Share

CHAPTER 97: DEAL

Penulis: LaraMelissa
last update Terakhir Diperbarui: 2022-06-10 23:46:05

Bella’s POV

Napangiti ako na maramdaman ang titig ni Selena sa akin. Alam ko na curious na siya na malaman ang katotohanan.

Nandito kami ni Selena sa loob ng VIP room samantalang si Hana ay nasa labas. Nagbabantay doon para siya ang magsasabi kung parating na si Jarvis. Gusto ko kasi makausap nang masinsinan si Selena na kaming dalawa lamang.

Kinuha ko ang baso at sinalinan ng tubig.

“Bella—“

“Let’s make a deal, Selena,” seryosong sabi ko.

“Deal?” Kunot noong sabi niya.

“Yes,” nakangiting sabi ko. “I will help you.”

“Help?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Kailan pa ako nangangailangan ng tulong? At sino nagsabi na tulungan mo ako?” nakataas na kilay na sabi niya

“Just a while ago,” kaswal kong saad. “Kahit hindi mo sabihin ay alam ko na kailangan mo ang tulong ko.”

Napaismid siya. “Hindi ka pa rin nagbabago, Black Butterfly. Pakialamera ka pa rin,” inis na wika niya.

Napangiti ako na banggitin niya ang aking alyas. “Buti naman ay matalino ka pa rin hanggang ngayon,” sarkastiko kon
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 121.4: KATAPUSAN

    Dash’s Point of ViewMahigit anim na taon na ang lumipas simula nang saksakin ko ang sarili ko gamit ang kamay ni Bella. Alam kong iyon lang ang paraan para mapatunayan ko ang loyalty ko sa Queens na kahit kapalit nito ang pagkawasak ng lahat.Para mabuhay kaming dalawa ni Selena, nakipagkasundo ako kay Uno. Hindi iyon naging madali. Pinatay ko ang dating ako. Pinalabas nilang patay na ako at ginawa akong isang anino na isang assassin na walang ibang pangalan kundi Ash Montero.Isinakripisyo ko ang lahat, lalo na ang pagmamahal ko kay Selena. Mahal na mahal ko siya. At kahit hindi niya alam na palihim ko siyang binantayan. Nakita ko kung paano niya tinupad ang pangako niyang baguhin ang buhay niya. Nakita ko kung paano siya bumangon at kung paano siya muling umibig.Masakit. Damn! Sobrang sakit pero wala akong magawa kundi mahalin siya mula sa malayo.Dahil hindi pa ito ang tamang panahon.Hindi pa ako pwedeng magpakita.Hanggang sa dumating ang araw na ito…Patay na si Selena.Humigp

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 121.3: ITAMA

    Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 121.2: MOVE ON

    Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 121.1: NOT AN ORDINARY CHESS MATCH

    Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 120.5: AKO NA LANG

    Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 120.4: MY ONE AND ONLY GIRLFRIEND

    Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status