Next:“Nagseselos? Ako, magseselos? Heh!” mariing umiling si Everest at nangunot pa ang noo. Bakit naman ako magseselos? Dagdag pa niya sa isip. “Naisip ko lang, may isang taong nagbabala sa akin na huwag makipagkita sa ibang lalaki pero nalaman ko na ang lalaking iyon pala naman ang may eskandalo sa ibang babae. Isn’t it funny?”Nangunot rin ang noo ni Fredrick sa narinig. Mukhang naliwanagan ito kung bakit iba ang inaakto niya ngayon. “Ako?” Itinuro nito ang sarili. “May eskandalo ako? Kapag ba mayroon ay may pakialam ka?”Muling umiling si Everest at iniwas dito ang tingin upang hindi nito mabasa kung ano ang tunay na nasa isip niya. “Of course, hindi! Hindi ba at sabi mo ay ‘wag kong pakikialaman ang pribadong buhay mo?”“Talaga?” nangingiting biro ni Fredrick. Hindi nito binitiwan ang kamay niya at nanatiling nakagapos sa kanyang uluhan. Buong sandaling iniwas ni Everest ang mga mata upang hindi makita ni Fredrick ang kanyang panik sakaling malaman nito ang tinatago niyang dahil
Sa haba ng kwentuhan nila ay hindi namalayan ni Everest na nakarating na pala sila sa mansyon ni Fredrick. Napaangat na lang siya ng tingin nang huminto ang kotse. Bago kasi iyon ay nakatutok ang tingin niya kay Fredrick habang nagsasalita ito. Pangtatluhan ang pinto sa likuran at dapat ay may space sa gitna pero isiniksik ni Fredrick ang katawan nito sa tabi niya. Biglang huminto sa pagsasalita si Fredrick at nagkatinginan sila. Napalunok si Everest dahil sa biglang paglakas ng tibok ng kanyang puso na hindi niya alam kung bakit. Sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa ay halos malanghap na ni Everest ang hininga nito pero hindi siya umiwas. Nanatili siyang nakatitig dito na tila nabihag siya ng mga titig nito. “We're here…”Fredrick suddenly whispered. Mahina ang boses nito na sila lang dalawa ang nakakarinig. Si Nolan na siyang nagmamaneho ng kotse ay nakatingin lang sa labas. “Everest, we are here…” muling pagbibigay-alam ni Fredrick. Saka lang natauhan si Everest sa ikala
Nang makabalik sila sa opisina ay naroon pa rin ang mapanuring tingin ng empleyado sa kanya pero dahil kasama niya ang taga-HR ay agad ding umiwas ng mata ang mga ito. Buong sandali ay hindi nawala ang kaba ni Everest. Hindi sinasabi ng empleyadong sumundo sa kanya ang dahilan kung bakit siya pinatawag pero malakas ang kutob niyang pagagalitan siya o ang masama pa ay kakasuhan siya dahil sa ginawa niya sa artist na hawak ng mga ito. Dinala siya ng empleyado sa top floor kung saan ang opisina ng manager daw dahil ito ang kakausap sa kanya. Nilakasan na ni Everest ang loob pero halos hindi pa rin niya kayang ihakbang ang paa para pumasok sa loob nang buksan ng empleyado ang pinto. “Why are you still standing at the door? Hindi ba at gusto mo ng trabaho kaya ka nag-apply dito?” A joyful voice traveled to Everest’s ears, and her gloomy expression was suddenly replaced by surprise. Sino ang mag-aakala na makikita niya rito ang lalaki?“Pete?” sambit niya sa pangalan ng lalaki pero agad
Next:Isang linggo ang lumipas bago nakatanggap ng e-mail si Everest mula sa advertising company na ibinigay sa kanya ng kaibigan niya. Ngayong umaga ay pinapapunta siya sa opisina ng mga ito para sa interview. Kaya naman, suot ang pinakasimple sa mga damit na pinamili sa kanya ni lola Andrea ay tumungo siya sa Ortigas para sa interview. Gusto niya sanang mag-commute na lang pero nag-insist ang matanda na ihatid siya ng driver ng mga ito kaya wala siyang nagawa nang ibaba siya mismo sa tapat ng building na pupuntahan niya. Akala tuloy ng mga empleyado ay isa siyang kliyente at ang iba naman ay napagkakamalan siyang model. Kahit simple lang makeup niya, kahit sino ay lilingon pa rin sa nakakalingong-likod niyang ganda. She felt uncomfortable with the burning gazes of people around her, so she walked even faster towards the elevator. Hindi niya napansin ang pares ng matang sumunod sa kanya nang makita siya. Mabuti na lang at kaunti lang ang tao sa elevator kaya’t agad siyang nakaratin
Next:“Magkababata sina insan at Monique. Matagal na silang magkakilala kaya ganoon sila ka-close…” Ito ang mga salitang paulit-ulit na sumisigaw sa utak ni Everest habang nakahiga sa kama matapos niyang maligo at patuyuin ang buhok. Pumayag siyang ihatid ni Pete at natuloy ang naudlot nilang kuwentuhan pero ngayon nalaman naman niya kung ano ang relasyon nina Fredrick at Monique ay hindi naman siya mapakali. Kinailangan niya pang magsinungaling kay Lola Andrea kanina dahil naabutan pa niya itong gising at tila naghihintay sa kanila ni Fredrick. Nagtaka ito kung bakit hindi siya kasama ang ‘asawa’ at bakit iba ang naghatid sa kanya pero agad na nagsinungaling si Everest na may importante pang ginawa si Fredrick sa opisina kaya pinauna siya nito ng uwi. ‘Why am I so bothered about Fredrick and Monique’s relationship? Hindi na dapat ako mangialam kung gaano man sila ka-close at kung magkakilala sila mula pagkabata. I should be happy dahil nagkita na kami ni Pete…Pero bakit hindi maw
Next:Hindi pa rin makapaniwala si Pete sa narinig kaya matagal itong tumitig kay Everest. “Totoo ba ang sinabi niya, Everest?”Habang nakatingin sa reaksyon ni Pete, pakiramdam ni Everest ay basag na basag ang kanyang puso. Matagal niyang inalagaan sa kanyang puso si Pete pero ngayong nagkita na sila nito… hindi pa man namumunga ang pagmamahal niya para sa lalaki ay hinugot na agad ito ni Fredrick.“Yes. Totoo ang sinabi ng pinsan mo. Mag-asawa na kami,” nakayukong sagot niya. Ayaw niyang makita ng lalaki kung ano ang tunay niyang reaksyon.“Ohh…” Tumango-tango si Pete at mapait na ngumiti. “Kung ganoon ay pinsan na rin pala ang itatawag ko sa ‘yo ngayon.”Biglang nag-angat ng tingin si Everest nang marinig ang sinabi ni Pete na parang isang punyal na sumaksak sa kanyang puso. Para sa kanya, ang hindi niya makakalimutang pangyayari sa buhay ay si Pete. ito ang nag-iisang ilaw sa madilim niyang buhay. “Done talking?” Fredrick sneered as he looked down at her, still talking to Pete.