Share

Chapter 3

Author: Vixen
last update Last Updated: 2021-10-10 07:17:39

"You should've done that, Lory hindi mo alam kong anong ginawa mo." Shahanah said habang nakatingin sakanya na puno ng pag-aalala ang mukha.

Habang magana lamang siyang kumakain ng spaghetti na bagong bili na niya. 

Hindi na kasi makakain yong pagkaing natapon, marami ng dumi kaya tinapon na lamang niya kahit nasasayangan siya.  

Sa huli bumili na lamang siya ng bago. Sila Adeline naman ay magana rin namang kumakain. Tinanong lang siya kanina kong anong ginawa niya at nagkaron siya ng ganoong eksenang. 

Nang sabihin niya ang nangyari ay tumango lang ang mga ito at kanya-kanya kuha na ng pagkain. 

Habang maang lamang silang tinignan nina Shahanah na tila na we-weirdohan sakanila. Hindi naman nila ito pinansin. 

Pero hindi ito maperme, at panay saway sakanya at sinasabing mali yong ginawa niya kanina, pero para sakanya ay tama naman. 

Iwan ba niya sa isang 'to at kahit hindi na kaharap ang mga lalaking yon ay takot na takot parin. 

"Nagawa ko na nga diba? Kaya hayaan mo nalang yon." Aniya rito. 

"Did you just hear what you just said..!" Mera exclaim habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sakanya. 

"Bakit ba ganyan nalang ang mga reaksiyon ninyo. Sabihin niyo nga samin, sino ba ang mga iyon." hindi na napigilang tanong ni Adeline at kunot noong tinignan sina Shahanah. 

Napatigil naman siya sa pagkain ganon din naman sina Gracelyn lahat kami ay kuryosong naghihintay sa sasabihin nito. 

"That's Damon Xendric Laveun Villaruel. Pamangkin nang Dean at isa sa mga major stock holder ang Daddy nito dito sa VU. You messed up with him Lory, asahan mo nang hindi maganda ang school year mo dito. Master Damon would never let it pass of what you did to him." Sabi nito na talagang kabakasan ng takot ang boses. 

Kunot noo namang tumingin siya dito. 

"So, just because his dad is the major stock holder at ang tito nito ay ang Dean ng school nato, kailangan na akong matakot sakanila, ganon ba? Psh, kalokohan.."

Umiling naman ito at serysong tinignan siya. 

"Not just that, aside from those reasons, Kilala si Master Damon sa school nato na walang pinipiling studyante kapag natripan ka kawawa ka, pag pumalag ka at nagmatigas dalawa lang kakahantungan mo it's either you drop out or kick out in this school na bugbog sarado na." Sabi pa nito sakanila. 

Bahagya naman siyang napakunot noo sa narinig. 

"Wala bang naglakas loob man lang na magsumbong..?" Tanong ni Gracelyn dito. 

"Merong nagtangka nuon pero sa ospital ang bagsak non. Na hanggang ngayon ay wala paring balita kong buhay pa ba ito or patay na. Bigla nalang itong nawala kaya hindi na namin alam kong anong nangyari doon."

"Ganon kalala?" Lexie asked. 

Habang matiim lamang siyang nakikinig. 

"Yes, and Lory here is the first person na pumatol kay Master Damon na kinakatakutan lahat ng studyante dito." 

"Nandito kami para mag-aral hindi para maghanap ng gulo. Kung ano man yong nangyari kanina, hindi ko iyon sinadya. Thats my natural reaction lalo na't walanghiya yong kaharap ko." kibit balikat na aniya rito. 

"Pero infernes huh, ang g-gwapo nila. Feeling ko nga type ko yong may asul na mga mata." Kinikilig na sabi ni Chloe. 

"Agree.." Taas kamay na sabi ni Lexie. 

Tumawa naman ng bahagya si Gracelyn at Adeline. 

"Old habits die hard nga." Sabi naman niya. 

"Are you taking this seriously.." Singit naman ni Shahanah na nagpalingon samin dito. "Concerned ako sa inyo kasi bago palang kayo dito. Especially you Lory, Master Ajax has given you a warning mag-ingat ka na lamang." 

"Siya ba yong sinasabi kong gwapong lalaking may asul na mga mata..?" Tanong ni Chloe dito. 

Napailing naman si Shahanah dito. 

"Yeah, That's Master Ajax." Sabi ni Mera dito ng hindi na tumugon si Shahanah. 

"Teka nga, ba't ba kayo Master ng Master kanina pa kayo ahh.." Ani ni Gracelyn. 

"Yeah.." Sabi naman ni Lexie. 

"Naintindihan naming mga kulukoy yong mga yon pero kailangan talaga may pa master..?" Sarcastic namang sabi ni Adeline. 

"Shh, ano ba kayo.. Mamaya may makarinig sa inyo d'yan isumbong tayo dito." Ang sabi naman ni Amaya na luminga pa sa paligid. 

"Eh, bakit nga." sabi ko naman nang mainip ako.

"Its because yon dapat ang e approach niyo sakanila. You have to respect them, dahil sa skwelahang ito sila ang nasusunod, at kapag nagmatigas ka d'yan walang tutulong kahit ni isa dito sainyo." Seryosong sabi ni Mera sakanila. 

"You're just lucky today at pinabayaan ka nila Master. Kasi kong hindi, iwan ko nalang kong san ka pupulutin ngayon." Shahanah said. 

Nagkibit balikat na lamang siya, she's not interested anymore. Para sakanya katulad lang ito ng mga hoodlum na walang magawa sa buhay. Though she admit that those guys are kinda attractive, at talagang may maipagyayabang naman talaga. But still the facts remain, that they have to stay away with them. Because those guys  screams "TROUBLE" at ayaw niya sa salitang yon dahil allergic siya doon. Though there's something familiar about that guy wala parin siyang planong magkrus ang landas nila ulit. 

Pag-aaral ang number one priority niya ngayon. At wala siyang balak na malagay na naman sa alanganin. Kaya kahit hindi sabihin ng mga ito talagang iiwasan niya talaga ang mga yon. She made a promise to herself and she intend to keep that promise. 

"Before we go. See that girl wearing a heavy makeup over there." Shahanah said habang may tinuturo sa unahan namin. 

Napalingon naman ako sa tinuro nito at pati sila Adeline. Kunot noo pa akong bumaling ulit dito ng makilala ang babae. 

"That's Shane Amber Flores. The most bitchiest and mean girl in this school. Daddy niya si lucifer at yang mga kaibigan niya ay alagad ng demonyo, kaya mag-ingat rin kayo sa isang yan. Wala rin yang pinipili, marami na yang napaalis at napaiyak na studyante dito." Sabi pa nito sa seryosong boses, na hindi niya alam kong matatawa ba or ano. Narinig naman niya ang pagtawa ng mga kaibigan niya. 

"Baliin ko na ba ang paa niya dahil pinatid ka niya. Kung nag-aalala ka wag mo na yong isipin ako bahala sayo, tignan lang natin kong Ama nga ba niya si lucifer." Natatawang bulong sakanya ni Chloe. Napailing naman siya sa kalokohan nito, bago tumayo. 

"Thanks for the info, will take that in mind. Mauna na kami salamat ulit ha." Aniya sa mga ito. 

"Yeah, thank you kita kits nalang." Ang sabi pa ni Lexie bago tumayo. 

"Welcome, basta ha mag-ingat kayo." Ani pa ni Mera

Tumango naman ang mga kaibigan ko at sumunod sakin nang mauna na kong umalis. 

"Hoy! Lory san ka pupunta, dito ang daan papuntang classroom natin. Hindi d'yan.." Tawag sakanya ni Lexie nang lumiko siya sa ibang direksiyon. 

"Lalabas lang ako, I'm craving for some street food." Aniya sa mga ito, maaga pa naman atsaka may oras pa sila sayang rin, may namataan kasi siyang stall ng Street food sa labas, nakalimutan lang niya sana pala hindi na sila pumunta sa cafeteria. Dumeretso nalang sila doon. 

"Wait sama kami." Rinig niyang sabi ni Gracelyn. 

Walang salitang nagpatuloy siya sa paglalakad ramdam naman niyang nakasunod ang mga kaibigan niya kaya hindi na siya nag-abalang lingunin ang mga ito. Nang nakalabas na sila ay agad siyang pumunta sa may nagtitinda ng fishball. 

May mga ilang studyante rin naman don. Pero bilang lamang sa kamay, may nakita pa siyang dalawang stall doon na nagtitinda ng palamig at kwekwek. Agad naman siyang lumapit sa pangalawang stall at natatakam na tinitignan ang mga pagkain don. 

"Magandang umaga mam." 

Bati sakanya ng tindero, medyo may katandaan na ito pero mukhang malakas pa naman. 

"Uyy kwekwek! Sampu nga po n'yan kuya. Tapos limang palamig po." 

Singit ni Adeline at agad na humugot ng pera sa bulsa.

"Wow, ang bait naman nililibre tayo guys. Salamat Ade." Nakangiting sabi ni Gracelyn at umakbay pa kay Adeline. 

"Anong thank you, hoyy akin lang yan no.. Kung gusto mo bumili ka nang sayo." 

"Ayy grabe sampung kwekwek tas limang palamig, ikaw lang ang kakain, wow kagaling." Maang na sabi nito at umalis sa pagkakaakbay kay Adeline. 

"Tsk, hindi ka pa ba sanay." Lexie said na tumaas pa ang kilay. 

"Tabi na nga kayo d'yan at bibili ako." Ang sabi naman ni Chloe. 

Napabuntong na napapailing nalang ako bago tinignan ang tindero. 

"Pagpasensyahan niyo na po. Ganyan lang ho talaga ang mga yan." Aniya dito. 

"Naku okay lang mam. Nakakatuwa nga ho silang tignan. Wala sa mga itsura na mahilig pala sa mga ganitong pagkain." Pabirong sabi naman nito. 

May mga nakatingin naman sa gawi nila. Tila ba nagtataka na nandon sila sa lugar na 'yon. Hindi na lamang niya pinansin at tumingin ulit sa tindero, na ngayon ay nagluluto na. 

"Parati ho ba kayo dito manong..?" Tanong niya rito

"Ahm, oo matagal na nga akong nagtitinda dito. At lahat ng nakikita mong bumibili dito ay mga suki namin yan." 

Napatango naman siya. 

"Bago lang ba kayo d'yan mam. Ngayon ko lang kasi nakita ang mga mukha ninyo." 

"Ahh, oo transferee ho kami." Ang sabi ni Adeline na kahit hindi naman ito ang tinanong eh, ito ang sumagot. 

Bahagya naman siyang napakamot sa kilay bago bumili nang apat na kwekwek, at sampung piraso ng fishball. Habang ang mga kaibigan niya ay dinadaldal ang tindero, hindi na lamang siya umimik at tinignan ang matanda habang nagluluto. 

Nagkukwentuhan pa ang mga ito, habang hinihintay niyang matapos ang matanda. Nang baghaya siyang napaatras na ikinagulat niya. 

May bigla kasing bumangga sakanya, na agapang naman niyang nasalo, at ng tingnan niya ay isang batang babae iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 45

    Pabirong ngumisi siya kay Lexie na humingi pa ng isang high-five sakanya."Tara na!" malakas na sabi ni Lory na may kinuha pang kong ano sa bulsa ng lalaki na wala ng malay. Nang makita ang itim na card ay doo'n na lamang sila nagmamadaling kumilos.Nauna itong lumabas, medyo may kadiliman ang lugar na iyon at parang pang hotel ang pathway, nakita rin nila ang madaming maliliit na cctv sa bawat sulok.And when they heard a footsteps agad na lumiko si Lory at ginamit ang card na iyon sa ibang kwarto na siya namang bumukas.Agad na pumasok sila, medyo nagkabanggaan pa sila dahil sa labis na dilim. Wala silang makita, but they can hear the cheer and clapping of people na tila nagmumula sa itaas."Lory, I have a very bad feeling in this room." Rinig niyang sabi ni Lexie.

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 44

    DAMON'S POV Tahimik na nagmamasid ako sa mga grupong dumarating habang naka-upo sa motor na pagmamay-ari ng tomboy na iyon. Kanina ay umuwi siya para magbihis lamang at hindi na nag-abala pang magpaalam sa mommy niya. Dapat nga ay kotse ang dadalhin niya, pero may kong ano sakanya na mas gustong gamitin ang motor ng babae kaysa sa mga sasakyan niya. Heto nga at nasa malaking puno lamang niya inilagay at mahirap na baka magkaron ng aberya, mas mabuti na 'yong safe iyon. He smirk, bago tinignan ang cellphone niya. Nag text na siya sa mga kaibigan niya, nauna siya kaysa sa mga ito. Alam naman kasi niyang matataranta ang m

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 43

    "At anong tipo mo si Tanya? Psh, yeah right." sarkastikong sabi niya bago pinakain ang isang piraso ng rebisco dito. Na pinatungan niya ng maliit na cheese sa ibabaw.Nagulat ito pero hindi naman nagsalita. Nagtaka pa siya ng biglang mamula ang pisngi nito at ibaling ang tingin sa kalangitan.Hindi ito nagreklamo sa ginawa niya. Napakagat pa ito sa labi na ikinabilis na naman ng tibok ng puso niya."Bakit ba ang gwapo ng baklang ito? Psh, ka tangang babae naman ang nakuhang magtaksil sa gunggong na ito.""Masarap diba..?" tanong na lamang niya dito, hindi naman niya ini-expect na sasagot ito pero nakita niya ang bahagyang pagtango nito."Can I have some?" baling nito sakanya na ikinatawa niya.Mukha ba namang batang nanghihingi at nahihiyang aminin na masarap talaga ang kina

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 42

    GARRETH'S POV"Get you're ass out of here!" malakas na sigaw ko sa grupo nila Tope ng makatayo ang mga ito."H-Hindi pa tayo tapos! If you think na tatanggapin ko nalang ito basta-basta then think again, because you all know kong gaano ko kayo gustong pabagsakin. Tsk, see you all later fucktard!" nakuha pang sabi nito sakanila at paika-ikang inalalayan ng mga kasamahan nito.Inis namang napailing ako at binigyang tanaw ang bulto nila Chloe.Pinagtitinginan ang mga ito at harap-harapang pinagbubulongan pero tila wala itong mga paki-alam sa paligid, at tuloy lang ang mga ito sa paglalakad na animo walang nakita at narinig.Binawi ko naman ang tingin ko at napabaling kina Elle. Nakita ko pa ang pagkuyom ng kamao ni Tanya at ang paglambot ng itsura nito ng makita niya akong lumingon sakanya.Napatawa nalamang ako sa inasal nito. Hind

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 41

    Lahat ay nagulat at nagsinghapan. But no one tries to interfere, dahil narin sa galit na itsura ng mga ito.Agad namang tumayo ang ibang kasamahan nong Tope at sinugod ang apat na kalmado lamang na nakatayo.While they were just watching and observing their moves. Animo sila nanunuod ng sine at ayaw humiwalay ng tingin sa harapan.Medyo nakakairita nga lang ang mga sigawan at hiyaw ng mga babae."Did you really think that you have a match with us?" Khellan scoffed and coldly stare those guys na napatigil sa pagsugod dahil sa dilim ng mukha ng apat. "You are all nothing but a simple gangster na pakalat-kalat lang sa tabi." anito at mapang-asar na tinitigan ang mga kaharap."Ang yabang mo!" malakas na sabi ng kasamahan nong Tope bago galit na sinugod ng suntok ang lalaki.Pati ang mga kasama ng mga ito ay sumugod narin.Eight VS Four ang labanan, but mukha namang may ibubug

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 40

    VAUGHN'S POVI angrily put my phone back at my pocket when I cannot reached Damon.Kanina pa siya text ng text at tawag dito pero hindi man lang ito sumasagot.Inis na ginulo ko na lamang ang buhok ko ng makita ang tatlo kong kaibigan na panay pindot rin sa cellphone ng mga ito.Nasa may rooftop sila, doon agad sila pumuntang apat ng makita ang video na isinend sakanya ng hindi kilalang tao.He was beyond shock of what they've watch. Kulang ang salitang iyon para ilarawan kong gaano sila nagulat and at the same time ay nagalit.Kaya pala ganoon nalang ang tingin at ingay ng mga studyante doon, ng makita sila.Kasi may kataksilan na palang nangyayari sa paligid nila. Naiinis na napakamot siya sa ulo niya at sumandig sa may dingding."Did he answer?" kanyang naitanong na ikinahinto ng mga ito."Shit! Hindi nga eh, saan na kaya ang kumag na iyon?" Khellan said na bakas sa mukha ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status