NAEVIA’S POVDalawang taon na nang mawala si Papa at dalawang taon na rin simula nang umalis si Mama ng bansa at sumama kay Kuya Theon sa Amerika. Masama ang loob sa akin nina Mama dahil sa ginawa kong pakikipagrelasyon kay Rhaziel, pero mas lalong sumama ang kanilang loob nang malaman na sa kabila ng sampung taon na pagsasama namin ni Rhaziel at pagkakaroon ng dalawang anak ay hindi niya pa rin ako magawang pakasalan. “Hay Naku, Naevia. Sadyang bulag ang pag-ibig, ano? Bakit hindi ka pa rin mapakasalan ng lalaking iyan? Dalawa na ang anak ninyo, ilang taon na lang ay nasa high school na si Melody pero hanggang ngayon ay ganyan pa rin estado ng relasyon ninyo. Ano, magiging bastardo ang mga apo ko? Aba, Naevia. Kung ganyan lang din mas mabuti pa na hiwalayan mo na ang lalaking iyan,” sermon na naman sa akin ni Mama nang tumawag ito sa akin. “Ma naman. Wala pa pong sapat na ipon para sa kasal, at saka hindi naman kailangan iyon. Mabait naman si Rhaziel at responsableng ama at asawa,
Terakhir Diperbarui : 2026-07-10 Baca selengkapnya