Share

Chapter 10.2: Without The Prince

"Nandito ka lang pala Summer Kirsten Verschaffelt." biglang naibuga ni Summer ang mga nainom nito sa gulat nang may magsalita sa likod niya. Buti nalang at hindi ako tinamaan. Dali-dali naman siyang kumuha ng tissue at panyo at ipinahid sa sarili.

"Paano mo ako natunton dito?" kaagad na balyang tanong ng kapatid ko. Napatingin ako sa lalaki. Nakalab gown ito at halatang taga medical department. Ngunit nakapagtataka lang na parang napakapamilyar ang mukha nito sa akin. Si Summer naman ay halos hindi maipinta ang mukha, panay pa silip nito sa reaksyon ko. There's something wrong with her. Hindi ko nga lang mapin-point kung ano iyon? Basta may mali talaga sa kilos ni Summie.

"Sa tingin mo ba hindi kita mahahanap? Hoy! Summer seryosohin mo ang subject ko kung hindi ay ibabagsak talaga kita."  Ibabagsak? Kung ganoon ang lalaking ito ay isang proffesor? Kaagad akong tumayo sa kinauupuan at hinila si Summer paharap sa akin.

<
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status