Masuk“You'll be my wife until I receive the inheritance. After that, we go our separate ways. Don’t worry—I’ll make sure you get your fair share.” — Walter Robles Desperadang madagdagan ang suweldo, pumayag si Samantha sa alok ng kaniyang boss na si Walter—magpanggap bilang nobya nito sa isang family event. Isang araw lang sana ang usapan. Pero nagbago ang lahat nang pumayag si Walter sa kasunduang iniatang ng pamilya: Walang kasal at asawa, walang mana. Dahil may makukuha rin siya, muling pumayag si Samantha. Pero ngayon ay hindi na bilang nobya kung hindi bilang asawa. Ngunit paano kung habang tumatagal ay unti-unti silang nalulunod sa emosyon na wala dapat doon. Pipiliin kaya nilang panindigan ang kanilang kasunduan?
Lihat lebih banyakSamantha's Point of View
Katatapos ko lang ayusin ang mga dokumento na dapat pirmahan ng boss ko. Napainat ako at napahawak pa sa aking likod dahil sa pagod. Umagang-umaga pa lang ngunit halos pang isang araw na gawain na ang iniutos sa akin. Uupo na sana ako ngunit biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang mukha ng lalaking walang palya sa pagsira ng aking araw, si Walter Robles, ang aking boss. Siya ang CEO ng Sirak Wines, isang tanyag na distillery company na gumagawa ng wines galing sa mga prutas na marami sa bansa katulad ng duhat. Nakasuot siya ngayon ng dark blue coat na pinailaliman niya ng puting long sleeve na polo, at naka-tuck in sa kaniyang dark blue pants. Masasabi kong guwapo ito dahil sa mga katangian na mayroon siya. Ang kaniyang panga ay matalim, at kapansin-pansin ang manipis na balbas na nakapalibot dito. Ang kanyang mga mata ay kulay itim na bumabagay lamang sa kanyang makapal na kilay. Medyo pursado ang kanyang mga labi, na parang sanay magpigil ng damdamin. Ang kanyang buhok ay katamtaman lamang ang haba at maingat na nakasuklay papunta sa likod ng kaniyang ulo. “Sana lahat paupo-upo lang,” pagpaparinig nito sa akin habang naglalakad ito papunta sa kaniyang puwesto. Dito siya pumalya—sa kagaspangan ng ugali. Paupo-upo lang? Hindi pa nga sumasadsad itong puwetan ko sa sofa tapos paupo-upo lang? Napapikit na lang talaga ako at huminga nang malalim. Ilang segundo pagkatapos kong idilat ang aking mata, naglakad ako papunta sa harapan niya. Sa tuwing nakaupo siya sa kaniyang swivel chair at nakatayo ako sa harapan niya, palihim akong nagdarasal na sana lumidol nang pagkalakas-lakas at matumba sa kaniya itong wooden shelf sa likod niya na may mga wine na naka-display. Dali-dali niyang pinirmahan ang mga dokumento habang ako naman ay nagmamasid lang, nakatayo pa rin sa harapan niya. “Allow me to remind you about your meeting with Mr. Verzosa, Sir. It's three in the afternoon,” wika ko para naman hindi ako magmukhang estatuwa lang sa harap niya. Tumango lang naman siya at nagpatuloy sa pagpirma. May mga pagkakataong napapaangat pa siya ng tingin sa akin at natatawa. Napapairap na lang ako sa tuwing wala sa akin ang mga mata niya. Alam na alam niya talaga kung paano ako inisin. “You looked like a lady guard,” seryosong saad pa nito nang muling mag-angat ng tingin sa akin. Ngayon mukha akong guwardiya kasi nakatayo ako sa harapan niya. Pero kung nanatili naman akong nakaupo doon sa puwesto ko, sasabihin niyang wala akong ginagawa. Napabuntonghininga siya pagkatapos niyang pumirma na para bang pagod na pagod siya sa kaniyang ginawa. Inusog niya ang mga dokumento palapit sa akin bago siya mapasandal sa kaniyang swivel chair. Kinuha ko naman kaagad iyon para ibalik sa mga nagpapirma. Tatalikod na sana ako ngunit bigla itong napausog, ang mga siko ay ipinatong sa mesa at nagsalita. “Before I forget, I'd like to make you an offer.” Itinaas-baba niya ang kaniyang dalawang kilay at napangiti. Napaayos naman ako ng tindig at itinago ang lahat ng hinanakit ko sa likod ng isang masiglang ngiti. “Kung salary increase ito, Sir, tatanggapin ko.” Ang ngiti sa kaniyang mukha ay naging isang ngisi. An evil grin made my heart skip a beat. “You're right,” sambit pa nito. “But it comes with a cost.” Lahat naman talaga may kabayaran. Pero kung salary increase na ang usapan, kahit ano pa 'yan, papatusin ko. Huwag lang din siguro ang dangal at kaluluwa ko. “My parents will be celebrating their wedding anniversary next week. And since I made a promise to them last year, I need to be there with that promise fulfilled,” pagsisimula nito habang pinapaikot-ikot sa kamay ang ballpen. “I need a fake girlfriend. At ikaw ang napili ko.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at pagkatapos ay sinundan iyon ng napakalakas na tawa. May tama nga talaga ang lalaking ito. “I'm serious,” giit nito at ngayon ay sumeryoso na ang kaniyang itsura. “Magpapanggap ka as my girlfriend for a day. In return, dadagdagan ko ang suweldo mo. Bibigyan din kita ng bayad for pretending.” Nag-iisip na sana ako ng mga babae rito sa kompanya na maaring maging kapalit ko pero nang marinig kong hindi lang increase ang ibibigay niya, parang ako ang bibigay nito. “Bakit ako?” tanong ko naman, kunwari ay nagpapakipot. Napasinghal siya. “Because you work closely to me. At alam kong nangangailangan ka rin ng pera.” Tama naman siya na ngangailangan ako ng pera. Pero ang tanging rason na naiisip ko kung bakit ako ang pinili niya ay malamang dahil walang babaeng makakatiis sa ugali niya. Kung may ibang pagpipilian lang ako, baka matagal na rin akong nag-resign dahil sa ugaling mayroon ito. Ngunit dahil malaki ang suweldo at kailangan ko ng pera para pampagamot sa maintenance ni tatay at pampaaral sa kapatid ko, nanatili ako rito. “What?” naiiritang tanong nito nang hindi ako umimik. “Are you going to accept my offer or not?” “Kailangan ko munang mag-isip,” saad ko pero ang totoo, gusto ko lang talaga malaman kung magkano ang ibibigay niya sa akin. Napailing siya. “Five thousand salary increase. And as I said kanina, babayaran din kita.” Ngumiti ako. “Magkano ang ibabayad mo?” “Ten thousand,” saad niya dahilan para magtagpo ang dalawa kong kilay. Mapapagod ako sa pagpapanggap, pakikipaghalubilo, at pagtitiis sa ugali niya at ang ibibigay niya lang ay ten thousand? “Twenty-five thousand,” saad ko naman na ikinakunot ng kaniyang noo. Ang satisfying pala na makita siyang naiinis. Nakaganti rin sa wakas. “That's too much!” reklamo niya. Huminga siya nang malalim. “Fifteen thousand. Take it or leave it.” Nagkibit-balikat ako. I want to provoke him. “I have to go,” sagot ko at akmang tatalikod ngunit nagsalita siya ulit. Alam kong desperado siya kung kaya'y gagawin niya ang lahat para mapa-oo ako. “Hell! Twenty thousand.” Napangisi ako nang makita ang pagkayamot sa kaniyang mukha. Hindi ko na susubukan pang sagarin ang pagkayamot niya. I extended my hand toward him. “Deal.”Samantha's Point of View Napapikit na lamang ako habang napapasandal sa upuan ng sasakyan. Kahit na nakaupo ay ramdam ko ang pagod ng aking katawan. Ganito talaga basta buntis. Idagdag pa na kabuwanan ko na ngayon. Hinimas-himas ko ang aking tiyan at unti-unting napapahinga nang malalim. Pagkakuwan ay naramdaman ko ang malapad na kamay ni Walter sa aking tiyan. “Misis, ayos ka lang?” tanong niya sa akin. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses. “We can just move our visit to my parents' house the next day.” Gusto pa niyang i-move ngayong papunta na kami sa bahay ng mga magulang niya. Isa pa, sigurado naman akong nakahanda na ang dinner namin doon. Ito ang unang beses na babalik ako sa bahay nila. Ang mga kambal naman at maging si Walter ay nauna nang makabisita noong nakaraang araw. “Ayos lang ako,” sagot ko nang hindi iminumulat ang aking mga mata. “Pokus ka lang sa daan.” Naririnig ko sa back seat ang kulitan ng kambal namin. Gusto ko silang sawayin, pero ayaw kong sumigaw. Si ta
Jefferson's Point of View Wala akong suot na pang-itaas kahit na simpleng paghigpit lang naman ng bolt ang ginagawa ko sa isang parte ng sasakyan. Habang abala, narinig ko ang papalapit na tunog na sasakyan dito sa shop. Sa tunog pa lang ay kilala ko na kaagad ang may-ari nito kung kaya ay hindi ko maiwasang magpigil ng tawa. Hindi pa ako nakakapag-almusal dahil pinili kong trabahuin ang mga naiwan ko kahapon at mukhang mabubusog ako ngayon ng reklamo. “Jeffeson!” malakas nitong tawag sa akin sabay pahampas na isinara ang pinto ng sasakyan niya. “The repair that you did last week? It's brutally useless. Ang engine light ng sasakyan ko ay may problema na naman.” Hindi ko lang siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa. Limang taon pagkatapos ng kasal nina Samantha at Walter, lumipad ako papuntang ibang bansa para magtrabaho ulit doon. Ngunit hindi rin ako nagtagal, mga isang taon lang ay umuwi rin agad ako rito sa Pilipinas nang mapagdesisyunan kong may iba pala akong gus
Walter's Point of View Kids' seemingly unlimited amount of energy needs to be studied. Who would have thought that after hours of playing in the children's playground, Primarae and Seguel still have the energy to run? Sila itong naglaro, pero tila mas pagod pa ako sa mga kambal ko. “Babies, careful!” pasigaw kong sabi habang hinahabol ang mabilis na pagtakbo ng dalawa. Kahit na pagod ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang hinahabol sila. Nagawa pang sumulyap ng dalawa sa akin at humagikhik, as if they were teasing me. Kung nasa bahay lang kami, okay lang sana maghabulan kami. But we're in a mall. May mga tao at stalls or kiosks. Iba't ibang ingay din ang maririnig. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan at may mga store na may pinapatugtog. Hindi rin pala talaga biro ang mag-isang magbantay ng dalawang anak. Kaya saludo ako sa mga single parents na kinakaya ang hirap ng pagiging magulang. I have no one to blame, so I'll blame it on my brother who refused to come with me. M
FIVE YEARS LATER Samantha's Point of View Pinilit ko ang aking sarili na mapabangon kahit na inaantok pa ako. Napapadalas na rin talaga ang pagtulog ko at pansin ko ring nagkalaman na naman ako. Suot ang maluwang na daster na lagpas tuhod ang haba, maingat akong lumabas ng kuwarto. Wala akong ingay na naririnig, purong katahimikan lamang. Ngunit nang makaapak ako sa hagdanan at dahan-dahang bumaba, may ingay akong naririnig sa may living room. “Please listen to me, okay? Bawal sumama dahil gabi na,” malambing na pakiusap ni Wesley. Nakaluhod ito habang nakatalikod sa aking gawi. “Aside from that, may lakad ako. Sige na, Primarae, Seguel. I have to go.” Tatayo na sana si Wesley ngunit sabay siyang niyakap ng dalawang maliit na bata—isang lalaki, isang babae. Ang tatlong taong gulang na kambal namin ni Walter. “No!” sigaw pa ng kambal, mas hinihigpitan ang pagkakayakap kay Wesley. “Oh, God. I don't know how to get away from the two of you,” mahinang sambit ni Wesley at tumawa. Sali












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak