Bound by His Promise

Bound by His Promise

last updateLast Updated : 2025-10-13
By:  elora_chinxxUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
6views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Rhea Santos thought she had it all a stable job as a marketing executive, a loving boyfriend, and a future she’d already planned in her head. But one night shattered everything. After catching her boyfriend cheating, Rhea swore never to cry again. She wanted closure, not revenge. Until a mysterious stranger began sending her messages: “You don’t deserve tears, Ms. Rhea. You deserve revenge.” She ignored them until she met her new CEO, Lucas Monteverde. Cold. Powerful. Mysterious. And he knows more about her pain than he should. As Rhea gets pulled into Lucas’s world of secrets, contracts, and dangerous passion, she begins to question: Was he sent to save her… or to destroy her completely?

View More

Chapter 1

PROLOGUE – The Night I Should’ve Walked Away

Rhea Pov:

Akala ko ba… mahal mo ako?”

The words came out soft, halos pabulong lang, pero sa loob-loob ko, parang sumabog ang dibdib ko.

I was standing in the middle of Jake’s condo — the place that used to feel like home. Ngayon, parang bangungot na gusto kong takasan. Ang lamig ng aircon, pero pawis na pawis ako sa kaba at sakit.

Sa harap ko, si Jake. Half-naked, his hair messy, at sa likod niya — a woman wearing nothing but his oversized white shirt. The same shirt I gave him last Christmas.

“Rhea, please… let me explain—”

“Explain?” natawa ako, pero ramdam ko ‘yung panginginig ng labi ko. “Anong gusto mong i-explain, Jake? Na nalasing ka lang? Na hindi mo sinasadya?”

Tahimik siya. He couldn’t even look me in the eye. The silence between us was louder than any excuse he could’ve made.

“You said you were busy with work,” tuloy ko, pilit na pinapakalma ‘yung boses ko kahit parang gusto ko nang sumigaw. “I believed you. I even brought food kasi akala ko pagod ka.”

Binaba ko ang paper bag sa mesa. It was still warm — sinigang, his favorite. Nakakatawa, kasi habang nagluluto ako kanina, ang saya ko pa. Excited.

Hindi ko alam na sa oras na ‘yon, may ibang babae na pala siyang niluluto ng dahilan.

“Rhea…” lumapit siya, pero umatras ako agad.

“Don’t.”

Isang salita lang, pero naramdaman kong napako siya sa kinatatayuan niya.

“Don’t you dare touch me, Jake. You already touched her. Huwag mo na akong idamay sa dumi mo.”

Narinig kong umiyak ‘yung babae sa likod niya, pero hindi ko siya tinignan. Hindi ko siya kailangang makita. Hindi ko kailangang marinig.

Ang gusto ko lang sa moment na ‘yon — makawala.

“I gave you everything,” sabi ko, halos pabulong. “I trusted you with everything I had. My time, my heart, my dreams… lahat.” Napangiti ako nang mapait. “And this is what I get? A pathetic scene straight out of a cheap movie?”

Jake looked down. “I made a mistake.”

“Mistake?” Umiling ako. “No. A mistake is forgetting an anniversary. A mistake is being late for dinner. But sleeping with someone else— that’s a choice, Jake.”

Parang naubos ‘yung hangin sa katawan ko. Ang bigat ng mundo.

I wanted to cry. I wanted to scream. Pero ang ginawa ko lang… tumalikod ako.

“You don’t deserve an explanation,” sabi ko habang binubuksan ko ‘yung pinto. “You don’t deserve my tears.”

At umalis ako.

Ang lakas ng ulan sa labas. Parang gusto akong sabayan ng langit sa pag-iyak.

Sumakay ako ng taxi, tahimik lang habang pinapanood ang mga patak ng ulan sa salamin. Lahat ng alaala ni Jake, parang sumasabay sa bawat patak — yung unang beses niyang hinawakan kamay ko, yung unang “I love you” niya, yung mga gabi na sabay kaming nagkakape habang pinaplano ang future.

Walang naiwan.

Lahat ng ‘yon, nilamon ng isang gabi ng kataksilan.

Pag-uwi ko sa condo, diretso ako sa banyo. Nagtanggal ako ng makeup, pero habang nakatingin ako sa salamin, hindi ko makita ‘yung sarili kong dating ako.

I looked broken.

Hindi na ako ‘yung confident marketing executive na kayang mag-handle ng kahit anong client. Hindi na ako ‘yung babaeng palaging naka-smile sa office kahit stress.

“Ang tanga mo, Rhea,” bulong ko sa sarili ko.

“Ginawa mong mundo ang taong ginawang laro ka lang.”

Kinabukasan, hindi ako nakatulog. Ang dami kong iniisip. Pumasok pa rin ako sa trabaho kahit obvious na swollen ‘yung mata ko.

“Girl, are you okay?” tanong ni Mae, officemate kong super close sa akin.

I just smiled weakly. “I’m fine. Just tired.”

Pero alam kong hindi ako convincing.

At some point, hindi ko na kayang magpanggap. So I went to the rooftop after lunch — my quiet place.

Tinignan ko ‘yung city lights kahit tanghali pa. Ang ingay ng paligid, pero sa loob ko, tahimik.

Walang sigaw, walang luha.

Just numbness.

Ang daming what ifs sa utak ko.

What if hindi ko siya minahal ng ganun ka-todo?

What if I didn’t give him everything?

Would it still hurt this much?

Pag-uwi ko, tahimik lang ‘yung unit ko. Binuksan ko ang phone ko, nag-scroll sa gallery, tapos isa-isa kong dinelete ‘yung pictures namin.

Lahat ng sweet moments, goodbye.

Pero bago ko tuluyang i-off, may pumasok na unknown text.

> Unknown: You don’t deserve tears, Ms. Rhea. You deserve revenge.

Napakunot noo ako.

Sino ‘to?

Wala akong idea. Hindi ko binibigay number ko kung kani-kanino.

Pero ang weird — tinawag niya akong Ms. Rhea, the way people at work do.

Binura ko lang muna ‘yung message. Baka prank lang.

Pero kinabahan ako. Hindi dahil sa takot… kundi dahil sa kung ano ‘yung na-trigger na pakiramdam sa loob ko.

Revenge.

It’s such a dangerous word.

Pero sa gabing ‘yon, parang naging comforting siya. Parang mas madaling intindihin ‘yung galit kaysa tanggapin ‘yung sakit.

Three days later.

Bumalik ako sa office, this time naka-red lipstick at naka-heels na matagal ko nang hindi ginagamit. Gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong bumangon.

Everyone was staring.

“Wow, fierce ka today ah,” sabi ni Mae. “New woman unlocked?”

Ngumiti lang ako. “Something like that.”

Pero sa loob-loob ko, hindi ako okay pa rin.

Ginagawa ko lang lahat para magmukhang matatag. Kasi minsan, kapag nasaktan ka ng sobra, acting strong is the only thing you can control.

Habang naglalakad ako papunta sa elevator, may humabol sa akin — si Eric, assistant ng HR.

“Ms. Santos, good morning! The CEO will be arriving today. He asked for the full marketing performance report by end of day.”

“Noted,” sagot ko. “Ako na bahala doon.”

“Thanks! Oh, by the way, he requested to meet the department heads tomorrow morning. I think you’re on the list.”

Tumango lang ako, trying to sound calm.

New CEO? Nice timing.

Perfect distraction.

Pagdating ng gabi, hindi pa rin ako makatulog. I poured myself a glass of wine, lumabas sa balcony, at tinitigan ang mga ilaw ng siyudad.

Somewhere out there, Jake might still be living his best life, habang ako— I’m stuck picking up the pieces.

Ang sakit tanggapin na minsan, kahit gaano mo kamahal ang isang tao, hindi ka pa rin niya pipiliin.

Pero habang iniisip ko ‘yon, biglang nag-vibrate ulit ang phone ko.

Same unknown number.

> Unknown: He doesn’t deserve forgiveness. But you… you deserve power.

Napahigpit ang hawak ko sa phone.

This wasn’t just a prank. Whoever this was — they knew something.

And deep down, may parte sa akin na gustong sumagot.

Gustong malaman kung sino siya.

Gustong malaman kung paano niya alam kung anong nangyayari sa buhay ko.

Pero sa halip, nagsend lang ako ng simpleng reply:

“Who are you?”

No response.

Tumigil ako. Nilapag ko ang phone sa mesa, huminga nang malalim.

Sa unang pagkakataon mula noong gabing ‘yon, hindi ako umiyak.

Wala nang luha, wala nang habag.

Kundi puro tanong.

At isang tahimik na pangako sa sarili: I will never be that broken again.

The Next Morning

Bago pa man mag-8AM, nasa office na ako. Maagang meeting with the CEO, sabi ni Eric. I needed to look my best — not for Jake, not for anyone else, but for me.

Pagpasok ko sa conference room, lahat ng department heads tahimik.

Tumingin ako sa pinto, at doon ko siya unang nakita.

Tall, dark suit, sharp jawline, cold expression.

The kind of man na kahit hindi magsalita, ramdam mo agad ‘yung authority.

“Good morning, everyone,” his voice was calm but commanding. “I’m Lucas Monteverde. Starting today, I’ll be overseeing your department directly.”

Our eyes met for a second.

At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang nag-freeze ‘yung mundo ko.

He looked at me longer than necessary.

Then, a small smirk.

“Ms. Santos,” sabi niya. “I’ve heard a lot about you.”

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin noon — compliment ba ‘yon o warning?

Pero isa lang ang sigurado:

That look in his eyes…

It wasn’t just curiosity.

It was something else.

Something dangerous.

Pagbalik ko sa desk ko, binuksan ko ang phone ko.

May isang unread message.

Same unknown number.

This time, may pangalan sa dulo.

“You don’t deserve tears, Ms. Rhea. You deserve revenge.

– L.M.”

At doon ko lang napagtanto

the man behind those texts…

was sitting in the CEO’s office.

Lucas Monteverde.

The stranger who somehow knew my pain

and would soon become the reason for my next heartbreak.

Or maybe…

my salvation.

End of Prologue

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status