Share

Chapter 1

Present Time

"Lory let's go." Adeline said, habang hawak nito ang balikat niya. Walang emosyong Inilibot niya ang paningin at nakitang sila Gracelyn, Chloe at Lexie nalang ang kasama niya.

Habang kanya-kanya namang alis ang mga taong nakidalo sa libing ng daddy niya. Simula nong unang araw ng lamay at hanggang ngayon ay hindi pa siya naka-iyak. 

Tila ba ang mabigat na dala-dala sa dibdib ay hindi kayang pawiin ng luha niya. Wala siyang ibang maramdamdaman kundi ang kakaibang lungkot at sakit sa kaalamang wala na ang nag-iisang taong aagapay sakanya. 

"You left me too soon dad. You never even give me a chance to tell you my secret." She mentally said.

"Lory let's go, uulan na baka mabasa pa tayo at magkasakit ka pa." Rinig niyang sabi ulit ni Adeline sakanya. 

Hindi pa sana siya gagalaw ng lumapit sakanya ang tatlo at puno ng pagdadalamhati at pag-aalala ang mga mukha na nakatingin sakanya.

"Lory—"

"I know." Putol niya sa sasabihin ni Gracelyn bago binigyan ng huling tingin ang libingan ng daddy niya. 

She made a promise to herself na hahanapin niya ang taong naging dahilan ng pagkamatay ng daddy niya. At pag nahanap niya ito, babalatan niya ito ng buhay hanggang sa magsisi itong isinilang pa ito sa mundong ibabaw.

She is hurting inside and anger is consuming her to the point that she was imagining the man who's behind her father's death being tortured by her own hands.

She firmly close her hand as she remembered what happened to her father. Tila ba ang nangyaring krimen ay kahapon lamang na naganap. At palit-ulit iyong pumapasok sa utak niya. 

"It's gonna be okay Lorraine, nandito lang kami." Malumanay na sabi ni Chloe sakanya. Na bahagyang nagpakalma sakanya bago binigyan ito ng kiming ngiti at malumanay na tiningnan ang mga kaibigan. 

She's thankful that her friends presence is in there to make her sane. Atleast even she is mourning for his father's death, nandoon ang mga ito na umaagapay sakanya. 

"Thank you." Aniya sa mga ito na gumanti naman nang bahagyang ngiti sakanya. She was really grateful to them na nandoon ang mga ito na handang damayan siya hindi lang sa gulo kundi pati sa panahon ng kahinaan niya.

And thinking the life without them made her weaker and seems so lost in this world. Kung wala ang mga ito ano nalang ang mangyayari sakanya.

Napabuntong hininga na lamang siya sa naisip. Hindi man niya gawain ay nagpaagapay siya sa mga itong maglakad ng maramdaman sa balat ang patak ng ulan.

Walang imik ang mga kaibigan niya sa loob ng sasakyan, habang binabaybay ang daan papuntang mansiyon. 

The silent is giving her comfort, habang tinitignan ang bawat patak ng ulan na dumadaloy sa bintana ng sasakyan.

She was thinking a lot of things. Too many, that she felt so heavy inside. Ngayong wala na ang daddy niya, nalilito siya kong papano sisimulan ang buhay na hindi na niya ito kasama. 

Sa kaalamang 'yon ay napakuyom ang kamao niya ng unti-unting naramdaman sa dibdib ang labis na lungkot at pangungulila niya sa Ama.

She was left behind with wealthy. Yet it doesn't give her any comfort at all. Now that he's father is dead all his riches would be automatically transferred to her name. 

Dahil siya lang naman ang nag-iisang anak at pamilya ng daddy niya. 

Though lumaki siyang walang kinikilalang ina hindi naging dahilan yon para magdamdam siya sa Ama, hindi nito gustong e kwento ang mommy niya sakanya and she respect him for that. 

Hindi naman ito nagkulang sakanya lahat ng pagmamahal nito ay ibinuhos nito sakanya. Ito pa nga at lahat ng mga assets at pera nito ay sakanya lahat ipinangalan. Kahit pwede naman nitong ibigay lahat iyon sa charity na parati nitong ibinibiro sakanya. 

She was thankful, sa kaalamang kahit wala na nga ito ay siya parin ang inaalala nito sa huli. Napalingon naman siya ng maramdaman ang mainit na kamay na nakahawak sa palad niya. And found out it was Lexie.

She didn't say anything and just close her eyes. Napaidlip naman siya ng dahil don, at nang magising ay nasa sariling kwarto na siya. 

It was already 5:30 pm when she look at her alarm clock. Pero mukhang gabi na dahil sa makulimlim at malakas na ulan sa labas. 

"Thank God you're already awake." Agad namang na baling ang tingin niya sa may pinto ng bumukas iyon at bumungad sakanya ang nakangiting si Chloe. "let's go downstairs nandon sina Adeline sa baba nang gugulo sa kusina. Gusto mo bang sumali." Malokong sabi nito sakanya. 

Gulat man sa kaalamang nandoon parin ang mga ito ay tumayo na lamang siya at nagmamadaling nagbihis ng komportable ng makitang hindi pa siya nakapagbihis. 

Nang lumabas siya sa banyo ay nakita niyang nakaupo ito sa kama niya at naghihintay sakanya. Nang makitang ayos na siya ay sabay na silang bumaba at dumeretso sa kusina. 

Bahagyang napangiti siya na ng makitang may nakalagay na iba't ibang putahe ng ulam sa mesa na ang iba ay paborito pa niya. 

Kita niyang tulong-tulong ang mga kaibigan niya sa pag-ayos ng mesa. Na akala niya ay aabutan nga talagang magulo pero hindi naman pala. 

Napahinto ang mga ito sa ginagawa ng malakas na tumikhim si Chloe at hinila siya papaupo sa bakanteng upuan. 

"Naku senyorita Lory, kumain po kayo ng marami at ang mga kaibigan niyo po ang nagluto niyan." Sabi ni manang fe na may hawak na isang kaning pinggan at nakangiting inilagay iyon sa mesa.

Tumango na lamang siya sa mga ito. Masaya siyang malamang nanatili ang mga ito, at hindi talaga umuwi para lang samahan siya. "I'm really glad that you stay guys." Aniya sa isip na hindi na isinatinig. 

She is not really that showy pero alam nang mga ito kong okay lang siya, at masaya pag ngumingiti lamang siya ng bahagya. 

Other people easily judged her for being so stoic, na minsan ay nagiging dahilan pa nang gulo. But she didn't mind that, ganoon siyang lumaki at kung ayaw ng tao sakanya nang dahil doon so be it, hindi naman niya pinipilit. 

Isa pa her friends already know what kind of person she is. And they accepted it, of who she was and the kind of personality that she have. 

And she is very much thankful with that thought. Hindi lang basta kaibigan ang turing niya sa mga ito, kundi Pamilya niya rin. Kaya hindi niya mapapayagang pati ang mga ito ay mawala sakanya. 

"Hindi na kami umalis, kita mo naman ang lakas ng ulan sa labas. Isa pa si manang Fe at si kuya Temyo lang kasama mo rito, maganda yong nandito kami para may kasama kang magaganda na matutulungan ka dito." Sabi ni Lexie na umupo narin na sinundan naman ng tatlo. 

"Tama, atsaka dito na muna kami mang gugulo sawa na kasi kami sa mga bahay namin." Gracelyn said. 

"Alam ba ito nila tita..?" Tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga magulang ng mga ito. She was mentally thanking them now, dahil alam niyang gumagawa lang ang mga ito ng alibi para manatili sa mansiyon at samahan siya.

"Ahuh, so don't worry at kumain ka nalang." Sabi ni Adeline at nagsimulang lagyan ng pagkain ang plato niya. 

"Tomorrow would be our first day in VU. Malaking adjustment na naman to para satin, so sana naman maging maganda ang unang araw natin bukas." Gracelyn said. 

Naalala naman niya ang rason kung bakit sila lilipat ng skwelahan. Wala naman sakanya kong parati silang palipat-lipat ng school as long as kasama niya ang mga ito ay okay lang sakanya yon. 

But she promised that Vrooklyn would be the last school na malilipatan nila, dahil sa susunod na gipitin  na naman sila ay hindi na niya hahayaang wala silang gawin. 

She will make sure that those men will taste the dose of their own medicine this time.

"You sure na papasok ka bukas.?" Lexie asked her while putting some foods in her own plate. 

Napaangat naman siya ng tingin rito bago nagsalita. "Ofcourse papasok ako bukas, ayokong ma behind sa klase. Wala akong planong ma bored dito sa mansiyon bukas kong hindi ako papasok." Aniya at nagsimulang kumain. 

"Timing talaga na malapit na yong foundation day. Hindi man lang tayo pinag show off sa school natin, tapos mag ta transfer na naman tayo." Chloe said. 

"Okay lang yon, sa VU nalang tayo bumawi." Ang sabi naman ni Adeline. 

"Oo nga naman. Private school yon eh, so mas maganda ngang bumawi don, but syempre hindi naman yon ang dahilan at priority natin kaya tayo lilipat right.?" Gracelyn said. 

"Oo naman, hindi namin nakakalimutan no." Ani Lexie. 

"Sabi ni Dad, maganda daw doon kaya hindi tayo mahihirapang mag adjust, atsaka advance Lahat ng turo nila doon eh kaya oks na ako don. Basta magkasama tayo at gra-gradaute tayo ng sabay-sabay yon lang ang mahalaga." Ang sabi ni Adeline na bahagyang nagpatango sakanya. She didn't talk that much at tahimik lamang na nakikinig sa mga ito habang kumakain. 

The dinner went well. Nabusog naman siya, that was the first time na naging magana siyang kumain kasama ang mga kaibigan simula ng mabalitaan niya na wala na ang Daddy niya. 

It saddened her with that thought. But thanks to her friends before she dose to sleep. Narinig pa niyang nagsalita ang mga ito, giving her words of reassurance that no matter what happens nandito lang ang mga ito para sakanya. 

And somehow she felt good inside, that when she woke up. She's ready to face the world again. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status