Share

Chapter 2

last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-10 15:08:14

NAEVIA’S POV

Halos dalawang araw lang akong nawala pero parang dinaanan na kaagad ng bagyo ang buong bahay ng aking biyenan. Tambak ang hugasin sa lababo na sa pakiwari ko ay isang buong araw na ginamit. Sama-sama na ang mga plato, baso at kaldero na nanggigitata at namumuo na ang sebo. Naghalo-halo na rin ang amoy ng panghi at balahibo ng aso ni Lea sa sahig at para bang hindi man lang nadaanan ng walis ang sahig dahil sa kapag ng alikabok. Umaalingasaw na rin ang amoy ng cr na para bang hindi  man lang nabubuhusan. 

“Naevia, mabuti naman at umuwi na kayo. Akala ko ay doon ka na titira sa kaibigan mo. Aba, sayang naman ang ipinapadala ng anak ko kung hindi ka man lang tumutulong dito sa bahay. Alam mo naman na hindi ako bawal sa akin ang magkikilos at hindi rin pwede si Henry magbuhat ng mabigat dahil sa kanyang naging operasyon.  Si Lea naman ay abala sa kanyang pag-aaral kaya  ikaw lang ang aasahan namin dito sa bahay,” magkahalong himig ng pangangatwiran at panunumbat. 

“Naiintindihan ko po, Ma,” mapagkumbaba kong sagot. “Dadalhin ko lang po ang mga bata sa kwarto para makapagpahinga saka ko na po uumpisahan ang maglinis,” paalam ko pa bago ko ayain sa kwarto namin ang mga bata. 

“Teka, unahin mo na muna yung mga plato saka mo walisan ang sala. Labhan mo na rin ang carpet dahil umihi si Chichi diyan kahapon,” utos ng aking biyenan sa akin pagkababa ko pa lang ng hagdan. Wala naman akong magawa kung hindi sundin ang mga  utos nila at makisama para lang sa  aking asawa. Ilang beses na akong nakikiusap kay Rhaziel na humiwalay na kami ng tirahan. Kahit sana iyon man lang kesa sa kasal pero palagi nitong sinasabi sa akin na mas mahihirapan daw kami kung mangungupahan gayong kasya pa naman daw ang bahay nila para  sa amin. Daig ko pa ang isang katulong sa bahay na ito, bagay na hindi ko nagawa noon dahil sa kahit papaano ay may kaya-kaya rin naman kami sa buhay. Kung tutuusin ay masyadong ini-spoil pa ako ng aking mga magulang lalo na  si Papa at  Kuya Rheon dahil sa babae ako pero nagbago ang lahat nang magsama kami ni Rhaziel, dahilan kung bakit masama ang loob sa akin ng aking mga magulang noon. Unti-unti ay  inaral ko ang mga gawaing bahay, mula sa paglalampaso, paglalaba at pagluluto hanggang sa makasanayan ko na. 

Sampung taon na ang nakakalipas, dalawa na ang anak namin ni Rhaziel pero ni isa sa mga ipinangako niya sa akin ay wala pa ring natutupad. Pero dahil masyado akong bulag sa pag-ibig at ayaw kong masira ang aming buhay ay pilit kong kinakaya ang pakikisama at pakikitira sa bahay ng kanyang mga magulang kahit pa halos magmukha na  akong alila. 

Hindi bale na ang kasal.

Hindi bale na  na wala kaming sariling tirahan. 

Ang mahalaga ay  tapat at matatag ang aming pagsasama at nabigyan namin ng buong pamilya ang aming mga anak. 

Lahat ng hirap ay kaya  kong tiisin para lang sa aking pamilya. 

Nang araw na iyon ay dumating si Rhaziel galing sa Manila. Lubos ang saya ko na muli siyang makita kahit na dalawang linggo pa lang naman ang nakalipas nang umuwi ito. May  dala itong mga pasalubong sa aming mga anak. Laruan, bagong sapatos at damit para sa kanila, pero mas lalo akong napangiti at tila ba nawala ang lahat ng pagod ko nang iabot  niya sa akin ang isang napakagandang bestida.  Sanay akong kumilatis ng mga branded na damit dahil sa mga padala sa akin  nina Kuya kaya alam kong mamahalin iyon. Sa loob ng tatlong araw na pananatili nito sa amin ay gumaan kahit papaano ang aking trabaho sa bahay. 

“Bakit hindi mo ako hinintay? Sabi ko, ako na ang maglalaba,” turan nito nang madatnan niya akong nagbabanlaw ng mga  damit sa likod matapos nitong maihatid ang aming mga anak sa ekswela. 

“Okay lang, kakaumpisa ko pa lang naman at saka dapat ay hindi ka nagtatrabaho ng gawaing bahay. Day-off mo kaya dapat nagpapahinga ka,” nahihiya kong sabi nang kinuha nito ang basang damit na aking hawak at marahan niya akong hilain palayo sa batya saka ito ang umupo sa bangkito. 

“Oo nga, day-off ko. Ibig sabihin noon ay may chance akong tulungan ka rito sa bahay. Alam ko na kahit naririto ka lang sa bahay ay napakarami mong ginagawa.Pag-aasikaso pa lang sa mga  bata ay sobrang nakakapagod na.”

Mas lalong lumambot ang aking puso dahil sa kanyang sinabi. 

Hindi talaga ako nagsisisi kung bakit siya ang napili  ko sa kabila ng mga pagtuligsa ng aking mga magulang at kaibigan. 

Oo nga at walang kasal, pero tingnan mo naman kung gaano ako kaswerte na makatagpo ito.

Ganito naman talaga ito sa tuwing umuwi galing sa Manila. Gumagaan ang trabahong bahay na madalas ako ang gumagawa. Siya ang taga-luto, taga-hugas,taga-laba at kahit taga-linis  ng bahay ay siya pa rin ang gumagawa. Kumbaga, kapag narito siya ay buhay-prinsesa ako kaya sa tuwing magpapaalam ito para bumalik sa kanyang trabaho sa Manila  ay labis akong nalulungkot at humihiling na sana dumating ang araw na hindi niya  na kailangan pang umalis upang tuluyan na kaming magkasama-samang pamilya. Pero ganoon talaga, kailangan niyang kumayod  dahil lumalaki ang gastos lalo pa ilang taon na lang ay  high school na ang panganay namin. 

Nagtatrabaho si Rhaziel sa isang grocery store na pagmamay-ari ng kanyang kamag-anak sa  Maynila bilang store manager. Mataas na posisyon na rin iyon at nanghihinayang siya sa sasahurin dahil kahit papaano ay  medyo malaki kumpara sa ibang trabaho. Bukod pa roon ay mabait sa kanya ang kamag-anak nila dahil palagi siyang pinapadalhan ng mga magagandang damit at gamit sa bahay.

Hindi kami kasal kung kaya wala kaming maituturing na anniversary kung kaya  napagdesisyunan namin na ang araw kung kailan ko siya sinagot at kung kailan nag-umpisa ang aming relasyon ang siyang petsa ng aming anibersaryo. Taun-taon ay  umuuwi ito sa araw ng aming anibersaryo  at sa loob ng sampung taon ay walang palya na mayroon itong sorpresang nakahanda para sa akin. Sa taon na ito ay balak ko na ako naman ang magsorpresa sa kanya. Naging masigasig ako sa paghanap ng aking magiging regalo para sa kanya. Bumili ako ng isang mamahaling relo na mula mismo sa mga ipinapadala ni Mama sa akin. Hindi ito alam ni  Rhaziel na  nagpapadala sa akin sina Mama dahil para sa kanya, responsibilidad ng lalaki ang kanyang pamilya  at hindi dapat nanghihingi ng tulong sa  pamilya ng babae pero sadyang makulit sina Mama lalo pa at ako na lang ang naiwan dito sa Pilipinas. Kaya, sa  tuwing nagpapadala sila ay agad kong ipinapasok sa aking bangko para hindi malaman ni Rhaziel. 

Bukod sa regalo ay pinagsulat ko rin ang aking mga anak ng love letter para sa kanilang Papa bilang pasasalamat sa lahat ng kanyang sakripisyo para sa amin. Sa mismong araw ng aming anibersaryo ay maaga kaming umalis ng bahay at bumiyahe patungong Manila. Upang hindi mapurnada ang aking sorpresa ay dinahilan ko sa aking mga biyenan na pupunta kami ulit kina  Selene. Habang nasa biyahe  ay hindi ko mapigilang mapangiti habang hawak ang maliit  na box ng regalo na dala ko para sa kanya. Sa aking tabi ay ang aking mga anak na excited na rin na ipagdiwang ang anibersaryo ng aming pag-iibigan. 

Makalipas ang ilang oras na biyahe at  saktong tanghaling-tapat nang makarating kami sa subdivision kung saan pansamantalang naninirahan ang aking asawa. Isa iyong subidivision kung saan nakatira ang ilang may kaya at may higit sa limang milyon ang halaga ng isang bahay. Hindi naman lingid sa aking kaalaman na ang kanyang Tiyuhin ay nakapangasawa ng mayaman at tatlo sa apat na anak nito ay nasa abroad na habang ang isa ay nag-aaral sa pinakamahal at kilalang kolehiyo rito sa Pilipinas. 

“Kuya, si Rhaziel po?” nakangiting tanong ko sa bantay ng subdivision hindi kalayuan sa bahay kung saan nakatira ang aking asawa. 

“Kayo pala, Ma’am Via. Kakauwi lang po galing sa store,” nakangiting bati nito sa akin nang makilala ako. 

“Pwede po ba kaming pumasok?”

“Oo naman, Ma’am. Pumasok na po kayo, naroon naman si Ma’am Emilie  at Sir Paulo,” tukoy nito sa Tiya at Tiyo ni Rhaziel. 

Agad naman kaming nakapasok dahil sa ilang beses na rin kaming nakarating dito. Kahit tirik ang araw at halos mapaso ang aking mga balat ay nilakad na lang namin ng aking mga anak mula sa gate patungo sa bahay ng mga Monteverde na halos sampung metro ang layo. Ibinigay ko na lang sa aking mga anak ang payong upang kahit papaano ay hindi sila mainitan. Hingal na binuksan ko ang isang kulay gray na gate at pumasok sa loob. 

“Shhh, huwag kayong maingay mga anak ha. I-susurprise natin ang Papa niyo,” nakangiting bulong ko sa aking mga anak. Sa kabila ng pagod ng mga  ito ay ginantihan pa rin nila ako ng isang ngiti. Sandali ko silang iniwan sa sala upang hanapin ang aking asawa sa napakalaking bahay na iyon. Una kong tinungo ang kusina, likod-bahay sunod ay sa laundry  area pero wala ito. 

“Ma, sa tingin ko ay nasa itaas si Papa. Narinig ko kasi ang boses niya eh,” sabi sa akin ni Melody nang makabalik ako sa sala. 

“Talaga? Sige, pupuntahan ko. Dito muna kayo ha? Maupo  lang kayo rito at huwag kayong gagalaw ng kahit na anong gamit, naiintindihan niyo ba?” bigay ko ng panuto sa mga ito at tinuunan ng tingin si Melody upang siyang magbantay kay Rowan. Sabay na tumango ang dalawang bata. 

Marahan ang aking hakbang na nagtungo ako sa hagdan. Ngunit, sa unang baitang pa lang ay agad akong napahinto nang makarinig ako ng hindi kaaya-ayang mga himig. 

Malakas na kumalabog ang aking dibdib at tila bumigat ang aking paghinga. Muli kong tiningnan ang aking mga anak na nakatuon ang tingin sa akin. Pilit akong ngumiti sa kanila saka ako muling marahang humakbang paakyat. 

Sa bawat hakbang ko paitaas ay ang palakas na palakas na huni ng isang lalaking tila nasa gitna ng pagpapakawala ng init ng katawan. 

“Sh!t!! Aaahhhhh, ang sarap mo pa rin kahit paulit-ulit!!” boses iyon ng aking asawa kasabay ng malakas na salpukan ng mga katawan na para bang gigil na gigil ito sa kanyang kaniig. 

Boses ba talaga iyon ng asawa ko o nabibingi lang ako? Impossibleng sa asawa ko iyon. Hindi niya iyon magagawa sa akin.

Biglang nanginig ang aking katawan dahil sa aking narinig. 

Tatlong hakbang pa at tuluyan ko ng naakyat ang ikalawang palapag. Nanginginig man ang aking katawan at hindi pa rin makapaniwala sa aking unang narinig ay marahan ang aking paglakad patungo sa unang kwarto. Hindi ko pa man nararating ang p***o ay muli kong narinig ang boses ng aking asawa dahilan upang tuluyan akong mapakapit sa pader. Pagapang akong nagtungo sa p***o upang masigurong hindi ako dinadaya ng aking pandinig at makita mismo ng aking mga mata ang milagrong kanyang ginagawa.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Bound To My Neighbor's Son   Chapter 22

    NAEVIA’S POVGaya ng ipinangako ni Dravian, kasama sina Mama, Tita Clara at ang mga bata ay nagpunta kami sa isang resort sa bandang Quezon. Napakaganda ng tanawin, sariwang hangin at higit sa lahat ay napakasarap sa pandinig ang mga alon na na humahampas sa dalampasigan. Agad na tumakbo patungong dalampasigan ang mga bata dahil sa labis na pagkasabik nang makita ng mga ito ang dagat lalong lalo na si Rowan na ngayon lang nakakita ng dagat. Sa tuwing magkakaroon ng outing ang pamilya noon ni Rhaziel, madalas na private resort ang pinupuntahan namin pero kapag sa dagat na ay hindi kami pinapasama ni Rhaziel. Ang dahilan nito ay delikado umano ang dagat para sa mga maliliit na bata. Baka raw matangay ng alon at malunod. Agad kong ipiniksi sa aking isip ang alaalang may kaugnayan sa dati kong kinakasama pero sa bawat sandali na kasama ko si Dravian, kahit pa hindi ganoon katagal. Marami na itong bagay na ginawa sa akin. Mga bagay na tila nagbigay sa akin ng linaw at nagpagising sa akin

  • Bound To My Neighbor's Son   Chapter 21

    NAEVIA’S POVPagkatapos ng aming kasal ay sunod na inasikaso ni Dravian ang pagpapalipat ng mga apelyido ng mga bata mula sa apelyido ni Rhaziel at pinalitan ng apelyido niya. Hindi ko alam kung gaano kalaki o kalawak ang koneksyon ni Dravian dahil sa loob lamang ng isang araw ay agad na napabago ang apelyido ng mga bata kasabay ng pagpapalit ng apelyido ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay aabutin pa iyon ng ilang buwan at minsan ay taon bago mapalitan ang apelyido ng mga bata. Tuluyan na ring lumipat si Dravian sa bahay namin at naging kasama. “Coffee?”Hindi ko napansin ang biglaang paglapit nito sa aking tabi. Iniabot niya sa akin ang isang tasa ng mainit na kape. “Salamat,” nahihiyang sagot ko habang inaabot ang tasa. Nasa maliit na bakuran ako ngayon kung saan natataniman ng ilang mga halaman gaya ng magkahalong kulay dilaw at pulang santan. May mga nakapaso ring rosas na halos kakabili lang ni Mama mula sa merkado. Simula ng magbakasyon si Mama ay muli niyang binuhay ang aming malii

  • Bound To My Neighbor's Son   Chapter 20

    NAEVIA’S POV“Drave, paanong? “ hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil sa labis na pagkagulat nang makita ko sina Mama, Tito at Tita Clara, ang kapatid niya, si Selene maging ang aking mga anak na sina Melody at Rowan na pawang nakaayos na parang pinaghandaan at alam nila ang tungkol sa kasalang ito. “Surprise? While you’re busy, tinawagan ko na sina Mama para maghanda sila at masaksihan ang kasal natin. Ayaw ko naman na hindi nila masaksihan ang pinaka-importanteng araw sa buhay mo kaya tinawagan ko sila,” Paliwanag nito sa akin. “Pero, paano mo napapayag ang mga bata?” tanong ko pa ulit. “I’ll explain everything to you later. But for now, can we proceed to the important part? They are all here to witness the exchange of our vows,” bulong nito sa akin saka tumingin sa harapan namin. Doon ko lamang napansin na hindi lamang mga kamag-anak namin ang naroon dahil may isang pares pa ang nasa kanan kasama ang ilang mga lalaki para maging mga witness sa aming kasal. Sunod ay tin

  • Bound To My Neighbor's Son   Chapter 19

    NAEVIA’S POVAng plano ko lang sana ay bumili ng hindi kamahalan na puting damit at mag-ahit ng aking kilay saka maglagay ng make-up at lipstick para naman kahit papaano ay maging presentable ako sa araw mismo ng aming kasal ni Dravian pero hindi ko inaasahan na sa ganito kamahal na botika niya ako dadalhin. Sa sampung damit na aking sinukat, wala yata doon ang nasa 4 digits lang ang halaga. Lahat ng mga damit ay magaganda pero sobrang ganda rin ng presyo na tipong mapapaiyak ka na lang sa ganda. Plano ko sana ay pumili ng pinaka-simple at pinakamura pero hindi pumayag ang lalaking parang bakla na kasama ko na sa tingin ko’y siyang may-ari ng shop. Siya ang halos pumili ng lahat ng damit na aking sinukat. “Perfect! Simple but elegant! Paniguradong magugustuhan ka lalo ni Sir Dravian sa damit na iyan,” malapad ang ngiting sabi ng lalaki. Nagkaroon pa ng kaunting diskusyon kung saan ako magpapaayos pero kinalaunan ay ang may-ari na rin mismo ng shop ang siyang nag-ayos sa akin dahil an

  • Bound To My Neighbor's Son   Chapter 18

    DRAVIAN’S POVHindi ko napigilang sipatin ang kanyang kabuuang kasuotan. Nakasuot ito ng hapit na maong na pinaresan ng isang plain tshirt na kulay puti. Kahit na dalawa na ang anak nito ay kapansin-pansin na wala itong malaking puson hindi kagaya ng ibang mga babae na dumaan sa panganganak. Medyo mayapis ang kanyang katawan pero hindi pa rin nito naitago ang laki ng kanyang dibdib maging ang kurba ng kanyang katawan. Bigla kong ipinilig ang aking ulo nang humantong sa paghahangad at pagpapantasya sa kanyang katawan ang naging laman ng aking utak. “That jerk! Anong pinagsasabi niya na hindi kaakit-akit ang asawa niya. Mas pinili niya pa ang isang babaeng hukluban na gawa sa teknolohiya ang katawan kaysa sa asawa niyang natural ang ganda. He lost her, now she’s mine.”“I’m sorry, I don't have any intention to neglect your outfit. Wala namang problema sa suot mo dahil maganda ka naman kahit ano ang suot mo pero kung gusto mong mag-ayos, we can do that. Tatawagan ko na lang si Judge C

  • Bound To My Neighbor's Son   Chapter 17

    NAEVIA’S POV“P-Pakiulit nga ang sinabi mo? Tama ba ang narinig ko? K-Kasal natin?” gulat na gulat na tanong ko kay Dravian. “Yeah. Kasal natin,” seryosong sagot nito habang nakatingin sa akin. “Papaanong ikakasal? Eh, ngayon lang tayo nag-usap at ngayon lang din ako nakapagdesisyon,” naguguluhang tanong ko sa kanya. Paanong ikakasal samantalang hindi man lang kami naka-attend ng seminar at wala rin akong CENOMAR na ibinigay sa kanya.“Actually, Tita Sara prepared all the things we needed for this wedding. It’s their idea actually, isama mo na si Mama. Sila na ang nag-asikaso mula sa mga papel pati na rin ang judge na magkakasal sa atin.” Hindi ito makatingin sa akin habang nagsasalita at kinakamot ang kanyang batok. “Si Mama ang nagplano ng lahat ng ito?”“Huwag mong masamain, Via. Mali ang iniisip mo. Sa totoo lang, namomroblema rin si Tita Sara kung paano niya maililigtas mula sa diskriminasyon ang mga bata dahil sa ginawa ng ama nila. She said, she can’t bear hearing rude things

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status