"Hindi mo ba ako kayang mahalin muli?" Tanong ni Señora, umaasang may milagro, kahit kapiraso lang."Hindi ko gustong paasahin ka." sagot ni John. "Ang mas makakabuti para sa’yo ay ang kalayaan. Hindi ako ang sagot sa sugat mo, Señora. Hindi pagmamay-ari ang pundasyon ng pagmamahal at hindi pinipilit ang pagmamahal."Muling bumagsak ang katahimikan. Nanginginig si Señora habang bumabalik sa kanyang unan, hawak ang tiyan na para bang iyon na lang ang natitirang koneksyon nila ni John."Patawarin mo ako, kung ‘di kita kayang mahalin pabalik. Pero gagawin ko ang tama, para sa bata natin.""Kahit wala na akong halaga sa'yo?" muling tanong ni Señora, mahina na, parang buntong-hiningang may luhang nakabaon sa dulo."Bilang ina ng anak ko, mahalaga ka. Pero hindi mo na kailangang maging akin para maging karapat-dapat sa respeto at suporta. Hindi lang pagmamahal ang halaga ng isang tao."Tahimik. Ang mga salita ni John ay tila mga balang dumaan sa puso ni Señora. Hindi niya sukat akalaing mar
Napatingin si John pabalik kay Señora nang marinig ang mga salitang iyon. Ang saya sa boses nito ay halatang-halata—isang kasiyahang may halong pag-aangkin, pagnanasa, at pag-asa. Ngunit para kay John, ang mga katagang binitiwan ni Señora ay tila isang buhawi—puno ng damdamin, ngunit may bigat na kayang gumuho ng katinuan."Akin ka lang, John, at walang makakaagaw sa'yo sa akin... kahit na si Fortuna," tuwang-tuwang sabi ni Señora habang nakangiti, ang mga mata'y kumikislap sa isang uri ng pananabik na tila matagal na niyang kinimkim.Natigilan si John. Ang kamay niyang nakahawak na sa doorknob ay unti-unting bumitaw. Lumingon siya, at sa mata niya ay may halong gulat at pagkalito."Senyora..." mahina niyang tawag, ngunit punong-puno ng bigat ang kanyang tinig.Lumapit siyang muli sa kama, dahan-dahan, parang kinakapa kung saan nagmumula ang biglang pagbabagong ito. Nakahiga si Señora, hawak ang maliit na unan sa dibdib, tila isang batang nakakuha ng laruan matapos ang isang matag
Habang binuksan ni John ang pinto ng kwarto, halos hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang tensyon ng komprontasyon sa baba. Ang mga salitang binitiwan ni Leona, pati na ang galit na naramdaman mula sa pamilya, ay matinding bigat sa kanyang puso. Ngunit wala siyang oras para magpahinga mula sa lahat ng iyon; may isa pang bagay na mas mahalaga sa lahat—si Señora."Señora, umakyat ka na sa kwarto. Magpahinga ka," ang malumanay na sabi ni John habang tinutulungan siyang makapasok sa kwarto. "Hindi ka pa rin okay. Alam ko na jetlag ka pa at pagod na pagod."Pumasok sila sa kwarto, at habang tinutulungan si Señora na mag-ayos ng sarili sa kama, pakiramdam ni John ay ang sakit na kanyang dinarama ay nakakatulong na mapawi ang pagod at tensyon na nararamdaman ni Señora. Hindi na ito makagalaw ng maayos, kaya’t ipinatong ni John ang kanyang mga kamay sa balikat nito at dahan-dahang tinulungan.Pagkatapos niyang ayusin ang mga kumot at pillow, tumayo siya upang magpaalam at lumabas na sa
"Bakit?" patuloy ni Madam Irene. "Dahil hindi siya si Fortuna? Dahil hindi siya ang babaeng gusto mong makasama ng anak mo? Eh anong silbi ng gusto natin kung ang anak mo mismo ang sumira sa lahat? At ngayon, ang gusto mo, patahimikin ang babaeng ito gamit ang pera?"Hindi nakasagot si Leona. Ngunit ang galit sa kanyang mukha ay naglalagablab. Nag-aapoy ang bawat pulgada ng kanyang balat.Tumayo si Madam Irene, nilapitan si Señora, at tumitig sa kanya."At ikaw, Señora," aniya, "huwag mong isipin na kakampihan kita. Hindi ako pumapanig sa’yo. Pero mas pipiliin kong harapin ang katotohanan kaysa suportahan ang isang pamilyang hindi marunong humarap sa sariling kasalanan."Nanigas si Señora. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng diretsahang pananalita mula kay Madam Irene. Ngunit sa kabila ng matitinding salita, alam niyang may laman ang bawat bitaw."Totoo po ang sinasabi ko," mariin niyang tugon. "Buntis ako sa anak ni John."Huminga siya nang malalim, mariin ang bawat salitang lu
Ang buong bahay ng mga Tan ay nilamon ng malamig na katahimikan, isang lamig na hindi kayang tibagin kahit ng pinakamainit na liwanag. Isang araw pa lang ang lumipas mula nang ibunyag ni Señora ang kanyang pagbubuntis sa harap nina Fortuna, Luigi, Leona, at ng matandang si Madam Irene. Ngunit sapat na ang isang araw na iyon para magdulot ng permanenteng lamat sa pamilyang matagal nang pilit pinapagtibay ng karangalan at pangalan.Nang umalis si Fortuna, bitbit ang anak na si baby Alessia, kasunod ng sakit, hiya, at pagtataksil na hindi niya kinaya, nanahimik ang buong mansion. Walang nais magsalita. Walang makapaniwala. Ngunit may isang hindi pa tapos. Isang babae na hindi uurong sa galit, at mas lalong hindi hahayaan ang anak niyang si John na masangkot pa sa mas malaking eskandalo.Sa ikalawang palapag, sa mismong opisina ni Luigi Tan, tahimik na nakaupo si Señora sa itim na leather couch. Nakayuko siya, ang mga palad ay magkahawak sa ibabaw ng kanyang tiyan. Nais niyang pakalmahin
Habang ang araw ay nagsisimulang magtakip ng mga ulap, si Marco ay nakaupo sa kanyang apartment, ang kanyang isip ay puno ng tanong at pag-aalala. Muling tumunog ang kanyang telepono. Isang tawag mula sa private investigator ang muling nagbigay ng kakaibang kaba sa dibdib ni Marco. Hindi niya alam kung ano ang aasahan, pero alam niyang may mahalagang impormasyon na naman.Sumagot siya, at agad na nagsalita ang investigator sa kabilang linya."Sir, may nahanap kami," wika ng investigator, ang tono ng kanyang boses ay hindi tiyak kung magaan o mabigat. "Tama po kayo. Si Señora ay nasa California."Naramdaman ni Marco ang isang matalim na sakit sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung anong uri ng reaksyon ang ipapakita, pero nagtakda siya ng saglit na katahimikan bago nagsalita."California?" tanong ni Marco, ang boses niya ay halatang naguguluhan, puno ng takot. "Bakit? Ano'ng ginagawa niya doon?""Sa ngayon, hindi pa kami sigurado kung anong partikular na lugar, ngunit may nakuha kamin