HALOS lumabas na ang araw pero gising pa si Lara. Pagdating talaga sa passion niya wala itong pinalalagpas. Isa siyang fashion designer sa isang sikat na clothing and fashion company. Ito ang ZARA. "Lara.." Tawag ni Elton ng makitang bukas pa ang ilaw at wala pa sa tabi niya si Lara. Dito sa Pilipinas may extension company ang ZARA na wala pang isang taon mula ng maitayo at magbukas. Pinalad siyang matanggap bilang isa sa mga designer ng nasabing company. "Umaga na.. Hindi ka pa ba matutulog?" Sambit ni Elton kasabay ang paghalik sa pisngi niya. "Patapos na ko.."Tanging sagot niya at nakatuon pa din sa ginagawa. "Kapag kasal na tayo.. Hindi mo na kailangan mapuyat ng ganito." Isang bagay na nagpahinto sa pagiging abala niya. Humarap siya kay Elton. "Anong ibig mong sabihin? Hindi porket magpapakasal tayo, hindi na ko magtatrabaho, Elton. Alam mo namang pangarap ko to. Happiness ko.." "Ano ka ba... Mas okay kung magkakaroon ka ng maraming time sa akin at sa magiging pamilya nat
NATAPOS ang buong araw ni Lara at inaya siya ni Krizzy na uminom ng kaunti. "Sige na.. I know a place. Para maiba naman yang awra mo. Ilang araw na kitang napapansin na parang wala sa old Lara.." Pangungulit ni Krizzy sa braso niya. "Hahanapin ako ni Elton. Kilala mo naman yun diba.." "Mismo.. Kilala niya ko. Alam niyang safe ka sakin so halika na.." Hindi na siya nito tinigilan at hinila hanggang makasakay sila ng taxi. "San ba tayo pupunta? Sandali lang ako huh. Hindi ako pwedeng magtagal..." Hayag niya sa kaibigan ng nasa loob na sila ng sasakyan. "Asus.. Nag aaway din naman kayo halos araw araw na ata so lubos lubusin mo na.. Ito naman. Hindi naman kayo maghihiwalay.." Litanya ni Krizzy. "Sana nga maghiwalay na lang.." Mahinang naibulilas nito. "Huh?! Anong sabi mo?" Napatingin itong nagulihanan sa hindi malinaw na narinig ng kanyang tenga. "Wala.. Hindi ka ba hahanapin ni Enzo?" Pag iiba niya. "Nag chat naman ako. Alam naman niyang ikaw ang kasama ko. Hindi naman yun gaya
NAPAANGAT ng tingin si Lara ng bigla na lang tumambad sa harapan niya si EL. Nakatayo itong nakatitig lang sa kanya. "Can we join? Lara? Right?" Parang isang malakas na kalampag ang gumising sa natutulog na diwa ni EL at napatingin sa kaibigan."Kilala mo ako?!" Bumalin naman si Lara kay Alyah. Ang totoo nagbaka sakali lang ito at hindi naman talaga niya kilala kung sino ang Lara na isang beses niya lang narinig mula kay EL. "No.. Nakita ko lang yung pict..." Agad itong pinigilan ni EL."Upo kayo.. "Alo naman ni Krizzy ng mapansing tila walang balak si Lara na paanyayahan ang dalawa. "Upo raw tayo.." Sambit ni Alyah sa kaibigan na wala pa ding imik. "Hello.. I'm Rollan.." Pagpapakilala ni Alyah. Muling napatingin sa kanya si EL sa pagtataka. Naging diretso din kasi ang boses nito na kung hindi mo kilala hindi mo talaga aakalaing gay pala ito. "I'm Krizzy.. And you are?" Sagot niya kay Alyah saka bumalin kay EL. Saka pa lang ito humarap. "EL.." Inabot niya ang kamay para makipag h
Banayad niyang itinulak si EL palayo sa kanya pero walang nangyari at nag bounce back pa nga sa kanya. "You won't marry him.." Tutok ang matang saad ni EL sa kanya. "At sino ka naman para sabihin yan? Please lang EL.. Wag mong gawing kumplikado..." Tinakpan ni EL ang labi niya gamit ng labi nito. Sandaling tila huminto ang paligid ni Lara at dahang pumikit ang mga mata. Tanging ang paggalaw ng mga labi ni EL ang siyang naging buhay na buhay sa mga oras na iyon. "OH! FUCK!" Nanlaki ang mga matang naibulilas ni Krizzy sa naaktuhan ng maitulak niya pabukas ang pinto. Agad namang humiwalay si Lara kay EL. Sunod ang paglabas nito ng banyo. "So-sorry.." Nauutal na hayag ni Krizzy bago sinundan ang kaibigan. "Lara.. Okay ka lang?" Habol niya sa kaibigan. Hindi ito nagsalita at tanging pagpatak lang ng mga luha ang naging klaro. "Lara.." Muling tawag ni Krizzy sa kanya pero nagpatuloy lang siya sa paglakad hanggang makalabas ng bar at agad na sumakay sa taxi na nakita. Napasubsob si
"Please, EL.. Wala akong mapupuntahan.." Pagsusumamo nito. Hindi iyon pinansin ni EL at pumasok ng bahay niya. Mas lalo siyang nainis ng makita ang mga gamit ni Deena sa sala niya. "What the heck, Deena?? You can't stay here, FOR GOD SAKE!" Usal niya. Nauubusan na siya ng pasensya. "Maaatim mo bang ipagtabuyan ako? Kahit bilang kaibigan na lang, EL. I have no where to go, please.." Marahas na hangin ang muling kumawala sa kanyang dibdib sa sitwasyung ibininigay sa kanya ni Deena. "FINE! But please.. Maghanap ka kaagad ng malilipatan.. Hindi ka pwede dito.." Muling paliwanag ni EL. "Bakit? Dahil ba sa babaeng yun? Nag aalala ka sa pwede niyang isipin?? Bakit girlfriend mo na ba yun? TELL ME, EL!" Bahagya ng tumataas ang boses nito. "Sana nga.. I like her, Deena. Kung pwede lang.."Pagtalikod nito saka umakyat ng hagdan patungo ng kanyang kwarto. "Use the guest room."Pahabol niyang sigaw kay Deena. "Malaking sakit sa ulo nga yan.. Anong plano mo?" Tanong ni Alyah sa kabilang lin
IYON ang naging huling pag uusap ni EL at Lara. Ibinabad ni EL ang sarili sa trabaho at ganun din si Lara. Bilang na ang mga araw at nalalapit na ang kasal nila. "Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sayo.." Humahangos si Alyah ng makalapit kay EL. "Huh?!" "That guy.. Our client.. Galing siya dito kanina.. Ikaw ang hinahanap niya.." Hinihingal pa na paliwanag ni Alyah. Hindi naman maintindihan ni EL kung anong mga sinasabi niya. Inabot ni Alyah ang wedding invitation. Punit ang mukhang tinignan niya ito. Parang tarak sa dibdib niya ng mabasa ang pangalan ni Lara Austin at Elton Anderson. "He's inviting you sa kasal nila. Tang ina! Ang liit ng mundo, EL. Wag kang pumunta kung ako sayo.." Pigil sa kanya ni Alyah pero buo na ang desisyon niya. Kung iyon ang makakapag pasaya kay Lara ay susuportahan niya. "I'm going.." "What?? Si Lara yun, EL. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Naiintindihan mo ba ang gagawin mo?" Kontra nito sa kanya. "This is what she wants. Ang ipakita sakin, ipam
"Sigurado ka na ba?!" Usisa ni Krizzy ng nasa isang restaurant sila ni Lara habang nag lulunch. "Oo naman. Ano bang tanong yan.. Gaya ng sinabi mo piliin ko kung anong makakapag pasaya sakin.." "Masaya ka ba talaga?!" May bakas ng lungkot sa boses ni Krizzy. "Oo naman. I'm happy.. Isang pamilya ang gusto ko, Krizzy.." "At hindi maibibigay ni EL kaya si Elton ang pinipili mo??" Natigilan si Lara sa sinabi nito. Sandaling bumalik sa ala ala niya si EL. Matagal na din niya itong hindi nakita pa ulit matapos ng huling tagpo nila. "Okay.. Sabihin na natin isa yun sa dahilan. Pero mahal ko si Elton, Krizzy at yun ang malinaw at sigurado ako.." "Ei si EL? Wala ka bang naramdaman sa kanya?!" "Alam mo hindi kita maintindihan. Ngayon na okay na ang lahat parang gusto mo akong magdalawang isip nanaman.." "Hindi sa ganun. Gusto ko lang maging sigurado ka.. Hindi mo na ba siya naiisip? Minsan nahuhuli kitang tulala, Lara.." "Wow.. Inoobserbahan mo na pala ko ngayon.." "Nag aalala lang a
PABALIK na si Lara at Krizzy sa trabaho nila ng magtanong si Lara sa kanya. "May relasyon ba kayo??" Nagulantang bigla si Krizzy sa tinuran ni Lara. Humarap siya rito agad. "Of course not.. Wala no.." "Ei ano yung nakita ko? Ikaw Krizzy.. Ako na nagsasabi.. Base on my personal experience.. Mahirap yan.." Isang hampas naman agad ang ginawad niya kay Lara. "Maghunos dili ka, Lara.. Ano ba yang sinasabi mo.. Walang something samin nu.. Ikaw ang may dapat ipaliwanag sakin.. Ano yun? Huh?" "Ang alen?!" "Ano pa? Yung pagluha mo.. Obvious that you care for her that much.." Agad na bumawi ng tingin si Lara sa sinabi nito. "Tell me.. Wala ka ba talagang nararamdaman para duon sa tao?" "Anong point mo, Krizzy. Mababaw lang ang luha ko. Naaksidente yung tao. Normal lang yung naging reaksyon ko. Malisyoso ka lang talaga..." "Sino kaya sa atin? Aber! Nakita mo lang kaming nagyakap ni Alyah kung anu ano na agad yang mga nasa isip mo.." "I did not know close ka sa kanya. Tayo nga na years