"I loved you and trusted you but you broke me with your secret. Now, tell me... how could I ever forgive you?" -- Holly Jade Rewis Parang pinag-iwanan na ng mundo. Ang kaniyang ina, ang ama niya at ngayon ay ang lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya ng husto. How could she ever forgive the man who was after her and tried to kill her? "Nagkamali ako ng minahal." -- Holly
View More✖-✖-✖-✖ Gabi na'y lumalangoy pa rin si Holly sa pool. Hindi s'ya makatulog. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Liza kanina. Paano nito nasabi 'yon? May alam kaya ito tungkol sa kaniya? Nang mapagod ay umahon s'ya at sinuot ang roba. Umupo s'ya sa upuan na nandoon at binuksan ang isang canned beer. Kanina ay sinubukan niyang tanungin ang Papa niya tungkol doon pero katulad ng dati'y wala s'yang nakuhang sagot. Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa tubig habang ang kamay ay pinaglalaruan ang lata ng beer nang maramdaman niyang may umupo sa katabing upuan. "Malamig na, why aren't you getting inside?" tanong ni Justine at saka nagbukas ng beer. "I'm sorry about Liza's attitude earlier." Napabuntong-hininga naman s'ya at saka ito tiningnan. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na h'wag kang hihingi ng pasensya para sa kapatid mo." "Kahit ako, hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang ganoong walang katotoha
60 years ago..."A-Ayokong umalis... p-please... dito lang ako... pinatay nila ang mama at papa ko..." iyak ng batang si Marlon. Narinig kasi ng batang lalaki ang usapan ng mga ito na ilalabas na ito mula sa lugar na iyon."Hindi maaari. Kailangan mo ng umuwi. Hindi ka ligtas sa lugar na ito," ani Dexter."Ayaw ko, p-papatayin din nila ako..."Nagkatinginan ang tatlo."Mas nakakatakot sa lugar na ito," ani Alexandre."Ako ang maghahatid sa'yo. Huwag ka ng umiyak," si Joaquin.Mas lalo lang umiyak ang bata. "Ayaw ko! Dito lang ako! Gawin niyo rin akong katulad niyo! Ayaw kong umuwi!"Nagkatinginan na naman ang tatlo."Bakit? Ano ba kami?"Agad na nagtago ang bata sa likod ni Dexter at natatakot na tiningnan si Alexandre.Natawa naman si Alexandre. "H'wag kang matakot sa'kin. Gusto ko lang malaman kung bakit nasabi mo iyon." At saka ito ngumiti pero ang bata'y mas lalo pang nagtago.Kinapit
Nang makapagpaalam sa isa't isa'y pinauna ni Holly na umalis ang mga kasama. Sinadya niya talaga 'yon para kausapin si Jin."Alam mo ba na ako ang ipagkakasundo sa'yo?" tanong niya sa binata na katabi lamang niya. Katulad niya'y pinauna rin nito ang mga magulang.Hinarap niya ito. Ito naman ay parang nag-aalinlangan na sumagot. Hindi naman niya ito sinisisi dahil katulad niya ay wala rin itong magagawa pwera na lamang kung tumanggi ito. Hindi naman sa naga-aasume pero hindi lingid sa kaniya ang ibig sabihin ng ikinikilos nito pero para sa kaniya ay kaibigan lang ang tingin niya dito."Y-Yes," sagot nito. "I'm sorry."Napabuntong-hininga naman s'ya. "Don't say sorry. Gusto ko lang naman malaman ang sagot sa itinanong ko. By the way, thank you." Siguro nga ay s'ya dapat ang magpasalamat dahil pumayag ang binata. "But I want to be honest Jin, pumayag lamang ako sa kagustuhan ng Papa ko dahil sa kalusugan niya." She doesn't want to give him false hope.
60 years ago...Suot ang isang pangkarinawang kasuotan , tumakbo si Dexter sa loob ng kakahuyan at tinahak ang isang makipot na duluhan at pagkalabas doon ay isang malawak na kaparangan na tinatabunan ng lilim ng mga nagkakapalang mga dahon ng mga puno. Limang-daang taon na s'yang namumuhay pero sa hitsura niya'y para lamang s'yang nasa bente-singko. Matikas ang pangangatawan. Hindi rin nakakatakot ang kaniyang aura, hindi katulad ng mga sumunod na henerasyon. At kahit na bampira ay mayroon s'yang malambot na puso.Siya ang Alpha- ang kauna-unahang bampira na nabuhay sa mundo at ang pinagmulan ng iba pang mga bampira. Ngunit wala pang nakakakita sa tunay niyang hitsura.Sa tuwing umaalis s'ya mula sa tahanan ay nagsusuot s'ya ng damit kagaya lang ng mga nasa mababang antas ng kanilang lipunan.Maya-maya pa ay dumating si Alexandre, ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Sumunod si Joaquin na dumating, ito ang ginawa niyang mensahero ng kanilang a
Ilang minuto ang lumipas nang bumitaw na rin si Khalil. Hinaplos niya ang pisngi ni Holly habang mataman itong tinitingnan sa mga mata. Napatitig naman si Holly sa lalaki. Gusto niya ng sagot. "Gusto mo rin ba ako?" tanong niya. Pero sa halip ay nag-iwas ito ng tingin. "Ihahatid na kita." Napatango s'ya ng tipid. Ano pala ang ibig sabihin ng halik na 'yon? "Kung gano'n, bakit mo ako hinalikan?" Hinawakan niya si Khalil sa braso at saka ito pinaharap sa kaniya. Sinalubong niya ang malungkot nitong mga mata. "I'm sorry," sabi lang nito at saka tumayo. "It's late. Kailangan mo ng umuwi." Malamya s'yang tumayo at sumakay na rin. At habang nasa byahe ay walang umiimik. Hanggang sa makarating ay tahimik pa rin silang dalawa. Umasa s'yang sasabihin nito na gusto rin s'ya nito at 'yon ang ibig sabihin ng halik na 'yon. "T-Thank you," sabi ni Holly. "Huwag kang magpasalamat." Kinapitan ulit niya ito na
Hindi pa man nasisimulan ni Holly ang pagkain niya para sa umagahan ay biglang sumugod si manang Celesta sa kaniya at sinabing tumatawag si Locel. Hindi niya sana ito kukunin pero nabasa niya ang reaksyon sa mukha ng matanda at mukhang importante ang tawag. "Holly," bungad ni Locel. "Kailangan mo ng umuwi." Napataas ang kilay ni Holly. "Why?" walang gana niyang tanong. "Ang Papa mo, dinala sa hospital." Doon natigilan si Holly. "B-Bakit, anong nangyari sa kaniya?" "Hindi naman ito urgent pero if you still care, umuwi ka dito, 'yon ay kung gusto mo pang umuwi at malaman kung ano ang nangyari sa kaniya." Biglang nag-iba ang tono ng pananalita ni Locel. Matapos ang tawag ay hindi na s'ya magkandaugagang umakyat sa kwarto para kunin ang susi ng kotse. "Kailangan ko na hong umuwi manang Celesta." "Oh, s-sige... basta ay mag-iingat ka." Sumakay na agad s'ya sa kotse pagkalabas at saka 'yon pinaandar. Abot-abot ang kaba ni
Sapo ni Holly ang bibig dahil natatakot s'yang marinig ng mga kaklase niya ang mabilis niyang paghinga."It's creepy here. Bumalik na tayo sa beach house. Baka nandoon na s'ya," sabi ni Amy na sinang-ayunan naman ng lahat.Parang nabunutan ng tinik si Holly at nanghihinang napaupo sa lupa nang maramdamang wala na ang mga ito. Masyado s'yang pinanghihina ng kaniyang kaba."I told you not to come out at this hour."Nag-angat ng tingin si Holly sa dumating na si Khalil.Hindi s'ya makapagsalita at parang maiiyak na s'ya anumang oras. Pilit s'yang tumayo at lumapit sa lalaki. Bigla s'yang napayakap dito dahil sa takot. Sa takot na masaktan at makapanakit.Naramdaman naman niyang niyakap rin s'ya nito."Bumalik ka na.," sabi nito at hinawakan s'ya sa mga braso.Umiling si Holly. Wala ang kwintas niya at natatakot s'yang bumalik sa beach house dahil nandoon ang kaniyang mga kaklase."I-lock mo ang pinto ng kwarto mo kung
✖-✖-✖-✖Nakatayo si Holly sa labas ng gate ng katabing bahay dala ang ipinahanda niyang hapunan kay manang Celesta. Nakita kasi niya si Khalil kanina na pumasok dito, hula niya ay dito na ulit ito tumutuloy matapos nang huli niya itong makita. Tatlong araw na rin ang lumipas simula nang mangyari ang insedente at hindi manlang s'ya nakapagpasalamat sa lalaki."Oh, Holly? Pasok ka, pasok ka," sabi ni aleng Demi, ang may-ari ng bahay."Salamat po. Dito po ba tumutuloy si Khalil?" Sumunod s'ya sa matanda."Ah, iyong gwapong lalaki ba?"Pakiramdam ni Holly ay namula na naman ang mukha niya nang tingnan s'ya ng matanda na may nanunudyong tingin."Oo, andito nga s'ya. Nasa taas. Halika at ihahatid kita. Nobyo mo ba s'ya, hija?"Napalunok si Holly at parang sinindihan na ang buong mukha niya. "H-Hindi po. Kaibigan ko lang po s'ya.""H'wag ka ng mahiya. Bagay naman kayo. Oh sige
✖-✖-✖-✖Gamit ang palad, pinunasan ni Holly ang tumulong pawis sa gilid ng pisngi niya. Naglagay s'ya ng lupa at abono sa pasong binili n'ya kanina sa bayan para pagtaniman ng bulaklak.Wala s'yang magawa kaya naman ito ang naisipan niya. Matagal na rin noong huli s'yang magtanim ng bulaklak. Mayroon din naman sa bahay nila sa Manila pero nang mamatay ang Mama niya ay hindi na niya ito naalagaan.Dati ay ang pagtatanim ng bulaklak ang laging bonding nila ng Mama niya. Hindi niya hilig ang mga ito pero dahil sa Mama niya ay kinahiligan niya na rin."Hija, magtatanghali na. Hindi ka pa ba tapos?" si manang Celesta habang may dalang baso ng juice."Didiligan ko na lang po at tapos na.""Oh sige, iiwan ko na lang ito dito hah?" Inilapag nito ang hawak sa kalapit na mesa.Siya naman ay inisa-isang diligan ng mga tinanim.Biglang pumasok sa isip niya ang pinakapaboritong bulaklak ng Mama niya. Hindi niya alam na m
Comments