Share

Chapter 2.1

Walang emosyong nakasandig si Lorraine sa motor niya, habang hinihintay ang mga kaibigan niyang dumating. 

Mabilis kasi ang pag papatakbo niya kaya nauna siyang dumating. Tinatanaw niya ang malaking gate ng VU. 

At walang paki-alam sa paligid, ni hindi niya pinapansin ang tinginan ng studyante, sa gawi niya habang naglalakad papasok ng gate. 

She's wearing a black sweater na pinarisan niya ng ripped jeans, at puting Fila na sapatos, na kusa niya lamang kinuha lahat sa walk in closet niya kanina. 

Ni hindi na nag-abalang tumingin sa salamin kong okay lang ba ang sout niya. Pati ang buhok niya na lagpas balikat ay hindi niya sinuklay, at pinabayaan lang na nakalugay. 

"Sino ba yan? Mukhang tomboy." 

"What is she doing there. May hinihintay ba yan." 

"Ngayon ko lang nakita yan ah." 

"Nice bike dude." 

Maingay na sabi ng mga studyanteng nakakakita sakanya, na hindi niya pinansin at nakatutok parin ang tingin sa gate. 

Nang makita ang sasakyan ng kaibigan niya, ay tahimik siyang nagsuot uli ng helmet at sumakay sa motor niya. 

"Hindi ka talaga marunong maghintay." Ang sabi ni Chloe ng maipark nito ang motor nito. 

"Psh, sadyang mabagal lang talaga kayo." Aniya at isinukbit ang bag sa balikat niya. 

"Ang sabihin mo, napaka kaskasero mo lang talagang magpa takbo ng motor mo. Maka drive ka akala mo may nine lives ka, tsk." Adeline said, nang makababa ito sa kotse nito. 

"Ano pa bang ini expect natin sa isang yan." Gracelyn said, na agad na nakalapit sakanya. 

"Let's go na, puro kayo dada d'yan. Puro kayo angal eh ganyan naman talaga yan." Ang sabi ni Lexie, at kinuha ang bag nito sa kotse at ni lock iyon bago naunang umalis. 

Walang imik namang sumunod siya dito, habang yong tatlo ay narinig pa niyang nagbubulungan sakanyang likuran, ng sumunod ang mga ito sakanila ni Lexie. 

"Infernes ang ganda dito ha." Rinig niyang sabi ni Adeline sa may likuran niya. 

"Agree." Gracelyn said. 

"At ang dami ring gwapo." Maarteng sabi naman ni Lexie na nagpailing sakanya. 

Hindi naman niya pinansin ang mga ito at walang emosyon lamang na sumabay sa lakad ni Chloe. 

Napa poker na lamang siya ng maramdaman ang kakaibang tingin ng bawat studyanteng nadadaanan nila. Nakuha pa ng mga itong bumulong pag tinitignan sila ng mga ito, tila ba pinagchi-chismisan sila. 

Mukhang nagtataka yata sa mga mukha nila na bagong salta lang doon, idagdag pang hindi sila naka uniform kaya mukhang dayo ang peg nila. 

Wala sa oras na napahawak siya sa kanang tenga niya, ng biglang umingay ang mga studyante at kanya-kanyang takbo papalapit sa may gate. 

Nakita pa niyang napahawak sa balikat si Adeline, ng mabangga ito ng isang studyante, na hindi man lang humingi ng pasensya. 

"Wag niyo na lang pansinin. May pupuntahan pa tayo." Aniya ng sinundan ng mga ito ng tingin ang mga studyanteng nagkukumpulan, na animo may mga artistang dumating na matagal ng inaabangan. 

"Tsk, talagang hindi! Ang ingay kaya. Tapos nanakit pa yong iba d'yan." Inis na sabi ni Adeline habang hawak ang balikat nito. 

"Let's go." She coldly said at umalis na agad doon. 

******

"Tomorrow, you are all required to wear the school uniform. At kung may mga tanong pa kayo regarding about rules and regulations in these university feel free to ask me." 

The Dean said to them, na hindi man lang sila tinitignan at nasa mga papel lang ang tingin nito. 

Tinawag pa nito ang isang studyante na nandoon, na nakatayo sa gilid nito na hula nila ay school president, ng school na yon. 

Inabot pa sila ng ilang minuto kakahanap sa principal's office. Na kung walang studyanteng nag magandang loob na tulungan sila, ay baka umabot nalang sila ng lunch ay hindi pa nila mahahanap iyon. Sa laki ba naman ng University na ito,

"Dean?" Anito ng makalapit. Hindi parin umaangat ang tingin nito sakanila ng magsalita ito ulit. 

"Please lead them to their classroom, ikaw na ang bahala sakanila. And before break ibigay mo sakanila ang uniforms nila okay? You are all dismiss go to your classes now."

Agad namang tumango ito at sumenyas na sumunod sila. Walang imik namang sumunod sila rito at hindi na nagpaalam sa Dean, mukhang busy naman ito at ayaw magpa istorbo kaya hindi na sila nag abala pa.

"I'm Shahanah by the way. The President of the Student Government in this school. Kung may kailangan man kayo o gustong tanongin wag kayong mahihiyang lumapit sakin." Nakangiting sabi nito sakanila nang makalabas sila, at nangungunang naglakad para igiya sila. 

"Thanks kong ganon. Ako nga pala si Adeline. And this is my friends Chloe, Lexie, Gracelyn and Lory." Pagpapakilala ni Adeline sakanila, huminto naman ito para makipag hand shake sakanila na agad naman naming tinanggap. Bago ito nakangiting pinagpatuloy ang paglalakad. 

Tahimik silang tumitingin sa paligid, na may iilang studyanteng naglalakad na napapatingin sa gawi nila. 

Most of them are boys, na hindi maganda ang pagkakatingin sakanila. Kumunot pa ang noo niya ng makitang bubulong bulong rin ang mga ito pagtinitignan sila. 

"Psh, kanina pa to ah, ano bang meron at tingin ng tingin ang mga to?" Aniya sa isip at napakamot pa sakanyang kilay. 

"We're here, dito na muna kayo sa labas maghintay." Shahanah said nang huminto ito sa tapat na pintuang nakasarado. Kumatok muna ito ng isang beses bago binuksan iyon at pumasok. 

"This school are quite big and beautiful. Maganda ang ambiance dito at mukhang malabong magkaron ng gulo. Siguro naman hindi na tayo makakalipat pa sa ibang skwelahan nito." Sabi ni Chloe na maarteng hinahawakan ang dulo ng buhok nito habang lumilibot pa ang paningin sa paligid. 

"Yeah, ngayon nalang ulit tayo nakapag-aral sa isang private school, nakaka miss rin pala." Birong sabi naman ni Lexie. 

Bahagya namang natawa ang tatlo maliban sakanya na tahimik lamang hanggang sa bumukas ang pinto at tinawag sila ni Shahanah. Nauna naman siyang pumasok at sumunod naman ang mga ito. 

Agad na nanuot ang mabangong amoy ng air-conditioned sa ilong niya nang makapasok siya, ramdam rin niya ang lamig na bahagyang nagpahawak sakanya sa braso niya. 

Mabuti nalang at naka sweater siya kundi baka sisipunin pa siya sa lamig pag nagkataon.

"I'll go ahead maam. Hinatid ko lang po talaga sila rito." Sabi ni Shahanah at tumingin pa sakanila. "Mauna na ako, nice to meet you all by the way." Anito at tuluyan nang lumabas.

Iginala naman niya ang paningin sa loob ng classroom, at kita niya ang mga serysong mukha ng bagong kaklase nila. 

Marami ang mga ito nahula niya ay nasa thirty-five plus. Napalingon naman siya sa Lecturer nila ng bahagya itong tumikhim para kunin ang atensyon nila. 

"Good Morning, I'm Mrs. Bently, I hope you can easily get along with your classmates and in my subject." Anito na may magandang ngiting nakatingin sakanila. Maganda at mukhang mabait naman ito. 

Nang hindi pa sila umimik ay tumikhim ulit ito.

"Mind if you introduce yourself infront of us." Anito sakanila. Tinignan naman ako ng mga kaibigan ko at nang maramdaman na hindi ako iimik, ay napakamot na lamang ang mga ito sa ulo. Agad namang naunang nagpakilala si Adeline. 

"Hi. I'm Adeline Mariana Demalgo by the way. You can call me Ade for short." Simpleng sabi nito. 

"Amalya Chloe Sayson." 

"I'm Lexie Rose Valdez." 

"Gracelyn Rheande Gabreo." 

"Lorraine." Walang ganang sabi niya ng matapos sabihin ni Gracelyn ang pangalan niya. 

"Is that all?" Takang tanong ni Mrs. Bently sakanila. Bahagya naman siyang tumango dito. Sa lahat kasi ng ayaw niya, ang magpakilala sa sarili sa harap ng maraming tao ang pinakabored na gawain na kailangan niyang gawin. 

She feel like wasting her time, na dapat sana ay pag-upo agad ang unang gawin dahil sa pagod na magmaneho papuntang skwelahan. Hindi niya feel ang ganitong eksena, at talagang nawawalan siya pasensya sa paligid. 

"Where school did you came from?" Tanong ng isang studyante na nagpalingon sakanila nang tingnan nila ito ay bumungad sakanila ang magandang babae na may makapal na make-up, na talagang bumagay naman dito. Puno ng angas at arte ang mukha nito, habang nakatingin ito sakanila. 

"Antonio College." Sagot na lamang niya rito. 

"What? It's there such name of a private school? Sounds so cheap ha. How come na nakapasok ang tulad ninyo dito sa VU? I mean look at yourselves. This is private and only wealthy people can afford this school. Kaya what are you all doing here. Hindi naman kayo bagay rito." Maarteng sabi nito na nakataas pa talaga ang kilay, at taas baba kong tignan sila. Bigla namang umingay sa loob dahil sa sinabi nito. 

Bigla namang humakbang si Chloe at maarteng tiningnan din ito. 

"We are here to study obvious ba?" 

Chloe said na nagpatahimik sa paligid. 

"Oh, another warning Lory." Mahinang bulong sakanya ni Lexie na tanging siya lang ang nakakarinig. Hindi naman niya ito pinansin at walang pakealam na ibinaling ang tingin kay Mrs. Bently. 

"Can we seat now Mrs. Bently?" Tanong niya rito. She look shock and just nod a little bit. She also seen the apologetic face of the lecturer, ng tumango ito. Ni hindi niya alam kong para saan iyon. 

"Uyy ang lakas ng loob Amber." Rinig niyang sabi ng kong sino. Hindi naman niya iyon binigyan ng pansin, at naunang pumunta sa bakanteng upuan sa likod. Bago sumunod ang mga kaibigan niya. 

Bago niya ituon ang tingin sa harap, ay sinulyapan pa niya ang babae na ngayon ay masama na ang tingin sakanya at sa mga kaibigan niya. 

May nakakalokong ngiting naglalaro sa mga labi nito na hindi niya gustong tingnan. Walang ganang umiwas na lamang siya ng tingin dito at nakinig na lamang sa harapan. 

"Psh, kaartehan." 

******

"You know what, I like it in here na. Feeling ko artista tayo dito, kita niyo naman kaliwa't kanan ang bulungan pag dumadaan tayo." Tatawa tawang sabi ni Chloe habang maarteng humawak sa braso ni Adeline. 

Break time kasi nila at papunta silang cafeteria, para bumili ng snacks nila. Naging maganda naman ang unang klase nila pero ramdam nila kanina ang pamatay na titig nong babae sakanila. May saltik yata at mukhang galit pa sakanila. 

"Bayaan mo ang mga yan. Naninibago lang siguro sa pagmumukha mo." Pabirong sabi ni Adeline dito. 

"Anong sakin, natin mismo. Ako lang ba ang baguhan dito." Inis na sabi naman nito. 

"Tumahimik na nga kayo d'yan bilisan na natin nagugutom na ako at hindi ako nakapag breakfast kanina. Puro kasi kayo Nagmamadali." Gracelyn said habang hawak nito ang tyan at sumasabay sa lakad niya. 

"Kasalanan namin?!" sabay sabi naming apat na ikinasimangot nito. Parati kasing late itong gumising kaya hindi nakakapag breakfast sa umaga. 

Napahinto naman silang lima, ng makarating sa cafeteria. Halos punuan na kasi ang mga table sa dami ng studyante. Maingay rin pero subrang organize at malinis pa rin naman ang paligid. 

Ilang segundo rin kaming naghanap ng bakante ng biglang may tumawag kay Adeline. 

Luminga naman kami at nakitang si shahanah iyon. Sumenyas itong lumapit sila, kaya agad naman kaming tumalima.

"Pasensya na punuan talaga dito minsan." Nakatawang sabi nito nang makalapit sila. Bigla namang napadako ang tingin niya sa kasama nito. 

Napansin naman nito ang tingin niya kaya agad itong tumayo at ipinakilala sakanila ang kasamahan nito. 

"By the way this is my friends Amaya and Mera." Anito na itinuro ang mga kaibigan. "And Guys this is Lory, Chloe, Lexie, Gracelyn and Adeline. Sila yong sinasabi ko sainyo kanina, mga bagong transferee dito sa VU."

"Nice to meet you all." Nakangiting sabi nong Mera at inilahad ang kamay sakanila. Isa isa namang tinanggap nila iyon pati yong kay Amaya, na ganon rin ang ginawa. Bahagya namang nginitian niya si Shahanah nang maka-upo sila. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status