Share

Chapter 2

Tumikhim si Mark at tinapik siya sa braso. 

“Sir, okay lang po kayo? Iniisip niyo pa rin po ba ang papa ninyo?” tanong nito sa pag-aakalang naapektuhan siya sa kinuwento nito kanina na pagtawag ng ama niya. 

He continued his pace, “Yeah, of course, I’m fine!” 

Tumahimik na rin si Mark at hindi na ito nag-usisa pa hanggang sa makapasok sila sa loob ng conference room. 

“Gentlemen, this is our CEO, Mr. Nicholas Freed.” Mark took the initiative to introduce his boss to their possible partner. 

“Hi! Mr. Nayuma and Mr. Cheng, nice to meet you, gentlemen!” Nicholas politely bowed to them. 

“Nice to meet you too, Mr. Freed,” the two gentlemen greeted him together. 

“Shall we start!?” Nicholas motioned his hand, inviting them to sit. 

“Sure!”

Mabilis namang ibinigay ni Natasha ang printed copies sa mga bisita nila. Si Mark naman agad na nagtungo sa harapan. Siya ang presenter ngayong araw. Tahimik naman umupo si Nicholas sa upuang nasa gitna mismo ng lamesa. 

Alanganing umupo sa kaliwang bahagi ni Nicholas si Natasha. Nag-umpisa nang magsalita si Mark tungkol sa performance ng kanilang kompanya at maging ang achievements na tinamo nila sa loob ng ilang dekada. 

Hanggang sa natapos ang meeting at narinig na lamang ni Nicholas ang palakpakan ng mga possible partners nila. 

“Well, gentlemen, you heard everything about us. Shall we discuss the signing of the contract?” Mark asked them. 

Kanina pa napansin ni Mark na lutang ang utak ng boss niya. Ni hindi man lamang ito nag-react sa lahat ng sinasabi niya gayong dati-rati kapag may ganitong presentation sila sumisingit ito minsan para suportahan ang lahat ng ginagawa niya. 

Nakipag-usap pa muna ang dalawang foreign national sa mga interpreter nila. Umupo naman saglit si Mark sa kanang bahagi ni Nicholas. 

Gusto niya nang tanungin ito ngunit hindi pa tapos ang pakikipag-usap nila. 

“Well, we want to sign the partnership contract.” Mr. Cheng’s interpreter uttered. 

“My boss also agrees with the terms and conditions included in the contract. So, no need to prolong this matter.” 

“Thank you, gentlemen!” Mark said it loudly to take Nicholas’s attention. Ngunit hindi pa rin ito kumikibo at tila lutang na lutang. Tumayo si Mark at dumukwang. Bumulong sa punong tenga nito. 

“Sir, signing process na. Naisara natin ang deal!” 

“Ha?! Ah- ano nga ulit ang sabi mo?” napaangat ng mukha si Nicholas at takang napatingin sa assistant niya. 

“Ahem, they agreed, and we closed the deal!” 

“Ah- oh, I see!” He was so embarrassed, and then he apologized to them. “I’m sorry, I just thought of something a while ago. Gentlemen, let’s proceed to partnership contract signing,” 

Natapos ang pirmahan sa pagitan nila ay niyaya nila ng pananghalian ang mga ito. Maagang nakapagparserve si Mark sa isang sikat at mamahaling restaurant dito sa Montreal. Tulad kanina napansin niyang manaka-nakang tulala pa rin ang boss niya. 

Pasado alas-tres na ng hapon ng bumalik sila sa kompanya. Mabagal na rin ang usad ng sasakyan ng ganitong mga oras dahil magra-rush hour na. Binuksan niya ang car stereo at pumailanlang ang mahinang jazz music sa loob ng sasakyan. 

Nakasandig sa likurang upuan si Nicholas at nakatingin sa labas ang mga mata nito. 

“Boss, kanina ko pa talaga kayo napapansin na tulala. May problema po ba kayo?” lakas loob na tanong ni Mark. 

Napatingin si Nicholas dito, umiling, “Wala naman. Kilala mo ba si Jasmin Vee Asis?” wala sa loob na tanong niya kay Mark. 

Bahagya itong napangiti habang tiningnan siya sa front mirror ng sasakyan, “Trip mo? Masyadong misteza iyon at hot chick. Stubborn and dominant.” 

“Hmm, who gave her these descriptions?” Nicholas was curious. 

“Society! Lagi kasing laman ng entertainment news iyon. Sabi nga nila matalino at maganda pero recently masyadong bulgar na lahat ng ginagawa niya. Nakita mo na ba ang social media accounts non? Ah, malamang, kasi hindi ka magtatanong kung di niya naagaw ang atensyon mo?” mabilis na bawi ni Mark. 

“Hindi noh, nakita ko lang sa business news ang scandal na ginawa niya noong nagdaang gabi,” paglilinaw ni Nicholas. 

“Ah, oo nga pala. Nakita ko rin sa entertainment news iyon. Ang lakas ng tama diba? Ang galing palang sumayaw non, sensual ang galaw kaya’t laglag panga ng mga hayok na lalaki sa night club na dinaluhan niya.” 

“Exactly my point. So, you heard a lot about her?” Nicholas asked; his tone was a bit curious. 

“Yeah, sort of. She’s a supermodel of several magazines and clothing lines. Do you want me to contact her agent? How much will we offer them?” 

Nagulat siya sa tanong ni Mark, “Tumatanggap siya ng ganong trabaho? Diba mayaman ang pamilya noon?” 

Nagkibit-balikat si Mark, “Ewan ko lang din. Usap-usapan sa circle ng mayayamang aso este tao pala. Baka nga naka-one night stand na nila iyon. Saka, madalas sentro ng usapin sa business world ang father noon dahil nga pabagsak ang kompanya nila.” 

“I see. Interesting!” A naughty smile formed at the corner of his mouth. He was about to say another word when his phone vibrated. 

Mabilis niyang hinugot ito mula sa bulsa. Ang lolo niya ang tumawag. 

“Yes, grandpa!” 

“Iho, dalawin mo naman ako sa Sabado may bisita ako. Kasama niya ang unica hija niya.” sinundan pa nito ng malakas at sunud-sunod na pag-ubo. 

He rolled his eyes. The old man always used this trick on him when there was a favor he wanted to ask. 

Nicholas cleared his throat. “I’m busy. Oh, by the way, I just closed a big partnership for our plan expansion in Japan and China.” 

“Pambihira ka naman hindi mo pa nga ako sinagot iniba mo na agad ang usapan. Alam ko namang kayang-kaya mong magclose ng ilang milyong deal. Umuwi ka ngayong Sabado dito sa lumang bahay,”utos nito sa kanya. 

“Marami nga po akong gagawin. Sa ibang linggo nalang,” tanggi niya. 

“Kapag hindi ka umuwi rito, ibibigay ko ulit sa papa mo ang kompanyang iyan,” lakas loob nitong banta at binabaan agad siya ng telepono. 

Mahigpit niyang kinawakan ang kanyang telepono. Nagtagis ang bagang niya. “Ang matandang iyon ayaw talagang tumigil sa karirito sa akin ng kung sino-sino nalang babae.”

Halata sa boses niya ang iritasyon. Natawa naman si Mark sa naging reaksyon niya. 

“Ano tinakot na naman kayo ni Sir Samuel na ibigay sa papa ninyo ang kompanya niya?” 

“Meron pa bang ibang laging panakot iyon? Naiinis lang ako eh. Hindi pa rin siya sumuko. Kailan kaya niya marerealize na wala akong balak mag-asawa.” 

“Eh, paano po iyan, ayaw ni Sir Samuel na wala kayong tagapagmana?” natatawang tanong ni Mark. 

“Fuck that heir issue! I can live a hundred years!” He balled his fists. 

“Puntahan niyo nalang po para matapos na. Dating gawi ulit, sa gitna ng usapan ninyo tatawagan kita ulit, kunwari may emergency problem sa kompanya. O eh, di lusot kayo ulit?” natatawang suhestiyon ni Mark. 

“Ano pa nga ba kundi dating gawi. Sino na naman kayang napulot noon na babae. Lahat ng nirereto niya noon mga mahihina ang loob at pabebe lang. Baka isang sigaw ko lang doon eh tumakbo ng pauwi sa magulang. Pinakaayaw ko pa naman ng ganong klaseng babae.” sunud-sunod na litanya niya. 

Napapailing na lamang si Mark dahil kilalang-kilala niya ito. Parang damit lang kung magpalit ng babae. Lahat din ng nakasama nitong babae kapag inaayawan na binabayaran nito ng malaking pera at tinatakot kaya walang naglakas loob na sumalungat dito. 

Laging inaabangan ni Mark kung sino nga ba ang babaeng magpapatino sa boss niya. Sa isiping ito bigla siyang napapangiti ng lihim.

Pasado alas-otso na ng gabi ng bumaba ng opisina si Nicholas. Nagulat pa siya ng makitang naghihintay sa kanya sa Natasha sa lobby. Mabilis itong umahon sa sofa at tila ramp model na naglalakad sa runway ng lumapit ito sa kanya. 

“Nicholas, finally you’re off,” Natasha act coquettishly. She swung her arm around Nicholas’s waist, but he quickly dodged. 

“I’m not in the mood to flirt with you. Fuck off!” He quickened his pace. 

Sumunod naman si Natasha sa kanya, at halos madapa na ito sa kakahabol kay Nicholas na ni hindi man lamang lumingon sa kanya at dere-derecho sa parking area. 

“Ano ba, Nicholas, hintayin mo naman ako,” maktol na tugon ni Natasha. 

Binuksan kaagad ni Nicholas ang pinto ng kotse niya at mabilis na sumampa. Malakas na pagsara ng pinto ang ginawa niya at muntik pang mahagip ang mukha ni Natasha na akmang dudukwang para sana hagipin ang braso niya. 

Malakas na kalampag ang ginawa nito sa bintana ng kotse niya, “Nicholas, ano ba. Kanina pa ako naghihintay sa’yo sa lobby tapos iiwan mo lang ako?” 

Umasal spoiled brat ng mga sandaling ito si Natasha, bagay na ikinakainis lalo ni Nicholas. Hindi niya ito pinagbuksan ng pinto at sa halip malakas na boses siyang tumugon. 

“Ikaw ang may gusto na hintayin ako. At wala rin tayong relasyon para umarte kang girlfriend ko.” 

Humarurot bigla ang sasakyan ni Nicholas at naiwang nagpupuyos sa galit si Natasha. Nagpapadyak ito ng mga paa at tumili ng malakas. 

“Nicholas Freed! Pagsisisihan mo rin balang araw ang ginagawa mong ito sa akin!” 

Wala pang isang oras nakarating na si Nicholas sa sariling tahanan. Binati siya ni Yaya Nancy at nag-alok itong dalhan siya ng pagkain ngunit busog pa siya hanggang sa mga oras na iyon kaya’t tinanggihan niya ang alok nito. 

Pumanhik siya sa sariling silid at naligo. Ilang sandali lang nakapagbihis na siya ng pambahay at sumampa sa kama. Tangan ang remote control ng TV, patamad siyang sumandig sa kama habang namimili ng palabas. 

Nakailang lipat na siya ng channel ngunit ni wala man lamang siyang nagustuhan na palabas. He turned off the TV and tossed the remote control to the bedside table. Napagbalingan niya ang cellphone at ilang saglit lang naisipan niyang hanapin ang social media accounts ni Jasmin Asis. 

Tadtad ng sexy’ng larawan nito ang Ins*ta***gram nito kaya’t doon nakapako ang mga niya. Isa-isang pinagpiyestahan ng mata niya ang mga larawan nito. Napalunok pa siya ng ilang ulit ng makita niya ang mga larawan nitong nakasuot ng two-piece bikini. 

Halos lumuwa ang ang mga mata niya ng makita ang mayamang dibdib nito. Biglang may kakaibang init na bumuhay sa ibabang bahagi ng katawan niya. 

“Shit, why am I acting like a crazy dog by looking at her photos?” He cursed himself inwardly. 

Hindi niya mapigilan ang pagnanasang pilit na gumigiit sa utak niya. Padaskol na ibinaba niya sa bedside table ang kanyang cellphone at humiga na rin ng tuluyan. Inabot na ng madaling araw bago siya nakatulog at kinabukasan mabigat ang gising niya. 

Napamura siyang muli ng tamad na tamad ang pakiramdam niya habang bumabangon. Hindi na siya nag ehersisyo ng umagang iyon. Pagdating sa sariling opisina antok pa ang pakiramdam niya at nagulat pa siya nang biglang bumukas ng malakas ang pinto niya. 

Galit na mukha ni Natasha ang sumalubong sa kanya. Bago pa man ito makapagsalita sinigawan na niya ito. 

“Get out!” 

“No. I wanted an explanation from you!” Natasha slammed the door and walked to him. 

He balled his fist and clenched his jaw, “Don’t make me angry anymore or you’ll regret it!” 

Kusang huminto ng ilang distansya si Natasha mula sa lamesa niya. “Anong akala mo sa akin basahan na kung kailan mo kailangan saka mo lang gagamitin?” malakas na sigaw ni Natasha. 

Nang-uuyam na ngiti ang biglang lumutang sa gwapong mukha ni Nicholas, “At anong tingin mo sa sarili mo? Anak ng prime minister ng bansang ito na kung umarte akala mo ay kayang paluhurin ang lahat ng tao? Baka nakalimutan mong nasa kompanya kita. Wala akong dapat ipaliwanag sa kagaya mong hindi naman espesyal sa buhay ko. Lumayas ka sa harapan ko bago pa kita ipakaladkad!” may diing tugon niya sa huling sinabi. 

Nagpupuyos ang damdamin na tumalikod si Natasha ngunit bago pa man ito tuluyang lumabas huminto ito saglit, “Akin ka lang at walang ibang magmamay-ari sa’yo, tandaan mo iyan!” 

Malakas na pagbagsak ng pinto ang ginawa ni Natasha bago pa man sumagot si Nicholas. 

“Crazy and stupid woman!” He let out a sigh.

**

Saturday came, at wala ng nagawa pa si Nicholas kung hindi ang dalawin ang Lolo niya dahil sa pangungulit nito.

Inis siyang nagbuntong-hininga at nag-drive patungo sa mansyon ng Lolo niya. Mas gugustuhin niya pang magtrabaho ng weekend kaysa pakinggan ang walang sawang sermon at pamimilit sa kanya na humanap na ng babaeng papakasalan para mayroon siyang tagapagmana sa lahat.

Binati siya ng ilang kasambahay ng makapasok siya sa loob at inihatid sa garden, kung saan naroon ang kanyang Lolo.

Nicholas was expecting his grandfather's visitors dahil iyon ang sabi nito sa kanya, pero mukhang wala naman ang mga bisita nito.

"I'm here," pagbati niya.

Dahan-dahang lumingon ang kanyang Lolo na nakangiti at binitawan ang hawak na pusa.

"I have a gift for you," masiglang tugon ng Lolo niya, at hindi niya iyon nagustuhan.

Ano na naman kaya iyon?

"Linggo-linggo mo na lang ako binibigyan ng regalo," seryoso niyang sabi at pinag-krus ang mga kamay sa dibdib.

"Tiyak ako na magugustuhan mo siya."

"Siya?" Napataas ang kilay ni Nicholas. Ang regalo na tinutukoy ng Lola niya ay hindi bagay, kundi tao?

May itinuro ang Lolo niya sa bandang likod niya. Mabilis naman iyong nilingon ni Nicholas at nanlaki ang mga mata nang makita ang isang babae na nakahiga roon na para bang walang malay.

"What the fuck?" Malutong na mura ni Nicholas at mabilis na nilapitan ang babae para tingnan.

Mas lalo pa nanlaki ang ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang babae na narito.

It's Jasmin Asis!

"What did you do?" Akusa niya sa Lola niya at ikinuyom ang mga kamao. "Anong ginagawa niya rito?"

"She's my gift to you. She'll be your wife, Nicholas."

Comments (11)
goodnovel comment avatar
Maricel Salvacion
update pls
goodnovel comment avatar
Samira Daoilen
Wala na siguro yan eh. dapat dina nila piga update ang kuwento nila kong walang karugtong
goodnovel comment avatar
Roselia Odruna
bakit wla pang update ang tagal kna nghintay
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status