Home / Romance / Bound by His Promise / CHAPTER 44 — The Line Between Us

Share

CHAPTER 44 — The Line Between Us

Author: elora_chinxx
last update Huling Na-update: 2025-12-01 07:48:59

RHEA’S POV

Tahimik ang penthouse sa gabi. Masyadong tahimik para sa isang lugar na dapat ay ligtas.

Nakatayo ako sa harap ng salamin, nakatitig sa sariling repleksyon. Mukha akong buo sa labas—maayos ang buhok, maayos ang tindig. Pero sa loob ko, parang may humihila sa dalawang magkaibang direksyon.

Si Lucas.

Ang katotohanan.

Ang alok ni Vice Chairwoman Serrano.

Paulit-ulit sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya sa private call kanina:

“You don’t have to die a hero, Rhea. You can live… if you choose wisely.”

Naramdaman ko ang bigat ng presensya sa likod ko.

“Hindi ka pa rin natutulog,” sabi ni Lucas.

Lumingon ako. Nandoon siya sa may pinto, nakasandal, hawak ang isang baso ng tubig. Kita ko ang pagod sa mata niya, pero mas malinaw ang pag-aalala.

“Hindi ako makatulog,” sagot ko. “Parang may kulang sa hangin dito.”

Lumapit siya. Dahan-dahan. Parang takot na baka umatras ako.


Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Bound by His Promise   CHAPTER 44 — The Line Between Us

    RHEA’S POVTahimik ang penthouse sa gabi. Masyadong tahimik para sa isang lugar na dapat ay ligtas.Nakatayo ako sa harap ng salamin, nakatitig sa sariling repleksyon. Mukha akong buo sa labas—maayos ang buhok, maayos ang tindig. Pero sa loob ko, parang may humihila sa dalawang magkaibang direksyon.Si Lucas.Ang katotohanan.Ang alok ni Vice Chairwoman Serrano.Paulit-ulit sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya sa private call kanina:“You don’t have to die a hero, Rhea. You can live… if you choose wisely.”Naramdaman ko ang bigat ng presensya sa likod ko.“Hindi ka pa rin natutulog,” sabi ni Lucas.Lumingon ako. Nandoon siya sa may pinto, nakasandal, hawak ang isang baso ng tubig. Kita ko ang pagod sa mata niya, pero mas malinaw ang pag-aalala.“Hindi ako makatulog,” sagot ko. “Parang may kulang sa hangin dito.”Lumapit siya. Dahan-dahan. Parang takot na baka umatras ako.

  • Bound by His Promise   CHAPTER 43 — The Offer

    RHEA’S POVHindi ako pinatulog ng alok niya.Hindi dahil sa takot lang—kundi dahil sa paraan ng pagkakasabi niya.Him… or the truth.Parang isang pagpiling hindi dapat pag-isipan. Parang ang dali. Pero alam kong ang gagawin kong sagot ay may kapalit na buhay, dangal, at pag-ibig.Nasa isang bagong safe unit na kami. Mas maliit. Mas tahimik. Mas… nakakakulong. Isang condo sa gitna ng city, pero sarado ang mga kurtina, naka-jammer ang signal, at may dalawang armadong guwardiya sa labas ng pinto.Nakaupo ako sa gilid ng kama, nakatitig sa bintana na hindi ko makita ang labas.Biglang bumukas ang pinto.Si Lucas.Tahimik siyang lumapit. Hindi siya nagsalita agad. Umupo lang siya sa harap ko, mabagal, parang ayaw akong gulatin.“Hindi ka pa rin natutulog,” sabi niya.Umiling ako. “Ikaw rin.”Tumango siya. Ilang segundo kaming parehong tahimik.Hanggang sa siya an

  • Bound by His Promise   CHAPTER 42 — First Strike

    LUCAS’ POVHindi sapat ang galit para manalo ng digmaan.Kailangan ng galaw.Alas-tres pa lang ng umaga, gising na ako sa safe house. Naka-on ang mga laptop sa harap ko, tatlong magkakaibang network ang sabay kong sinusubaybayan—stock movements, political donations, at shell companies na konektado sa pangalan ng tiya ko.“This is it,” bulong ko sa sarili ko.Ang unang tatamaan: Serrano Biotech, ang pinaka-mahinang link sa imperyo niya. Doon dumadaan ang majority ng off-book funds para sa illegal research.Lumabas si Jake mula sa kabilang kwarto, may dalang kape. “You haven’t slept.”“Hindi pa puwedeng matulog,” sagot ko. “Not today.”Ipinasok ko ang command. Sa loob ng ilang segundo, nagsimulang magsi-collapse ang stock price ng Serrano Biotech sa international market—sunod-sunod na sell-off mula sa mga dummy accounts na matagal ko nang inihanda.“Market crash in three… two—” sabi ko.Tumunog a

  • Bound by His Promise   CHAPTER 41 — “lCountermove

    RHEA’S POVTahimik ang biyahe papunta sa safe house.Hindi ‘yung klase ng tahimik na nakakarelax—kundi ‘yung klase na punô ng mga tanong na walang gustong mauna sa pagsagot.Nasa backseat ako ng SUV, katabi si Lucas. Sa unahan, si Jake ang nagmamaneho. Walang escort. Walang sirena. Parang mga ordinaryong tao lang kaming umuuwi galing sa mahabang araw. Pero alam naming lahat—wala nang ordinary sa buhay namin simula kagabi.“Where exactly are we going?” mahina kong tanong.“Old Serrano property sa labas ng city,” sagot ni Jake. “Decommissioned. Off the grid. Walang signal leaks.”Ironiya. Property pa rin ng pamilya nila ang magtatago sa amin mula sa mismong pamilya niya.Hinawakan ni Lucas ang kamay ko. Mahigpit. Parang may nais siyang ipasa sa akin na tapang sa pamamagitan ng balat.“Pagdating natin doon,” sabi niya, “may kailangan akong ipakita sa’yo.”Hindi ko na tinanong kung ano. Pakiramdam ko, anuma

  • Bound by His Promise   CHAPTER 40 — The Aftermath

    RHEA’S POV Parang walang tunog ang mundo pagdilat ko ng mata. Puting kisame. Amoy ng disinfectant. Tunog ng makina na paulit-ulit lang ang ritmo. Ilang segundo muna ang lumipas bago ko tuluyang naintindihan— nasa ospital ako. “Lucas…” Mahina lang ang boses ko pero parang may sumagot agad. “He’s fine.” Boses ni Jake. Dahan-dahan akong lumingon. Nakatayo siya sa tabi ng kama, may pasa sa gilid ng noo at may benda sa braso. Mukha siyang puyat—hindi lang sa kulang sa tulog, kundi sa bigat ng mga iniisip. “Nasaan siya?” ulit ko. “Sa kabilang kwarto. Minor head trauma lang. Conscious siya kanina.” Napapikit ako. Biglang bumuhos ang lahat—ang takbuhan sa tunnel, ang putukan, ang chopper, ang mga matang nakatutok sa amin mula sa ibaba. Biglang nanginginig ang katawan ko. Hindi ko napigilan. Umiyak ako.

  • Bound by His Promise   CHAPTER 39 — Extraction

    RHEA’S POVHindi ko alam kung gaano na kami katagal na tumatakbo sa makitid na maintenance tunnel sa ilalim ng old corporate wing. Basang-basa ang damit ko sa pawis, humahabol ang hininga ko, at pakiramdam ko anumang oras ay babagsak na ang tuhod ko.“Rhea, huwag kang titigil,” pilit na mahinahon ang boses ni Lucas sa likod ko kahit ramdam kong pagod na rin siya. Hawak niya ang kamay ko, mahigpit, parang doon niya binubuhos lahat ng tapang na wala na sa katawan ko.Sa unahan namin si Jake—nakatingin sa likod paminsan-minsan, baril sa isang kamay, flashlight sa kabila. Ang anyo niya ngayon, malayo sa lalaking unang nakilala ko noon. Mas seryoso. Mas mabigat ang dala.“Extraction point in two minutes,” sabi niya sa earpiece niya, mababa ang boses. “Please tell me andito pa ang team.”Static lang ang sagot.Kinabahan ako. “Jake… wala bang backup?”Saglit siyang tumingin sa akin. Sa mata niya, may kung anong hindi ko mabasa—

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status