Share

8.2: Assassin

CHAPTER 8.2

Assassin

NAGKAMALI ba siya ng dinig? O baka kapangalan lamang ng nawawalang prinsesa ang dalagang nakabungguan niya? A lot of thoughts really went gushing inside his head the second he heard that very familiar name. Hindi na niya alintana ang kumpulan ng mga mamamayan sa paligid nila. Basta umikot ang buong isip niya sa pangalan ng dalaga.

‘Paano kung kapangalan lang? Paano kung susundan namin ni Jonas ta’s madidismaya lang kami dahil ‘di pala si Prinsesa Selene?’ Ito ang iilan sa mga katanungang tumatakbo sa isipan ni Lucas habang pilit na ibinabaon sa isipan ang mukha nito.

Habang minamasdan niya ang direksyong pinuntahan ng dalaga, hindi niya napansin ang paglapit sa kanya ni Jonas. Bakas din ang pagkagulat sa mukha ng binata lalo na nang isigaw ang pangalan ng dalaga kanina. Namamangha ito at tila ba may bakas ng pagkataranta—gustong sundan nila ang dalagang naka

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status