Share

Chapter 62

Hinayaan ko lang si Dean na pagtawan ako. Di bale at gaganti ako.

Pasimple kong inilibot ang aking paningin dito sa loob ng kanyang opisina. Ang mga mata ko ay natigil sa isang halaman na nasa aking tabi. Napangisi ako nang mahulaan ko kung anong klaseng halaman ito.

Isang Kalachuchi..

Gusto kong matawa dahil sa dinami-rami ng halaman na pwedeng ipalagay ni Dean dito sa loob ng opisina niya ay isang Kalachuchi pa. Iba rin ang taste niya. Well, matitikman na niya ngayon kung ano ang lasa ng kanyang halaman.

Mabilis at naging maliksi ang aking galaw sa pagpitas ng mga dahon nito. Inilagay ko ang mga nakuha na dahon sa ibabaw ng lamesa at binilang. 

Lima.

Lihim na akong natatawa. Dinikdik ko na ito ng mabuti upang lumabas ang lahat ng katas nito para mas mapait. Nang matapos ay inilagay ko na ang katas ng Kalachuchi sa natimpla kong kape ni Dean. Isinama ko na rin ang dinikdik na dahon para mas masaya. Mabuti na lang at lumubog ito at hind

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status