“Can you do me a favor?” tanong ko kay Grant.
“Sure. Ano ‘yon?” tanong niya.
“Can you please call Klein, she’s with Kenzo now. This is very important for her to go to the hospital now. I will send you the location. Please, she needs to be here.” utos ko sa kanya.
“Sure baby. Ako na ang bahala. Kalma lang okay? I’ll be there too. See you later. I love you.” and the call ended.
“Jaspher, my gosh. Please wake up na. Don’t scare ate like this naman.”
Mabuti na lamang at mabilis din ang driver namin kaya mabilis namin narating ang ospital. Agad naman nilang inasikaso si Jaspher dahil kilala din naman nila ako dito. Isa din si dad sa shareholder ng ospital na ito.
“Who’s the nearest kin of the patient?” narinig kong tanong ni Doctor Grazia kaya napatayo ako.
“Doc, ako po ang guardian ng batang iyan sa ngayon. Nasa business trip po kasi ang mommy niya. Ano po bang nangyayari sa kanya?” nag-aalalang tanong ko. Parang iba kasi ang dating sa akin ng tanong niya.
“He needs to undergo an operation.” diretsong sabi ni Doc.
“O-ope-ration?” nauutal na tanong ko. “Anong klaseng operation ho?”
“His heart is not is not good condition right now. Kailangan na namin maisagawa ang operation before another attack hits him and take his life away. Can yo-” nakikita kong gumagalaw ang bibig ni Doc pero parang wala na akong naririnig.
“Doc, is he awake? Can I talk to him?”
“Yes, and please paki-contact na agad ang family niya para pumirma sa waiver,” tapos ay tumalikod na siya palayo sa akin.
Pagpasok ko sa room niya ay nakita ko syang natutulog at may kung ano-ano ang nakakabit na mga tubo at machines sa kanya. Napakalayo niya sa Jaspher na kilala kong makulit at mapagbiro.
“Jaspher, wake up na. I promise you that we will go to a place that you will surely enjoy, right? Why naman ganito? Why didn’t you tell me about your condition? What if. . . “ at hindi ko na naituloy pa ang mga sasabihin ko dahil nag-unahan na ang mga luha kong bumagsak.
“A-a-ate. D-do-don’t cry,” nanghihina ang boses na sabi ni Jaspher habang pinipilit abutin ang kamay ko.
Tumalikod muna ako at pinunasan ang mga luha ko bago humarap muli sa kanya ng may ngiti sa mga labi ko.
“Hi, Jaspher. Do you want anything?” nanginginig ang boses na sabi ko dahil pilit ko pa din pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak.
“I wa-nt you to smi-le. Please?” sabi niya at pinipilit ngimiti kahit nahihirapan dahil may nakakabit na oxygen sa kanya.
“I want to see my ate. I want to know what she looks like,” tapos ay huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa akin. “And please don’t tell mom about this. Ple-ase.”
“Don’t worry Jaspher, your ate is now on her way here. I will make sure that you will meet her, and I will keep this as our secret. But you have to promise me one thing,” sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
“At-” magsasalita sana siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa sila Klein, Kenzo, at Grant.
“Klein,” umiiyak na tawag ko kaya naman lumapit agad sila sa akin. “Jaspher, she’s your ate Klein. See, I fulfill my promise. I let her see you, and you need to do the same thing. You have to do the operation, then we will go to the place that I promised you. Okay?”
“Hmm.” mahinang sagot nya.
“Wait, what’s happening? Can you explain, Summer? Wala akong maintindihan,” naguguluhan na tanong ni Klein habang nagpapalit-palit ng tingin sa amin ni Jaspher.
“Klein. He’s jaspher, your stepbrother. Jaspher, she’s your ate Klein. You finally meet each other,” nakangiting sabi ko habang pinaghawak ko ang mga kamay nila.
Alam ko kung gaanong ka-gusto nilang makilala ang isa’t isa and I am so happy to know that they don’t hate each other.
“A-ate K-Klein,” sabi ni Jaspher habang nakangiting nakatingin kay Klein.
Patuloy naman ang pag-agos ng mga luha ni Klein. “J-Jas-pher, please be well. I want to do a lot of things with you. I want to show you how good Ate I am, okay?”
“Hmm. Ahhh. I-I ca-”
“Noooo! Jaspher! Call the doctor please. Jaspher!”
Nagulat kaming lahat ng makarinig kami ng nakakabinging tunog mula sa machine niyia at flat line. Unti unti ding bumagsak ang kamay ni Jaspher na nakahawak kay Klein.
“Shhh. Calm down, baby. Everything will be alright,” pag-aalo ni Grant sa akin.
“Pero, si Jaspher,” umiiyak na wika ko.
Napatayo kaming lahat ng lumabas ang doctor at unang hinanap ang kamag-anak ni Jaspher.
“Ako po ang sister niya. Kamusta na po ang kapatid ko?” Nag aalalang tanong ni Klein.
“We were able to save him, this time. Pero kailangan na talaga syang ma-operahan. Are you willing to take the risk?”
“What is the probability na makakaligtas ang kapatid niya?” tanong ni Kenzo.
“It’s a 40-60 probability case. 40 percent of having a successful operation.” at halos huminto ang mundo namin ng marinig ang sabi ng Doctor.
At his young age, he is literally fighting for his own life. Eh ang gusto lang naman niya, makilala at makasama ang kapatid niya. Bakit hindi pa siya mapagbigyan sa simpleng hiling niya? Bakit kailangang mahirapan pa siya?
“Doc, I’m willing to sign the waiver, but please make my brother live,” nagmamakaawang sabi ni Klein sa Doctor.
“I will do my best to save his life. Nasa sa kanya pa din iyon kung gusto niyang lumaban para mabuhay.” tapos ay tumalikod na ang doktor para sabihin sa mga nurse ang mga dapat i-prepare.
Alam kong hindi Diyos ang mga doctor pero sana ay magawa niyang ma-extend ang buhay ni Jaspher. Alam ko din naman na simple lang ang gusto ni Klein, ang makasama pa ang kapatid niya. Ang kapatid niyang ilang taon niyang hindi nakasama, na kung kailan ngayong nagkakilala na sila, saka naman may posibilidad na hanggang dito na lang sila.
“Summie, natatakot ako. Natatakot akong baka hanggang dito na lang kami. Paano kung -” hindi na nya natuloy pa ang sasabihin niya dahil nagsimula ng magbagsakan ang mga luha niya.
“Shhh. Don’t worry Klein. I’m sure na mabubuhay siya. Alam mo ba kung gaano niya ka-gustong makilala ka?”
“Can you please tell me more about him? Ang kung paano mo nalaman na siya ang kapatid ko na tinutukoy ko?” Tumango ako bilang sagot.
“Hmm, simpleng bata lang si Jaspher. Napakadali lang niyang mapasaya pero kapag naging close kayo at nakuha mo ang loob niya, he’s the most loyal guy you will ever meet. Kagaya ng ibang kabataan, hindi nauubusan ng kalokohan. I can still remember when I first met him sa airport dahil ipinapasundo siya ni dad sa akin. Ako kasi ang magiging assistant niya for the time being na nandito siya sa Pilipinas and waiting for her mom, your stepmom.” tapos ay huminto ako at napangiti ng maalala ang itsura niya noon.
“He’s wearing a hoodie jacket, tapos may bodyguards na nakasunod sa kanya pero pilit niyang nilalayuan ang mga iyon dahil ayaw niyang makatawag ng atensyon. Naisip ko nun, anong magagawa ng isang batang kagaya niya para mag-desisyon para sa business ng pamilya niya, ninyo. Tapos the first thing na iniutos niya sa akin ay ang ibili siya ng banana milk. His all time favorite. Mawala na ang lahat ng laman ng fridge niya, wag lang ang banana milk niya. And at that moment na nasa car kami, when he told me he wants me to be his ate, without a second thought, pumayag ako. Una dahil matagal ko na gustong magkaroon ng kapatid na lalaki, and second nakita kita sa kanya. The way he walks the talk.”
“Grant, I have my reasons kung bakit gusto kong makasama siya 24/7. Hindi dahil I have special feelings for him. It is because there is someone or people who are stalking him. Back in Japan and even now that he’s here. Kung makikita mo lang yung takot sa mga mata niya nung oras na iyon, kahit ikaw hindi mo nanaisin na iwanan siya. He punched you not because he likes me. He punched you kasi pakiramdam niya hindi mo nirerespeto ang relasyon natin. Hindi mo ako nirerespeto. Pero lahat naman yung naipaliwanag ko na sa kanya. I didn’t even expect that at his age, masasabi niya ang mga iyon. And Klein, just trust him, and trust in God na he will make him live. Dahli alam niyang sa puso ninyong dalawa, gusto niyong magkasama ulit at punan ang mga oras na nagkalayo kayo.”
“Baby, I’m sorry ulit. I’m sorry if tiniis kitang hindi kausapin.”
“Ayos lang love, naiintindihan ko naman ang reasons mo. And besides, dapat tinanong muna kita hindi yung nag-conclude agad ako sa mga bagay-bagay. Para saan pa ang komunikasyon kung hindi diin naman natin magagamit. Kaya I promise na I will always have an open communication with you. Para less misunderstanding.” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Yes, bap. I promise also to tell everything to you. Okay? Pinky promise?” parang batang sabi niya at itinaas ang pinky finger niya.
“Pinky promise. I love you.”
“I love you more, bap. Walang iwanan, ha?” nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti.
Paano ko ba masasabi sa iyo na hindi natin sigurado kung hanggang kailan tayo pwedeng magkasama? Paano ko ba sasabihin sa iyo, na ang lahat ng ito, ay hiram lamang?
“Nurse, anong nangyayari?” narinig naming tanong ni Klein kaya napatayo kami ni Grant at lumapit.
“Nurse, bakit po nagmamadali kayo?”
“The patient is having a cardiac arrest. I need to call another doctor,” aalis na sana yung nurse ng pigilan ito ni Kenzo.
“Patient? Teenager na lalaki ba yung patient?”
“Yes po. Parang hindi na kinakaya ng katawan niya. I’m sorry po, “ tapos ay umalis na ito ng tuluyan,
Napaupo naman sa sahig si Klein at umiyak. Ang sakit sakit makitang ganitong kahina si Klein. Hindi kami sanay na ganito siya.
“Noooo. Not my brother. Please.” Yan ang paulit ulit niyang binabanggit.
‘TIme Master.’
“At your service. Anything I can do for you?” tanong niya at nag-bow pa sa harapan ko.
“What can you do to help Jaspher live?” tanong ko sa kanya habang nakatingin kay Klein.
“It is not me, but it is you who can do something to help Jaspher live,” seryosong sabi ni TIme Master habang nakatingin sa akin.
“Paano?”
“Do you still remember that this is the reason kung bakit namatay ang kapatid ni Klein sa nakaraan? And now, saving him means that their future will be changed.”
“I know. And anong magagawa ko? Para mabuhay si Jaspher? I know how Klein badly wanted to spend her life taking care and being with her brother.”
“I can make him live, pero ang kapalit noon ay mababawasan ka ng isang daang oras.”
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Isang daang oras? Marami akong pwedeng magawa sa mga oras na iyon. Mag-isip ka Summer, para kay Klein. Para kay Jaspher.
“So Summer, are you brave enough to accept the risk of losing one hundred hours of your life in exchange for someone else’s life?”
“Pinky promise. I love you.”
“He’s stable now. He really is a fighter. We’ll transfer him into his room, then pwede ninyo na syang puntahan,” nakangiting wika ng doktor bago kami iwanan.I looked at Klein who’s crying because of relief. Relief dahil wala na sa bingit ng kamatayan si Jaspher. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti, hanggang sa unti unti akong mawalan ng malay. Pakiramdam ko ay hinang hina na ako.“BAP! SUMMER!” yan ang mga huling salitang narinig ko.‘So Summer, are you brave enough to accept the risk of losing one hundred hours of your life in exchange for someone else’s life’”After hearing his question, I know that without a doubt I would agree.‘Yes.
“Can you do me a favor?” tanong ko kay Grant. “Sure. Ano ‘yon?” tanong niya. “Can you please call Klein, she’s with Kenzo now. This is very important for her to go to the hospital now. I will send you the location. Please, she needs to be here.” utos ko sa kanya. “Sure baby. Ako na ang bahala. Kalma lang okay? I’ll be there too. See you later. I love you.” and the call ended. “Jaspher, my gosh. Please wake up na. Don’t scare ate like this naman.” Mabuti na lamang at mabilis din ang driver namin kaya mabilis namin narating ang ospital. Agad naman nilang inasikaso si Jaspher dahil kilala din naman nila ako dito. Isa din si dad sa shareholder n
The next day I feel lighter but a bit guilty for how I acted in front of Grant yesterday. I need to talk to him.I was checking Jaspher’s schedule ng maramdaman ko ang paglapit ng isa sa mga bodyguards.“Miss Perez, si Young Master Jaspher po kasi,” humihingal na sabi ni Jacob.“Why Jacob, what happened?”“NIlalagnat po si Young Master. He’s in his room right now.” sabi niya at hindi ko na sya sinagot dahil tumakbo na ako patungo sa kwarto niya.Naabutan ko siyang balot na balot ng kumot at nanginginig. Agad kong sinalat ang noo niya and ang init init niya. Ano bang ginawa ng batang ‘to magdamag at nilal
“Why did you do that? Look at your face,” sabi ko habang dinadampian ng bimpo ang gilid ng labi niya.“Because he is cheating right in front of you, Ate,” galit na sagot nito.“Can you calm down, Jaspher. I know you are concerned about me, and I thank you for that. Pero, you don’t need to involve yourself and get hurt. Now, how can I explain this to you mom if she calls you?”“Don’t worry Ate, she won’t. Even if I am admitted in the hospital and about to die, I’m sure she ill ot show up. Business first before anything else. Sad but true. That is the reality of my life,” malungkot na sabi nito.Alam ko yung pakiramdam na iyon, pero sa part ng dad
"Ate Summer!" sino pa ba? E di ang makulit na si Jaspher. Kung hindi ka lang talaga kapatid ni Klein. “Hi Jaspher. How’s your sleep last night?” nakangiting bati ko sa kanya at ginulo ang buhok niya. “Uhm, it’s okay naman po. But you know what, I think someone was watching me last night. Like someone is outside my unit. You know that feeling?” pabulong na sabi niya sa akin na para bang kahit ang mga bodyguard niya ay ayaw niyang marinig iyon. Bata pa lang may trust issues na. Tch. “When you’re in Japan, does this happen too?” kasi baka naman feeling niya lang dahil kakadating lang niya sa Pilipinas. “Yes. There are times that I can hear footsteps
IT has been five days and hindi ko pa ulit nakakausap si Klein. Ano na kayang nangyari sa baliw na yun? Baka akala niya dinamdam ko ng bongga yung mga pinagsasabi niya. I know it was her drunk-self talking kaya naniniwala akong totoo ang bawat salitang binibitawan niya.“Hello, Summer,” sagot ni Kenzo sa unang ring pa lang. I decided to call him kasi baka may alam siya sa biglaang hindi pagpaparamdam ni Klein.“Kenzo, nagkausap na ba kayo si Klein?”“Ha? Bakit? Hindi ba’t kayo ang huling magkasama noong nakaraan sa bar?” nagtatakang tanong niya sa akin.“Ahm, ano kasi, hindi ko pa sya nakakausap ulit after nung araw na iyon. Nagbabakasakali lang ako na baka nagkausap k