Beranda / Romance / Bound To My Boss / Chapter 52: Coffee For You (Samantha)

Share

Chapter 52: Coffee For You (Samantha)

Penulis: thegreatestjan
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-21 13:02:19
Samantha's Point of View

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagpapansinan ni Walter. May ibinigay akong papel sa kaniya kanina, pero hindi man lang ako nito nagawang tingnan. Ayos lang naman sa akin dahil parusa na masiyado na halos araw-araw na lang akong naiinis dito. Ang problema ay hindi pa ito nagbibigay ng feedback sa ginawa kong presentation na s-in-end ko sa kaniya kagabi. Imposible namang polished na 'yon, unless siya na mismo ang nag-ayos no'n—bagay na hindi niya ginagawa. Sa tuwing may ipinapagawa ito sa akin, palagi itong may komento. Ako rin ang magdaragdag at magbabawas no'n.

Habang tsini-tsek ang mga bagong dating na papeles sa table ko, biglang bumukas ang pinto ng office.

“Hi,” bati sa akin ni Sid at ngumiti pa. Kaagad ko namang napansin ang dala nito. Dalawang kape iyon, pero hindi iyon katulad ng palaging ipinapabili sa akin ni Walter.

Ngumiti lang naman ako rito. Muli kong itinuon ang atensyon sa mga papel. May ilan na akong nakitang mali ang pagkaka-staple.
thegreatestjan

Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa. Na-a-appreciate ko po ang lahat ng ito. Suportahan niyo po ako sa pamamagitan ng pag-add ng story sa inyong library (subscribe), pagbibigay ng komento, at pagbigay ng gifts.

| Sukai
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Bound To My Boss   Chapter 64: What You Don't Know (Samantha)

    Samantha's Point of View Hindi ako pumayag sa dinner date invitation ni Walter ngayong gabi dahil nauna akong maka-oo sa imbitasyon ni Jefferson. Hindi ito isang date—mag-uusap lang talaga kami. Naglalakad ako ngayon papunta sa dati naming tagpuan. Bukod sa malapit lang iyon sa amin, mas makabubuti kung hindi kami magsasabay na pupunta roon dahil hindi ko naman alam ang tumatakbo sa utak ni Walter. Baka may inutusan itong tingnan ang galaw ko lalo na at hindi ako pumayag sa imbitasyon niya. Nakapasok sa loob ng bulsa ng hoodie jacket na suot ko ang aking mga kamay. Nakikita ko na ang nakatalikod na katawan ni Jefferson habang nakaupo ito sa may bench. Maliwanag ang buwan ngayong gabi kung kaya'y kitang-kita pa rin ang ganda ng ilog. Huminga ako nang malalim matapos ang ilang hakbang palapit sa kaniya. “Jefferson,” tawag ko rito dahilan para mapalingon ito sa akin. Napangiti naman ito kaagad nang makita ako. Napatayo siya at bago pa ito humakbang palapit sa akin, nauna na akong lu

  • Bound To My Boss   Chapter 63: I Strike First (Walter)

    Walter's Point of View Kahahatid ko lang kay Samantha nang maalala kong may nakalimutan pala akong bilhin. Mabuti na lang at hindi pa ako pauwi kung kaya'y dumaan muna ako sa isang supermarket. Maraming tao nang pumasok ako at napakahaba rin ng pila. The only good thing here is that I won't be going against a huge number of people dahil hindi naman consumable ng tao ang bibilhin ko. I need to buy premium dog food for the puppy that I saved last month. Umiihi ako no'n sa gilid ng kalsada nang makarinig ako ng pag-iyak ng tuta. Mukhang itinapon iyon doon ng may-ari. I felt the need to adopt the puppy after seeing it helplessly cry for my grace. Kaagad akong nagtungo sa section kung saan iyon makikita. Mayamaya pa, nakita ko na ito at habang nakapokus ang tingin ko rito, napansin kong may parang papalapit din dito—ang katawan lang nito ang nakita ko, hindi ang mukha. Kahit na ilang hakbang pa ang layo ko, inabot ko iyon para mahawakan lalo na't isa na lang iyon. Marahil ay isang segun

  • Bound To My Boss   Chapter 62: Whoever It Is (Samantha)

    Samantha Point of View Hinatid nga ako ni Walter sa amin at kinabukasan ay sinundo na naman ako nito. Hindi ako nagtanong kay tatay kung hinatid ni Jefferson si Erwin no'ng umagang iyon dahil maaga akong sinundo ni Walter. Ngayon ay pauwi na ako sa bahay—nakasakay sa sasakyan ni Walter. Pangatlong sunod-sunod na gabing hinahatid na ako nito. Nakakahinga ako nang maluwag sa tuwing nakikita kong walang naka-park na sasakyan sa tapat namin dahil ibig sabihin no'n, wala si Jefferson. Ayaw kong makita nitong hinahatid ako ni Walter dahil alam kong malulungkot ito. Wala naman akong dapat pakialam at hindi ko na problema kung ano man ang maramdaman nito pero kahit papaano ay naawa ako rito sa tuwing naiisip kong nasasaktan ito. Jefferson wants me back, iyon ang totoo. Ako lang naman ang hindi ito binibigyan ng pagkakataon. “You think these are already enough?” tanong ni Walter sa akin at itinuro ang mga pinamili nito na nasa likuran namin. “Kahit nga wala na. Ikaw lang naman itong mapilit

  • Bound To My Boss   Chapter 61: The Winner Is (Samantha)

    Samantha's Point of View Muli na namang napahinto ang sasakyan ni Walter pero this time, kilalang-kilala ko ang puwestong pinaghintuan—coffee shop ni Valerie. Naunang lumabas si Walter at pinagbuksan ako nito ng pinto. Pagkatapos no'n ay sabay kaming naglakad papasok sa loob ng coffee shop. May mangilan-ngilan ding customers ngayon. Kaagad kong nakita si Valerie na nakaupo sa pinakamalapit na puwesto mula sa may counter. Nakaharap ito sa labas kung kaya'y nakilala ko ito kaagad. Abala itong nakikipag-usap, kilig na kilig na dahil namumula ang mga pisngi nito at kulang na lang ay maghugis puso ang kaniyang mga mata. Kahit nakatalikod ang kausap nito, kilalang-kilala ko ito—lalo na ni Walter. Si Sid. Kumaway lang sa akin si Valerie, napangiti at muling ibinaling ang mga mata sa kausap, bagay na hindi niya ginagawa kapag nakikita ako. Ngunit nanlaki ang mga mata nito nang mapagtantong ako pala ang kaniyang kinawayan kung kaya'y muli itong napasulyap sa akin. Napanganga rin siya nang

  • Bound To My Boss   Chapter 60: The Winner Is (Samantha)

    Samantha's Point of View “Diyos ko parang babae!” bulalas ko nang lumabas ng banyo si Erwin. Kanina pa ako naghihintay dito na lumabas dahil ayaw kong ma-late. “Huwag kang mag-alala, Ate. Andiyan naman si Kuya Jefferson. Ihahatid ka rin no'n,” katuwiran naman nito at napangiti pa. Tinarayan ko lang ito at nagmadali na akong pumasok sa banyo para makaligo na. Nagmadali lang ako sa aking pagligo at nang matapos ako, natapos na ring magbihis si Erwin at inaayos na lang nito ang kaniyang buhok habang napapasipol. Pabiro ko itong inirapan nang lagpasan ko ito. Nang matapos akong maghanda ay sabay kaming lumabas ni Erwin. Ewan ko ba rito sa kapatid ko, dikit nang dikit. Gusto nitong magsasabay kami para makasakay din ako sa sasakyan ni Jefferson. Okay lang naman kasi makakatipid ako, kaso pagdating sa trabaho at makita kami ni Walter, mabibigyan na naman ako ng pangmalakasang award. Ayaw kong sirain ang mood ni Walter dahil ang bait nito kahapon. Hindi nag-init ang ulo ko sa kaniya. “

  • Bound To My Boss   Chapter 59: Overheard (Samantha)

    Samantha's Point of View Pagkatapos makauwi ni Walter, pareho akong tinitigan ni tatay at Erwin—makahulugan at puno ng pag-uusisa. “Huwag niyo nga akong titigan nang ganiyan,” saway ko sa kanila. “Boss ko siya, okay?” “Boss lang?” tanong naman ni Erwin sa akin. “Ate, may kaagaw na ba si Kuya Jefferson? Team Jefferson ako. Ikaw ba, ‘Tay?” Napatingin sa itaas si tatay na para bang nag-iisip ito. “Parang Team —” “Tumigil kayo, please,” muli kong saad at napabuntong hininga. “Walang namamagitan sa amin ng kahit na sino sa dalawa.” Napainom si tatay sa kaniyang kape. “Pero anak, ang bait naman pala ng boss mo. Sabi mo ang sungit-sungit no'n.” Napailing na lang ako. Naikukuwento ko rin kay tatay na madalas akong naiinis kay Walter dahil sa ugaling mayroong ito. Pero dahil sa ipinakita nito kanina, nakapagtataka talaga. “Bait-baitan lang 'yon, ‘Tay,” katuwiran ko naman. “Baka nga pagpasok ko mamaya, sabihin sa akin na pangit ang ating bahay.” Umirap ako at tumawa. “Ako, ate, malakas

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status