Home / Romance / Bon Appetit / Bon Appetit CHAPTER 142

Share

Bon Appetit CHAPTER 142

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-05-26 22:50:29

Main Office – TanTech Innovations

Ilang araw matapos ang pagpupulong sa conference room, tila unti-unting gumagalaw ang dating natutulog na sistema ng kompanya. Ngunit sa kabila ng mga panibagong plano at muling pagbabalik ni John Tan, marami pa ring problema ang hindi basta-basta kayang ayusin. Mga kaso ng unpaid vendors, malalaking proyekto na na-delay, at investors na nanlalamig.

At habang abala si John sa pakikipag-ayos ng partnerships at sa pag-audit, isang matatag na presensiya ang dumating sa lobby ng TanTech.

“Ma’am Irene Tan? Kayo po pala… Good morning!”

Naka-itim na coat dress si Madam Irene Tan, ang reyna ng Tan family. Bitbit ang kanyang leather bag at suot ang signature na perlas sa leeg, tumango siya sa receptionist. Sa kanyang likuran ay dalawang personal assistant na abalang-abala sa pagdadala ng mga folder at dokumento.

“Diretso na ako sa opisina ng apo ko. Sabihan mong walang istorbo habang nandoon ako,” utos niya, diretsong tono.

“Noted po, ma’am!” sagot ng receptio
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 218

    Habang naglalakad palayo si John, ang bawat hakbang ay mabigat, parang isang malupit na tanikala na nag-uugnay sa kanya sa mga pagkatalo at pagkabigo. Hindi na niya kayang iwasan ang sakit na dulot ng mga salitang binitiwan ni Tony at ni Fortuna. Hindi siya pwedeng magpanggap na hindi nasaktan, hindi pwedeng magpanggap na hindi siya natupok ng lahat ng emosyon na iyon. Hindi na siya kayang pabalikin.Sa likod niya, naroon ang tahanan na iniiwasan na niya ang isang lugar na minsan ay puno ng pag-asa, ngunit ngayo'y puno ng mga sugat na hindi na kayang pagalingin. Ang mga mata ni Fortuna na hindi nakatingin sa kanya, ang kanyang katahimikan ay nagsalita ng higit pa kaysa anumang mga salita. Si Tony, na ang mga mata ay nagsilbing tagapagtanggol, ay nagbigay ng huling hampas sa kanyang puso.Pagdating niya sa kalsada, hindi pa rin siya makapaniwala na wala nang balikan. Ang mga pangarap nilang tatlo siya, si Fortuna, at si Alessia—ay tila isang kasaysayan ng isang nawawalang panahon. Wala

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 217

    Ang araw ay sumikat, ngunit ang kanyang liwanag ay hindi nakarating sa puso ni Fortuna. Matapos ang mga araw ng pagluha, pagsisi, at mga pagbabalik-tanaw, naroroon siya ngayon—mas malakas at mas matatag, ngunit puno ng galit at pighati. Hindi na siya ang dating babaeng masyadong nagmamahal, masyadong nagbibigay ng pagkakataon. Ang mga sugat sa kanyang puso ay hindi na kayang pagalingin ng mga salitang “sorry” o “mga pangako ng pagbabago.”Sa labas ng bahay, nakita na ni Tony, ang kuya ni Fortuna, na may isang hindi inaasahang bisita. Si John. Nakasuot ng simple ngunit maayos na damit, may dala-dalang isang bouquet ng rosas, paborito niyang pagkain ni Fortuna, at isang maliliit na damit ng kanilang anak na si Alessia.“John, ano ‘yan?” tanong ni Tony, ang boses ay puno ng pagdududa at galit.Tumango si John, parang naghihirap na nagsimula maglakad patungo sa pintuan. “Tony, gusto ko lang makausap si Fortuna. May dala akong mga bagay na alam kong gusto niyang makita… gusto ko sanang mag

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 216

    Sa labas ng bahay, sa hardin, sa lilim ng mga puno ng lemon…Tahimik ang paligid. Tanging huni ng mga kuliglig at mahihinang kaluskos ng mga dahon ang maririnig. Nakaupo si Madam Irene sa lumang bangko na gawa sa kahoy, pinagmamasdan ang anak niyang si Leona na naglalakad pabalik-balik, tila ba hindi alam kung saan ibubuhos ang bigat na kanina pa kumakain sa dibdib niya.“Ma…” mahinang tawag ni Leona, halos pabulong, “tama nga siguro kayo noon. Hindi dapat natin pinilit ang kasal nina Fortuna at John. Pero ginawa natin kasi akala natin… akala natin ito ang makabubuti.”Humugot ng malalim na buntong-hininga si Madam Irene bago tumingin sa kanya. “Walang kasalanang mapipilit ang puso, anak. Kahit pa anong plano ang gawin natin, kung wala sa puso nila ang isa’t isa, wala ring saysay ang lahat.”Huminto si Leona sa paglalakad, napayuko. “Pero paano kung tuluyan na silang maghihiwalay? Paano kung sa kagustuhan nating itama ang lahat, lalo lang nating sinira ang mga dapat sanang buo?”Ilang

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 215

    HOTEL Crown — Executive Lounge, 10th Floor CaliforniaTahimik ang paligid. Malamlam ang ilaw. Ang salamin sa bintana ay nagpapakita ng liwanag ng lungsod sa ibaba, kumikislap na parang alaalang hindi na mabubura.Lumapit si Marco sa isang nakatalikod na lalaki, naka-itim na coat, may hawak na folder. Siya ang private investigator.“Mr. Velarde,” ani Marco, mahinang tinig pero may bigat, “Salamat. Kung hindi dahil sa inyo, hindi namin siya agad matatagpuan.”Tumango ang lalaki, iniabot ang folder. “Sinunod lang namin ang mga lead, sir. Naging madali dahil iniwan niya ang trail niya sa pag-book online gamit ang dating alias. At kung totoo man lahat ng sinabi niya sa loob ng mga araw na ‘to… sa palagay ko, kailangan n’yong marinig ang totoo, mula sa kanya mismo.”Kinuyom ni Marco ang folder. Hindi niya ito binuksan. Hindi pa ngayon.“Maraming salamat. Transfer ko na lang ang final payment, tama?”“Hindi kailangan ng dagdag, sir. Alam kong hindi ito ordinaryong kaso. Minsan kasi, hindi la

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 214

    Sa loob ng bahay ng mga Tan sa California, sumisigaw ang katahimikan. Naiwan ang tensyon sa pagitan ng mga titig, at ang bawat hakbang ni Leona ay mabigat, punô ng galit at pagkadismaya.“Lumayas ka na dito, Señora,” mariing sabi ni Leona, tinuturo ang pintuan.“Hindi ka na karapat-dapat manatili pa sa pamamahay na ito. Hindi matapos-tapos ang panloloko mo!”Umiiyak si Señora, ngunit walang makakuhang awa sa paligid. Nagsimula siyang lumapit kay John, nanginginig ang boses.“John, please… hindi ko alam kung paano tayo umabot sa ganito. Ayoko pang umalis.”Pero bago pa siya makalapit, biglang sumingit si Marco, mabilis na humakbang at mariing hinawakan ang braso ng babae.“Tama na 'yan.”“Marco? Bitawan mo ako! Ayoko sumama sa’yo!” sigaw ni Señora, nagpupumiglas.“Hindi ka pa ba nahihiya, ha?” singhal ni Marco. “Sa dami ng kasinungalingang niluto mo, may mukha ka pang humingi ng awa dito? Halika na. Huwag mo nang dagdagan pa ang kababuyan ng ginawa mo!”Hinila ni Marco si Señora palab

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 213

    Tahimik ang paligid ng malawak na sala. Tanging ang malamig na tunog ng wall clock ang bumabasag sa katahimikan.Nakaharap sa isa’t isa sina John Tan, Leona at Luigi—ang kanyang mga magulang. Sa gilid ay nakatayo si Madam Irene, tahimik pero tensyonado ang postura. Sa tabi niya, si Marco, hawak-hawak ang isang envelope na parang may bigat ng isang buong mundo.Nakahawak si John sa sinturon ng pantalon niya, bakas sa mukha ang pagod at kaguluhan. “Bakit mo kami pinatawag, Marco? Anong mahalagang dapat mong sabihin sa amin?”Malalim ang buntong-hininga ni Marco bago nagsalita. “Alam kong wala akong karapatang makialam sa mga desisyon niyo. Pero hindi ko na kayang sikmurain ang kasinungalingan na ‘to.”Nakita ni Marco ang pagkunot ng noo ni Leona, habang si Luigi ay tila nahihintay na pumutok ang bomba.“Hindi ko ito ginagawa para kay Fortuna,” patuloy ni Marco. “Ginagawa ko ito para kay John—para sa katotohanan. At para walang inosenteng masaktan.”“Marco,” singit ni John, “anong pinags

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status