancefloor dahil dadaanan pa talaga iyon bago ko tuluyang marating ang pintuan palabas ng club nang bigla na lamang may humigit sa braso ko.

“Oy! Sandali lang, Miss,” saad ng isang lalaki na hakatang lasing na.

“Pasens’ya na po, Sir, pero nagmamadali po ako,” saad ko at saka sinubukan na kumawala sa pagkakahawak niya ngunit mas lalo lamang niya iyong hinigpitan at saka mas lalo akong hinila palapit sa kan’ya.

“Huwag ka namang pakipot riyan. Kanina pa talaga kita gustong lapitan at makausap kaya huwag mo naman akong tanggihan.” Nakangisi siya habang mariin na sinasabi iyon. “What’s wrong, beautiful? Why are you crying? Hmm?” Mas nilapit niya pa ang kan’yang mukha sa akin dahilan para umiwas ako agad.

“Bitawan mo ako!” malakas na saad ko dahilan oara makuha na namin ang atensyon ng ibang tao na narito. Sinubukan ko siyang itulak pero bigo ako.

“Ano ba?! Bakit napakapakipot huh?! Parang first time mo naman ito? For sure naman na may mga mas nauna na sa akin kaya huwag kang umarte na birhen!” sigaw niya sa akin dahilan para hindi na ako makapagtimpi at buong lakas ko siyang itinulak na naging dahilan para mapaatras siya ng ilang hakbang.

Nang mag-angat ako ng tingin sa kan’ya ay halata na ang galit niya. Hindi ko na iyon pinansin pa ngunit nang umamba siyang sasampalin ako ay bigla na lamang may pimigil niyon at humila sa beywang ko at iginiya ang aking mukha patago sa kan’yang dibdib. Ang sunod ko na lamang na narinig ay ang namumuong malakas na bulungan ng mga tao.

“Hindi ba si Zamiel iyan?”

“Ano’ng ginagawa niya dito? Saka bakit niya pinoprotektahan iyong babae?”

“Girlfriend ba ni Zamiel iyong babae? Nakakagulat na bigla na lang siyang susulpot dito at poprotektahan ang isang klase ng babae na nagtatrabaho sa ganitong lugar.”

“Hindi ba ay never naman pinakita ni Zamiel sa public kung paano niya ituring iyong mga nagiging fling niya? I think there’s something more than just a fling between the two of them.”

“Oh! My! Gosh!”

“Look who’s here.” Naging matunog ang pamilyar na boses na iyon ng lalaking humarang sa akin. “Zamiel Ayala... What could be the possible reason why the most successful bachelors in this town will go here and protect a girl like her?” Naramdaman ko ang paglalakad niya palapit sa amin. “Is she one of your whore, Ayala?”

“Seems like you’re having so much fun, Chavez.” Ganoon na lamang ang kilabot na dinulot ng malalim at seryosong boses na iyon ni Zamiel sa akin hanggang sa unti-unti siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin at nang tuluyang makawala ay pinili ko na lamang na yumuko. Pero hindi iyon nagtagal nang bigla ay maramdaman ko ang paghawak ni Zamiel sa baba ko at iginiya iyon paangat upang magtama ang aming mga mata at ang sunod ko na lamang na naramdaman ay ang paglapat ng malambot niyang mga labi sa labi ko.

Hinalikan niya ako sa harap ng maraming tao na naging dahilan para mapasinghap sila. I felt his lips moving. He kissed me with so much desire, but I can also feel the anger from those lips and I don’t know why but it hurts.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Cheryl Lovely Perez
update pls
goodnovel comment avatar
Gerry Olego Boado
nice novel and nice characters
goodnovel comment avatar
Marieta Yoto
update please author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status