Share

Chapter 9

”Kawawa naman si sir Dominic. Kakalibing pa nga lang ng kaibigan niya, ngayon ay siya naman ang nasa panganib,” malungkot na sabi ni ate Maria. 

Kasalukuyan kaming nagtitipon sa maid's quarter upang manood ng pelikula. Wala ngayon ang mga may-ari ng bahay, pumunta silang lahat sa ospital upang makibalita sa kalagayan ni Dominic. It's been two days since that happened. He's in coma, sa dami ba naman ng sugat na natamo nito. Swerte pa nga raw at nabuhay siya. But then, the doctors cannot guarantee his survival. Umasa nalang daw sa himala.

Umabot pa ng ilang sandali bago dumating ang ambulansya noon. Marami-rami rin ang mga nakiusyuso. Pati ang mga dumalo sa libing ni Jake ay pumunta na rin sa pinangyarihan ng aksidente matapos umabot sa mga ito ang balita. I took the opportunity to escape. Bumalik ako sa tahanan ng mga Moralde upang muling magbihis at itago ang konting dugo na dumikit sa aking damit. 

Hanggang ngayon ay kinikilala pa rin ng mga pulis ang namatay na drayber ng truck. Someone saw the incident, isang singkwenta anyos na babae. Siya mismo ang nagkwento sa buong pangyayari, kasama na ang ginawa ko.

“Sino kaya ang babaeng kasama ni sir Dominic noong araw na iyon?” pasok ni kuya Miguel sa usapan. Ang tagapangalaga ng mga sasakyan ni Fergus.

“Oo nga e. Hinahanap na raw iyon ng mga pulis,” si manang Teo.

“Sana naman ay magpakita na siya. Para naman mabigyan ng sagot ang mga katanungang bumabagabag sa utak ng publiko,” dinukot ni ate Maria ang hawak kong malaking mangkok na pinaglagyan namin ng nilutong popcorn.

I let out a deep sigh. Kahit naman magpakita ako wala pa rin silang makukuhang sagot. Hindi ko alam kung sino ang pasimuno ng insidenteng iyon.

“Bakit ang tahimik mo yata Alga?” biglang puna ni kuya Migs.

“Shhh…Nanonood po ako,” walang lingon kong tugon. Nakatuon ang aking tingin sa pinapanood, na sa totoo lang ay hindi naman maintindihan. 

Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. Sino ang nag utos sa lalaking iyon? Sino ang bumangga sa kanya? Si Fergus ba? Si Spencer? How can they kill their own friend? Sila ba talaga? Sumasakit na ang ulo. Hindi ko alam!

I leaned backward and closed my eyes. Then, memories of the past gushed through my mind…

“Walang kasalanan ang anak ko sa nangyari kay Kianna Alfano,” may diin sa boses na sabi ni Reah Da Silva. Katabi nito ang kanyang mga anak at asawa. They were standing in front with authority and grace. Ang kilos, pananamit, at tindig na mga ito'y nagsusumigaw ng kapangyarihan. Nagsasabing kanila ang batas. 

I heard about their special conference earlier, sa mismong kompanya ng mga ito. Hindi na ako nag atubili pang dumalo upang personal na mapakinggan ang kanilang sasabihing kasinungalingan sa publiko. Katulad lang din ng ginawa ni Spencer noong nakaraan.

“Just like what my husband said earlier, that woman was mentally unstable. Kaya naming papatotohanan iyan,” isang brown folder ang inabot nito mula sa kanyang empleyado. “We found a medical record from a psychiatrist, saying Kianna Alfano has multiple personality disorder. It has been proven that she did that to herself-“

“Kasinungalingan!” I cut her off. “That was fabricated, hindi po totoong may sakit sa utak si Kianna!” dugtong ko pa.

Agad dumako sa akin ang atensyon ng media. Mabilis na nagsilapitan ang mga ito, uhaw na uhaw sa impormasyon. Kung ano-anong katanungan ang ibinato nila, ngunit isa lang ang tumatak sa aking isipan.

'Kaya mo bang patotohanang nagsisinungaling lang ang mga Da Silva?'

I wanted to say 'Yes', but I couldn't. Ang tanging magpapatunay ng lahat ay nasa kamay na ng awtoridad. Ate Kianna's phone was the only evidence. I tried getting it back, but no one listened. Hindi ko na rin mahanap ang dalawang pulis na kumuha nito. 

Marahas akong hinawakan ng mga guwardiya. 

“What are you doing? No!” kumislot-kislot ako, sinusubukang kumawala sa mga ito. “Get away from me!” malakas kong sinampal ang isa.

Galit ako nitong binalingan at pasimpleng sinuntok sa tagiliran. Napasinghap ako sa sakit, but that didn't stop me from saying what I wanted. 

“Huwag po kayong maniwala sa kanila, may video po si Kianna na magpapatunay ng lahat. Kilala po nila ang ate ko! They were just messing your mind, don't be fooled by them!”

The guards took me out. Pinagbantaan pa akong papatayin kapag muling gagawa ng gulo.

I feel so hopeless. Sinisiraan nila si ate, hindi siya baliw! Nanghihina akong napaupo sa sahig at malakas na napahagulhol. Ang sama nila!

-

“Ayaw pong lumabas ni ma'am Kianna sa kwarto niya,” bungad na sabi ng tagasilbi matapos ako nitong pagbuksan ng pinto. 

Kahapon lang nakalabas si ate sa ospital, sa kagustuhan ko narin. Baka kung ano pa ang gawin ng mga walang kwentang imbestigador sa kanya tuwing hindi kami nakatingin. Mas mapoprotektahan ko siya rito sa bahay. 

Dad was out again, ewan ko kung saan na naman pumunta. Minsan ay nakakalimutan na nitong matulog at kumain sa dami ng problema. Idagdag pa ang kompanyang bumabagsak na dahil sa dami ng mga investors na umaalis. They thought we're crazy for putting Fergus Da Silva and his family in shame.  Those bullshits are so powerful!

Sinenyasan kong tumabi ang tagasilbi, mabilis naman itong tumugon. I am out of words, nanghihina ako at gusto nang  bumagsak. I am fucking drained.

I went straight to ate Kianna's room. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, and see nothing but darkness. Hindi nakawala sa aking paningin ang nakabukas na bintana, she never let that open. My brows furrowed and quickly turned the lights on.

My gaze went towards her bed. She wasn't in there…

Ganoon nalang ang pagluhod ko at malakas na pag iyak. Nanginginig ang mga kamay habang tinitingala siya, nakasabit sa kisame, maputla, wala ng buhay. 

Mabilis akong dinaluhan ng mga kasama sa bahay, katulad ko'y napaiyak na rin ang mga ito.

She's... DEAD. 

-

“I am so sorry, but she didn't make it.” 

Malungkot kong binalingan ang doktor. Hindi ko na alam kung ano ang dapat na maramdaman. Pighati, galit, puot, hinagpis? Dapat na rin ba akong sumuko?

“Condolence,” naiiyak na sabi ni Gee habang niyayakap ako.

“Wala na si ate…wala na si mommy…” nanghihina kong usal. 

Days after, pati si daddy ay inilayo na rin nila sa akin. He was put in jail because of smuggling. Bagay na hindi niya naman talaga ginawa. Pero disidido na ang mga kalaban na pabagsakin kami. We are now the evil on everyone's eyes.  Ayon nga sa kanila, binaliktad lang namin ang sitwasyon para itago ang totoong kasamaan. 

That was really great! They played fire pretty well, halatang bihasang-bihasa na ang mga ito. 

-

Bakit niyo po naisipang isama ako ngayon?” takang tanong ko kay Fergus habang naglalakad kami papasok sa opisina niya.

Ilang araw niya rin akong hindi pinapayagang sumama sa kanyang mga lakad. Ayaw naman sabihin sa akin ang dahilan. Masyado siyang nagpapahalatang may tinatago. 

Ngayon ay mas nag-aalala pa ako sa kalagayan ni Dominic, he needs extra care and security. Paano nalang kung maging sa ospital ay sundan siya ng gustong pumatay sa kanya? Paano kung naghahanap lang pala ito ng tiyempo para kitilin ang buhay niya? Hindi iyan imposible, lalo na at sa tingin ko'y malapit lang sa kanya ang kriminal.

“I just want to,” prenteng sagot ni Fergus.

Lahat ng empleyado ay bumati rito. Ngunit ni isa ay wala siyang binati pabalik, suplado. Agad na napapatingin ang mga ito sa akin matapos balingan ang kanilang amo. Pagtataka ang una kong nakikita sa kanilang mga mata. Ito yata ang unang beses na nagdala ng babae ang senyorito rito. Babaeng marahil ay akala nila'y kasintahan nito. Nasusuka ako bigla sa naisip. 

Me being his girlfriend? Yuck!

“Good morning sir,” masiglang bati ng babaeng nakapwesto sa gilid ng isang malaking pinto. She must be the secretary. She's petite and proper. Hair in ponytail, right amount of make-up, and corporate attire. Mula sa amo ay lumipat ang tingin nito sa akin. Matamis siyang ngumiti at bahagyang tumungo. Napangiti na rin ako rito. I like her!

“Clear all my schedule today, may gagawin akong iba,” Fergus firmly said. Kapagkuwa'y binuksan ang pinto.

Hindi agad siya pumasok. Nanatili lang sa hamba ng pintuan at walang gana akong nilingon.

“You first.” 

Gulat akong tumugon sa gusto nito. Ano na naman kaya ang nakain niya? Kunot kong tinungo ang sofa at dahan-dahang umupo rito.

“Hindi ko sinabing diyan ka umupo,” kinuha niya ang upuan sa harap ng kanyang malaking desk at inilipat ito sa tabi ng swivel chair. “You sit here beside me.” 

Tuluyan na akong napangaga. Kahapon ko pa napapansing nagiging mabait na siya sa akin. Hindi ko na naririnig ang malulutong nitong mura. May nalaman ba siya? Bahagya akong kinabahan sa naisip. Paano kung-

“Come here Alga, may iuutos ako sayo,” he growled. 

“A-ano po…s-sir?” I stuttered. Pasimple kong sinapo ang aking bibig at napailing. 

“Hindi naman kita kakainin,” he rolled his eyes. 

Pagkatapos ay pabalyang umupo sa swivel chair. Binuksan nito ang kanyang laptop na nasa gilid lang, may mga papeles pa sa kabila at isang buhay na halaman sa likod nito. Kitang-kita ang abalang mga sasakyan at tao sa malaking salamin, pati na ang maliwanag at asul na kalangitan.

Ngumuso ako, nagdadalawang isip na lumapit sa kanya. Bahagya ko pang nilayo ang upuang inilagay nito, ngunit hinila niya lang ulit palapit. 

He eyed me menacingly, lips were on grim line. I bit my lower lip and looked away, kapagkuwa'y akward na umupo sa kanyang tabi. Hindi nito inaalis ang kanyang masamang titig sa akin. He craned his neck, itinuko ang siko sa mesa at pumangalumbaba.

“Ano po ang gagawin ko sir?” hindi ko kayang pantayan ang intensidad ng titig niya.

Ilang sandali pa bago siya umiwas ng tingin. Inilagay nito sa harap ko ang laptop at may binuksang folder.

Bumungad sa akin ang pamilyar na disenyo ng mga damit. Ate Kianna's design! Pasimpleng nagtagis ang aking bagang. Katabi niya lang ako noong iguhit niya ang mga ito, may iilan pang gawa naming dalawa. Isang binibining luha ang nagbabadyang lumabas, pero pilit kong pinipigilan. Sumasakit na naman ang aking dibdib, thinking about the dreams she have left behind.

Naaalala ko pa noong sinabi niyang mag-aaply siya bilang designer sa kompanya ni Argus. She did! At ito ang ipinasa niyang mga gawa. 

“Kianna Alfano…” paunang sabi ni Fergus. Marahan akong napasinghap at kinagat ang dila para pigilan ang sariling magmura sa harapan niya. “Siya ang gumawa ng mga iyan,” he added.

Our eyes met. May nakikita akong kung ano sa kanyang mga mata, emosyong hindi ko matanto. Ngayon niya lang pinakita kaya banyaga pa sa akin.

“Argus wants you to continue her designs.” 

My breathing hitched. What?!

“Po?!” gulat kong tanong. 

Tama ba ang narinig ko? It can't be! Alam ni Argus ang totoong katauhan ko?!

“He once saw your drawings on my study. And it was somewhat similar to Kianna's…”

I sighed in relief. Akala ko ano na...

Naaalala kong minsan ko nga palang ginuhitan ng mga damit ang natagpuang papeles ni Fergus, noong pumasok ako sa study niya. Naiinis ako dahil hindi niya na naman ako sinama. Kaya noong eksaktong  may makitang panulat, hindi na akong nag atubili pangtripan ang kanyang mga iniwang dokumento. Muntik niya akong paalisin no'n, kaso hindi naman tinotoo. 

“Po? Hindi po kita maintindihan sir…” tumungo ako.

“Ipagpatuloy mo ang gawa ni Kianna at ibigay kay Argus mamaya. Babayaran ka niya ng malaki,” pinal niyang sagot, saka binalingan ang telepono.

“Bakit hindi nalang po si Kianna ang tumapos sa gawa niya?” pagmamaang-maangan ko. 

“She's dead,” mabilis na sagot nito. “Depression.”

Kinagat nito ang kanyang pang ibabang labi, marahan siyang pumikit at isinandal ang likod sa upuan.

“Kawawa naman siya…” hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng aking luha. Mabilis ko itong pinahid, minabuting pasadahan ng tingin ang paligid. 

Malaki ang kanyang opisina. Kulay-kaki ang magkaharap na pangmaraming sofa at gawa sa matibay na kahoy ang parihabang mesa sa gitna ng mga ito. Artipisyal na halaman ang nakapwesto malapit sa pinto, sa taas ay nakasabit ang litrato ng senyorito. A clean-cut hair, perilous eyes, and arduously handsome in dark suite.  

May isang pinto sa kanang banda. Artipisyal at hindi basta-bastang paso ang nakalagay sa magkabilang gilid nito, iilang painting ang nakasabit sa bawat sulok ng pader, and ceiling was designed with swoosh and laces. Maraming mamahaling gamit akong namamataan. This place defined Fergus, elegant and costly.

“Saan po ba makikita si sir Argus?” tanong ko matapos ang ilang sandali.

Nakatuon na ngayon ang atensyon niya sa mga papeles. 

“Sa bahay.”

“Hindi po ba pwede ngayon?” 

“May lakad siya,” marahan nitong binaba ang hawak at nilingon ako.

“Hindi ka pwedeng umalis sa tabi ko.”

“Bakit po ba sir?” naiinis ko siyang nilingon pabalik.

“No other reason. I just want you here with me,” bumaba ang tingin nito sa aking labi. He swallowed hard, seconds after, he looked away.

Something's really odd with him today…

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status