Magandang araw! Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa ng kuwentong ito. Maari po kayong mag-subscribe, magkomento, at i-follow ako. Salamat po.
Walter's Point of ViewKahahatid ko lang kay Samantha nang maalala kong may nakalimutan pala akong bilhin. Mabuti na lang at hindi pa ako pauwi kung kaya'y dumaan muna ako sa isang supermarket.Maraming tao nang pumasok ako at napakahaba rin ng pila. The only good thing here is that I won't be going against a huge number of people dahil hindi naman consumable ng tao ang bibilhin ko.I need to buy premium dog food for the puppy that I saved last month. Umiihi ako no'n sa gilid ng kalsada nang makarinig ako ng pag-iyak ng tuta. Mukhang itinapon iyon doon ng may-ari. I felt the need to adopt the puppy after seeing it helplessly cry for my grace.Kaagad akong nagtungo sa section kung saan iyon makikita. Mayamaya pa, nakita ko na ito at habang nakapokus ang tingin ko rito, napansin kong may parang papalapit din dito—ang katawan lang nito ang nakita ko, hindi ang mukha. Kahit na ilang hakbang pa ang layo ko, inabot ko iyon para mahawakan lalo na't isa na lang iyon. Marahil ay isang segundo
Samantha Point of ViewHinatid nga ako ni Walter sa amin at kinabukasan ay sinundo na naman ako nito. Hindi ako nagtanong kay tatay kung hinatid ni Jefferson si Erwin no'ng umagang iyon dahil maaga akong sinundo ni Walter. Ngayon ay pauwi na ako sa bahay—nakasakay sa sasakyan ni Walter. Pangatlong sunod-sunod na gabing hinahatid na ako nito. Nakakahinga ako nang maluwag sa tuwing nakikita kong walang naka-park na sasakyan sa tapat namin dahil ibig sabihin no'n, wala si Jefferson.Ayaw kong makita nitong hinahatid ako ni Walter dahil alam kong malulungkot ito. Wala naman akong dapat pakialam at hindi ko na problema kung ano man ang maramdaman nito pero kahit papaano ay naawa ako rito sa tuwing naiisip kong nasasaktan ito. Jefferson wants me back, iyon ang totoo. Ako lang naman ang hindi ito binibigyan ng pagkakataon.“You think these are already enough?” tanong ni Walter sa akin at itinuro ang mga pinamili nito na nasa likuran namin.“Kahit nga wala na. Ikaw lang naman itong mapilit,”
Samantha's Point of ViewMuli na namang napahinto ang sasakyan ni Walter pero this time, kilalang-kilala ko ang puwestong pinaghintuan—coffee shop ni Valerie.Naunang lumabas si Walter at pinagbuksan ako nito ng pinto. Pagkatapos no'n ay sabay kaming naglakad papasok sa loob ng coffee shop. May mangilan-ngilan ding customers ngayon.Kaagad kong nakita si Valerie na nakaupo sa pinakamalapit na puwesto mula sa may counter. Nakaharap ito sa labas kung kaya'y nakilala ko ito kaagad. Abala itong nakikipag-usap, kilig na kilig na dahil namumula ang mga pisngi nito at kulang na lang ay maghugis puso ang kaniyang mga mata. Kahit nakatalikod ang kausap nito, kilalang-kilala ko ito—lalo na ni Walter.Si Sid.Kumaway lang sa akin si Valerie, napangiti at muling ibinaling ang mga mata sa kausap, bagay na hindi niya ginagawa kapag nakikita ako. Ngunit nanlaki ang mga mata nito nang mapagtantong ako pala ang kaniyang kinawayan kung kaya'y muli itong napasulyap sa akin. Napanganga rin siya nang ilip
Samantha's Point of View“Diyos ko parang babae!” bulalas ko nang lumabas ng banyo si Erwin. Kanina pa ako naghihintay dito na lumabas dahil ayaw kong ma-late.“Huwag kang mag-alala, Ate. Andiyan naman si Kuya Jefferson. Ihahatid ka rin no'n,” katuwiran naman nito at napangiti pa.Tinarayan ko lang ito at nagmadali na akong pumasok sa banyo para makaligo na. Nagmadali lang ako sa aking pagligo at nang matapos ako, natapos na ring magbihis si Erwin at inaayos na lang nito ang kaniyang buhok habang napapasipol. Pabiro ko itong inirapan nang lagpasan ko ito.Nang matapos akong maghanda ay sabay kaming lumabas ni Erwin. Ewan ko ba rito sa kapatid ko, dikit nang dikit. Gusto nitong magsasabay kami para makasakay din ako sa sasakyan ni Jefferson. Okay lang naman kasi makakatipid ako, kaso pagdating sa trabaho at makita kami ni Walter, mabibigyan na naman ako ng pangmalakasang award. Ayaw kong sirain ang mood ni Walter dahil ang bait nito kahapon. Hindi nag-init ang ulo ko sa kaniya.“Uy, n
Samantha's Point of ViewPagkatapos makauwi ni Walter, pareho akong tinitigan ni tatay at Erwin—makahulugan at puno ng pag-uusisa.“Huwag niyo nga akong titigan nang ganiyan,” saway ko sa kanila. “Boss ko siya, okay?”“Boss lang?” tanong naman ni Erwin sa akin. “Ate, may kaagaw na ba si Kuya Jefferson? Team Jefferson ako. Ikaw ba, ‘Tay?”Napatingin sa itaas si tatay na para bang nag-iisip ito. “Parang Team —”“Tumigil kayo, please,” muli kong saad at napabuntong hininga. “Walang namamagitan sa amin ng kahit na sino sa dalawa.”Napainom si tatay sa kaniyang kape. “Pero anak, ang bait naman pala ng boss mo. Sabi mo ang sungit-sungit no'n.”Napailing na lang ako. Naikukuwento ko rin kay tatay na madalas akong naiinis kay Walter dahil sa ugaling mayroong ito. Pero dahil sa ipinakita nito kanina, nakapagtataka talaga.“Bait-baitan lang 'yon, ‘Tay,” katuwiran ko naman. “Baka nga pagpasok ko mamaya, sabihin sa akin na pangit ang ating bahay.”Umirap ako at tumawa.“Ako, ate, malakas kutob ko
Samantha's Point of ViewNasa biyahe na kami para ihatid ako ni Walter sa amin. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Wesley. Kaya pala wala itong tiwala sa akin ay dahil wala itong kaalam-alam sa deal namin ni Walter at lalong hindi ito naniniwalang gano'n-gano'n na lang para mapaibig ko ang nakatatandang kapatid niya.Mabuti na lang din talaga nang pumasok na ako ulit sa kuwarto ay natutulog na itong si Walter at hindi ito humiga sa kama niya. Nabawasan ang sakit sa ulo. Sana naman ay nabawasan ang ulo nitong puro hangin ang laman nang magkasagutan kami sa kuwarto. Hindi, mukhang nabawasan nga. Ipinaghanda pa nga ako nito ng pagkain at kahit simple lang ang mga iyon, mas rare pa sa diamond ang magkaroon ito ng pagkukusa para tumulong sa iba. Tapos ngayon naman ay ihahatid ako nito sa amin.“Puwede kang ma-late mamaya,” bigla nitong sabi sa akin kung kaya'y napasulyap ako sa kaniya. Na-appreciate ko na siya na mismo ang nagsabi nito, pero mas ma-a-appreciate ko s