Share

Chap.5: Chen Sylva

 

Lin POV:

 

After the ceremony kanina, nagsimula ng magkasiyahan ang mga bisitang nandito at ganon din ang mga parents namin ni Haru. Inilibot ko ang aking paningin. Nandito ako sa upuan ko habang bitbit ko ang red wine. I saw Haru busy talking with the two boys. At mukhang magkasing-edad lang namin ang mga ito. Mga guwapo din at parang magkaibigan sila dahil sa nakita kong closeness nila.

 

Tumayo ako at pumunta sa kinaroroonan nila. Napatingin sakin si Haru at ganon din ang dalawang lalaki.

 

"Una muna akong umuwi sayo Haru. Gusto ko na kasing matulog." saad ko. Pinilit ko ang sarili kong mag-act na para bang inaantok. 

 

Tumayo siya."Ihahatid nalang kita. By the way guys, bye!" pagpapaalam nito.

 

Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay. "Nope. Huwag mo nalang akong ihatid. I'll take a cab. And you, spend your time with them!" sabay turo sa dalawa niyang kasama.  Tumango naman siya at bumalik sa kakaupo.

 

Tumalikod ako sa kanila at napangisi.

 

 Kaagad akong lumabas ng mansion at sumakay ng taxi. Chris texted me about sa mga gusto sanang manggulo sa ceremony, na may dalawa silang pinatirang buhay. 

 

After 56 minutes.

Huminto kami sa isang lumang bahay. Kaagad akong lumabas at nagbayad kay manong. At ng makaalis na si manong ay lumingo-lingo muna ako para makasiguradong walang tao. Nasa sulok ng parte ng lugar ang lumang bahay na ito.

 

Kinuha ko ang ipit ko sa buhok na nasa kanan at pinindot ang maliit na button. Naging isang matalim at maliit na kutsilyo ito. Parang pocket knife kung ganon. Isiniksik ko ito sa likod ng pleated pants ko at pumasok sa loob.

 

When I'm already inside the house, I heard someone screaming. Dahil ba sa sakit? Well guess, maybe Ming started torturing ang dalawang tao na tinext sakin ni Chris. Naglakad ako papalapit sa kinaroroonan ng boses.

 

"Huh! Kulang pa yan! Dapat na nga ay tatanggalin ko nalang   yang tenga mo nuh?! I warned you lately na nung nahuli kita last time na papatayin mo ang walang kamuwang muwang na bata. Diba I warned you na kung uulitin mo ang mga masasamang kilos mo, tatanggalin ko ang tenga mo, diba?" dinig kong malamig na boses ni Ming.

 

Ming was a brave girl. Dati, palagi siyang binubully dahil sa itsura niya. She's cute pero she's a psycho when it come to this. 

 

Binuksan ko ang pinto kaya napatingin sila sa akin at ganon din si Ming. 

 

"Now, siya nalang ang bahala sa inyo." mahinang saad ni Ming at lumayo. Tumabi ito kay Chris sa kakaupo sa sulok.

 

Napangisi naman ako ng makita ang dalawang lalaking nakatali sa upuan. May mga galos ito. May mga dugo pang dumadalus-os sa noo nila. 

 

"You want to ruined the ceremony, right?" ngisi kong saad at nagcross-arms, waiting of their answer.

 

Ngumisi ang isang lalaking may dugo ang ilong. "Ruined? Hahaha! Hindi!" saad niya.

 

"Dinedeny mo pa talaga ah?!" inis na saad ni Ming at tumayo. Hinawakan naman siya ni Chris sa kamay. 

"Calm down, di naman ikaw si Lin eh. Overreacting ka teh."

 

"Tell me. Whose your leader? If kung ayaw mong sagutin, then wag! Papatayin nalang kita." saad ko at kinuha ang itinago ko sa likod kanina na maliit na kutsilyo. Pinakita ko iyon sa kanila.

 

Hinawakan ko ang panga ng isang lalaki na nasa kanan banda. "What's your name boy?" tanong ko. 

 

"My name? Hahaha! Bakit? Para saan?" tanong nito sa akin. Itinutok ko sa kaniya ang knife ko sa leeg niya.

"Now tell me. What's your name?"

 

Nakita kong napalunok ito kaya napangisi ako. "Jay Leno Perez and he's Jeffrey Hilton." pagpapakilala daw nitong Jay na nasa harap ko. 

 

Tumingin ako sa tabi nito. Jeffrey Hilton? Jay Leno Perez? Parang familiar ah?! 

 

"Direct to the point. Sinong nag-utos sa inyo?!" galit kong saad. Tumingin sa akin si Jay.

 

"Si Chen Sylva.." sagot ni Jay. Napatulala ako. Chen Sylva?

Siya yung lalaking muntik ng tanggalin ang mask ko noon.

 

FLASHBACK ( 7 years had past)

 

Ako, si Chris at si Ming ay nandito sa abandonadong bahay. Patagong naglalakad kami patungo sa second floor ng bahay na ito. Sobrang luma na at sobrang alikabok. Kaming tatlo ay kapuwa nakamask at nakablack. May dala dala kaming pocket knife at piston. Si Daniel ay nasa headquarter office. Doon siya namin iniwan para gabayan kami. Kontrolado niya ang mga CCTV na nasa loob ng bahay na ito. Di ko alam kung paano niya ito nacontrol, basta ang alam ko ay magaling si Daniel pagdating sa computer, pagtrack, paghack, at iba pang naaayon sa technology. Marunong nga itong gumawa ng virus sa isang platform.

 

May mga headset kami sa mg tenga namin for emergency kung sakaling magkakahiwalay kaming tatlo.

 

"Daniel, this is Lin. Anong pinto dito sa second floor ang walang tao?" tanong ko kay Daniel na nasa kabilang linya. May apat na pinto dito sa second floor. 

 

"Yang pangalawang pinto ang walang tao. Dahan dahan lang kayo sa paglalakad. May nakabantay sa loob ng tatlong silid." saad ni Daniel na sinunod namin.

 

Pero biglang naputol ang connection namin kay Daniel kaya pinagpatuloy lamang namin ang ginawa pero may kung sinong nagpaputok sa likod namin na ikinalingon namin doon. Nakamask ang mga ito. Kulay black na may puti sa gilid. Apat ang mga ito at mga lalaki din dahil sa postura.

 

"Sino kayo?" tanong nung isa na di masyadong mataas. 

 

Umatras naman kaming tatlo habang ang mga piston namin ay nakatutok sa kanila. Binabalaan na huwag lumapit.

 

"Ibaba niyo mga piston niyo!" saad nung isa pa na nasa dulo.

 

"Huwag niyong ibaba...." bulong ko kina Chris at Ming. Pagbinaba namin ito, sigurado akong papuputukan nila kami.

 

"Sabing ibaba niyo iyan!" galit na saad ulit nito. 

 

May kung sinong pumalo sa likod ko kaya napahiga ako sa sahig at nawalan ng malay. Naaninag ko pa ang pagtumba nina Chris at Ming sa sahig bago ako tuluyan lamunin ng dilim.

 

Nagising ako dahil may kung anong mabigat sa kamay ko. Doon ko napagtanto na ginapos ako sa gilid dito sa loob ng kuwarto na ito. Bakal ang nakagapos sa akin. Nakagapos ang  mga kamay ko at paa. Ako lang mag-isa. Nasan sina Ming at Chris?

 

"Ming! Chris! San kayo?!" 

 

"Ming! Nasan ka?!"

 

"Pakawalan niyo ko dito! Pag di niyo ko pakawalan! Pagsisihan niyo na ginawa niyo ito sa amin!" galit kong saad tsaka pilit na kinakalas ang posas.

 

May kung sino namang pumasok sa pintuan. Nakamask sila at tatlo sila.

"Tumahimik ka ngang babae ka! Nakakarindi ka na talaga ah!" saad nung isa na umupo sa gilid.

 

"Bat kayo pumunta dito? Balak niyo kaming dakpin nuh? Hahaha! Kung makakaya niyo! Sa mga katulad naming tao, di niyo dapat kami inuunahan!---Teka wait. Bat ka makamask?" tanong ng lalaking nakaupo sa bintana. Nakamask sila kaya di ko maaninag mukha nila.

 

"Eh ano naman ngayon kung nakamask ako?! Pakawalan niyo ako dito mga panget!" 

 

Lumapit sa akin yung lalaking kanina pa tahimik habang nanonood lang sa mga nangyayari. Hinawakan nito ang mascara ko.

"Tanggalin kaya natin ito..." mahinang saad nito. Tatanggalin sana nito ang mask ko ng may pumasok. Nakamask at posturang lalaki. Di natuloy ang balak ng sa harap ko ang pagtanggal sa mask ko.

 

May hawak na gun ang taong kakapasok palang habang nakatutok sa lalaking nasa harap ko. "Don't you dare to touch her Chen Sylva! Hindi ako magdadalawang isip na iputok itong baril sa bunganga mo!" saad nito.

 

END OF FLASHBACK

 

Chen Sylva? 

Kaya pala familiar. Siya pala iyon.

 

"Bakit niya ito pinapagawa sa inyo?" tanong ko.

 

"Di ko alam. Sinunod lang namin ang utos niya na guluhin ang ceremony." saad nitong Jay. 

 

Tsk! Pagkakampi ka talaga sa kasamaan, pagtatakpan mo din ang kasamahan mo. 

 

"Talaga bang ang ceremony lang ang plano niyong guguluhin, o may iba pa bukod dun?" tsaka ko hiniwaan ang pisnge ni Jay ng kunti kaya napaaray ito.

 

"Ouch! Aray! Teka wait! Patayin mo lang kaya kami!" nahihirapang saad ni Jay. Napangisi naman ako. Tumingin ako sa katabi nito na si Jeffrey daw kuno. Nakayuko ito at mukhang walang pake sa nangyari.

 

"Okay. If that's what you want, then go! Your wish is my command! E.NE.MY." saad ko at tumingin kay Ming. Inihagis sakin ni Ming ang piston. Inihagis din sakin ni Chris ang sarili nitong piston at nasalo ko naman ang mga iyon.

 

Itinutok ko iyon sa bawat ulo nila. "Dahil ayaw niyo akong sagutin ng tama at to the point, then let yourself welcome the world of death..." tsaka ko ipinutok ang mga piston na hawak ko sa mga ulo nila.

 

Mas maganda nga ng tinapos ko sila, kaysa magsumbong ang mga ito sa boss nila. Tsaka, wala naman sana akong balak patayin ang mga ito. Pwede pa kasi itong baguhin ang mga ugali nila at sumali sa group namin. Pero, giving second chance to the bad guy who don't know what are the limits ay para kang isang TaBo. Tanga at bobo.

 

"Grabe. Ayaw pa talaga nilang sabihin ang iba pang dahilan. Pakipot sila, sobra!" saad ni Ming ng makalapit na sila ni Chris sa akin. Pinatid naman ni Ming ang malamig na katawan ni Jeffrey.

 

Bigla namang tumunog ang phone ko sa bulsa. Napatingin ako dun pati na ang dalawa.

Sinagot ko ang tawag.

 

"Lin! Sabi mo mauuna kana dito sa bahay?! Bat wala ka dito?! Pinagloloko mo ba ako?" galit na saad ni Haru sa kabilang linya.

 

Napatawa ng mahina ang dalawa sa tabi ko.

 

"Search in G****e. How to explain this to my husband?" pambibiro sa akin ni Chris.

 

 

 

 

 

 

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status