LOGINSa mismong araw na nadiskubre ni Deralie ang pagtataksil ng fiancé niyang si Zero, hindi siya nasaktan-bagkus, nakahinga siya nang maluwag. Sa unang pagkakataon, pinili niyang unahin ang sarili. Isang gabing puno ng alak, musika, at walang deriksyong desisyon ang nagtulak sa kanya sa mga bisig ng isang estrangherong hindi niya dapat makilala... at mas lalong hindi niya dapat minahal.
View MoreTahimik ang buong silid matapos marinig ang sinabi ni Professor Elias. Wala ni isa sa kanila ang agad na nagsalita dahil alam nilang hindi simpleng pagpili ang hinihingi sa kanila. Hindi ito tungkol sa tapang o sakripisyo lamang. Isa itong desisyong maaaring tuluyang magbago sa buhay ng lahat ng naroroon.Patuloy ang pagyanig ng pasilidad habang paulit-ulit na kumikislap ang mga pulang ilaw sa kisame. Ang ugong ng Core ay mas malakas na ngayon, halos maramdaman nila ang vibration nito sa kanilang mga dibdib. Sa bawat segundong lumilipas ay mas lumalapit ang sistema sa ganap na activation."Core synchronization... ninety-nine percent."Napahigpit ang hawak ni Alex sa kamay ni Dera."Hahanap tayo ng ibang paraan."Matigas niyang sabi."Kailangan may ibang paraan."Ngunit kahit sinasabi niya iyon, alam niyang wala nang oras.Tahimik na lumapit si Genesis Zero sa gitna ng silid. Sa unang pagkakataon mula nang makilala nila siya ay tila may kapayapaan sa kanyang mukha."Meron."Mahina niya
Nanatiling nakatayo si Dera sa harap ng lumang drawing habang hindi pa rin humuhupa ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya maalis ang tingin sa dalawang batang babae na magkahawak ang kamay at sa maliit na batang lalaking nakaguhit sa gilid nila. Pakiramdam niya ay parang may kung anong humihila sa kanya pabalik sa nakaraan, isang nakaraan na matagal nang pilit itinago sa kanyang isipan. Habang hawak niya ang lumang papel ay mas lalo pang luminaw ang alaalang kanina lamang ay isang malabong larawan. Ngayon ay para na siyang nanonood ng isang eksenang tunay na nangyari.Sa loob ng kanyang alaala ay isang malawak na puting silid ang unti-unting lumitaw. Maliwanag ang mga ilaw sa kisame, malamig ang sahig, at sa bawat sulok ay may mga lalaking nakasuot ng puting laboratory coats na seryosong pinagmamasdan ang tatlong batang naglalaro sa gitna ng silid. Sa kabila ng kakaibang lugar ay maririnig ang masasayang tawanan ng dalawang batang babae habang nagtutulakan sila sa maliit
Tahimik ang buong laboratory habang unti-unting lumalabas ang matangkad na pigura mula sa makapal na usok. Hindi ito nagmamadali, ngunit bawat hakbang nito ay sinasabayan ng mahinang pagyanig ng sahig, dahilan upang lalong bumigat ang pakiramdam ng lahat. Nakasuot ito ng mahabang itim na tactical coat na halos natatakpan ang buong katawan, at ang mukha nito ay bahagyang natatakpan ng anino dahil sa mahinang ilaw ng pasilidad. Walang anumang ekspresyon ang mababakas dito, ngunit sapat na ang malamig nitong presensya upang maramdaman nilang hindi ito ordinaryong tao.Nanigas si Dr. Evelyn habang nakatitig sa lalaki. Hindi niya namalayang nanginginig na pala ang kanyang mga kamay, at ang kulay ng kanyang mukha ay unti-unting nawala. Napansin iyon ni Jian kaya mabilis siyang lumapit. "Kilala mo siya?" mahina niyang tanong. Hindi agad sumagot si Evelyn. Pilit muna niyang pinakalma ang kanyang paghinga bago siya marahang tumango. "Akala ko..." halos pabulong niyang sabi. "...akala ko hindi
Parang huminto ang oras sa loob ng laboratory nang marinig nila ang salitang iyon. Lahat ay napatingin sa matandang babaeng nakatayo sa bukana ng pinto, suot ang kupas na puting laboratory coat na puno ng mantsa at bakas ng mahabang panahon ng pagkakakulong. Gusot ang kanyang mahabang buhok at halatang nanghihina ang kanyang katawan, ngunit sa kabila ng pagod na nakaukit sa kanyang mukha ay malinaw ang mga luhang patuloy na pumapatak habang nakatingin kay Dera. Hindi iyon tingin ng isang siyentista sa kanyang eksperimento. Hindi rin iyon tingin ng isang estranghero. Punong-puno iyon ng pangungulila, pagsisisi, at pagmamahal na tila dalawampung taon niyang kinimkim.Napaatras si Dera habang hindi maalis ang tingin sa babae. "A-Anak?" mahina niyang ulit, halos hindi lumabas ang boses niya. Agad namang tumayo sa kanyang harapan si Alex bilang proteksyon, hindi dahil sigurado siyang kaaway ang babae, kundi dahil hindi na niya kayang magtiwala sa sinuman sa loob ng pasilidad na iyon. Simul
Pagkatapos ng very traumatic CEO encounter na parang muntik nang maging dahilan ng maagang resignation ko kahit wala pang lunch break, sinamahan ako ng HR papunta sa magiging “office” ko, at habang naglalakad kami sa hallway, sobrang kampante ko pa kasi iniisip ko, ah okay, may sarili akong cubicle
Pagdating ko sa address na nasa flyer, napahinto ako sa mismong harap ng gusali at napaangat ang ulo ko, kasi wow kung may mukha ang salitang intimidating, ito na siguro iyon. Glass walls, matataas na pinto, guards na mukhang kaya kang i-judge gamit lang ang kilay, at mga empleyadong naglalakad nan
Nagising ako sa isang masakit na pintig sa ulo ko.Parang may kumakatok sa sentido ko nang paulit-ulit, bawat segundo ay paalala na kagabi ay hindi ako umuwi nang maaga, hindi ako nag-isip, at lalong hindi ako nag-ingat sa mga desisyong ginawa ko. Mabigat ang katawan ko, parang pinaglaruan ng pagod
This day is anniversary namin ng fiancé ko.Matagal akong nakatayo sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang sarili ko na para bang may kailangang patunayan. Ilang beses kong inayos ang buhok ko, ilang beses kong pinunasan ang lipstick ko, at ilang beses kong sinabing sa sarili ko, this day has to be












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore