Share

Chapter 59

Pagkarating namin sa bahay ni Jacob ay nakabukas lahat ang ilaw nito pati na sa labas pero ang ikinagulat ko ay ang aking nabungaran. Sa labas kasi ay nagkalat ang mga plywoods, pako at iba pang mga natibag na semento.

Nagtataka ko tuloy na nilingon si Jacob na nasa aking tabi. Nagpaayos ba siya ng kanyang bahay kanina habang wala ako?

Pagbalik ko ng tingin sa balkonahe ay doon na talaga natigilan. May mga naglalakihan kasi na mga bagahe doon.

Sino naman kaya ang bisita ni Jacob?

Tatanungin ko na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Sebastian na nakangisi.

"Hey Lauren. Good evening!" bati niya at bahagya pang kumaway.

Mula sa kanya ay dumako ang aking tingin sa mga gabundok na mga bagahe.

"Sa iyo ang mga iyan?" tanong ko saka itinuro pa ang mga gamit.

"Yep. Flash news Lauren, dito na ako titira!" natutuwa niyang wika.

Nalaglag ang panga ko.

What? Totoo ba ang narinig ko?

Lumabi si S

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status