Accueil / Romance / Bon Appetit / Bon Appetit CHAPTER 168

Share

Bon Appetit CHAPTER 168

Auteur: MIKS DELOSO
last update Dernière mise à jour: 2025-06-17 23:09:14

Tumingin siya sa sanggol, at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha.

“Ang gandang bata ni Alessia…” bulong niya, habang tinuturo ang makakapal na pilikmata ng sanggol. “Kamukha mo, anak. Pero may mata siyang parang kay John…”

Napaluha si Fortuna. Napahigpit ang hawak niya sa sanggol. “Ma… parang siya talaga, no?”

“Patingin nga ng apo ko,” sabay na sabi ni Luigi, na kalalabas lang ng kwarto ng records. May dala siyang ilang papeles—mga birth documents, ilang consent forms, at baby health booklet.

Pagkakita niya sa apo, natigilan si Luigi. Napahawak siya sa dibdib, at dahan-dahang lumapit.

Ang dating istriktong ama, ngayon ay tila batang nadakma ng hiwaga.

“Ang liit niya…” sabi ni Luigi, kunot ang noo pero basa ang mga mata. “Pero ang lakas ng dating. Mana sa mommy, mana rin sa daddy…”

Sabay-sabay silang natahimik.

Sa mismong gitna ng sandaling iyon, kumatok sina Amanda at Tonny. Maingat na sumilip sa pinto si Amanda, naka-face mask pa, pero kitang-kita ang tuwa sa kanyang mga mata.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 169

    Sa Labas ng Silid – 9:15 ng GabiTahimik ang hallway ng ospital, pero bawat hakbang nina Leona, Luigi, Amanda, at Tony ay punô ng bigat—bigat ng tanong, ng pangamba, at ng mga salitang hindi masabi sa loob ng kwarto kung saan kapapanganak lang ni Fortuna.Naupo sila sa waiting area, dala ang katahimikan ng gabing iyon.“Anong plano natin?” tanong ni Amanda, habang nakapangalumbaba sa malamig na mesa.Napatingin si Tony sa kanya. “I think kailangan nating respetuhin ang desisyon ni Fortuna. Kung ayaw niyang malaman ni John, igagalang natin iyon. Pero… hindi ba siya may karapatan ding malaman na may anak siya?”“Bilang ama, oo,” sagot ni Luigi habang pinisil ang palad ni Leona. “Pero bilang isang pusong nagdurugo, mas naiintindihan ko si Fortuna. Hindi siya galit… nasasaktan lang.”Tumango si Leona, pinahid ang luha sa sulok ng mata. “Pero paano kung isang araw… hinanap siya ni John? Paano kung isang araw, gusto niyang bumawi?”Napatingin si Amanda sa sahig. “Kung mangyari man ‘yon… dap

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 168

    Tumingin siya sa sanggol, at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha.“Ang gandang bata ni Alessia…” bulong niya, habang tinuturo ang makakapal na pilikmata ng sanggol. “Kamukha mo, anak. Pero may mata siyang parang kay John…”Napaluha si Fortuna. Napahigpit ang hawak niya sa sanggol. “Ma… parang siya talaga, no?”“Patingin nga ng apo ko,” sabay na sabi ni Luigi, na kalalabas lang ng kwarto ng records. May dala siyang ilang papeles—mga birth documents, ilang consent forms, at baby health booklet.Pagkakita niya sa apo, natigilan si Luigi. Napahawak siya sa dibdib, at dahan-dahang lumapit.Ang dating istriktong ama, ngayon ay tila batang nadakma ng hiwaga.“Ang liit niya…” sabi ni Luigi, kunot ang noo pero basa ang mga mata. “Pero ang lakas ng dating. Mana sa mommy, mana rin sa daddy…”Sabay-sabay silang natahimik.Sa mismong gitna ng sandaling iyon, kumatok sina Amanda at Tonny. Maingat na sumilip sa pinto si Amanda, naka-face mask pa, pero kitang-kita ang tuwa sa kanyang mga mata.“

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 167

    “Fortuna,” wika ng doktor, mahigpit ngunit may lambing. “Makinig ka sa akin. Isang malalim na hinga… tapos tulak. Para sa baby mo ito. Kaya mo ‘to.”Napapikit si Fortuna. May luha nang tumutulo sa gilid ng kanyang mata. Humigpit ang kapit niya sa kamay ng nurse.“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!” sigaw niya, halos mapunit ang lalamunan.“Isa pa, Miss Han! Malapit na siya. Nakikita na namin ang ulo!”Isang contraction ulit. Tila tinutusok ang kanyang likod, habang tila napupunit ang kanyang kaluluwa. Basang-basa ng pawis ang kanyang noo, nanginginig ang kanyang mga binti.“Isang tulak pa! ISANG MALAKAS NA TULAK, FORTUNA!”“AAHHHHHHHHH!” Isang malakas na tulak. Sa sobrang sakit, sumigaw siya ng pangalan na iniwasan niyang banggitin nang matagal.“JOHHHHHHHN!”At sa eksaktong sandaling iyon—sumabog ang katahimikan.Isang munting tunog ang bumasag sa lahat ng sakit, lahat ng luha, lahat ng kaba.UAAAAHHH! UAAAAAHHHH!Ang unang iyak ng isang sanggol.Inside the Delivery RoomMainit pa ang luha ni For

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 166

    Hawak niya ang phone. Binuksan niya ang message draft. Tinipa ang mga salitang pilit niyang nilalabanan:“Fortuna, kung naririnig mo man ako sa dasal, sana alam mong hindi ako tumigil. Hindi ako titigil.”Sweet Han’s Kitchen – Back RoomAng huni ng oven at masayang amoy ng cinnamon at vanilla ay bumabalot sa maliit na kusina. Si Fortuna, ngayon ay halos siyam na buwang buntis, ay nakatayo sa tabi ng isang stainless table, maingat na nilalagyan ng cream ang isang tray ng chocolate cupcakes. Nakasuot siya ng apron at ang kanyang buhok ay nakapusod. Sa kabila ng kabigatan ng tiyan at kirot ng likod, hindi siya mapakali kapag hindi siya gumagalaw.“Naku, baby,” mahina niyang bulong habang hinihimas ang tiyan. “Saglit na lang. Tatapusin ko lang ‘to. Gusto ko sanang maayos ang lahat bago ka dumating.”Biglang isang masakit na kirot ang sumabog mula sa ilalim ng kanyang tiyan. Napapitlag siya, napakapit sa gilid ng mesa.“Aray!”Pagkasabi pa lang niya nun, isang malamig, malagkit na likido a

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 165

    Sweet Han’s Kitchen — iyon ang pangalan ng maliit na bakery na pinuntahan ni John. Pero sa halip na si Fortuna ang sasalubong sa kanya, isang binatilyong rider ang nasa labas, may hawak na mga boxes ng cookies at muffins. Huminto si John sa tapat ng pinto, tumingin sa paligid, at agad siyang pumasok.Ding-ding.Ang kampanilya sa pinto ay muling tumunog, ngunit walang Fortuna na lumitaw sa likod ng counter.Isang babae, mga nasa edad kwarenta, ang lumapit sa kanya. May apron at may headset na pang-order.“Good morning, sir. Pick-up po ba or walk-in?”“Uh… I’m looking for the owner,” sagot ni John. “Maria Ysabel Han.”Napansin niyang medyo napahinto ang babae, bahagyang kumunot ang noo pero agad ding ngumiti.“Sorry sir, off-site po ang may-ari ngayon. May deliveries siya. Kung gusto niyo pong mag-iwan ng message—”“Alam niyo po ba kung saan siya nagdi-deliver ngayon?” tanong niya, halatang hindi mapakali.Nag-aalangan ang babae, pero sa mukha ni John—nakita niya ang desperasyon. Ang lu

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 164

    California, dapithapon. Dumating ang eroplano ni John nang mabigat ang katawan, hindi dahil sa biyahe—kundi sa bigat ng alaala. Habang binabaybay ng itim na SUV ang highway mula LAX papuntang Long Beach, halos hindi siya makatingin sa labas. Sa bawat punong palmera, sa bawat tabing-dagat na nadadaanan nila, ang tanong sa isipan niya’y iisa:“Nandito ka pa ba, Fortuna?”"Sir, ito na po ang listahan ng mga clinics na napuntahan ng may pangalang ‘Maria Ysabel Han,’" saad ng assistant niyang si Eric habang iniaabot ang iPad. "May tatlong posibleng tugma, pero dalawang entry lang ang consistent sa prenatal visits."Kinuha ni John ang iPad at tinitigan ang screen. Tumigil ang kanyang mata sa isang maliit na clinic malapit sa Long Beach Pier. Sa tabi ng entry, may pangalan ng OB, at ilang petsa ng check-up.“Doon tayo pupunta,” mariing utos ni John habang muling itinulak ang iPad kay Eric. “Ngayon na.”Hindi na nagtanong si Eric. Agad siyang tumango, ibinaba ang device at nagsalita sa driver

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status