I wanted him. I needed him. I adored him. I loved him. But. He never wanted me. He never needed me. He never adored me. and the most heartbreaking part is, he never loved me. Sa puso ni Yanah ay walang ibang laman kundi si Ashton lamang. Ginawa na rin niya ang lahat para mapaamo niya ang kanyang asawa. Ngunit kahit gaano pa sya kabuti rito ay hindi pa rin nito kayang ibigay ang puso sa kanya. Ngunit paano kung ang madilim na nakaraan ng dalaga ay pilit na bumabalik sa kanya? At paano kung ang lalaking kanyang tinatangi ay may iba ding iniibig? A/N: This is my first time writing a story, so if there are grammatical errors and chapters that are slightly childish, ay pagpasensyahan niyo na po . This is an original story written by me, enjoy ️
Lihat lebih banyakPasado alas nueve ng gabi nang makalapag sa airport ang sinasakyang eroplono ni Trixie Salvador.
Narito siya ngayon sa isang bansang estranghero sa kaniya sa kabila ng espesyal na araw niya ngayon. It's her 26th birthday today. Hindi siya narito para dito ipagdaos ang kaniyang kaarawan, kundi dahil sinusundan niya dito ang kaniyang mag-ama na tatlong buwan na niyang hindi nakikita. Nang buhayin niya ang kanyang cellphone, bumungad sa kaniya ang maraming pagbati mula sa mga kakilala. Napangiti siya dahil doon. Pero wala ang mensaheng mula sa taong dahilan kung bakit siya nasa bansang ito ngayon. Wala man lang mensahe mula kay Sebastian Valderama, ang asawa niya. Dahan-dahang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at napabuntong-hininga. No one even bothered to pick her up at the airport despite notifying them that she'll arrived today. Mabigat ang loob niyang kumuha na lang ng taxi dahil kung maghihintay siya ng sundo ay mamamatay na lang siya sa lamig sa bansang ito. This country is at zero degree celsius for fuck sake! Nang makarating siya sa mansiyon, lagpas alas-diyes na ng gabi. She's covered with snow nang makarating siya sa pintuan ng mansiyon. Walang nagbuhat ng mga gamit niya dahil maging ang driver na nasakyan niya ay ayaw nang lumabas sa sasakyan dahil sa marahas na buhos ng snow. Kaya naman laking gulat ni Nana Sela, ang mayordama ng mansiyon, nang makita siya. “Trixie, ineng! Bakit ka nandito? Hala, hindi namin alam na uuwi ka ngayon. Pasensiya na! Halika, tulungan na kita diyan sa bagahe mo." "Salamat po. Ah, nasaan po si Sebastian at Xyza?” “Hindi pa nakakauwi si Seb, nasa kwarto naman ang young miss, naglalaro nang huli kong silipin.” Hinayaan na ni Trixie ang kaniyang mga maleta kay Nana Sela at iba pang katulong, saka umakyat sa taas. Pagdating niya sa kwarto ng anak, nakita niyang nakasuot na ito ng pajamang pantulog. Pero malayo pa sa ito sa inaantok dahil nakaupo pa sa harap ng maliit niyang lamesa at abala sa kung anong ginagawa. Napaka-seryoso nito, kaya hindi na napansin ang kanyang pagpasok. “Xyza?” Napalingon si Xyza sa pinanggalingan ng boses, at agad na nagulat sa taong nasa pinto ng kaniyang kwarto. “Is that you, Mom?" "Yes, my baby. Give Mom hugs and kisses, please. Miss na miss na kita." Sumunod naman ang bata pero halos walang sigla lang itong humalik at yumakap sa kaniya. Pagkatapos ay bumalik ito agad sa ginagawa, at patuloy na paglalaro ng kung ano sa kanyang kamay. Medyo nakaramdam siya ng kirot sa dibdib dahil sa nakuhang reaksiyon sa anak. Pero hindi nito napigilan si Trixie. Baka pagod lang ang bata kaya siya na ang lumapit dito at yumakap ng mahigpit sa anak. Hinalikan niya ng paulit-ulit ang ulo at leeg nito ngunit nagulat siya sa sunod nitong ginawa nang itinulak siya nito palayo. “Mom, I'm still busy.” Tatlong buwan siyang nawalay dito kaya kahit paulit-ulit niya itong halikan at yakapin ay hindi pa rin sapat. Sobrang nangulila siya sa anak pero mukhang hindi ganoon si Xyza sa kaniya. Mukhang focus talaga ito sa ginagawa kaya ayaw na niyang gambalain pa ito. Nagkasya na lang siya sa pakikipag-usap dito. “Xyza, gumagawa ka ba ng kuwintas mula sa mga sea shells?” “Yes po!” Agad na lumiwanag ang mukha ni Xyza. Halatang excited ito. “Ipinaghahanda namin ni Dad ng regalo si Tita Mommy Wendy! There's only a week before her birthday! Do you know Mom, si Dad pa ang kumuha at nagpaganda ng mga shells na ‘to for her! Ang ganda po, ‘di ba?” Napalunok si Trixie, tila may kung anong bumara sa kanyang lalamunan. Alam niyang malapit ang half sister niyang si Wendy sa mag-ama pero hindi niya akalaing ganito na ang tawag ni Xyza sa babae. Bago pa siya makapagsalita, muling nagsalita ang anak habang nakatalikod sa kanya. “Nagpagawa rin si Dad ng ibang regalo para kay Tita Mommy Wendy. Tomorrow for sure—” Biglang nanikip ang dibdib ni Trixie. Hindi na niya napigilan ang sariling magtanong. “Xyza... naaalala mo ba ang kaarawan ni Mommy?” “Huh? Ano po?” Tumingala si Xyza sa kanya, pero agad ding bumalik sa pagkukumpleto ng kanyang kuwintas. “Mom, don't distract me please! Nagkakagulo ang pagkakasunod-sunod ng shells at beads because you keep on talking to me!” Kusang lumuwag ang yakap ni Trixie sa bata at hindi na nagsalita pa. Tumayo na siya mula sa pagkakaluhod para mapantayan ang anak, pero nangalay na lang siya sa kakatayo ay hindi na ito ulit nang-angat ng tingin sa ginagawa. Nang mapansing hindi man lang siya nilingon ng anak, dahan-dahan niyang kinagat ang labi, saka tahimik na lumabas ng kwarto. Pagbaba niya, sinalubong siya ni Nana Sela. “Trixie hija, tumawag na ako kay Seb. May inaasikaso pa raw siya ngayong gabi. Sabi niya ay mauna ka na lang magpahinga.” “Okay po.” Saglit siyang natigilan. Naalala niya ang sinabi ng anak kanina. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Sebastian. Matagal bago nasagot ang tawag. Nang sumagot ito, bahagya lang ang tinig, parang walang kagana-gana magsalita. “I’m working with something. Tatawagan kita bukas—” “Seb, gabing-gabi na ah, sino ‘yan?” Sigurado siya. Boses iyon ni Wendy Bolivar. Napakuyom ng mahigpit si Trixie sa kanyang cellphone. “Just someone.” Bago pa siya makapagsalita, ibinaba na ni Sebastian ang tawag. Tatlo o apat na buwan na silang hindi nagkikita. Nakarating na siya dito sa America, pero ni hindi ito nagmadaling umuwi para makita siya. Kahit sa tawag, halatang wala itong ganang kausapin siya. Sa dami ng taon nilang mag-asawa, palagi na lang siyang ganito tratuhin ni Sebastian, malamig, malayo, at tila laging walang pakialam. Simula ng araw matapos ang kasal nila. Naging ganito na ito. Palangiti, pilyo, at mapagmahal si Sebastian noong mga college days nila. Kaya naman nahulog talaga siya dito. He would even let her call him Tres, that's his nickname before. Pero simula nang magbago ito, tila naging isang ipinagbabawal ng pangalan iyon. Mamumula ito sa galit at pagagalitan siya sa tuwing susubukan niyang tawagin siya sa ganoong pangalan. Ni hindi niya magawang magtanong dahil parang lagi itong sasabog sa galit. Hanggang sa dumating ang araw na natutunan niyang kalimutan na iyon. Kung dati pa ito nangyari, tiyak na tatawagan niya ulit si Sebastian, paulit-ulit na tatanungin kung nasaan ito at kung uuwi ba ngayong gabi. Pero siguro dahil sa pagod na rin siya ngayong araw, bigla na lang siyang nawalan ng ganang gawin iyon. Sanay na rin naman siya. Pagkagising niya kinabukasan, pinag-isipan niyang mabuti at muling tinawagan si Sebastian. 12 o 13 hours ang agwat ng oras sa pagitan ng America at Pilipinas. Kaya kung ang time zone ng US ang susundin, ngayon mismo ang kanyang kaarawan. Isa sa mga dahilan kung bakit siya pumunta rito, bukod sa gusto niyang makita si Xyza at si Sebastian, ay dahil sa simpleng hiling niya na magkakasalo silang tatlo sa isang masayang hapunan sa espesyal na araw na ito. Ito ang birthday wish niya ngayong taon. Pero hindi sinagot ni Sebastian ang tawag niya. Matagal pa bago siya nakatanggap ng mensahe. [May kailangan ka ba?] Trixie: [Libre ka ba mamayang tanghali? Pwede ba tayong magkasamang tatlo ni Xyza para kumain?] [Okay. Just send me the address of the restaurant.] Trixie: [Sige.] Pagkatapos niyon, wala nang sumunod pang mensahe mula kay Sebastian. Hindi ba talaga nito naalala na kaarawan niya ngayon? Kahit handa na si Trixie sa posibilidad na ito, hindi pa rin niya napigilan ang balutin ng lungkot. She thought she would be immune to his cold treatment, but she guessed wrong. Matapos maligo at mag-ayos, handa na siyang bumaba nang marinig niya ang boses ng kanyang anak at ni Nana Sela sa ibaba. “Trixie, halika rito. Mukhang malungkot ang young miss. Hindi naman siya nagsasalita kapag tinatanong ko.” “Mom! May usapan na kami ni Dad na sasamahan si Tita Mommy sa sea side bukas. Kung bigla kang sumama, nakakahiya naman sa kaniya. Could you not go, please? Please?” “Isa pa, masungit ka kasi, Mom. Palagi kang masungit kay Tita Mommy. I don't want to hurt her feelings. Hmp.” “Young miss, ang asawa ng Daddy mo ay ang Mommy mo. Huwag mong sabihin ‘yan. Masasaktan ang damdamin niya, naiintindihan mo ba iyon?” “I know that Nana Sela, pero mas gusto namin ni Dad si Tita Mommy. Hindi ba pwedeng si Tita Mommy na lang ang maging mommy ko?” “Xyza!” Hindi na narinig ni Trixie kung ano ang naging sunod na sagot ni Nana Sela sa anak. Siya mismo ang nagpalaki sa kanyang anak. Sa early years nito, mas marami silang oras na magkasama. Pero sa halip na maging malapit sa kanya, mas naging malapit pa ang anak niya kay Sebastian. May mga pagkakataong naiiwan lang ang dalawa sa kwarto ng bata na hindi siya kasama, marahil ay iyon ang naging mitsa para mas mapalapit ang dalawa. Noong nakaraang taon, lumipat si Sebastian sa America para sa negosyo. Kasama niyang lumipat si Xyza. Ayaw sanang payagan ni Trixie na lumayo ang anak niya, pero hindi rin niya matitiis na makitang malungkot ito. Kaya sa huli, pumayag na rin siya. Hindi niya akalaing magiging ganito ang resulta… Parang nanigas si Trixie sa kinatatayuan niya. Nanlamig ang kanyang mukha, at matagal siyang hindi nakagalaw. Pumunta siya sa America ngayong taon, hindi lang para makita ang asawa kundi para makasama rin ang anak niya. Pero ngayon, mukhang hindi na iyon kinakailangan. Mukhang hindi na siya kailangan ng anak niya. Tahimik siyang bumalik sa kwarto at ibinalik sa maleta ang mga regalong dinala niya mula sa Pilipinas. Mga handmade crochet iyon na naging libangan niya tuwing nangungulila sa mag-ama niya. She guessed all efforts she put into these things are all in vain now. Maya-maya, tumawag si Nana Sela. Ipinasyal daw niya si Xyza, at kung may kailangan si Trixie, tawagan lang siya. Agad siyang nagpasalamat dito. Naupo si Trixie sa gilid ng kama. Pakiramdam niya, parang bigla siyang nawala sa sarili. Iniwan niya ang trabaho niya, nagmadaling pumunta rito dahil sobrang excited siya. Pero parang wala naman palang naghahanap sa kanya. Parang biro lang ang pagdating niya. Matagal siyang nanatili sa kwarto, she let herself wallowed in pity. Ilang minuto pa bago niya napagpasiyahang lumabas. Naglakad-lakad siya nang walang direksyon sa estranghero ngunit kabigha-bighaning bansa na ito. Nang magtatanghali na, bigla niyang naalala ang napag-usapan nila ni Sebastian. Magkikita nga pala silang tatlo para kumain! Naisip niyang umuwi muna at kunin ang anak niya, pero bago pa siya makapagdesisyon, dumating ang isang mensahe mula kay Sebastian. [May mahalaga akong aasikasuhin ngayong tanghali. Just cancel our lunch.] Tiningnan lang ni Trixie ang mensahe. Wala siyang kahit anong reaksyon doon. Dahil sanay na siya. Manhid na ba talaga siya? Sa puso ni Sebastian, hindi kailanman siya nanalo sa kahit anong bagay. Trabaho, kaibigan, o kahit ano pa, mas mahalaga ang mga iyon sa lalaki kaysa sa kanya. Ilang beses na nitong kinansela ang plano nilang dalawa, nang hindi man lang iniisip kung ano ang mararamdaman niya. Kung bibilangin nga, siguro ay may daang beses na. Noon, nasasaktan pa siya. Pero ngayon? Wala na siyang maramdaman pa. Lalo siyang nalito. Dumating siya rito na puno ng saya at pananabik. Pero ngayon, malamig ang pakikitungo ng asawa niya, pati na rin ng anak niya. Hindi niya namalayan na napunta na siya sa isang pamilyar na lugar—ang restaurant na dati nilang gustong kainan ni Sebastian pero laging hindi siya pwede. Papasok na sana siya ng restaurant nang makita niyang naroon si Sebastian. And what hurts her the most? Nandoon na naman pala ang mag-ama niya, ang kaso nga lang ay hindi siya ang kasama. Magkakatabi sina Wendy at Xyza, tila malapit ang loob sa isa’t isa. Her daughter is even happily swaying her feet. Habang kausap ni Wendy si Sebastian, tinutukso rin niya si Xyza. Tumatawa ang bata, masayang iginagalaw ang mga paa, at paminsan-minsan ay kumakain ng tinapay na kinagatan na ni Wendy. Samantala, si Sebastian naman, nakangiti habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ni Wendy at Xyza. Pero ang mga mata niya… nakatuon lang kay Wendy, para bang wala nang iba pang mahalaga sa paligid niya. Ito ba ang sinasabi niyang may mahalagang aasikasuhin? Sabagay, tama nga naman. Wendy is damn important to him. Kahit pa nga ang anak niyang siya mismo ang nagsilang, ang anak na inalagaan niya ng siyam buwan sa kanyang sinapupunan, at inialay ang kalahati ng kanyang buhay—ngayon, mas malapit pa sa ibang babae? Ngumiti si Trixie na hindi umaabot sa kaniyang mga mata. Tahimik niyang pinanood ang tanawing iyon. Kung may makikita sa malayo, tiyak na iisipin ng taong iyon na isang masayang pamilya ang ngayon ay nagsasalo-salo. Pagkalipas ng ilang sandali, dahan-dahan niyang inalis ang tingin at tuluyang umalis. Pagbalik niya sa mansiyon, agad niyang inihanda ang kakailanganin sa desisyon niya. She's gathering all the paperwork needed for divorce. She will divorce Sebastian Klint Valderama. Noong bata pa siya, si Sebastian ang pangarap niya. Pero pagkatapos ng araw na iyon, kailanman ay hindi na siya muling nakita nito. Kung hindi lang dahil sa nangyari noong gabing iyon, maaari kayang asawa ang turing ni Tres sa kaniya ngayon? Tres… Parang napakatagal na simula nang pumasok sa isipan niya ang pangalang iyon. Dati, naniwala siyang basta magsikap siya, isang araw ay mapapansin na ulit siya ni Sebastian. Just like their teenage years. Pero sa paglipas ng mga taon, paulit-ulit na ipinakita sa kanya ng tadhana ang katotohanang hindi niya gustong tanggapin. Halos pitong taon na rin silang kasal. Ngayon na siguro ang panahon para magising siya sa katotohanan. Matapos ilagay ang mga inihandang papel sa loob ng isang sobre, iniabot niya ito kay Nana Sela. “Pakibigay po nito kay Sebastian,” mahina niyang sabi. Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang maleta, lumabas ng bahay, at sumakay sa sasakyan. “Sa airport po tayo,” utos niya sa driver.Second. It's just Yanah's second day on the island but many unusual things had already happened, and many of those unusual things are her firsts. Her first time to ride a luxury car and a yacht. Her first time of being too close with a man. Her first hug with that man, and most specially, her first kiss.Everything just happened so fast that she can't even remember how she managed herself to walk after that. Hindi na rin niya alam kung paanong nakakain pa rin sya ng maayos kasama sina tita Diana at Ashton. Maging kung paano syang nakapunta sa kanyang kwarto ay hindi na rin niya gaanong matandaan. Paano ba naman ay palagi na lamang sumasagi sa kanyang isipan ang kanyang matamis na unang halik.Ganoon pala ang pakiramdam ng isang halik. Kung noon ay napapanood lamang niya ito sa mga palabas, o di kaya ay nakikita nya lamang na ginagawa ng ibang tao, o sa mga ikinakasal, ngayon ay sya na mismo ang nalagay sa sitwasyon iyon. Noon ay naririnig nya lamang kay Scarlet kung ano ang pakiramda
Yanah was nervous but at the same time happy with her situation at the moment. She has the perfect moment with her beloved though she knew it was all just for a short period of time.Alam niya sa kaloob-looban niya na may hangganan rin ang lahat, at hangga't kaya niya ay mananatili siya sa kanyang limitasyon.Kasalukuyan pa ring nakayakap si Yanah sa likuran ng binata. Napakalakas ng tibok ng kanyang puso at hindi niya sigurado kung nararamdaman din ito ng binata. Pinipilit man niyang ibaling ang kanyang atensyon sa magandang tanawin na nasa kanyang paligid ay hindi pa rin niya maiwaksi sa kanyang kaibuturan ang katotohanang nakayakap sya ngayon sa lalaking kanyang tinatangi.Ibinaling na lamang niya ang kanyang paningin sa di kalayuan at natanaw niya ang kumakaway na Ginang. Tita Diana is gracefully waving her hand while being excited for their arrival. She is wearing a blue floral maxi dress and a hat paired with a brown sunglasses. Napakaganda nit
After that heart-to-heart talk with sister Jane, Yanah has been thinking a lot about what to do next. She already decided to forget above her feelings earlier that day, but after hearing what the nun said to her, she now has doubts about her decision. Will she forget about her feelings and move on? Or will she continue and try to pursue the love of her life?Kasalukuyang lulan sina Yanah at Ashton sa kotse ng lalaki. Hindi nya alam kung anong brand ang kotse na kasalukuyang sinasakyan ngunit batid niyang napakamahal nito.Paano ba naman ay napakahigh tech ng kotse, sinabi lamang ng binata kung saan sila papunta at sumagot naman ang screen na nasa dashboard ng kotse na talagang ikinamangha niya. Iyon pa lamang ang pinakaunang pagkakataon niya na makakita ng ganoon. May kotse rin naman ang kanyang matalik na kaibigan na si Scarlet at lagi syang sumakay roon ngunit hindi iyon ganitong kagara.Kaya naman may isang nadagdag na naman sa kanilang mga napaka
Isang linggo na ang nakalilipas simula ng magkita sina Yanah at Ashton ngunit hindi pa rin niya magawang kalimutan ang nangyari. Wari ay sariwa pa sa puso’t isip ni Yannah ang bawat salitang binitiwan ni Ashton.Bagama’t masaya si Yanah sa nangyari ay naroon pa rin ang kanyang takot. Takot lalo pa’t una na syang binalaan ng kaibigang si Scarlet.Nagsimula ang araw ni Yanah sa Pagluluto para sa agahan ng mga bata sa ampunan. Isa lamang sanang pangkaraniwang araw iyon ngunit bigla ay may lumapit sa kanya.“ Yanah, may boyfriend ka na pala di mo sinabi, grabe ang gwapo!!” Sabi sa kanya ng isang volunteer na tuwang tuwa at kinikilig pa.Nagtaka naman si Yanah sa sinabi ng babae.“Anong boyfriend? Eh wala naman akong ganun.” Pagtatanggi niya sa sinabi nito.“Anong wala? Ehh sino pala yung naghahanap sayo?” tanong ng kaibigan sa kanya.Laking pagtataka naman ni Yanah sa sinabi ng k
After like a million years of persuading, Scarlet finally won against Yannah. For the very, very first time, she made her wear a slightly revealing red dress.At first, she was so against it, but after some negotiations and ripping of clothes, Scarlet finally won.Hindi rin naman maipapagkaila ni Yannah na bagay nga sa kanya ang damit kaya naman ay pumayag na rin siya.Habang palabas sila ng shop, ay hindi mapigilan ni Yannah ang maging awkward sa suot na damit. Bukod sa hindi siya sanay sa pagsusuot ng ganoon ay hindi rin siya sanay sa atensyong nakukuha niya.Pagkalabas pa lamang nila ng fitting room ay namangha na kaagad ang mga saleslady na nasa loob ng shop. Hindi makapaniwala ang mga ito na ang old-fashioned na babaeng pumasok sa shop nila ay may tinatago din palang kaseksihan.Lalo ring dumami ang atensyong nakuha nila ng lumabas sila ng shop. Mapa babae man o lalaki ay kakikitian mo ng paghanga, may iba namang kababaihan na bakas ang inggit
Tatiana and Scarlet are on their way to the shopping mall. It was their usual hobby specially when Tatiana's having her nightmares.It's Scarlet's way of pampering her friend. Kahit na hindi man siya pinapayagang bilhan ito ng mga mamahaling bagay, ay bumabawi naman siya sa pagpapasaya dito.Alam niyang makasama lang siya ni Yanah ay sapat na sa babae. Kaya ito ang dahilan kung bakit si Yanah lang ang naging totoong kaibigan niya. Kahit ulila ito sa magulang at malayo ang agwat nila sa buhay ay hindi nito kailanman pinagsamantalahan ang pagiging mayaman niya.Maging ang mga magulang ni Scarlet ay malaki ang tiwala kay Yanah. Nakita ng mga ito kung gaano kabuti ang kalooban ng kaibigan dahilan kung bakit pumayag din ang mga itong sundan niya si Yanah sa University na pinasukan nito.Pinagmasdan niyang mabuti ang kaibigan. Hindi maipagkakailang sobrang ganda nito. Masyado lamang itong konserbatibo kung man
Komen